2 minute read
Mondofacebook
PALETA II
36
Advertisement
Everyone has his own intellect and freewill… …and a facebook account. ‘Wag ka nang magugulat kung pati si Nanay o maging si Tatay ay nag-iisip na ng maganda at papatok na fb status. Samantala, mapanganga ka kaya kung makita mo ‘yong nilimusan mong bata sa kanto; e, todo ang dutdot sa spacebar maibagsak lang nang maayos ang kanyang tetrimino? “Penpal” is so old school, FB is the new trend daw, sabi naman ni yaya. Sa facebook kasi international! Sobrang daming foreigner over the web na mahilig sa exotic beauty. ‘Yan ang target ni yaya, ang mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Aba, teka, may fb account kaya si PNoy? I-search mo at ang makikita mo lang ay mga fan page na bumababoy sa kanyang makintab na noo. Kung meron man siguro siyang account, panghanap lang niya ito ng babaeng magliligtas sa kanya sa pagiging single!
Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are…
Ngayon: Tell me your facebook account, I’ll browse it and I’ll tell you who you are. Sample: Masasabi mong narcissistic na nga ang isang tao kung pag-browse mo sa kanyang album ay libo-libong solo pics ang makikita mo at ang iba rito ay group picture talaga na ikina-crop para lang maging solo. Dito mo rin makikita ang
ni EFREN S. ALMOZARA JR.
mga taong uhaw sa papuri, i-like mo lang ang kanilang mga status na “Got a perfect score in PE!” at siguradong mabilis pa sa madaling-araw kung pasalamatan ka nila ng “thx pow sa like! :)” Sa fb, naglipana ang mga taong kulang sa pansin na lahat na lang ng kanilang gagawin ay ipo-post, “Log-out muna, magni-nail-cutter lang!” E, ano ba’ng pakialam ng iba sa ginagawa mo? ‘Di ba nga “What’s on my mind?” hindi “What are you doin’?” May mga tao talagang gusto lang magyabang. Magsasalubong na lang ang dal’wang ahit mong kilay ‘pag nabasa mo ang mga post nila tulad ng “Here at Starbucks!” E, gago pala siya, e! Ano naman sa ‘kin kung nagkakape siya riyan?!
Lahat ng sobra ay masama.
Over-used. ‘Yan ang facebook. ‘Yong favorite news show mo ay facebook oriented na rin: “Poll ng bayan, bagay ba si _______ para kay PNoy? To vote, visit our fan page on facebook. Paano pala kung PNoy fans club lang ang online sa fb no’ng mga oras na ‘yon? Ibig sabihin, hindi reliable ang magiging sarbey. E, bakit sinasabi ng mga news show na ito na “pawang katotohanan lamang…”? Naloko na! Ginagamit na rin ang facebook sa mga beauty pageant. Nakakatawa ang mga pageant organizer dahil isinali nila sa criteria of judging ang number of likes sa [teka…] picture [na ba talaga yan?] ng contestant. Hindi ba nila alam na ilan sa mga like na ito ay dala lang ng awa at pangungulit ng mga contestant? Baka nga ang iba pa rito ay mga multiple o gawa-gawang fb accounts lang ang ginamit na pang-like.
The only constant thing in this world is change.
Friendster… Facebook… What’s next? Nang makapag-sign-up na ko!