Paleta
Opisyal na Publikasyon ng mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Katimugang Luzon Kolehiyo ng Inhinyeriya, Lucban, Quezon
1/F MHDP Bldg., College of Engineering Southern Luzon State University Lucban, Quezon 4328 Philippines thespark.slsu@gmail.com www.thesparkslslu.wordpress.com
PALETA TOMO 4
Karapatang ari © THE SPARK Patnugutang 2014-2015 Karapatang-ari ng mga gawa ay nananatili sa kani-kanilang mga tagalikha. Reserbado ang lahat ng karapatan kasama na ang karapatan sa reproduksyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari.
P4leta
Likhang Pampanitikan ng The Spark
PROLOGO
Para sa Bansang Sawi
Sa pagmulat ng mga mata, makikita ang dimensyon —
Taas, luwang
“Magkakaroon ng rebolusyon, simulan ko na kaya ngayon.” —Dong Abay
I lalim
Sa kabila ng kartang nananalig sa mga saligang karapatan ng tao, patuloy na nadaragdagan ang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Ang konsepto ng karapatang ito ay may mataas na kalidad ng kaalaman at kamulatan. Paano ito maipauunawa sa mamamayan kung ang akademya, na nagsisilbing angklahan ng estado, ay walang espasyo para sa kamulatang karapatang pantao? Ang mga walang lakas, walang malay, walang tinig ang sentrepetal na tikha ng ika-apat na tomo ng Paleta. Hindi ka nag-iisa sa mga dinaranas mo. Maraming magkakatulad ng hinaing pero hindi bumabalikwas sa rumaragasang agos. Marami ang mas mahusay sumulat at magpinta ngunit walang panahong makisangkot. Ang paglalathala nitong folio ay para sa kanila at sa amin. Sa pagmulat ng mga mata, makikita ang dimensyon — taas, luwang at lalim — ng mga bagay. Sa pagkatkat ng utak, mababatid ang kahulugan — eksistensya at persepsyon — ng mga ito. Nakalantad ang katotohanan sa ating lahat.
at
— ng mga bagay.
FAITH P. MACATANGAY Patnugot ng Panitikan
MGA NIL M aikl
Dula
ing
Panaghoy ng Katahimikan Ang Tatlong Maria sa Lansangan
Kwento 90 122
Pantoum Tao Ka, Sumulong Ka: Isang Pantoum
128
Si Diana sa Piling ng Apat na Anghel 04 Ang Batang Hindi Pinangalanan 14 Mamamatay Ako Hindi Para sa Bayan 16 Niyebe sa Tag-araw 20 Sampu 22 Where Did My Pera Make Go? 40 Ang Huling Araw ng Pagbibilang Ko ng mga Bakod 54 Nang Mapansin Kong ang Lakad Ko’y mga Hakbang ng Aking Ama 70 Isang Bilaong Puto 78 Basang Chalk 86 Bulag 99 Ang Butas sa Gitna ng Limang Piso 103 Panulat Ko’y Dugo 03 Tagapagmana 06 Chain of Hatred 10 Tapon 27 Ta[o] 32 Sabay sa Alon 34 Moths on a Deer (Part I) 46 Butil ng Palay sa Bitak ng Lupa 38 Baliktad na Kaisipan ng Kaisipang Binaliktad 53 Tulang Hindi Magkatugma 66 Magsulat, Magmulat, Manunulat 72 Magsisi: Isang Ideolohiyang Basura 80 Pangarap 81 Saan nga ba Napupunta ang Tao Kapag Pumanaw na? 85 Ang Pagdalaw ng Anghel 119 Moths in a Deer ( Part II ) 121 Minsan sa May Amin 124 Unang Misteryo ng Hapis 126 Tatlong Tanaga ng Bagong Katipunan 127
T ul a Ang Alamat ng Mahiwagang Finger Brothers’ Soul
a s k i Kom
93 125
s k i f a r tG
Sanaysay
Sandamukal Taguan Sketch Tutorial Kuro-kuro When They See What You Cannot Fair at Market Day
26 28 62 75 91 96
ALAmAn 112 120
That Was Not Only a Thing Kailan Ako Huling Naging Matapang?
y a s Sanay
7 Bakit may Panty sa Kanal 24 Lipat-Bahay 61 Isang Supot ng Tinapay 63 Tayo na 74 S 82 Pagsisid sa Lupa 108 Erratum 110 Sampung Kuwento ng Kababalaghan 116 Sa Pagputak ng Manok ng Kapitbahay 117 Nang Mapalitan ng Agiw ang Liwanag ng Lampara
31 33 36 60 64 84 88
Dagli
08 09 13 18 19
114 129 11 12 42
102 109
L
Ang Bulaklak ng Digmaan Tubog Murang Laman Sa Lugar Kung Saan ‘Di Ka na Malulungkot Hain Pintakasi Sa Paghihintay Sining ng Rebolusyon Dalawang Mukha ng Magsasaka Kapalaran ng Sandatahan
arawan Nilapatan g
ibuh ong
D
43 51 67 89 92
Tulak Kahig-Sisiw Maskara ng Kapatawaran Sa Tamang Oras at Timbang Pasintabi Lusis Bawat Bata Ang Salitang ‘Di Binigkas Quintos Unchanged Melody Manlalakbay sa Pinatag na Kahirapan Through a Child’s Eye Beinte y Otsong Taon ng ‘Di Napapaaos na Sigaw Ka[wa]wang-gawa
ula T ng
a t i n gu g a P Si n i n g n g 25 37 50 52 65 104 118
may Tula
Concealed Veracity Woe of Valor Lost And Not Found Sinikil na Tinig The Salted Package Hapless Star Disturbed Silence
Taas Hanggang hindi ka nakararanas ng suliranin, mananatili ang damdaming pambata.
3
Panulat Ko’y Dugo Ibusal nang ‘di maisiwalat. Takot na kay lalim ay sumusugat Uukil nang sagad sa mga kalamnan. Nanunuot ang kaba sa lalamunan. Bulol sa pangakong ‘Mahal kita bayan.’ Mapangod na armas na hindi mailapat. Takot sa taas ng dilaw na pangalan. Kailan iaalab ang pluma? Tikom, malat, utal. Patay na ang diwa ng tinta Sa sikbi ng laban, anong ioobra? Ang putok ng baril sa dakong timog, nagmumulat sa aking maling kamalayan. Ang dugo ay sumulat. Sambayanan ang nagtanong at nangusap. Tikom, malat, utal. Dugo pa rin ang ipangsusulat. P4 LETA
4
“Muling pinapak ang natitirang kamangmangan ng pag-iisip na tinakasan ng katinuan.”
Si Diana sa Piling ng Apat na Anghel Hanggang ang langit ay nasa lupa, pamumugaran ito ng mga mapaglarong anghel. Alam ni Diana na si Mang Tony ang paparating. Sa hibay pa lang ng kanyang paglalakad at hulma ng katawan, nakasisiguro ang dalagita. Muling magugusot ang kanina’y makailang ulit niyang binanat na bagong kobre kama. Kanina kasi’y tanghali na nang nagising si Benjo, ang kanilang katiwala sa babuyan. Sa loob ba naman ng kulang-kulang pitong buwan ng walang-palyang pagdalaw nito tuwing pipikit ang araw, nakasanayan na ni Diana ang maghintay sa may hagdanan. Ngayon nga’y suot niya ang kakarampot na telang kasama sa pasalubong na pansit ni Benjo kagabi. Sa kulay na pula at sa napakanipis na tela nito tiyak na mauulol si Mang Tony. Idagdag pa ang hindi niya pagsusuot ng pang-ilalim. Salamat na lamang sa mumunting itim na mga burda na tumatakip sa kanyang kaselanan. Tuyo na ang kanyang may kahabaang buhok na kahit hindi niya sinusuklay ay nakadaragdag sa kanyang alindog. Tuyo na rin ang kanyang balat na kanina’y buong pagsuyong hinaplos at kinuskos ni Benjo sa loob ng bakanteng koral ng baboy. Doon nga’y naulit ang ginawa nila sa lumipas na magdamag sa pagitan ng bawat pagbuhos P4 LETA
5
ng tubig mula sa bukas na hose na dapat sana’y ipanliligo ng mga baboy. Masaya na si Diana. Bukod sa panandaliang langit na kanyang nasisilip tuwing nakikipagniig, nakatakas na rin siya kay Mang Gorio na unang nagpalasap sa kanya ng sarap at sakit. Dati, kapag tumatabi sa kama si Mang Gorio may kalakip itong hapdi, dulot ng kakaibang istilo nito. Lahat ng panibugho nito sa asawa ay naibabaling niya sa dalagita. Mas tumitindi pa ang kabalahuraan nito kapag nakakainom ng alak, nadedehado sa sabong o hindi kaya’y kapag nasasabon ng misis nito. Pasa, galos, bakas ng lubid sa pulso at leeg, kagat, paso, bali at humahapding mga kaselanan – nakasanayan na ni Diana na sa ganoon umiikot ang sining ng pakikipagtalik. Natigil ang lahat nang mabuko ng asawa nito ang ginagawa nilang kababalaghan. At doo’y muling napatapon si Diana sa lansangan. Naging sikat si Diana sa mga parokyano ng laman sapagkat bukod sa mura pang katawan, hindi rin siya nagpapabayad. Pagkain – kahit tatlong pirasong pan de coco ay agad itong sasama. Hanggang nakilala niya si Juancho, isang pilantropong naging masugid niyang manliligaw. Nasa apat na ulit ang tanda ng edad nito sa kanya. Ibinahay siya ni Juancho. Sapat ang salapi nito upang maitaguyod si Diana, ngunit may isang bagay ang kailanma’y hindi nito ipinagkaloob sa dalagita – ang pakikipagniig. Busog man ang sikmura, hindi naman natitighaw ang tibok ng kanyang puson. Hinahanap pa rin ng kanyang murang katawan ang mga hagupit at mga latay. Ngayon nga’y natagpuan niya ang ligaya sa piling ni Tony, ang bagong nagmamay-ari ng mga naipundar ni Juancho matapos pumanaw ang kapatid dahil sa komplikasyon sa prostate. Dito nga’y nakakatulong niya ang anak na si Benjo na nasa beinte na ang edad. Buong pananabik niyang sinalubong si Tony at sinimulan ang paglalakbay ng mga nag-iinit na katawan. Muling pinapak ang natitirang kamangmangan ng pag-iisip na tinakasan ng katinuan. Katulad ng pinsan nitong si Mang Gorio, ang lahat ng kababuyan ay naidaraos ni Tony sa kaawa-awang dalagita. Sa edad na kinse, hindi pa rin abot ng isip ni Diana na siya’y pinagsasamantalahan. At mula sa edad na ito, hindi na rin niya malalaman ang inilibing na istorya ng isang lalaking natagpuan sa kalye ang anak na ikinubli ng pagkakataon. P4 LETA
6
Tagapagmana Sumasayaw sa saliw ng mga tugma Ang umaawit na makata. Kasabay ng madiing tugtog ng mga tinta Ang pagsawsaw ng pluma. Naglalaro sa haplos ng mga salita Ang namamaos na tinig ng makata, Kasabay ng mapangahas na pagbitaw ng mga kataga Sa nandarayang mga taya. Nadala ng malaking alon ng karagatan Ang mapangahas na makata. Nawala sa pandinig Ang kanyang awit at tinig Ngunit muling uusbong Ang haplos at tugtog ng musika Sa ating mga tainga. Tayo ang magtutuloy ng pag-awit Ng makatang nadala ng karagatan At tinago ng agos Upang hindi na muling masumpungan. P4 LETA
7
“Si Amy ay mala-pipisuhing kendi…”
Bakit may Panty sa Kanal?
Sa dalampasigan, habang naglalakad ang magkasintahang sina Giboy at Amy, bumulusok ang namuong hangarin ni Giboy na nanunuot sa buo niyang kalamnan. Nagdilim ang kanyang paningin gayun din ang kanyang binabalak na mas madilim pa sa kalangitang nagbabadyang umulan. Sa paglipas ng sandali’y hindi na kinayang labanan ni Giboy ang mga wari’y malalaki at malalakas na kamay na tumutulak sa kanya na gawin ang balak. Walang pakundangan niyang hinila patabi si Amy, iginuyod sa kubling lugar. At sa sumunod na sandali, si Amy ay mala-pipisuhing kendi na dali-daling binalatan at kinagatan hanggang sa mabasag at magkapira-piraso. Sa loob ng may kinse minutos na pangyayaring iyon, nabago at nabaligtad ang mundo’t kaluluwa ni Amy. Maaaring sa iba ito’y paraisong higit pa sa langit ngunit para kay Amy isa iyong karanasang higit pa sa impyerno na regalo ng inakala niyang anghel pero hari pala ng mga demonyo. Sa kanyang pag-uwi, umugong ang kanyang tahimik na paghikbi, bunsod ng nagsusumigaw na damdaming humihingi ng tulong at hustisya. Habang tinititigan ang kanyang katawan, may napansin siyang pulang likido. Patuloy itong umaagos sa kanyang binti at kumukulay sa tubig na umaagos sa marmol nilang sahig. Kung nakapagsasalita lamang sana siya. P4 LETA
8
tulak Tila walang katapusan ang pagikot ng kahirapan sa palad ng mga maralita. At sa pagbigat ng kapalaran, isa-isang aalalahanin ang mga dahilan kung bakit umiikot ang gulong ng kanyang buhay.
P4 LETA
9
KAHIG-SISIW
Ang siyap ng mga inakay ang siyang magbibigay-buhay At ang murang kaisipan ang magtataguyod sa isang bagong lipunan.
P4 LETA
10
Chain of hatred Stray bullets passed through walls, pierced his body but not his heart. His life was saved but not his mother’s. Alone with his dog, must survive the present.
A child, staring at Jesus’ last supper with His disciples. Beside him were two dining plates, They’re for his mother and for his father. He kept on waiting, But they never came. All ended when peace was broken, so his innocence. Missiles descended from dark sky, set the mountain on flames, burned people to ash. The child survived but not his father. Alone with his mother, must endure the pain. P4 LETA
Smoke rises from ground, Climb high into the sky. War tanks crushed his home. His life was spared but not the dog’s. Alone with himself, must worry about the future. Childhood tainted by terrors, School uniform covered in blood, Pure soul eaten by hatred, Caused him to crave for power, To seek for revenge. He waited for the time, Then raised his own war. Another city was on fire. Another homeless child was born.
11
Ang Bulaklak ng Digmaan
Sumisibol ang mga binhi sa kaparangan sa taglagas ng mga dahon ng araw. Hanging amiha’y sumasamyo sa tuyong dalampasigan. Sa saliw ng paglipad ng agila, ako na lang ang may tangan sa puting panyo.
P4 LETA
12
tubog Tutunawin ng init ang murang pag-iisip Ang gintong nilalangit ay mababaon sa putik Sa lupang binubungkal ng mga maralitang paslit Kumunoy ng kinang ng pag-asa sa likod ng pasakit
P4 LETA
13
Sa bulong ng kasalanan Darating ang kasinungalingang Magkukulong sa inosenteng kamalayan Ng tunay na makasalanan.
maskara ng kapatawaran
P4 LETA
14
Ang Batang Hindi Pinangalanan
“Didiligin ng kawalang-malay ang tahimik na lansangan.”
Hindi binigyan ng pangalan ang dalawang mumunting mga paang naglalakbay sa pagitan ng mga nagbubungguang mga balikat ng mga taong sa gabi nabubuhay. Mapapansin ang mga palad niyang ubod nang higpit na nakatangan sa isang bagay, sa tapat ng dibdib, na mas malaki pa sa kanyang mumunting mga braso. Hindi maikukubli ng kanyang hanggang balikat na buhok ang mga matang minsa’y natatabingan ng mga hibla tuwing may sasakyang nagdaraan. Mababanaag ang pagkabalisa sa malikot na pagkilos ng kanyang mga mata, animo’y isang inang iniiwas ang hawak na supling sa kung sinumang magbalak ng masama. Hindi iilang ulit na tumigil ang musmos sa paghakbang upang magpaubaya sa mga nag-uunahang mga tao at sasakyan upang masigurong walang makasasagi sa kanyang dala-dala. Maya’tmaya niyang inililipat ng puwesto ang hawak, tanda ng kakulangan ng lakas at murang katawan. Usok ng sasakyan at maging ng mga naninigarilyo ang kanyang nalalanghap, dahilan upang dalahikin ng ubo at magbara ang ilong na dinadaluyan ng malapot na likido. Muli siyang tumigil. At nagbunga ito ng hindi niya mabilang na katawang bumangga at tumabig sa kanyang pagkakatayo. Subalit hindi ang mga ito ang dahilan ng kanyang mga nangingitim na mga pasa. Mga pasang nakasilip sa kanyang manipis na manggas. Hindi rin ang usok ng mga sigarilyong kanyang nalalanghap ang dahilan ng mga paso sa kanyang mga palad, ng natuyong dugo sa laylayan ng kanyang saya at ng hindi pa rin gumagaling na mga labi. Hindi P4 LETA
15
ang mga taong bumangga sa kanya ang dahilan kung bakit hindi siya makatingin nang diretso sa mata ng nakakasalubong niya. At higit sa lahat, hindi ang mga ito ang dahilan kung bakit wala siya sa paaralan. Kumaliwa ang musmos sa ikatlong kanto. Subalit hindi pa niya tanaw ang patutunguhan. Napabuntong-hininga ang paslit, malayu-layo pa ang kanyang babaybayin. Mabuti na lamang at nabawasan na ang mga dumaraang sasakyan. Isang grupo ng mga ka-edad niya ang naabutan niyang humihingal sa pagtakbo sa iginuhit na mga parihaba sa gilid ng kalye. Dahil isang batang sabik sa pagkabata, natagpuan niya ang sariling nakaupo sa nakausling ugat ng matandang punong naiilawan mula sa katapat na tindahan na una niyang binalak na pangutangan. Pansamantala niyang ibinaba ang dala-dala at inipit sa pagitan ng nangingitim at namamaga ring binti. Napako ang kanyang tingin sa mga lumulundag na bata sa bawat kahong iginuhit. Napapangiti rin siya sa tuwing magkakantyawan ang mga naglalaro na tila ba’y kasali na rin siya sa laro ng mga ito. Tumagal ng may kinse minutos ang kanyang panonood, hanggang isa-isa nang nawala ang mga naglalaro. May pagdadalawangisip siyang tumayo, hindi binibitawan ang hawak na tila ba’y hindi maaaring mawala sa kanyang kandungan. Dinampot niya ang piraso ng basag na palayok na ginamit ng naunang mga manlalaro. Mataman niyang inihagis ang pamato at sinundan ng paglundag. Muling dinampot ang pamato at itinuloy ang pagtalon. At sa minsang pagbibiro ng tadhana, bumagsak sa sementadong sahig ng kalsada ang kanyang tangan-tangan. Dumaloy ang malabnaw na likido.
Patlang. Ang kaninang kamay na mahigpit na nakahawak ay napalitan ng panginginig. Muling naglakbay ang kanyang mga mata paikot sa lugar na tila ba’y naghahanap ng ibang nakasaksi, at sinundan ng nag-uunahang pagpatak ng kanyang luha at hikbing pilit na pinipigilan. At sa hindi maunawaang galaw, dinampot niya ang piraso ng nabasag na bote at tumakbo sa pinakamabilis na kaya niyang gawin. Lumalakas ang hagulhol ng kanina’y pinipigilan niyang hikbi. Gusto niyang bigkasin ang pangalan ng kanyang ina, subalit tulad niya’y hindi rin ito pinangalanan. Gusto niyang humingi ng simpatya gayong wala pa namang umuusig sa kanya. Gusto niyang ibalik ang huling dalawampung minuto, at baguhin ang lima sa mga ito. Gusto niyang maging bata, pero mas gugustuhin niyang hindi masaktan. Malapit na niyang marating ang kanyang pupuntahan, ilang hakbang na lamang. Subalit bakit hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa. Hindi na rin niya maigalaw ang kanyang mga mata, ang dating kanina’y malilikot niyang mga mata. Iisa ang kanyang nakikita, isang mukha na lamang, ang kanyang ama. At muli niyang nadama ang matinding takot at pagsisisi. * Kanina’y may isang paslit ang inutusan ng kanyang ama. Kanina rin ay may isang batang nakaladkad ng tren sa tapat ng nagiinom niyang ama at siya’y hindi pinangalanan. Sa isang kamay niya’y isang piraso ng basag na bote at sa kabila nama’y piraso ng basag na palayok. Dumaloy ang malapot na likido. P4 LETA
16
“Nagkakagulo lamang sa tuwing papalapit na sila.”
Mamamatay Ako Hindi Para sa Bayan Isang lungsod na naman sa timog ang nababalot sa makapal na usok dulot ng giyera sa pagitan ng mga magkakapatid. Nagkalat ang mga tangke ng militar sa paligid gayon din ang mga sundalo ng gobyerno. Nakabibingi ang putukan ng mga baril. Naroon ako, nakahandusay sa maalikabok na lupa at nababalot sa dugo ang aking puting uniporme. Ako si Jeremy. Labing-anim na taon na akong namumuhay sa isang bayan na matagal nang nilisan ng kapayapaan. Ako’y nasa sekundarya na, sa isang pampublikong paaralan na napag-iiwanan naman ng panahon. Sa landas patungo rito magsisimula at magtatapos ang aking kwento. Mula sa aking kamay, isinilid ko sa bulsa ng aking polo na malapit sa aking kaliwang dibdib ang buong limang piso na bigay ng aking ina. Niyakap ko siya at ako’y nagsimula na sa paglakad patungo sa eskwelahan. Mabato at maalikabok ang daan, wala pa ring pagbabago. Ganito na ito noong magkamuwang ako sa mundo. Ganoon din naman ang aking paaralan. Kulang sa mga libro, sa mga silya, sa mga guro at sa
P4 LETA
17
lahat ng bagay na may kinalaman sa edukasyon ngunit sobra naman ang mga estudyante. Tuluyan na sigurong nilimot ng modernisasyon ang aking bayan. Ang pagmumuni-muni ko tungkol sa mga bagay na ito ay biglang nahinto dahil sa putukan sa hindi kalayuan. Hindi ko na lamang ito pinansin dahil pangkaraniwan na ang ganitong mga eksena rito sa amin. Barilan, batuhan ng granada, mortar at kung anu-ano pa na maaaring ikagalit ng Diyos. Kahit nasanay na ako sa mga ito, hindi pa rin nawawala ang takot sa aking puso. Mabuti sana kung sila lamang ang nagkakasakitan o namamatay pero hindi. Dahil sa kanila, namatay ang lola ng aking kaklase matapos tamaan ng mortar ang kanilang bahay. Minsan napapaisip ako kung bakit ba patuloy na nagpapadala ang bulok na gobyerno ng mga sundalo, mula sa Luzon o kung saan pa mang lupalop ng Pilipinas, dito sa aming lugar. Nagkakagulo lamang sa tuwing papalapit na sila. Nagpatuloy ako sa paglalakad ngunit napahinto muli dahil sa pagkalansing ng limang piso na nasa bulsa ng aking polo. May kung anong tumama dito. Kinapa ko ito at nagulantang sa aking nakita. Umaagos ang dugo mula sa aking dibdib. Ang limang piso na bigay ni Inay ngayo’y butas na sa gitna dahil sa tama ng bala. Unti-unting lumabo ang aking paningin hanggang sa ako’y matumba at sumubsob sa lupa. Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay, nakita ko na may mga sundalong papalapit sa akin. Naramdaman ko na may nakahawak sa aking sugat na tila pinipigil ang pagdurugo. Ako’y binuhat ng isa. Mabubuti pala sila. Kung nagkataon, siguro’y ganoon na lamang magwawakas ang aking pangarap na mabigyan si Inay ng magandang buhay. Balang araw, magiging isa ako sa kanila. Mamamatay ako hindi para sa aking bayan ngunit para sa aking bansa. P4 LETA
18
Tutugtugin ng maka-ilang ulit ang oras ng pamamahinga. Itatara ang bigat sa timbangang mali. Iaangat ng bisig ang sinukat na lakas At magpapatuloy ang init ng walang-hangang sandali.
Sa tamang oras at timbang Muling tutugtugin ang oras ng pamamahinga Subalit ang buhay ay mananatiling nasa bisig at kailanma’y hindi ibababa. P4 LETA
19
pasintabi Ang mga paa’y iaangat sumandali mula sa lupa Tatanawin ang panig ng buhay na minsa’y inasam ng dukha Karaka’y inusal itong salita “Bakit kami lang ang dapat maiwang kaawa-awa Gayong sa inyong pagtakbo’y may pangakong kinatha?”
P4 LETA
20
“Hindi na kakailangin pa ni Jem na pagmasdan ang pagkalagas at pagbagsak ng mga tuyong dahon…”
niyebe sa Tag-araw Banayad ang pag-ihip ng hangin na nagdudulot ng pagkalagas ng mga tuyong dahon ng mga punong akasya sa paaralang elementarya na pinapasukan ni Jem. Tanawin na nagpapalimot sa sakit dulot ng mga pasa at paso ng sigarilyo sa kanyang katawan. Kasabay ng pagbagsak ng mga dahon sa lupa ay ang pagpatak ng kanyang luha habang tahimik na nakaupo sa gawing hulihan ng silid-aralan, malapit sa bintana. Minsan, mababaling ang tingin sa mga puno o kung hindi naman ay sa lumang orasang nakasabit sa itaas ng pisara. Hindi siya mapalagay. Natatakot sa pagturo ng mga kamay ng orasan sa ikalima ng hapon. Lagi siyang nangangamba sa kung ano ang puwede niyang madatnan pag-uwi sa bahay. Noong nakaraang hapon, naabutan niyang nakasubsob ang kanyang ina sa lupa at walang malay. Putok ang labi nito at nabungi ang dalawang ngipin sa itaas dahil sa pagkaka-umpog sa mesa. Kung maaari sana, mas pipiliin na lamang ni Jem ang manatili sa paaralan ngunit ang labis na pag-aalala sa ina ang pumipigil sa kanya. Palubog na ang araw nang tahakin ni Jem ang masukal na landas patungo sa munti niyang tahanan. Tanging huni ng mga kulisap ang nagpapa-alala na hindi siya nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Matapos ang halos P4 LETA
21
kalahating oras na paglalakad, narating ng bata ang isang dampa sa gitna ng malawak na palayan. Binuksan niya ang tarangkahang sawali at pumasok sa loob nito. Napansin niya ang kanyang ina na nakahiga sa malamig na kawayang papag, nakabaluktot ang katawan at iniinda ang karamdaman. Lumapit si Jem at naupo sa tabi ng ina. — Kapag malaki na ako at mayaman, pagagawan kita ng magandang bahay. Ibibili kita ng magagandang damit katulad ng kay Aling Rosy. Lagi tayong kakain sa labas. Malambing na sambit ng bata na bahagyang nagpangiti sa ina. —Alam mo ‘Nay, lagi kong ipinagdarasal na kung sakaling dumating na ang araw na iyon, sana magkasama pa rin tayo. Nahiga si Jem at ipipikit na sana ang mga mata nang biglang nagkalampagan ang mga pinggan. Dumating na ang kinatatakutan ng bata, ang sariling ama. Lango ito sa alak at pasuray-suray na nagtungo sa kalan. Binuklat nito ang takip ng mauling na kaldero ngunit nag-init ang ulo nang makitang walang pagkain. Dahil doon, inihagis ng ama ang kaldero sa bintana, pinagbabasag ang mga pinggan at itinaob ang mesa. Nabaling ang tingin nito sa magina at doon ibinuhos ang galit. Mahigpit nitong hinawakan ang braso ng anak at itinilapon palayo sa higaan na nagpalugmok kay Jem sa lupa. Matapos iyon, pinulupot ng lasinggero ang buhok ng asawa sa kanyang kaliwang kamay at buong lakas na kinaladkad hanggang ito’y mahulog sa kinahihigaan. Nanginginig ang katawan ni Jem dahil sa takot, hindi siya makatayo. Nagpalinga-linga ang bata sa paligid hanggang makita niya ang isang kumikinang na patalim na wari’y nag-uutos na ito’y damputin. Kinuha niya ito at isinaksak nang maraming beses sa likod ng kanyang ama. Hindi niya mapigil ang sarili sa paglabas ng galit na kinimkim niya ng maraming taon. Bumulagta ang ama sa lupa, naliligo sa sariling dugo at walang buhay. Kasabay ng pagbagsak ng kutsilyo mula sa mga kamay ni Jem ay ang pagyakap sa kanyang ina. Sa wakas, nakalaya na ang mag-ina mula sa pagmamalupit ng sariling padre de pamilya. Hindi na kakailanganin pa ni Jem na pagmasdan ang pagkalagas at pagbagsak ng mga tuyong dahon ng mga punong akasya na tila niyebe sa tag-araw. P4 LETA
22
Sampu Tumingin si Ariel sa orasan. Alasdiyes. Abala ang lahat ng nasa paligid niya. Maingay, magulo, ngunit parang ang lahat ay kontrolado ng bawat isa. Kaunting minuto na lang, matatapos na ang oras nito para sa pamamahinga. Habang nakaupo sa pasilyo sa labas ng palengke nilalasap niya ang isang supot ng tig-sa-sais na tinapay at isang bote ng softdrinks. —Nasaan na kaya ang batang iyon? Ipinikit nito ang mga mata at nagsimula nang magbilang. —Isa… dalawa... tatlo... apat... lima... anim... pito... walo... siyam... — Sampu. ‘Tay, andito na ako. Patakbong lumapit si Joy sa ama habang dala-dala ang natitirang bungkos ng tindang sampaguita. —Saan ka ba nagpupupuntang bata ka? Tingnan mo’t pawis na pawis ka na. —Diyan lang po sa may plaza. Nagbakasakali lang ulit ako roon. Medyo marami-rami kasing tao doon kaya baka makabebenta ako kahit kaunti. Kaagad namang pinunasan ng bimpo ang pawisang likod ng anak. —O s’ya, kumain ka na ba? Heto’t magmeryenda ka na muna. Bumili ka na lang ng makakain diyan. Babalik na ako sa palengke. Mag-iingat ka. —Opo ‘tay. Si Joy ay bunga ng hindi sinasadyang P4 LETA
“Mukhang matumal ang benta niya ngayon.”
bugso ng damdamin nina Ariel at ng ina nito nang minsang malasing sila parehas. Nang ipinanganak si Joy, ibinigay na lang siya sa ama. Hindi tanggap ng pamilya ng babae si Ariel at ang bata. Gayun pa man, labis ang pagmamahal ni Ariel sa anak. Siya lang ang naging katuwang nito sa buhay. Matapos ang trabaho, tulad ng dati, pinupuntahan ni Ariel ang anak sa lugar kung saan ito nagtitinda ng sampaguita tuwing hapon. —Joooy! Agad namang sumagot si Joy sa tawag ng ama at patalun-talon itong lumapit na may malaking ngiti sa labi. —‘Tay, tingnan mo, naubos ko agad ang paninda ko. Binili kasi ng isang mamang malaki at maputi ang lahat ng paninda ko. Tingnan mo, binigyan ako nito at hindi na hiningi ang sukli. —Wow! Talaga? Patingin nga… Isang libo?! Labis na tuwa ang naramdaman ng magama sa natanggap na pera. Minsan lang sa buhay nila ang makatanggap ng ganoon kalaking pera. Para sa kanila, napakalaking halaga na nito. —Nang dahil dyan, bibili tayo ng paborito mong ulam. —Fried chicken? — Oo! At pandagdag na rin ito para sa
23
pag-aaral mo. —Yehey! Malapit na akong pumasok. Dali-daling pumasan si Joy sa balikat ng ama at sabay na umuwi. Kinabukasan, isang ordinaryong araw, pumasok muli si Ariel sa trabaho at si Joy naman ay nagtitinda ng sampaguita sa may simbahan. —Ate, bili na po kayo ng sampaguita. Sampu lang. —Hay naku! Doon ka nga! Hindi ako bibili. Alis! Alas-nuwebe na pero wala pa rin siyang nabebenta kahit isang tuhog ng sampaguita. Mukhang matumal ang benta niya ngayon. Hindi bago para sa kanya ang ganito, kaya’t naisipan niya na magbaka-sakali muli sa may plaza. Baka muling bumalik ang mamang malaki’t maputi at pakyawin na naman ang paninda niya. —Kailangan ko pala munang magpaalam kay Papa. Pagdating niya sa palengke, wala pa ang ama sa madalas niyang puwesto sa tuwing mababakante ang oras nito para sa pamamahinga. —Baka hindi pa oras ng kanilang pahinga. Napangiti ito at tuluyan nang dumiretso sa plaza. Alam niya na maaring hindi siya payagan nito dahil bukod sa malayo, iba’t ibang klase ng tao ang naroroon. Maaari siyang mapahamak. —Ate, kuya, bili na po kayo ng sampaguita. Sampu lang po ang isa. —Ay sige, pabili ako ng isa. — Heto po. Salamat po! Hindi nagkamali si Joy. Dito, may pag-
asa siyang makabenta kaya’t ganoon na lamang ang pananabik niya sa lugar na iyon. Maya-maya, nakita na naman niya ang mamang bumili ng lahat ng kanyang paninda kahapon. Lubos na kagalakan ang tumanim sa kanyang puso sa mga oras na iyon. Dahil sa pananabik, patakbo itong pumunta sa kabilang kalsada kung saan naroroon ang mama. —Little girl! Ngunit iba ang narinig ni Joy sa sumunod na mga sandali. —Isa… dalawa... tatlo... apat... lima... anim... pito... walo... siyam... —Papa, bakit ka nandirito? Hindi ba nasa palengke ka pa? Nasaan na ‘yong mamang malaki at maputi? Hindi ba... * Pagdating sa bahay, tahimik at madilim ang paligid. Kitang-kita sa lugar kung gaano ito kalungkot. Dire-diretso lamang sa pagtuloy si Ariel sa bahay na hindi na muling maituturing na isang tahanan. Muli, marahang ipinikit ang mga mata habang nakikinig sa awit ng music box. Sariwa pa rin sa alaala niya ang pangyayaring tumapos sa kanyang rason upang mabuhay pa. Nabangga si Joy ng isang rumaragasang sasakyan. Iniwan na lang siyang nakahandusay sa kalye. Sa huling sandali, hawak-hawak niya ang isang bungkos ng tinda niyang sampaguita at sa kabila namang kamay ang sampung piso. Katulad ng pagbilang ni Ariel ng sampu sa pagdating nito ay ganun din kinuha ng bilang ang buhay ng kanyang pinakamamahal na anak. Sa huling bilang ni Ariel at sa muling pagbibilang, wala na ang munting tinig na bibigkas ng sampu. P4 LETA
24
“Ilang poste pa kaya ang aking bibilangin?”
Lipat-Bahay
Malapit na raw kaming magkaroon ng bagong bahay. Hindi na ako makapaghintay. Aligaga na ang aking pamilya. Isiniksik ni Ina ang biláng naming mga damit sa bayong. Si Ama naman ang may tangan sa tatlo ko pang mga kapatid. Nagbabadya nang tahakin ng malaking sasakyan ang aming bahay. Ilang segundo ang lumipas, wala na ang barung-barong naming gawa sa pinagtagni-tagning tarapal. Hindi ko na rin makita ang bahay ni Aling Linda na gawa naman sa mga bulok na yerong nakalakal nila. Napansin kong nangingilid na ang luha sa kanilang mga mata. Pagod na ko. Ilang poste pa kaya ang aking bibilangin bago kami makarating sa bakurang tatawagin kong amin? P4 LETA
25
concealed veracity
The Dacer-Corbito double murder case is a highly publicized criminal case in the Philippines concerning the unsolved death of publicist Bubby Dacer and his driver Emmanuel Corbito in Indang, Cavite (2000). The case involves former presidents Joseph Estrada, Fidel Ramos, and Senator Panfilo Lacson who, based on the affidavits submitted by principal suspects, Glenn Dumlao and Cesar Mancao, is allegedly the mastermind behind the killing. P4 LETA
26
“Siguro masyado lang tayong naging mapanghusga...”
Sandamukal —Matapang lang naman sila dahil may mga baril sila, hindi naman makapalag kapag hinamon mo ng suntukan... Iyan ang wika ni manong na minsa’y nakasabay ko sa biyahe. Noong una, nauumay akong makinig sa matanda pero sa kalaunan ay napagtanto ko ang mga sinabi niya. Sa tingin ko, may mga tao nga na ganoon pero hindi naman lahat. Siguro masyado lang tayong naging mapanghusga dahil may mga kasamahan silang mapagmataas at mapagmalaki. Iniisip natin na parepareho lang sila dahil iniisip natin na dapat: Sila ang magtatanggol sa atin pero sila itong mapagmalupit. Sila ang mas disiplinado pero sila pa itong mapang-abuso. Sila ang marunong magpakumbaba pero sila itong mapangmaliit. Sila ang maging alagad ng Diyos pero sila itong sunud-sunuran sa mga nasa pwesto. Alam kong may karapatan tayong magalit at maghinanakit, pero mas alam kong wala tayo sa lugar para humatol at humusga, dahil sa dami ng ating maling nakikita, mayroon pa rin tayong hindi napapansin — biktima lang din sila. P4 LETA
27
TAPON
Minsa’y isang anghel ang humiling. Buhangin sana’y mahawakan. Matayog na mga bitui’y nawa ay magsilbing gabay. Ngunit ngayo’y pinutol na ang daan tungo sa aking paglalakbay. P4 LETA
28
“Walang maidudulot na mabuti ang ganitong sistema.”
TAGUAN
P4 LETA
Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo. —Isa. Isang uri ng pagmamahal ang namumuo sa damdamin ng mga mamamayang walang ibang inisip kung hindi ang kapakanan ng nakararami. Isang damdaming matagal nang namumutawi sa puso ng mga taong nagtatanggol sa bawat mamamayang naaapi. Ang damdaming nakalaan para sa bayan at ang pag-ibig na tinatangi para sa lupang sinilangan. —Dalawa. Dalawang araw nang nagsasalita sa entablado. Nararamdaman ang galit sa bawat pagbigkas ng mga kataga. Hindi man naiintindihan ang ibang mga termino, hindi mapipigilang maging emosyonal dahil pawang katotohanan ang mga sinasabi nila. Ang mga hinanakit nila ang nag-udyok sa kanila upang sumama sa gawaing ito. Nais nilang ipahayag ang kanilang nararamdaman. Sila ang mga lider na kumakatawan sa sektor na kanilang pinamumunuan. Sila ang nagpapahayag ng mga hinaing ng bawat miyembro nila. —Tatlo. Tatlong beses sa isang araw kumakain ang mga nakikinabang sa lakas-paggawa ng iba’t ibang sektor ng lipunan samantalang naghihirap para sa kapiranggot na kita ang mga taong kasama sa produksyon ng mga pagkaing iyon —mga magsasakang inagawan ng lupa, mga manggagawang hindi binibigyan ng sapat na sahod at mga inaabusong OFW. Ganito na kalala ang nangyayari sa ating bansa pero iilan pa lamang ang nakaaalam nito. Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan. Marami pang kailangang malaman at maranasan. —Apat. Apatnapung kilometro ang nilakbay mula sa nayon patungong lungsod. Nahanap ang mga
29
kasagutan at kaalaman sa pamamagitan ng mga karanasan kasama ang mga magsasaka. Mas pinili nilang magtrabaho o tumulong sa pamilya kaysa gumastos para sa edukasyong hindi nila kayang tustusan. Hindi maipagkakailang wala silang sapat na kaalaman. Karamihan sa kanila ay hindi marunong bumasa’t sumulat. Ang kawalan nila ng sapat na kaalaman ang sinamantala ng mga panginoong may-lupa upang maagaw ang mga lupaing matagal na nilang binubungkal at sinasaka. Ang sektor na kanilang kinabibilangan ang bumubuo sa pinakamalaking bahagdan ng ating lipunan. Ito ang nagpapatunay na naaapi ang karamihan sa ating mga Pilipino. —Lima. Limang taong pagkakawalay sa mga
mahal sa buhay, pinagsikapang kumayod at tiniis ang paghihirap upang maibigay ang pangangailangan ng mga taong umaasa sa kanila. Ang mga migranteng Pilipino ang itinuturing nating mga bagong bayani. Wala silang ibang hiniling kung hindi ang matiwasay na buhay para sa kanilang pamilya. Ngunit, hindi nila kinaya ang mga pang-aapi at pang-aabuso na ginawa sa kanila. Mas pinili na lamang nilang bumalik sa ating bansa at dito maghanap ng trabaho kahit hindi sapat ang kanilang kikitain. Habang tumataas daw ang antas ng ekonomiya ng ating bansa, sa tulong nila, bumababa naman ang moralidad ng kanilang pagkatao.
—Anim. Anim na oras ang paghihintay upang makadalaw sa mga itinatagong political prisoners. Sila ay lumalahok sa mga organisasyong sumasalamuha sa mga taong nangangahas lumaban sa mga paninikil ng mga may kapangyarihan. Marami na silang karanasan kasama ang masa kaya marami na rin silang konkretong basehan upang mapatunayan na nabubulok na ang ating lipunan. Wala silang ibang ginawa kung hindi ipamulat sa kapwa Pilipino ang tunay na kalagayan ng bansa. Ipinagtatanggol nila ang mga taong hindi kayang ipaglaban ang sariling karapatan. Nais lamang nilang baguhin iyon upang mawala o mabawasan man lang ang mga mapagsamantala. Wala silang ibang ginusto kung hindi ang ikabubuti ng nakararami ngunit ngayon sila ang nakakulong at nagdurusa sa bilangguan. Patuloy na dumarami ang mga huwad na kasong ipinapataw sa kanila nang sa gayon ay hindi sila makalaya at hindi na maipalaganap ang katotohanan. Ang mga mapang-abuso ang siyang nagpapakasaya at nagtatamasa ng kalayaan. —Pito. Pitong libo, isang daan at pitong mga pulo ang bumubuo sa bansa ngunit iilan lamang sa populasyon dito ang nakikinabang sa likas na yamang tinataglay nito. Sa pagkakamulat sa tunay na kalagayan ng mga Pilipino, maraming mga kaalaman ang nababatid. Maraming naghihirap dahil sa mga mapagsamantalang uri dito sa ating bansa. Wala silang ibang inisip kung hindi ang lalo pang magpayaman. Ginigipit nila ang mga mahihirap upang mas mapagkakitaan pa ang kanilang lakas-paggawa. Ang mga mapang-abuso ang siya ngayong P4 LETA
30
naghahari sa ating bansa at ang mga taong bumabalikwas sa kanila ang siyang nagdurusa at nahihirapan. Walang maidudulot na mabuti ang ganitong sistema. Walang maidudulot na mabuti ang pagmamalabis. Ang pagkakaisa ng mga mamamayan ang magpapabago sa mga ito. —Walo. Walong buwang nakisalamuha sa piling ng masa. Inalam ang mga nararanasan nila sa loob ng sistemang ikinukubli ang tunay nilang kalagayan. Naging kabilang sa mga taong namumuno sa pag-oorganisa ng iba’t ibang gawain. Isa sa mga nagmumulat ng kapwa Pilipino upang malaman din nila ang mga dapat nilang malaman. Naging aktibo sa mga gawaing masa. Inilaan ang buhay upang mabago ang sistema. Naging isang progresibong lider kagaya ng mga taong pinakikinggan noon.
—Siyam. Siyamnapu’t siyam na porsyento ang kailangang pag-isahin upang makamtan ang pagbabagong ninanais makamtan kaya dapat na paglaanan ng buhay ang mga programang magmumulat sa sinumang makatutunghay nito. Sa pagiging aktibo sa P4 LETA
parliyamentaryong gawain, nagiging mainit ang pangalan sa mga makapangyarihan. Ganoon din ang nangyari sa ibang mga lider na nagtatanggol sa karapatan ng mga naaapi. Nagtatago pero hindi alam kung hanggang kailan hindi mahahanap. Hindi mapipigil ang pagsigaw. Hindi mapipigil ang pagsusulat. Iisa ang patutunguhan nila – kamatayan. Maglalaho ang tinig at imahe ngunit alam nilang marami pang magtutuloy nito. Nandito pa tayo, mga kabataan, mga manggagawa, mga magsasaka, mga propesyonal, mga kapwa Pilipino. Hanggang sa muli. —Sampu. —Nasaan na po kayo? Tatay Ben! Kuya Jonas! Ate Sherlyn! Ate Karen! Kuya Abet! Kuya Arnel! Kuya Alfredo! Kuya Felix! Kuya Carlos! Nanay Leticia! —Tatay! Ate! Kuya! Nanay! Nasaan na po kayo? Nasaan na po kayo?
Sila Benjamin “Ben” Villeno, Jonas Burgos, Sherlyn Cadapan, Karen Empeño, Albert “Abet” Enriquez, Arnel Mendoza, Alfredo Bucal, Felix Balaston, Carlos del Rosario, at Leticia Jimenez Pascual Ladlad ay ilan lamang sa mga desaparecidos o mga lider at progresibong mamamayan na biglang nawala at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin natatagpuan.
31
lusis Mauupos ang mitsa ng natitirang panahon Tutupukin ng apoy ang kaluluwang gutom At puputulin ang nalalabing mga taon.
P4 LETA
32
Ta[o]
Huwag mo akong iniiwasan, Kailangan ko rin ng masasandalan. Huwag mo akong pandirihan na lamang, Hindi mo alam ang aking nararamdaman. Huwag mo akong tapak-tapakan. Alam mo ba ang aking nararanasan? Tao rin ako, Hindi isang tae. P4 LETA
33
bawat bata* Bawat bata sa ating mundo ay may pangalan at karapatan...
Hayaan mong maglaro ang bata sa araw Kapag umulan nama’y magtatampisaw...
*Inawit ng APO Hiking Society
Mahirap man o may kaya, Maputi, kayumanggi At kahit ano mang uri ka pa, Sa’yo ang mundo ‘pag bata ka. P4 LETA
34
Sabay sa Alon Sabi nila, Sumakay raw sa alon, ‘Di mapapahamak, Lahat pantay, Pare-pareho. Tayo’y magiging masaya. Walang mayaman, Walang mahirap. Pero habang nasa ilalim Patungong ibabaw, Nahihirapan akong huminga. Ang dilim ng paligid. Umaalingasaw ang amoy. Nahihirapang lumangoy. Sabi nila, Sumakay raw sa alon. Nabulag na pala ako. Nasa ilalim kami, Nasa ibabaw sila. Tayo’y nagdurusa. Wala ng malay, Wala ng dignidad. P4 LETA
35
Never ending pain Imprisoned in vain from the labor of innocence Engraved to a life sentence
CHIseled
Chiseled cruelty Of laborer’s inevitable destiny. P4 LETA
36
ang salitang ‘di binigkas Silang mga nangagsasalita’y makatatagpo ng pagkapagal At sa panahon ng pananahimik ay dadalawin ng pagkalupig ng damdaming makabayan. Ang pulang tinta’y mapapalitan ng patay na kulay. Papapakin ng mga ligaw na ibon at matatakaw na leon ang kalamnan. At ang mga matitira’y pamumugaran ng mga nakapandidiring langaw.
P4 LETA
37
woe of valor Melissa Roxas, a poet and human rights defender of Filipino ancestry, the first Phil-Am citizen victim of abduction and torture in the Philippines. She is a member of BAYAN USA, HABI ARTS, KAIBIGANG PILIPINO (KP) and ASIAN and PACIFIC-ISLANDER STUDENT ALLIANCE (APSA). A victim of human rights violation subjected to physical and psychological torture.
P4 LETA
38
Butil ng Palay sa Bitak ng Lupa Sadyang malalim kung umibig ang isang magbubukid Sa dilag na pinalamutian ng mumunting talulot ng ilang-ilang. Napayid ng amihan ang samyo sa bukang-liwayway Na gumigising sa nahihimbing na kalamnan At buong pagsuyong tatangnan ang panghalabas at ararong kahapon di’y naging katipan. Sa saliw ng huni ng mga ibong saksi, Sa pagsilay ng kulay kahel na sa kalangita’y isinabog, Ang manlulupa’y muling hahalik sa lupang nababalutan ng hamog. Sisimoy ang amoy ng dayaming unti-unting nabubulok sa lupang basa At dito’y muling makikipagniig ang kanyang makakapal na talampakan na siya namang hahalikan ng pinalambot na lupa. Ang kanyang pagtatangi’y hindi matitinag ng init ng araw. Ang pawis na nagpapahapdi sa nababasang mata’y walang anuman. Hindi iniinda ang mga tuod na bumabalahaw sa ararong magalaw. Ang bisig na hinulma ng dekadang pagbubungkal ay salit-salitang ikinakampay Upang ang pangingimi ay maibsan. Tutugtugin ang awit ng pananghalian. Panandaliang itutusok ang kinakalawang nang paltak ng inahing kalabaw. Sa ilalim ng punong mangga’y sisilong at sasandal, tangan ang binalot na kanin na inaanuran ng malamig na sabaw. P4 LETA
39
Sa maikling sandali’y maiidlip at iduduyan ng karukhaan ang pagal na isipan. At muling bubunuin ang natitirang sandali hanggang magkubli ang araw. Ang kaninang hamog ay naging pawis na muling didilig sa lupang sinilangan. Sisibol ang uhay, magiging ginto at aanihin. Sasahuran ng sakong pinuno ng ilang buwang pagbubungkal. Subalit, sa pag-ibig, ang mas nagmamahal ang masasaktan. Sapagkat ang putik na pinag-alayan ng natatanging pagibig ay kailanma’y hindi mapapasakanyang kamay. Ang sakong siksik sa palay ay tatangayin ng nagpakilalang nag-aari ng lupang sakahan. Ang abang magsasaka’y makakatikim din naman sa wakas ng katas ng pinagpaguran. Sa kakarampot na kabahaging binawasan pa ng mga ginastos sa pataba Na siyang ibabayad sa mga utang ng nakaraang hindi pinalad na anihan. Sa likod ng kanyang isip ay may agam-agam, Ang anak na nag-aaral at asawang magluluwal ay maitatawid bang matiwasay? Susulyapan ang kalabaw na sa susunod na buwan ay maaari nang palahian. Sadyang malupit ang pagkakataon para sa abang magbubungkal. Pikit-matang itutulak ang hayop sa katayan. Maiiwan ang ararong sa ilang taon din nilang pinagsamahan. Ang bisig na hinulma ng dekadang pagbubungkal ay tatanggap ng salaping hindi makasusukli sa sinapit ng kalabaw. P4 LETA
40
Where Did my Pera Make Go? “They don’t make pakialam even if they are the one who are responsible…”
P4 LETA
It’s 5:30 p.m. and we will make go to the party. Oh-My-Gee! I’m not making bihis pa pala. We are so late na. I’m gonna make tawag my best friend Marky na. —Marky, let’s go na to the apartment. Let us make bihis na for the party. —Aine, tigilan mo ako sa Marky mo, Mark ang pangalan ko. Conyo Queen. Ikaw na lang hinihintay ko. Bilisan mo na, hinihintay na tayo ng barkada. Like Oh-My-Gee, my best friend is making sungit na naman to me. We are making baba na to the building while someone make tawag to me nang bigla na lang ako nag-make hulog sa hagdan... —Aine! Marky make try to sambot me but he’s too late. Bigla na lang nag-make-black ang paligid. * —Nasaan ako? Why is the kwarto white? Did I make fly to heaven? —Shut up Aine. Nasa ospital ka. Bakit kasi hindi ka naka-focus sa mga dinaraanan mo? —Can you make not sungit to me. My paa is making sakit. Where is the nurse ba? —Nag-a-asikaso ng mga papers para makauwi na tayo. Then magbabayad na lang tayo. Marky make buhat to me and make me sit sa wheel chair. I don’t want to make higa sa hospital bed baka may germs. —Marky look at the patients. They are making so habang pila. ‘Di ba dapat ‘pag nandito ka sa hospital you’re just gonna make sit and the nurse will approach to you. —Aine, this is a public hospital. Ganito talaga dito — magulo, kulang ang staff and facilities. Kadalasan, hindi proportion ang bilang ng mga pasyente sa bilang ng nurses at doctors. Kadalasan, mura rin ang bayad dito.
41
—It’s so unfair naman. They should make provide more nurse and doctor here. Look! The uhugin bata is making iyak na with super pain while the nurse seems like making tambay lang. Paano na lang ang binabayad to him? It is so nakakainis na here. Marky make tingin na lang sa akin. It seems that he didn’t make intindi to what I am saying. I know hindi naman ako ‘yong type of person na nag-make-care sa mga ganitong situation. Pero for the first time, it make me stub my heart and ribs. You know the feeling that people really need the care but it seems like they don’t make pakialam even if they are the one who are responsible to make them feel better. I think naman that government hospitals should make more effort kasi they are the one who make tanggap more funds. They just make sayang the tax that I pay. I think that someone should make stand up so that the government hospitals will be better for the ones who are making use of it. * —Ma’am pa-sign na lang po nitong papers then pwede na po kayong umalis. ‘Yong pong mga reseta ninyo ay nasa kasama n’yo na po. —Okay, thank you. Can I make favor
naman? Can you make asikaso some of the pasyente there? —Okay po, ma’am. Sige po, ingat po kayo. After I make talk to the nurse, Marky make push the wheel chair na near the car. While he is starting the engine, I make tingin to the resibo. OH-MY-GEE! 1000 pesos? Wait. What? Is this even possible? Marky make sabi naman na it is cheaper here at the government hospital. So nakakainis. Sayang ang pera that I make bayad. What did they do lang ba to me? —Marky, what services they make offer to me? —X-ray, bandage. That’s all Aine. Bakit? —Did the doctor make check-up to me? —Nope. Binigyan ka lang nila ng reseta. Nakita mo naman ‘di ba na maraming pasyente? Nagreklamo ka pa nga. —So nakakaazar. They are so unfair. Seriously? 1000 pesos? X-ray? Check. Bandage? Check. Room? Slightly check. Nurses? Need more effort to check. Facilities? Please make ayos and dagdag it. Doctors? Some are missing in action. I’m so disappointed to what just happened today. Not just this hospital needs improvement but also around the country. Do they even make law to have better government hospitals? Am I just the one who make notice to this situation or somebody else does but make bulag-bulagan na lang? 1000 pesos? Where did you make go? Can you tell me where did my pera make go? P4 LETA
42
murang laman
Tanging sandata sa pakikipagsapalaran Ang sariwa at musmos niyang katawan
P4 LETA
43
Mula sa kadiliman ay kanyang naaninag ang liwanag Liwanag na umaakit sa mga nangungulila Nangungulila sa pagmamahal ng pamilya Pamilyang sa kanya’y ipinagkait Ipinagkait ng malupit na lipunan.
sa lugar kung saan ‘di ka na malulungkot
Mula sa kadiliman ay kanyang naaninag ang liwanag Liwanag na umaakit sa lugar na kung saan hindi na siya iiyak.
P4 LETA
Para sa mga nagbuwis ng buhay sa MAMASAPANO
Kaakibat ng nakabibinging katahimikan Ang nakasisilaw na kawalan, Patuloy na iinog ang pakikibaka Patungo sa pagkamit ng katarungan... Isang pagpupugay!
46
Moths on a Deer ( Part I ) “I’m sure the network is milking this…”
P4 LETA
—Another woman went missing, following the disappearances of three I said to the camera. I’m a 25 year-old female news reporter for a small network. Though this case is nowhere as big as the news of Kris Aquino getting a haircut, I personally requested my superiors to give me and only me this case for I know, if somehow, I cracked this myself, I’d make a name for myself and actually be able to move to a giant network out there. Heck, they’d give me my own show if that happens. Over the past two months, four young women, ranging from ages 15 to 22 have gone missing. I am ashamed to admit that, inwardly, I hoped more will follow. I poked my nose to every investigation regarding this matter and found that the kidnappers, we now know that they were kidnapped, are actually genuinely stupid. I also found that, the police are ridiculously even bigger idiots because even though we now have fingerprints, blood and saliva — why the fuck would you purposely leave your DNA in a crime scene? — they still can’t figure out who they are. I’m beginning to believe that someone powerful and extremely creepy is behind all these. And surprise, I was right. Now, I regret that I hoped someone would follow because I ended up in the trunk of a car. Yep, your reporter went missing herself, well, it’s not like I’m famous, but it makes for a good story and I’m sure the network is milking this shit while this is happening to me. You could be wondering why I seemed cool with this, well, that’s because I lived. I just spoiled that for you, didn’t I? But keep on reading. So, I felt a car stop and someone opened
47
the trunk I was in, and boy was he weird. He was wearing a wolf skin over his upper body. He could have worn a regular ‘bad guy mask’, why choose real wolf skin? PETA will give this dude such a hard time when they found out about this. Behind him is a woman who does not look like a woman. Now, I may not seem like it to you, but I am really scared at this point. They dragged me out of the trunk and I saw two more men waiting near the door of a creepy building. I didn’t realize I was crying until the fat guy went near the door. —Oh, you guys made our deer cry! Then he looked at me with incredible amount of lust and hunger. They dragged me inside the building and it looked like a warehouse full of kink, which it isn’t, because it’s actually a bed room full of kink. Three men and two women were doing it on a bed that’s four times the size of mine. One of the men was blind folded, tied with black ropes to the head of the bed and was bleeding from almost every inch of his body while another is doing it to his wienie. I thought they were torturing him, but he suddenly smiled. He moaned after he was whipped by a woman, fresh blood oozed out of his new wound. Over and over again, whip by whip, he moaned with ecstasy visible on his face. The woman holding the whip had an even bigger smile. She was laughing the whole time saying, —Who’s my bitch? —I am! the man replied over and over again. The people who dragged me in injected me something and suddenly, I fell to the floor. I was conscious, I can feel, hear, see and smell but I couldn’t move a muscle. Then, one big guy lifted me up and hung me to a hook attached to the ceiling through the cuffs on my wrist. Fear swept over me for I know what they will do to me. All those in the room cheered in unison. The five people on the bed got up and walk towards me, all wearing these creepy grins on their faces. I recognized one of them, he is incredibly P4 LETA
48
rich. Apparently he paid the police to mess up the investigation. So, I was right. I’d interviewed him once before but he didn’t seem to recognize me which means this kidnapping was not premeditated. A woman kissed me and I smelt alcohol and whatever drug she took in her breath. They ripped my clothes off, hungrily tearing my dignity apart but I was wearing jeans. —Try to rip that, bitch! I tried to shout but I only managed a faint whisper. Nails dug into my skin. It felt like they wanted to take those off too. A short moment later, I was completely naked, my feet dangling half a foot from the floor. The same woman kissed me and this time, she angrily stuck her tongue into my mouth, swirling it around inside doing a thumb wrestling with my tongue, except, you know, with her tongue. I felt warm hands around my waist coming from behind. —Awoo! he said and bit my left ear. —Fuck off! I’ll do her first! The man backed away and I saw him, from the corner of my eye, took a green capsule. They took turns doing me —raping, whipping, punching, cutting, biting, burning and electrocuting me. Each turn lasted for forever. I cried for help and there was a point when I managed a, —Please kill me. —You can’t die, this still ain’t as fun as it can go. It seemed like they’ve said it many times before. I drifted off of and to consciousness. Every time waking to the same horror I was in. All the tears I could give dried up an eternity ago. I lost hope. I lost faith. I looked up and asked God why he’d let me suffer like this. Then, a realization hit me: I can now, somehow move. The drug in my blood is wearing off. I regained all the hopes that I lost. A few more hours in this nightmare, the beasts finally got tired and took a slumber in their shells. This is my chance. I acted unconscious for several more minutes. Each second lasts an eternity. I looked up, everyone’s asleep now. They were all naked and defenseless. I see where everyone and everything are. P4 LETA
49
Now, I don’t know how to get off of these cuffs. I’ve swung back and forth, shook like a blender but there’s no way I can get off doing those. They’ve thought this through. After all the pain I’ve been through, was it a little bit more? I pulled down with my left hand, the edge of the metal cuff grinding against slowly, painfully, the skin of my hand began to peel off, blood showering down to my face. I pulled harder. A loud crack echoed in the room as my bones break. I fell to the floor, soundless, cuffs still on my right wrist. I looked at my left hand, a blanket of skin dangled from my fingertips. I yanked it off. I rolled on the floor in absolute pain, making no sound. What’s left of my left hand was pointed broken bones and freshly cut bacon. I stood up, walked towards their clothes and scavenged through it. Sweating, their clothes saturated with my blood, I finally found what I was looking for. There was three more of the drug they injected me. There were nine of them. Carefully, I injected every single one of them a third of what’s in the syringes. To make sure the drug worked, I grabbed a knife and slap the smallest one of them to wake him up. I’d stab him if he is able to move. He opened his eyes. Three seconds later, the look of waking turned to look of horror. The drug works but it’ll only probably last a third of the time it worked on me, I don’t know. I tried to drag them close to each other because I plan to tie them up but they were too heavy so I hacked all their arms and legs to lighten them. It was agonizing. I know. No one could relate more. They are now side by side, bodies twitching, eyes begging for more. I can see joy in their faces. These people are just so messed up. I took a seat in front of them, smiled and watched them die slowly and painfully. I was telling them the story of how my brother lost his teeth while playing golf —It was hilarious, I’m telling you— when the last of them finally died. In her last few seconds, she fixated her eyes on mine, with the same grin she always had. If I hadn’t waved my good hand in front of me and got no response, I would have believed she’s still alive. I grabbed one of their cellphones and dialed a number I’ve memorize since I became a reporter. —Good morning, Sir. I have a story to tell you. P4 LETA
50
lost and not found On June 26, 2006, Karen Empeño, 22, a UP student who was doing research on the plight of Bulacan farmers, was seized by gunmen in Hagonoy, Bulacan. With her were Sherlyn Cadapan and Manuel Marino. After years of search, the students’ mothers filed criminal charges, including torture and rape, against retired Maj. Gen. Jovito Palparan. Latter denied having a hand in the disappearances. Farmer Raymond Manalo, an escapee from military detention, testified that he and his brother, as well as Cadapan, Empeño and Merino, were all tortured. Convinced by the the testimony, the court directed the military on Sept. 17, 2008, to free the students and Merino. It said there was “clear and credible evidence that the three persons” were “being detained in military camps and bases under the 7th Infantry Division.” P4 LETA
51
HAIN
Sisimutin ang kakarampot na butil Ang pag-usig sa huling patak ng kanin. Subong uutay-utayin ng mga dilang busog sa karukhaan. Pilit na pupulot ng lakas na gagamitin Sa kinabukasang darating.
P4 LETA
52
sinikil na tinig Si William Bugatti ay isang human rights worker na pinaslang sa Kiangan, Ifugao ng tatlong ‘di pa nakikilalang tao noong nakaraang Marso 25, 2014. Matagal nang nakatatanggap ng mga pananakot at banta sa kanyang seguridad si Bugatti dahil itinuturo siyang utak at miyembro ng NPA subalit ito’y hindi napatunayan. P4 LETA
53
Baliktad na Kaisipan ng Kaisipang Binaliktad Nagising sa kahirapan. Nagbungkal na paslit sa simula. Tinulungan ang magulang. Pinuhunan ang dugo at pawis. Umusbong ang minahan. Kalikasan na nasisira, Nakikinabang ang naghahari at dayuhan. Pinatulog ng kadiliman.
Kadiliman ng pinatulog. Dayuhan at naghahari ang nakikinabang. Nasisira na kalikasan, Minahan ang umusbong. Pawis at dugo ang pinuhunan. Magulang ang tinulungan. Simula sa paslit na nagbungkal Kahirapan sa nagising. P4 LETA
54
Ang Huling Araw Ng Pagbibilang Ko ng mga Bakod Maagap akong nagising. Naalala ko kasi na ngayong araw ang birthday ng bunso kong anak. Siguro magpapadala na lang ako sa kanya ng sulat at bag na ginagawa namin dito bilang regalo sa kanya. Alam ko rin naman na hindi sila makakapunta rito ng asawa ko at isa pa niyang kapatid. Naaalala ko pa noong mga panahong magkakasama pa kami, hindi matutumbasan ang kasiyahang aking nadarama kapag nakikita ko silang masaya. —Tatay, bilhan mo naman kami ni kuya ng ice cream. Tatay, please... Minsan lang naman po kami ni kuya makakain niyan. Nandito kami ngayon sa parke. Naisipan naming dito mamasyal. Wala na rin naman kasing pasok ang mga anak ko. Summer vacation na kung baga. —Sige, ibibili ko kayo. Diyan na lang muna kayo kay Nanay. —Yey! Sorbetes! Nanay, pumayag na si Tatay na ibili kami ng ice cream. Masaya rin ako sa tuwing masaya ang mga anak ko. Kuntento na sila sa pamamasyal sa parke, sa tig-sa-sampung pisong sorbetes at P4 LETA
“At ngayon… nagbukas ang rehas.”
sa aming salu-salo. Samantalang ang ibang mga bata ngayon ay nagmamaktol dahil hindi lang nakatanggap ng gusto nilang laruan, o nakapunta sa ibang bansa o sa magagandang resort. —Ito na ang hinihingi ninyo. Huwag na kayong mag-aaway. Magpakabait kayo kung ayaw n’yo pang umuwi. —Opo tatay. Salamat po talaga. Pagkatapos naming magparke, diretso uwi na kami. Simple lang ang buhay namin. Nakikitira kami sa bahay ng nanay ko. Agad namang nagluto ang asawa ko dahil sa pagmamaktol ng dalawang kong anak. —Pareng Joey, may alam akong trabaho! Malaki ang kita, sa abroad. Bukas na bukas, pumunta ka raw kay Aling Toti! Hindi ba, ilang buwan ka na ring naghahanap ng trabaho? —Salamat sa pagsasabi sa akin Pareng Bert! Magkita na lang tayo bukas. Pumasok na ako sa bahay, kailangan ko rin naman itong ikwento sa pamilya ko. Sana pumayag sila lalo na ang mga anak ko. Hindi naman siguro masama kung susubukan kong magtrabaho sa ibang bansa.
55
—Papa! Papa! Matagal ka bang mawawala? —Oo nga, Papa, ma-mi-miss ka namin. Ang mga sinabi ng mga anak ko ang nagpagulo sa isip ko, kung sasama pa nga ba ako sa raket na ibibigay sa akin ni Aling Toti. —Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Magtatrabaho ka na ba talaga roon? Hindi naman sa hindi ako nagtitiwala diyan sa paabroad-abroad na iyan, nag-aalala lang naman ako sa sitwasyon mo pati ng pamilya mo. —Opo ‘Nay. Sigurado na ako. Alam ko naman po na malaki ang makukuha kong pera. Lena, ikaw na ang bahala sa mga anak natin kapag natuloy ako. —Basta mag-iingat ka roon Joey. Alam mo naman, mahirap kapag mag-isa ka roon. Buti na lang kasama mo roon si Pareng Bert. Kinabukasan, pumunta na ako sa bahay nina Aling Toti. Medyo kinakabahan din ako. Anong klaseng buhay kaya ang makakaharap ko roon? —Joey! Nandito ka na pala. Buti na lang at nasabihan ka ni Bert kagabi. Ikaw kasi ang
una kong nasabi sa kakilala ko. —Ganoon po ba? Kailan po kaya iyon? —Teka, sandali lang, papapuntahin ko siya rito. Pasok ka muna rito at mag-juice ka. Pagpasok ko sa bahay nina Aling Toti, agad akong inabutan ng juice ng kanyang anak na kasing edad lang ng panganay ko. —Sir Gilbert, nandito po siya sa loob. Siya po ang sinabi kong mapagkakatiwalaan ninyo. Nagtrabaho na rin po siya rito sa tindahan ko. —Nasaan na ba siya? —Joey, pumunta ka na dito sa labas. Nandito na ‘yong sinasabi ko sa iyo na naghahanap ng empleyado sa Dubai. —Magandang umaga po, Sir. —Magandang umaga din, Joey. Ayon kay Aling Toti mapagkakatiwalaan ka rin. Kailangan ko ang isang tulad mo na masipag. Siguro ipapatawag na lang kita kung kailan ka ulit pupunta rito at ihahatid ka rin namin sa airport. Fill-up-an mo ang mga ito para magkaroon ka ng Visa at iba pang mga requirements mo. —Salamat po, Sir Gilbert. Gagawin ko po lahat ng makakaya ko upang maging maganda ang resulta ng trabaho ko. —Joey, butler ka nga pala doon. Matapos kong fill-up-an lahat ng mga papeles, inabutan ako ng envelope ni Sir Gilbert. Agad na akong umuwi upang ipabalita sa kanila na magkakaroon na ako ng permanenteng trabaho. Binuksan ko ang envelope. Nagulat ako sa laki ng halagang natanggap ko. Sabi ni Sir Gilbert, ito raw ang kalahati ng sweldo ko roon. Medyo nahihiya rin ako. Wala pa naman akong ginagawang trabaho pero binigyan na niya ako ng pera. Makalipas ang isang buwan, may P4 LETA
56
natanggap akong text mula kay Aling Toti. Pumunta na raw ako sa bahay nila. Wala akong dinalang gamit dahil sabi nila, sila na ang bahala sa mga gamit ko. —Joey, ito na lahat ang gamit mo. Ito na rin ang bag na naglalaman ng papeles at Visa mo. May pera na rin diyan. —Salamat po sa tulong ninyo sa akin. * —Joey, anak, mag-iingat ka roon. —Opo ‘Nay. Lena, ikaw na ang bahala sa mga anak natin. Heto, may kaunting pera pa ako rito. Ikaw na ang bahala. —Papa, mag-iingat ka. Ma-mi-miss ka namin. Pumasok na ako sa van. Kahit nakalulungkot, masaya na rin ako dahil matutugunan ko na ang mga pangangailangan ng pamilya ko. Nandito na ako sa airport. Si Sir Gilbert lang ang naghatid sa akin papasok. —Joey, ingatan mo ang gamit mo, mahirap na. —Opo, Sir. Salamat po ulit. Sa wakas, permanente na akong makapagtatrabaho. Ang sarap sa pakiramadam. Suwerte ata ako ngayon. Ang iba ay nagpapakahirap pang pumila para P4 LETA
lang makakuha ng mga papeles para lang makapagtrabaho sa ibang bansa. Siguro ito na ang panahon ko upang magsipag para makaahon kami sa kahirapan. Ang isinakripisyo ko naman ay ang hindi makita ang pamilya ko. * —Pareng Bert! Nandito ka na pala! Mas nauna pala ang flight mo sa akin. —Pareng Joey, ako na ang hahawak sa isa mong bag. —Salamat pare. Palabas na kami matapos makuha ang mga bagahe nang bigla akong harangin ng dalawang guards. —Sir, excuse me. We would like to speak with you for a moment. Could you please come with us with your bags? —Pare, english. Sumama ka raw ata sa kanila. —Sa boarding house na lang tayo magkita, Bert. —Okay sir, I will join you. I just make good bye with my pare. ‘Pag nga naman high school lang ang
57
natapos ang hirap mag-ingles. Pero sana naman, walang mangyari. Tulungan ninyo po ako. —Good afternoon po, Sir Joey Dimaculangan. I’m a representative from Philippines. Pwede ko po bang malaman kung bakit po kayo nagpunta rito sa Dubai? —Ma’am, nagpunta po ako rito para magtrabaho sa isang hotel, bilang butler. Si Sir Gilbert Mendoza po ang nagpadala sa akin dito. Natahimik sa kwarto dahil sa pag-uusap ng ibang mga pulis na nandito.Binuksan nila ang bag ko at kung anu-ano ang hinalungkat. Kinabahan na ako. Parang alam ko ito. Parang napanood ko na ito sa mga news. —Sir, ano po ang ibig sabihin nito? Bakit may drugs dito? Ito ba ang trabahong pinasok mo rito? Alam mo naman na bawal ang mga gan’yan. —Ma’am, hindi ko po alam kung bakit may ganyan sa bag ko. Ibinigay lang po sa akin ‘yan ng boss ko. Ito na lang ang mga naalala ko noong nasa airport ako. Pinagbubugbog nila ako, hindi ko alam kung bakit. Inosente ako.
Kinuha lang ako bilang butler. Pagkagising ko, nasa isang silid na ako, puno ng mga pasa ang katawan. Pumutok din ang labi ko. Puro kalat ang kwartong ito. Higaan at kubeta lang ang mayroon dito. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nandirito ako ngayon sa kulungang ito. Mahigit tatlong taon na akong nakakulong dito base sa pagbabakod na ginagawa ko. Matinding torture ang naranasan ko. Hindi naman siguro tama ang ginagawa nila sa akin, hindi patas. Hindi naman ako ang may kasalanan kung bakit may droga sa bag na dala-dala ko. At ngayon, pagkatapos kong iguhit ang karagdagang bakod, nagbukas ang rehas. Dinala nila ako sa kwartong puro pangturok ang nakapaligid. Kutob ko na na mangyayari ito. Bakit sa akin pa ito nangyari? Inosente lang naman ako at ang nais ay ang ikaliligaya ng pamilya ko. Nagpumiglas ako ng kabitan nila ako ng kadena nang inihiga ako sa isang makitid na kama. Bigla na lang may itinurok sa akin at nakaramdam ako ng pagkahilo. Ito na nga, tama ang kutob ko, ito na ang huling araw ng pagbibilang ko ng mga bakod. Hindi ko man lang nakausap ang pamilya ko. P4 LETA
58
P4 LETA
59
Luwang Ligawan mo ang pangako ng libong ligaya.
P4 LETA
60
Quintos Huhulmahin ng katawang pinatibay ng panahon Ang panibagong pag-asang iluluwal ng pagkakataon Sa pagdilaw ng mga butil ng punla sa mga saknong Ihahandog ang mabubuting ani sa nagpakilalang panginoon.
P4 LETA
61
“Ano bang kasalanan ko sa kanila?”
Nakakapagod. Hanggang saan nila ako hahabulin? Hanggang kailan ako tatakbo? Teka, ano nga bang nagawa ko? Kanina lang, nakatambay ako sa may kanto malapit sa tindahan ni Aling Basya, ang nag-iisang tindahan sa aming lugar. Tulad ng nakagawian, magisa ako at tanging yosi lang ang kasama. Hindi kasi maganda ang tingin sa akin ng mga kapitbahay ko. Lagi na lamang akong inihahalintulad sa tatay kong kriminal daw at kasalukuyang nakapiit sa bilibid. Kaya hindi na nakapagtataka kung wala akong kinalakhang barkada. Bakit ako ngayon tumatakbo? Hinahabol nila ako. Sila. May ilang barangay tanod, maskuladong anak ni Aling Basya, at ilan pang siga sa lugar namin. Ano bang kasalanan ko sa kanila? Tumakbo lang ako nang tumakbo. Tumatakbo kasama ang isang supot ng tinapay na hawak ko. Oo nga! Alam ko na! Kanina lang, nakatambay ako sa may kanto nang biglang may isang binatilyong pulubi ang dumaan. Hinahabol siya ng grupo ng kalalakihan. Sinisigawan nila ito. —Magnanakaw! Magnanakaw! Hinarang ko at kinuha ang dala nito. Ang isang supot ng tinapay na ibabalik ko sana sa kanila. Ngunit mas pinili kong tumakbo nang isigaw ng isa sa mga tanod ang pangalan ko sabay sabing, —Kasabwat ng magnanakaw!
Isang Supot ng Tinapay
P4 LETA
62
Sketch Tutorial
“Minsan kailangan mo ring maging tanga…”
Gamit ang makulit na isipan, ilalapat ng malikot na mga kamay ang napakagandang obra na dadampi sa inyong mga puso’t isipan. Hindi kailangan na palagi ka na lang matalino, minsan kailangan mo ring maging tanga upang makita mo ang mga bagay na ‘di nakikita ng mga dalubhasa at nagpapakadalubhasa, ng mga mayayaman at mga maralita. Mapapansin na hindi lahat ng tuwid ay maganda, na mas nakapagpapamangha sa mata ng madla ang magugulong guhit at guri. Kaunting dumi pa at matutuwa ka na hindi lahat ng malinis ay maputi. Maiisip mo kung gaano nga ba karumi ang dirty white. P4 LETA
63
“Matumal e, tila walang pag-asa.”
Tayo Na Nakaupo na naman ako sa tabingiskinita gaya ng pang-araw-araw na nakasanayan ko nang gawin, nag-aalburuto ang sikmura habang patingin-tingin sa mga dumaraan na tila ba may iniintay. Maya-maya pa ay narinig ko na ang isang sipol. Senyales ito na andiyan na si Lito, ang kaibigan ko na lagi ring nakatambay rito. —Hanggang ngayon, nag-iintay ka pa rin ba? —Matumal e, tila walang pag-asa. —Kung sa bagay, pasasaan pa at darating din ‘yon” Sa ‘di kalayuan, nasulyapan ko ang isang chinitang babae, balingkinitan ang katawan at may mapungay na mga mata. May kibat-kibat na shopping bags at nag-iintay ng masasakyan. —Ayos! Ano, pare? sambit ni Lito sabay igkas ng mga braso. —Tayo na. P4 LETA
64
unchanged melody Stuck in the same hymn Waiting for the right rhythm Gone with the dynamics of society Even at a wrong tempo of symphony.
P4 LETA
65
the salted package Geraldine “Dindin” Palma, 7, was reported missing on Aug. 11, 2007. She was with her nanny who demanded ransom to Dindin’s parents for her release. However, five days later, her body was found inside a luggage bag floating in the waters of Manila Bay.
P4 LETA
66
Tulang Hindi Magkatugma Tulang bumuhay sa aking malay Tulang nagpalawak ng aking kaalaman Tulang pumukaw sa aking isipan Kahit hindi ko maunawaan. Inulit-ulit kong basahin Pinagtangkaan ding itapon At sa alaala’y ibaon Ngunit hindi matiis at pinilit itong unawain. Lumipas ang mga buwan at araw, Hindi pa rin nagbabago ang damdamin ng tula. Lalong dumami ang hindi naiintindihang kataga. Mas lumawak ang kahulugan ng bawat salita. Ngunit maraming natutunang aral Maraming napaunlad na magandang asal. Hatid man ng tulang ito’y gulo Sa aking tahimik na mundo, Hindi na muling tatangkaing ibaon, Hindi na babalaking itapon. Maganda rin naman pakinggan ang tulang hindi magkakatugma. Masarap sa pakiramdam kung ito’y naiintindihan. Hindi makata ang gumawa nitong tula, Ang tula ang siya mismong makata. P4 LETA
67
Sintang hindi hinahayaang masilayan. Naging madalas ang minsan. Walang hanggang tila winakasan. Kinanti pa ng mapusok na buhay. Sabay sa dampi ng mga kamay, Hahayo nang hindi nagsuklay.
pintakasi
P4 LETA
Para sa mga biktima ng Maguindanao Massacre...
Sa mga inosenteng buhay Na nabaon sa lupang sinilangan Kainlanma’y ‘di malilimot Sinapit na kalupitan Paggunita sa ika limang taon ng kawalang-hustisya...
70
Nang Mapansin Kong ang Lakad Ko’y mga Hakbang ng Aking Ama “Muling pinapak ang natitirang kamangmangan ng pag-iisip na tinakasan ng katinuan.”
P4 LETA
Ma-ikatlong ulit ko nang nilagok ang tubig mula sa baon kong botelya. Pinahid ang umagos sa siwi gayundin ang mumunting daloy ng tubig sa aking kaliwang mata. Hindi ko alam kung anong dahilan pero patuloy lang ang mainit na luha sa pagpatak sa humahapdi kong mata. —Sigi (sigarilyo)? Sabay baling sa gawi ko. —Ikaw sir? Tila ba’y alam na niyang hindi ako interesado at awtomatikong tumalikod at lumakad palayo. ‘Di ako sigurado ngunit pumasok sa isipan ko ang imahe ng aking ama. Sa bawat paghakbang ng mama, parang mga larawang napayid ng hangin at isa-isang nanariwa sa aking balintataw. Hinding-hindi ko tutularan ang kanyang ginawa. Walang natapos si Itay subalit sapat ang kanyang mga pagsisikap upang maitaguyod kaming kanyang pamilya. Noon nga ay ganoon lamang ang linyang kanyang layunin, sapat upang bumangon siya sa umaga, humithit ng isang kahang mumurahing sigarilyo o kung minsan pa ay umaabot ng isa’t kalahati, humigop ng kape sa alas singko, at mag-uumpisang pumadyak ng kanyang traysikad hanggang sa sumapit ang dilim. Hanggang sa mabalitaan kong may kahati na kami sa kanya. At natakot akong mas minahal na niya ang kanyang bagong natagpuang pag-ibig.
71
Ilang milya rin ang layo nitong unibersidad na aking pinapasukan mula sa aming tahanan. Ganoon na rin kalayo nakararating ang dating buwanan kong natatanggap na limangdaang pisong allowance para sa lilipas na isang linggo. Inaakala kong ganoon lang talaga kahina ang pasada hanggang sa may narinig ako mula kay Inay . —Anak, siyam na araw nang ‘di umuuwi ang iyong ama. Akala ko’y tulad lang ito ng mga nakaraang mga linggo subalit malakas ang kutob ko, hindi ito tulad ng mga iyon, kasabay ng mga impit ng pinipigilang pag-iyak. Tatlo ang gulong ng minamaneho ni Itay, kasing dami ng inaakala kong pinag-alayan niya ng pagmamahal. Maprinsipyo siya dati. At matapang na siya ngayon. Naipon na niya ang lakas ng loob mula sa mahabang panahon ng pagtitiis. Nakuha na niyang mahalin pati ang kanyang mga kumare, maging ang kanyang mga kumpadre. Bumaba siya mula sa pamamasada at nagsimulang maglakad sa lansangan, hawak-kamay at may pagtatanging inaalalayan ang mga bago niyang minamahal, buong pagmamalasakit na inaabutan ng maiinom ang mga natutuyuan ng lalamunan dahil sa init ng araw, nagbabangon ng mga nabubuwal bunga ng pagtutulakan. ‘Di nga siya nakapag-aral subalit marunong siyang makinig at makiramdam. Marunong siyang magtaas ng mga plakard na nagsasaad ng mga gustong ipahatid sa kinauukulan. Sapat na ang mga lubak ng kalye upang malaman niya ang kanyang mga karapatan. Tuluyan na nga kaming iniwan ni Itay, hindi dahil sa tinamo niyang mga hambalos at hagupit ng water canon kundi dahil sa komplikasyon sa baga na marahil ay dulot ng sigarilyo at mga usok sa lansangan. Nakapag-aral ako, ‘di tulad ng aking ama. Naiintindihan ko maging ang mga komplikadong aralin sa matematika. Dahil pinagaral ako ng aking ama, mas natuto ako sa daigdig na napili niya. Mas may alam ako, mas sensitibo’t kritikal sa pangangatwiran. Kaya kong timbangin ang aking mga karapatan. Mas marami akong magagawa. Mas may laban ang aking mga salita. Ngayon nga’y nagsimula na rin akong umibig at ‘di lamang sa iisa. Binaba ko ang bote ng tubig, muling pinahid ang luha, sabay ngiti. —Pst... isang stick nga. P4 LETA
72
Magsulat, Magmulat, Manunulat Manunulat ako, Nagpapahayag, naglalathala, lumilikha. Lumilikha ng mga pinagsama-samang salita, Salitang nanggaling sa kaibuturan ng damdamin. Damdaming inilaan para sa bayan. Manunulat na nagsusulat para sa katotohanan. Ibinabahagi ang mga karanasan at kaalaman. Kaalamang hinubog ng panahon kasama ang masa. Masang tanging sandigan ng ating paglaban. Manunulat na inilalarawan ang kahirapan, Kahirapang dulot ng mga nagsasamantala’t naghahari-harian Sa pamamagitan ng mga katagang kinatha ng pluma’t tinta. P4 LETA
73
Pluma’t tintang hawak ng mga kamay ang tanging sandata. Manunulat akong maituturing. Sumusulat upang magmulat, Sumusulat upang magtanggal ng mga piring. Piring na inilagay ng mga bakal na kamay sa inyong mga mata. Mga matang dapat nakakakita ng tunay na kalagayan ng kapwa mamamayan. Manunulat na may tanging hiling, Hiling na ang sinisintang bayan ay palayain. Palayain! Manunulat na may karapatang magsulat. Magsulat ng mga panawagan, Panawagan para sa bayan. Manunulat ng bayan, Mga artista ng sambayanan. Hindi dapat paslangi’t pahirapan Dahil sa pagsusulat ng katotohanan. Ikaw na manunulat, Magmulat ka dahil ika’y mulat, Magpakilos ka dahil ika’y kumikilos. Ikaw na manunulat, Magsulat para sa nakararami, Nakararaming api. Magsulat at ipagpatuloy ang gawa ng mga bayani. P4 LETA
74
“Hindi ko ba talaga alam ang sagot o nalilito lang ako…”
s
P4 LETA
Ordinaryong araw na naman. Papasok sa eskwelahan kahit na tinatamad ka. Titingin sa professor mo habang nag-di-discuss kahit na hindi ka interesado. Tatango ang ulo, bala-balang kuhang-kuha mo ang kanyang sinasabi. At kapag magtatanong na, iiwas ang mata. Wala kang magagawa kung talagang ikaw ang kursunada. —Okay, Mr. Robles, please explains to me the definition of Resonance and when its occurs. Kaliwa’t kanan ang pag-ikot ng ulo at matang tila ba humihingi ng saklolo. —You doesn’t knows the answers? Why? Because you doesn’t study! Ang alam n’yo lang ay mangopya, matulog, magbulakbol! ‘Yan lang! ‘yan lang ‘di mo alam! Simpleng ‘yan di mo alam! Bago ang lahat, hindi po ako nangongopya. Hindi ko ba talaga alam ang sagot o nalilito lang ako sa grammar at dalas ng “s” nito. —Ano! Titingin ka na lang? You doesn’t knows the answer? Sagot, sabay hampas sa lamesa. O sige na nga po, I doesn’t knows the answer, happy? —Pipi ka ba? Pipi ka ba, ha? Tells me! mas hinigitan pa niya ang boses at talas ng tingin. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin na rin sa akin. —Sit down! Mag-dota ka na lang hanggang summers! Tingnan natin. Haay... sana po Lord, hindi siya ang prof sa summer. Buti na lang nakaupo na. Tumawag siya ng iba. Pinili niya ang pinakamagaling sa klase namin. —Yes Mr. Garcia, what’s the answers? —I’m sorry Ma’am, it’s in chapter six. Last meeting, sa chapter four po tayo natapos.
75
Hagas Kailangan kong magmadali. Dapat maipasa ko ngayong hapon ang special project. Kung hindi siguro ako nangopya sa removal exam namin kahapon, hindi sana ako aabot sa puntong ito. Nagkapatung-patong na ang kamalasan. Ngayong umaga lang sa akin sinabi tapos gusto niya ay mamayang hapon ko na agad ipasa. Bakit? Kasi uuwi na siya? Wala pa namang Abril. Technically, school days pa rin. Dahil wala ng estudyante rito sa Lucban, sarado na rin ang mga tindahan dito. Ang mga bukas namang tindahan, walang stock. Pesteng buhay ‘to! Darayo na nga lang ako ng Lucena. Sure na may ink ng printer doon.
“Ubos na raw ang ink sa bahay.”
Kuro-kuro
Aga Inip na inip na ako. Gustong-gusto ko nang makauwi. Mahuhuli raw ng uwi si Nanay. May kung anong nangyari sa shift niya. Hindi ko naman naiintindihan ang ganoon. Sasabihin ko kay Boss Enteng na huling pasada ko na sa kanya ngayong araw. Isang oras na lang kasi at darating na si Ineng sa bahay. Wala siyang kasama. Matagal pa man din makapuno ng jeep ngayon. Bakasyon na kasi, wala nang mga estudyante. Ang hirap magtawag ng pasahero. Ang bilin pa naman lagi ni Boss Enteng ay sobrahan ko raw ng tig-isa ang kaliwa at kanan. Kasya naman daw ang labing-tatlo roon, huwag lang may sasakay na mataba.
Hangos Nag-text na si Mayor. Gagamitin na raw niya ang sasakyan. May pupuntahan daw siyang mahalaga. Pero hindi ako tanga. Alam kong pupunta lang P4 LETA
76
siya sa babae niya. Palibhasa, sa Linggo pa darating si Ma’am. Malaya na naman ang daga ngayong wala ang pusa. Bakit ba kasi ako ang pinagmamadali niya? Kung siya ang tumuloy sa ribbon-cutting na iyon at hindi ako, e ‘di sana, puwede siyang dumiretso na lang sa pupuntahan niya. May nalalaman pa siyang pagpapadala ng representative, wala naman siyang ginagawa. Tinuruan pa ako na magsinungaling. Ako pa ang pinaggawa ng alibi sa kumpare niya. Grabe. Paano kaya nananalo sa eleksyon ang mga taong ganito?
Tiis Delayed na naman ang sweldo namin. Grabe na ang mga nasa taas. Mababa na nga ang pasahod, delayed pa. Akala ba nila, madali ang magturo? Sino ba naman ang gaganahan magturo sa eskwelahang ito kung ganoon na lamang kasama ang kanilang pamamalakad. Tapos mga ganoong klase ng estudyante pa ang tuturuan mo. Hay. Ewan. Nagtext pa sa akin kanina si Ineng. Ubos na raw ang ink sa bahay. Nag-pi-print daw siya ng thesis niya, bukas ang pasa. Buti na lang at pinagspecial project ko si Kyla. Kung hindi, mababawasan ko pa sana ang pambayad namin ng kuryente.
Siksik Kung hindi lang ako nagmamadali, hindi ako sasakay sa jeep na ito. Dalawa pa raw ang kasya sabi ni kuya kanina samantalang hindi na nga ako makaupo nang maayos. Tapos mukha pang manyakis itong katabi ko. Bakit pa kasi itong pink hanging blouse ang naisuot ko? Grabe na naman ang tingin sa akin ni Sir Ramos kanina. Nakakabastos talaga ang prof na iyon! Lagi pang humahawak P4 LETA
sa braso at balikat ko. Nakakadiri talaga ang matandang iyon! Shit! Nakakatakot naman kasing magreklamo kasi kakampi naman niya ang… Ewan. Hayaan na. Kaunting panahon na lamang ay aalis na ako. Hay, naku. Isa pa itong si kuya kundoktor. Pilit na trenta ang hinihingi sa akin. Walang discount. Bakasyon na raw kasi. Hindi na raw ako estudyante.
Pilit Ang lakas ng hangin. Ang sarap. Ang bilis magpatakbo ni Boss Enteng. May hinahabol din atang oras. Habang binabaybay namin ang Brgy.Wakas, napaisip na naman ako. Kung itinuloy ko kaya ang pagaaral ko, makakapagmalaki rin kaya ako sa ibang tao? Maiipamukha ko kaya sa iba na wala silang pinag-aralan? Na ang mga taong edukado ay higit na mahalaga kaysa doon sa mga piniling magtrabaho na lamang? Ito kasing si Ateng pasosyal, pilit na humihingi ng discount na limang
77
piso dahil estudyante raw siya, samantalang bakasyon na. Noong nakaraang linggo pa nagsiuwian ang mga estudyante. Mukha pa namang mayaman si ate. Mukhang mamahalin ang mga suot. Naka-magarang bag, sapatos, at pink na damit. Pero nakikipag-away para sa limang piso. Ayaw pang ibigay sa aming mahihirap. Samantalang mas kailangan naming ang walang halaga sa kanila. Kukwentahin ko na nga lamang ang mga nasi…
Takot Putang ina. Putang ina talaga. Anong sasabihin ko kay Mayor? Siguradong pababayaran ito sa akin. Bakit ba kasi biglang pumreno itong jeep sa unahan ko? Sakto pa namang o-overtake sana ako. Punyeta. Saang sulok ng impyerno ko naman kaya kukuhanin ang pambayad ko rito? Punyeta talaga! Teka… tama. Hindi kinuha ni Mayor ang 9mm niya sa glove compartment kagabi. Iyong pesteng driver ng jeep ang mamoroblema sa pambayad dito.
Inip Ibabagsak ko na lang siya. Alas-sais na’y wala pa rin si Kyla. Ano na naman kaya ang dahilan niya ngayon? Malinaw ang sabi ko. Hanggang ngayong hapon lang ang pagpapasa ng special project niya. Napakasimple. Ink ng printer kapalit ng tres sa class card. Naiinip na ako. Uuwi na lang ako. Ako na lang ang bibili ng ink ni Ineng. Sayang si Kyla. Pero, sa bagay, uulitin niya ang subject niya sa akin. Matagal pa pala ulit kaming magsasama. Mali ang akala ko. Hindi pa pala iyon ang huling himas ko sa braso niya. P4 LETA
78
“Nais niyang maglakad na lamang… ngunit marami na ang nagbago.”
Isang Bilaong Puto
P4 LETA
Katulad ng isang kalabaw sa palayan, kakayod sa pagtatrabaho sa ilalim ng tirik na araw matulungan lamang ang magsasaka hanggang sa kanyang huling hininga. Alas-dos pa lamang ng madaling araw, gising na si Lily upang lutuin at ihanda ang puto na kaniyang ilalako mamaya sa bayan. Ito ang pinagkakaabalahan niya sa maghapon upang kumita ng pera sa mga nakalipas na taon. Inangat niya ang takip ng pasingawan ngunit aksidenteng napaso ng singaw ng kumukulong tubig ang kanyang payat na kamay. Agad niya itong inilubog sa baldeng puno ng tubig upang maibsan ang kirot. Makalipas ng ilang sandali, kaniyang ipinagpatuloy ang paghango sa puto. Ito’y kanyang inilahad sa isang bilaong may dahon ng saging at hinati-hati. Tinakluban niya ito ng plastik. Lumabas siya ng bahay bitbit ang bilao at naghanda na upang ilako sa bayan ang puto. Kalahating oras ang paglalakbay mula sa kanyang tahanan kaya kinakailangan niyang magbiyahe sa araw-araw. Nais niyang maglakad na lamang tulad ng dati ngunit marami na ang nagbago. Matiyagang inabangan ni Lily ang unang byahe at makalipas ang kinse minuto, ito’y dumaan. Sasakay na siya sa dyip ngunit nang ihahakbang niya ang kaliwang paa, bigla siyang nabuwal at napahiga sa kalsada, dahilan upang tumaob ang kanyang bilao at kumalat ang puto. Agad siyang tinulungan ng isang nagmalasakit na estudyante sa pagsimot ng kanyang paninda at inalalayan siya sa pagsakay sa dyip. Mabuti na lamang at nakabalot sa plastik ang puto kaya hindi ito narumihan. —Pabili po ng tatlo. Ang wika ng estudyanteng tumulong sa kanya.
79
Bumawas siya ng tatlo mula sa kanyang bilao, binalot sa plastik at inabot dito. —Ako rin po, isa. Wika naman ng isa pang estudyante. Bumawas ulit si Lily ng puto, binalot at inabot dito. Matapos iyon, sunod-sunod na ang bumili sa kanya. Ang mabigat niyang bilao, ngayo’y wala ng laman. Marahil, naawa lamang ang mga pasahero sa kanyang kalagayan. Naubos ang kanyang puto na nangangahulugang maibibili niya, sa bayan, ng palda at blusa si Clarissa. Pagkababa niya sa dyip, agad siyang nagtungo sa bilihan ng damit upang bilhin ang unipormeng pinapangarap nito. Masaya siyang naglakad pauwi at hindi alintana ang kanyang masakit na tuhod sa kadahilanang naubos lahat ng kanyang pera para sa uniporme. Naupo ang nobenta anyos na si Lily malapit sa bintana at doon matiyagang hinintay ang pagdating ng kanyang apo. P4 LETA
80
Magsisi: Isang Ideolohiyang Basura Ang sinumang hindi rumespeto At kasalungat sa paniniwala namin, Pauulanan namin ng mga bala, Mga balang hindi lang sa isa tatama Kundi tatama rin sa bawat sulok ng mundo. Malalaman ng lahat kung gaano kami kalakas, Na kailangan kaming katakutan ‘Pagkat sa Diyos naming iisa Ang paniniwala’y dapat din ay iisa. P4 LETA
81
Pangarap
Balang araw makikita mo, Tayo’y lilipad nang walang kapa at pakpak. Lilisanin ang malubak na tuwid na daan, Lilisanin ang kumunoy, Lilisanin ang trapikong hindi umuusad, Lilisanin ang rehas ng kamalayan. Balang araw makikita mo, Magliliwanag muli ang bayan. Magsisilbing-tanglaw ang mga ilaw, Magniningning ang mga alitaptap sa kalangitan. Balang araw makikita mo, Babangon ang mga bata, Ang mga matatanda. Sila, Ako, Babangon tayo. Hindi na magtataka. Hindi malilito. Hindi magtatanong. Basta balang araw makikita mo, Tayo’y magkatabi, Tayo’y magkasama, Tayo’y malaya At sabay nating titingnan ang muling pagsikat ng araw sa silangan. P4 LETA
82
“Matagal-tagal na rin mula nang huli niya itong ginawa para sa sarili...”
Pagsisid sa Lupa Kasabay ng mabibigat na hakbang ang pagtagiktik ng mala-butil na pawis ni Rolly. —Kaunti na lang... —Hi Rolly! Malambing na tawag ni Isay, isa sa mga tagahanga ni Rolly. —Ano ba? Pansinin mo naman ako! Katulad ng madalas na asal nito sa mga babaeng pilit na pumupukaw ng kanyang pansin, ni sulyap nito ay hindi ibinigay sa tindera at dinaanan na parang hangin. —Tsk. Panlabing-apat na niya iyan ngayong maghapon, bulong nito sa sarili. —Aling Baby! —Rolly, bakit ngayon lang iyan? Susmaryosep naman. Kanina ko pa iyan hinihintay! —Pasensya na po. Nagkaproblema po kasi kanina sa trak kaya po natagalan na naman. —Na naman?! Tsk. Ano pa nga ba ang magagawa ko. O s’ya sige. Heto na ang bayad. Makakaalis ka na.
P4 LETA
83
—Ha? Teka, kulang po ito. —Late na nga dumating tapos aasa ka pa na tama ang ibabayad ko? Mag-isip ka nga Rolly. —Pero... Tsk. Sige ho. Salamat. Hindi ito bago sa kanya, pagdating kay Aling Baby. Bukod sa pagkamataray, sobrang kuripot nito pagdating sa pagbabayad, kaya’t inaasahan na niya na mangyayari ito. Mukhang sardinas na naman ang ulam niya mamaya. Bukod sa pananabik sa dalawang daang pisong natatanggap niya sa maghapong pagkakargador ay ang pananabik din sa kanyang pag-uwi. Matapos kainin ang biniling sardinas at malamig na kanin bilang hapunan, kaagad niyang tinahak ang kanyang silid. Tulad ng nakagawian, habang suot ang bistidang minana sa kanyang yumaong ina noong bata pa, mistula siyang isang magandang dilag na nakaupo sa harap ng salamin. Dinampot ang bagong biling lipstick at maingat itong idinampi sa kanyang malalambot na labi. Naglagay din ng iba pang kolorete sa mukha. Matagal-tagal na rin mula nang huli niya itong ginawa para sa sarili kung kaya ganoon na lamang kasaya ang nararamadam niya, sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Sabay sa saliw ng musika sa radyo, hinayaan niya munang mamayani ang tunay na laman ng puso sa buong magdamag. P4 LETA
84
manlalakbay sa pinatag na kahirapan
P4 LETA
Tatahahakin ng hubad na paa ang landas – mainit, nakapupuwing at nakamamanhid – sa tagpuan ng lansangang may pangako ng bukas.
85
Saan nga ba Napupunta ang Tao Kapag Pumanaw na?
Saan nga ba napupunta ang tao kapag pumanaw na? Hindi sa langit. Hindi sa impyerno. Hindi sa purgatoryo. Kung hindi sa kung saan niya gusto, Sa lugar kung saan dadalhin ng hangin ang magaan niyang kaluluwa. P4 LETA
86
“Minamaliit ba ni Ma’am ang mga gurong katulad niya?”
Basang Chalk
P4 LETA
–Andiyan na si Ma’am! Sigaw ng kaklase kong nakatanaw sa bintana nang makita ang naglalakad naming guro sa Math na siya ring adviser namin. Halos araw-araw, mula nang maging fourth year ako, ganito na ang tagpo sa silidaralan. Tuwing ika-12:45 ng tanghali nag-uumpisa ang una naming sabdyek. Afternoon shift kami. Hindi kasi kasya ang lahat ng estudyante sa maunting silid-aralan. Unang sabdyek namin ang Math. Hindi mabait si Ma’am. Napaka-istrikta niya. Malupit ding magbigay ng mga quiz. G na G nga sa kanya ‘yong iba kong kaklase kasi napaka-demanding kahit na napakahusay niyang guro at alam ng lahat iyon. Halos wala akong alam sa kanya. Hindi naman siya tumatayo sa unahan para lang magkuwento tungkol sa personal niyang buhay. Kapag siya’y nasa kanyang table sa likuran, hindi rin kami naglalakasloob na kausapin siya. Madalas lang siyang nakaubob doon at parang natutulog. Isang beses, may makulit akong kaklase na nagtaas ng kamay at nagtanong. –Ma’am, magkano po ang sweldo ng isang titser? –Baka kapag nalaman ninyo, wala nang tumulad sa propesyon ko. May ideya naman kami kung magkano ang sweldo nila, makulit lang talaga ang kaklase ko. Gusto kong magtanong kung bakit siya nag-titser pero hindi ko maitaas ang kamay ko para magtanong. Naghihintay na lang ako ng kaklase kong magtatanong ng kapareho ng nasa isip ko. Hindi pa pala tapos ang usapan. Nagtanong pa si Ma’am sa buong klase. –Sino rito ang gustong yumaman? Natawa ako. Fourth year high school na kami pero parang mga kindergarten kaming tinatanong
87
kung anong gusto paglaki. Siyempre, lahat kami nagtaas ng kamay. –Kung gusto ninyong yumaman, huwag kayong magti-titser... Minamaliit ba ni Ma’am ang mga gurong katulad niya? Ako, hindi ko alam kung anong kukunin kong kurso, pero siguradong ayaw kong maging titser. Ano man ang kahinatnan ko, hinding-hindi ko malilimutan na kung walang mga guro, hindi naman magkakaroon ng mga propesyonal. Isa ‘yan sa lagi kong tinatandaan kung bakit lubos akong humahanga sa mga guro kahit walang-hiya o mistulang mga halimaw ang iba sa kanila. Titser sa pampublikong elementarya ang ate ko. Hindi nga naman ganoon kalaki ang sweldo, sapat lang, minsan kulang pa. Pero masaya siya sa propesyong napili niya. Minsan akong bumibisita sa kanya at pinapanood siyang magturo. Naambunan din ako ng mga tsokolate at regalong bigay ng mga estudyante niya tuwing pasko, Valentine’s day, birthday niya at kung anumang okasyon. Hindi ko pinangarap maging guro. Kaya kahit ilang beses pa akong sabihan ni ate at ni nanay na mag-titser na lamang ako, ayaw ko pa rin talaga. –Get one-fourth sheet of paper. –Shit. May quiz pala! Kung anu-ano pang iniisip ko. Tsk. Break time. Nakaub-ob na naman si Ma’am sa table niyang bukas na naman ang drawer. Tulog siguro, at kahit maingay sa classroom, hindi siya nagigising. Pagdating ng sunod naming subject teacher, natahimik na ang lahat. Paglingon ko sa likod, wala na rin doon si Ma’am. Kakaiba, hindi naman siya umaalis ng ganito kaaga, wala na rin ang bag niya, ibig sabihin umalis na nga siya. Kinabukasan. Ala-una na ng hapon, wala pa si Ma’am. Hindi siya nale-late, hindi rin pala-absent. Bakit kaya wala si Ma’am? Napagalitan na kami ng titser sa kabilang classroom dahil sa ingay kaya binigyan kami ng gagawin. Naghanap ng pwedeng magsulat sa pisara at ako ang itinuro ng mga kaklase ko. Kumuha ako ng chalk sa drawer ni Ma’am na sira pala kaya hindi na maisara. Ipinangsulat ko ngunit hindi sumusulat. Natigilan ako. Naisip ko ang mga pira-pirasong chalk na tanging laman ng kanyang drawer, hindi sumusulat. Tulog kaya talaga si Ma’am noong mga sandaling iyon? P4 LETA
88
through a child’s eye From a distance, watches a pair of innocent iris. Vision was seen from the world, too horrible to miss.
P4 LETA
89
Pumuti na ang uwak Hindi napansin oras na dumadaloy Pumuti na ang uwak Lansa ng kalupitan hindi na mapigilang maamoy Pumuti na ang uwak Tiniis ang init ng lumalagablab na apoy Pumuti na ang uwak Mata’y pumikit, hiling sa hustisya ay magabuloy.
sa paghihintay P4 LETA
90
Panaghoy ng Katahimikan
“At ngayon, ganito katahimik ang paligid.”
Mga Tauhan: Mga Tagapakinig Tagapag-anunsyo Pepito Causapin (isang pipi) Panahon at Tagpuan: Katanghaliang tapat sa mainit at kulong na bulwagan. Eksena: Magiging espesyal na tagapagsalita si Pepito Causapin para sa isang talakayan. Tagapag-anunsyo: Narito na ang ating espesyal na panauhin sa araw na ito! Mga kaibigan, malugod ko pong ipinakikilala sa inyo ang kagalanggalang na si Pepito Causapin! Pasalubungan po natin siya ng masigabong palakpakan! Mga Tagapakinig: (Mga nagkukuwentuhan at hindi pinapansin si Pepito Causapin.) Pepito Causapin: (Lalapit sa podyum.) Pepito Causapin: (Akmang nagsasalita kasabay ang pagkumpas ng mga kamay.) Mga Tagapakinig: (Patuloy ang huntahan.) Lumipas ang ilang minuto... Pepito Causapin: (Ituturo ang tagapaganunsyo at papalapitin. Magsusulat sa papel at ibibigay sa tagapag-anunsyo.) P4 LETA
Tagapag-anunsyo: ( B i n a b a s a ang papel.) Manahimik po tayong lahat. Mga Tagapakinig: (Natahimik.) Tagapag-anunsyo: ( B i n a b a s a pa rin ang papel.) Wala ba kayong napakinggan? Narinig? Naintindihan? Mga Tagapakinig: (Iiling.) Tagapag-anunsyo: (Patuloy sa pagbabasa.) At ngayon, ganito katahimik ang paligid. Ganito rin ang mundo ko kung itratrato ninyo ako bilang isang normal na tao. Mga Tagapakinig: (Natahimik, natulala at tila napipi na rin ang lahat).
91
When They See What You Cannot
“We have no control of each other…”
There is a shade of color that is never been visible to my eyes. As I walked out of our house and closed the front door, a bunch of buzzing words is always just around the corner of the streets and so ready to bamboozle my curious neurons. Every wave of a sound gives a tingling sensation to my little ears but how much more to the other ones who are absolutely waiting for it. Those strangers have this kind of windows in their face which can visualize more than what you know is true. I know and at the same time I am aware that every one of us has the right to speak, the right to say anything that they want to. Freedom of expression is their term for it. But suddenly I thought that why does it need to come to a time that they will be exceeding boundaries— a moment that passes outside the limits of what is right or wrong. I continued walking along the short aisles with my head kept looking straightforward. I heard whispers and it made me think of the reason why do they act in such a manner. Was there any dirt in my face or a stain in my shirt? I kept questioning myself without bothering to ask them about it. Gossip and the critical judgment of some individuals are definitely displeasing to our hearing and may only lead to hatred, misunderstanding, anger and even war. We have no control of each other so there is no easy way of stopping them. They will continuously chatter with their itchy lips and follow their dark persona. We have our own built-in windows, the eyes, to see the beauty and reality around us. We also have our ears to know about good news and important information. Like these humanistic features, our rights do exist to cater ourselves and the community where we belong an ideal life but never use them to be a pain in the ass. My destination was near and I was about to cross the pedestrian. I did not notice the red light and after a few moments, murmurings were flying in the air. P4 LETA
92
sining ng rebolusyon P4 LETA
Huhulagpos ang linya Babalikwas ang mga kurba Ng damdaming iginapos ng tanikala Sa tinta ng kamalayan ng isang mandirigma
93
P4 LETA
94
P4 LETA
95
P4 LETA
96
Fair at Market Day: Consumer Rights and Privileges Revisited
Everyone has the right to consume and no one must consume these rights. All people included in any aspect of the existing societies are considered to be consumers. A consumer refers to an individual that use goods and services generated within the economy. The rights of consumers are strongly bounded to consumer protection. This is a concept that is designed to ensure fair competition and the free flow of truthful information in the market place. It is empowered by two bodies: the government and non government institutions. The government is the one who is responsible for enacting and enforcing laws regarding consumerism. The non government institutions are the initiators for consumer activism. When purchasing a certain commodity, it is common among the consumers to check out the ingredients or components of the thing that they need or want to buy. Like these products, the consumers must also be aware of their own ingredients, their rights as consumers. So, what are these rights of the consumers? The first thing that must be in their minds is that they have the right to basic needs. It will guarantee survival, adequate food, clothing, shelter, health care, education and sanitation. Consumers also have the right P4 LETA
“The consumers must also be aware of their own ingredients…”
97
to safety. They need to be protected against the marketing of goods or the provision of services that are hazardous to health and life. They also have the right to information. There must always be protection against dishonest or misleading advertising or labeling and the facts and information needed to make an informed choice. Any individual also has the right to choose. They can choose products at competitive prices with an assurance of satisfactory quality. Beyond the previous rights mentioned, consumers still have far more serious rights to be possessed and be aware of. They have the right to be represented. This will enable them to express their interests in the making and execution of government policies. They also have the right to redress or be compensated for misrepresentation, shoddy goods or unsatisfactory services. Like any other fields, proper knowledge and education is also a right. Consumer education will help them acquire skills necessary to be an informed customer. Most importantly, they have the right for a healthy environment. Consumers need to live and work in an environment which is neither threatening nor dangerous and which permits a life of dignity and well-being. Consumer protection aims to protect
the consumer from abuse. It provides a venue for grievance or redress. It also ensures a better quality of living by improving the quality of consumer products and services. Laws are being designed to prevent businesses that engage in fraud or specified unfair practices from gaining an advantage over competitors and provide additional protection for the weak and those unable to take care of themselves. In the Philippines, there is an existing law called the Republic Act No. 7394 or also known as the Consumer Act of the Philippines. It is the policy of the State to protect the interests of the consumer, promote general welfare and to establish standards of conduct for business and industry. It targets to meet significant objectives such as protection against hazards to health and safety and deceptive, unfair and unconscionable sales acts and practices; provision of information and education to facilitate sound choice and the proper exercise of rights by the consumer and adequate rights and means of redress; and involvement of consumer representatives in the information of social and economic policies. Two main problems are placed on top priorities of consumer protection. These include deceptive acts and practices and unfair or unconscionable sales acts or practices. Deceptive acts are acts by a producer,
P4 LETA
98
manufacturer, supplier or seller, which occurred before, during or after the transaction through concealment, false representation of fraudulent manipulation which induces a consumer to enter into a sales or lease transaction of any consumer product or service. On the other hand, unfair or unconscionable sales act is an act by the producer, manufacturer, distributor, supplier or seller, which occurred before, during or after the transaction, by taking advantage of the consumer’s physical or mental infirmity, ignorance, illiteracy, lack of time or the general conditions of the environment or surroundings, induces the consumer to enter into a sales or lease transaction grossly inimical to the interests of the consumer or grossly one-sided in favor of the producer, manufacturer, distributor, supplier or seller. Agencies in the country like the Department of Health, Department of Agriculture and Department of Trade and Industry are the primary concerned branches towards promoting consumers rights in terms of food, drugs, cosmetics, devices, substances, agricultural products and other related commodities. They work hand-in-hand to prevent the occurrence of some issues relating to the rights of consumers. At present times, different consumer-related cases are happening globally. One situation is when toys made in China are recalled containing lead which could cause brain damage. Another example is when a Filipino-American nurse has filed a complaint against the Belo Medical Group over an alleged botched skin tightening procedure done on her. Other relevant cases include the April 2007 Nestle KitKat chocolate incident which was voluntarily recalled after being found to contain hard plastic; Cadburry in Ireland and UK declared that there had been a salmonella scare in the products last June 24, 2006; and the 1982 Chicago Tylenol murders occurred when seven people died after taking pain-relief capsules that had been poisoned. For every single day of our lives, we always strive and work hard to be able to satisfy our wants and provide for the needs of our family members. In line with this kind of a daily routine, we must be supported by certain laws and procedures that will help to make things at an easy phase and avoid unnecessary and illegal transactions which could possibly harm or go against the right of the consumer. All violations must be eliminated at once and just always be fair for everyone. Feel like a market day with freedom, development and satisfaction at all times. P4 LETA
99
Bulag
“Paano siya nakapagtitinda?”
Ang usapang alas–otso ng umaga ay tunay nga palang ilusyon lamang. Isang oras na kaming naghihintay, ngunit malayo pa rin sa pagsisimula ang seminar na dinayo pa namin dito sa Maynila. Tulog pa ang haring araw noong kami ay nagsimulang bumiyahe mula probinsiya. Kaya’t karamihan sa amin ay nababagot, nagugutom, o hindi kaya’y inaantok. Kumakalam na ang aking sikmura. Wala akong magawa kung hindi tumitig na lamang sa malayo. Pilit na ibinabaling ang aking atensyon palayo sa gutom. Bigla kong naaninag ang isang tao mula sa malayo. Base sa kanyang porma, bilao ang kanyang bitbit sa kanang kamay at timba naman sa kaliwa. Nagkakaroon na ng pag-asa ang aking tiyan. Lumapit sa amin ang isang matanda. Marahil lampas pitumpung taon na. Nakasuot siya ng sayang may tatak na mga bulaklak. Nakasabit sa leeg ang lumang apron. Sa kabila ng mga kulubot dala ng katandaan, ramdam ko ang aliwalas ng kanyang mukha dala ng napakatamis niyang ngiti. Animo’y musmos na nagsisimulang makita ang kagandahan ng mundo. Nagsilapit sa kanya ang aking mga kaklase. Sa kanilang P4 LETA
100
paglayo, bitbit na nila ang plastik na may lamang tinapay. Sa totoo lang, wala akong tiwala sa paninda ng mga taong naglalako sa kalsada. Lalo pa’t naririto kami sa kamaynilaan. Ngunit, dahil sa gutom, ako ay lumapit na rin. —Ano raw tinapay ‘yon? —Cheese donut, p’re. —Magkano? —Kinse. —Presyong Maynila talaga. Ang mahal. —Hayaan mo na. Malaki naman. Narinig kong nagsalita ang matanda. Buena mano raw niya kami. Kaya’t kinuha ko ang aking coin purse. Pilit na bumuo ng labinlimang piso. Alam kong kailangan ng mga magtitinda ang barya, lalo na sa umaga. Iniabot ko sa matanda ang dalawang baryang limang piso at limang pipisuhin. Pagkaabot na pagkaabot ko ay kumuha agad siya ng plastik at isinuot ito sa kamay. Tila ba sanay na sanay na siya sa ganitong hanapbuhay. —Utoy, ilan? —Isa lang po. Sa totoo lang, nainis ako sa tanong niya. Eksaktong kinse pesos ang iniabot ko ngunit nakuha pa rin niyang magtanong kung ilan ang bibilhin ko. Mas minabuti kong huwag na lamang pansinin at kainin na lamang ang mainitinit pang tinapay na nasa aking kamay. Habang kumakain, pinapanood ko ang matanda sa kanyang ginagawa. Bumili rin ang isa kong kaklase. Nag-abot siya ng isang daang piso. Tulad ng nakasanayan, isinuot ang isang kamay sa plastik. Kumuha ng dalawang piraso. Ibinalot ang mga ito gamit ang plastik sa kamay. At saka iniabot sa aking kaklase. Matapos ito, kumuha na ulit siya ng plastik at ibinalot sa kamay. Handa na sa susunod na bibili. —Lola, ‘yong sukli ko po. —Ay, sandali. Ito, o. Iniabot ang bente pesos. —Isang daan po ang bigay ko. —Ito pa o. P4 LETA
101
Nag-abot muli ng isa pang bente pesos. —Lola, kulang pa po, May tunog na ng pagkainis. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari sapagkat isang bente pesos lang ulit ang ibinigay ng matanda. Kulang pa rin sa kinakailangang sukli sa aking kaklase. Nang biglang may nagsalita nang malakas. —Hindi marunong magsukli ‘yan! Lahat kami ay nagulat sa narinig. Napatahimik na lamang. Ang kaninang inis sa matanda ay napalitan ng awa. —Pasensya na mga utoy ha. Hindi ako marunong magbilang. Sa puntong ito, punung-puno na ng mga tanong ang aking utak. Paano siya nakapagtitinda? May tinutubo pa ba siya? Saan ba galing ang paninda niya? Paano kung niloloko lang siya ng pinanggagalingan ng mga tinapay niya? Paano kung may manlolokong bumibili? Nasaan ang mga kamag-anak niya? Sunud-sunod pa ang bumibili sa matanda. Bawat isa’y idinidikta na kung magkano ang dapat na bayad at kung magkano ang dapat niyang isukli. Lahat detalyado, hanggang sa kung ilang piraso ng limang piso ang isusukli niya. Gusto ko sanang kausapin si Lola. Marami akong tanong. Ngunit tinawag na kami. Hudyat na magsisimula na ang seminar. Sa aming pagpasok sa venue ay siya namang alis ng matanda. Kita ko pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Hindi pa rin mawala ang mga tanong sa isip ko habang nasa kalagitnaan ng seminar. Ako na lamang ang nag-isip ng mga sagot sa mga sarili kong tanong. Kung naghahanapbuhay pa rin siya, malamang ay wala siyang kasamang mga kamag-anak. Kung meron man, ito ay maaaring sobrang bata pa o sobrang tanda na rin. Dahil hindi siya maghahanapbuhay kung mayroon pang mas may kakayahan sa kanya. Marahil, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral noong kabataan niya. Malaki ang tsansang biktima siya ng mga nakaraang digmaan. Marahil ay naulila siya dahil dito. Sa eskwelahan siya nagtitinda. Ibig sabihin mga estudyante ang kanyang parokyano. Hindi nga naman siya lolokohin ng mga ito. Huwag naman sana. Marami pang mga hinuha ang nabubuo ko. Ngunit sayang lamang dahil wala akong pagkakataon na makausap siya. Gusto ko sanang malaman ang tunay na kwento sa likod ng mga ngiting kahit nasa gitna ng paghihirap ay nakukuha pa ring magningning sa gitna ng dilim na dala ng pagkakait sa kanya ng kaalaman. P4 LETA
102
Dalawang Mukha ng Magsasaka Tangan ng mga bisig mo ang guhit ng kasipagan habang ang kanyang saya, na dating sumasaliw sa baile, sa putik ng pag-asa nagtatampisaw. Magkawangis ang habi ng inyong buhay. Kayo’y nasa iisang kaharian. Doo’y naghihintay si Pilato —ang inyong Panginoon.
P4 LETA
103
Ang Butas sa Gitna ng Limang Piso “Walang pumapansin sa kanya na tila ba hindi siya parte ng mundo.”
Maraming beses nang tinahak ng labing-apat na taong gulang na si Caloy ang masukal na landas paakyat sa bundok upang maghukay ng mga lamang-ugat tulad ng kamoteng kahoy at iba pa na maaari niyang ibenta magkaroon lamang siya at ang kanyang mga kapatid ng pambaon sa eskwela. Nakatali sa kanyang baywang ang itak na pag-aari ng kanyang pumanaw na ama tatlong taon na ang nakalilipas. Sa likod naman niya ay nakasakbat ang isang sako at ang madungis na bag na bili ng kanyang ina noong siya’y nasa ika-limang baitang pa lamang. Hindi niya alintana ang mga nakakahiwang talahib na sumasalubong sa kanyang mukha at ang mga tinik ng uray na bumabaon sa kanyang mga paa. Dalawang ilog ang kanyang tinawid bago narating ang patutunguhan, sa isang malinis na sapa. Binaybay niya ito hanggang marating ang lugar kung saan malagong tumutubo ang mga gabi. Gamit ang mapurol na itak, nagsimula siya sa paghuhukay. Marami at matataba ang mga gabi at sapat na ito upang mapuno ang bag ni Caloy. Pagkatapos nito’y nanimot siya ng mga laglag na niyog mula sa niyugan ni Mang Juan. Tinapasan niya ang mga ito at isinilid sa sako. Maibebenta niya ang mga gabi at mga niyog sa pamilihan P4 LETA
104
sa halagang sasapat na para sa isang kilong bigas at dalawang pakete ng tuyo. Ang sosobra naman ay ipababaon niya sa mga kapatid. Kung may matitira pa, ito’y ihuhulog niya sa kanyang kawayang alkansiya. —Lola, heto na po ang gabi at niyog ninyo, wika ni Caloy sa isang matandang babae na nag-aayos ng paninda nitong mga gulay. Dumukot sa bulsa ang matanda at inabot sa kanya ang perang papel na isangdaan at apat na limang piso na kung saan may butas sa gitna ang isa. Napakamot siya sa ulo at itinabi na lamang ang butas na barya sa bulsa dahil hindi niya ito maibibili. Nakangiti siyang umuwi. Matapos ang paglalakbay mula sa bundok, kasunod naman nito’y ang paglalakbay patungo sa eskwelahan na pinaniniwalaan niyang daan sa tagumpay. May kalayuan ang pinapasukan niya ngunit arawaraw niya itong nilalakad sa kadahilanang wala siyang pambayad sa tricycle. Nasa sekundarya na si Caloy, masipag siya at matalinong estudyante. Gagawin niya ang lahat makatapos lamang ng pag-aaral. Pursigido siya dahil sa kagustuhang maiangat ang pamumuhay ng P4 LETA
kaniyang pamilya. * —Kuya, ate bili ka na. Limang piso lang. Umaga pa lang ay paikot-ikot na ang paslit na si Clarissa sa tapat ng isang unibersidad upang ialok sa mga estudyante ang tinitinda niyang mga yema ngunit kahit isa ay hindi pa ito nababawasan. Walang pumapansin sa kanya na tila ba hindi siya parte ng mundo. Dahil sa pagod, naupo siya sa ugat ng isang puno at doon panandaliang namahinga. Pinagmamasdan niya ang mga babaeng estudyate na pumapasok sa loob ng unibersidad, sinusuri ang mga damit at ninanais na masuot din ang mga ito balang araw. Gusto niyang mag-aral ngunit wala siyang pambayad ng matrikula, wala na rin siyang mga magulang. Tanging lola na lamang niya ang kanyang kasama. Napatingin siya sa mga yema at napabuntong-hininga. —Ilan pa kaya ang kailangan kong itinda bago ako makapag-aral? Maya-maya, huminto sa harap niya ang isang magarang kotse. Bumaba ang isang lalaking nakasuot ng magara ring damit at ito’y lumapit sa kanya. —Kung bibilhin ko ba lahat ‘yan uuwi ka na sa inyo? Tumango na lamang si Clarissa. Kumuha ng pera ang lalaki mula sa kanyang wallet at inabot sa kanya. Malugod niya itong tinanggap. Nakangiting naglakad ang lalaki pabalik sa kanyang kotse habang nakatitig parin sa kanya na wari’y may nais iparating. Nakaalis na ito nang mapansin ni Clarissa na sobra ang ibinayad sa kanya. Sobra ito ng limang pisong may butas sa gitna.
105
Pepsi Paloma, 14, a Filipino American actress allegedly raped by Eat Bulaga hosts Vic Sotto, Joey de Leon and Richie d’ Horsie (Richie Reyes) in 1982. Pepsi signed an affidavit of desistance and dropped the case; no criminal charges were filed against the three comedians. Three years after the case, Pepsi was found dead in her apartment with a rope looped around her neck. People believed that the song “Spolarium” — composed and performed by Eraserheads — was inspired by the Pepsi Paloma rape case.
Hapless star
P4 LETA
106
107
Lalim Inyong iahon ang nabaong guniguni.
108
“Hindi ito magtatapos sa akin. “
Erratum
P4 LETA
—Baka po hindi ako makauwi. Bago pa maitanong ng aking ina kung bakit, pinatay ko na ang aking telepono. Hawak ko sa aking kaliwang kamay ang dyaryong may pangalan ko. Mahaba ang naisulat ko. Totoo ang sinulat ko. Naupo ako sa tabi ng kalsada at binasa ang aking kolum. Mali pala ang spelling ng pangalan ni Mayor. —Hindi kaya siya nagalit? Siguro. Baka. Ewan. ‘Pag nakita ko siya, sasabihin kong kasalanan ‘yon ng editor. Lumalamig na. Kanina pa lumubog ang araw. Hindi ko alam kung bakit pinili kong manatili rito sa halip na magtago. Siguro gusto ko lang maging bayani o dahil sa tingin ko’y wala rin akong pagtataguan. O baka nga bayani talaga ako. Sana lang may maka-alala ng pangalan ko. Kapag nawala ako ngayon, may maghahanap, may magtatanong. Hindi ito magtatapos sa akin. Pero ang lamig na talaga, sobra. Gusto kong bumili ng kape kaso wala akong dalang pera. Aanhin mo nga ba ang pera kung mamamatay ka na? Naglakad-lakad ako para mapawisan. Sira pa rin pala itong kalsada. Bukas pa rin pala ‘yong manhole. Nandoon pa rin pala ang tarpaulin ni Mayor. Mula sa malayo, natanaw ko ang isang green na van. Ito na ba? Tumigil ito sa harapan ko at bumukas ang pinto. Tinanong ko ang taong lulan nito. —Bakit ang tagal, n’yo? —Dumaan pa kasi kami sa bahay n’yo. Nanghina ang mga tuhod ko.
109
kapalaran ng sandatahan
Ang tubig ay gigisingin ng pagdaloy ng dugo Dugong puspos ng damdamin ng pag-ibig na dalisay Aagos ang tubig na may halong kalawang Aanurin ang buhay ng sundalong may alay Bibigkasin ang pupuri sa hanay ng mga bangkay Hihipan ang trumpeta sa saliw ng panlulumbay Ang pagtangis ay di magtatapos sa kamatayan Sapagkat ang kapalarang iginuhit ay patuloy na masusundan
P4 LETA
110
Sampung Kuwento Ng Kababalaghan “Alam mo na ‘ga ‘yong pinakamaikli raw na horror story?”
— P’re, sa tanda mo bang ‘yan, may kinakatakutan ka pa? — Aba e, siyempre naman. Bali ito ay. Anong akala mo sa ‘kin, tipay? — Talaga? Saan ka takot? — Una, sa asawa ko. Kay tapang n’ya ay. Tapos, natatakot ako na mawala lahat ng minamahal ko sa buhay. — Ulol. Lasing ka na! Hindi sila ang mawawala. Ikaw ang mawawala sa kanila. — Aba! Ay bakit naman? — Kapag sumama ka pa nang sumama sa’min, asahan mo na mawawala ka na lang talaga bigla. — Sus. Hindi naman tunay ‘yang ipanapadukot na mga aktibistang iyan. Gawa-gawa ninyo lamang iyan. P4 LETA
111
—Kasi ako, p’re, mas natatakot ako na baka lumaki na lahat ng mga anak ko; e, wala pa ring pakialam ang mga tao sa mga nangyayari. Hindi pa rin sila marunong mag-isip. —Dyableg ka! Ikaw dyan ang lasing na ay! Kay drama mo na riyan ay! Ganito na lang. Alam mo na ‘ga ‘yong pinakamaikli raw na horror story? —Parang alam ko na. Pero sige, ituloy mo. — ‘Ang huling tao sa mundo, nakarinig ng katok sa pinto.’ — Ano ka? Bata? Takot sa multo? Luma na pati ‘yan p’re. May mas maikli riyan. —Sige, paiklian pala ay. Tapatan mo ‘to. ‘Pera’t kapangyarihan lang ang habol nila. Walang iba.’ —Shit p’re.Lalim n’yon! Teka… ‘Maikli ang buhay ng mga aktibista sa Pilipinas.’ —Yano ito. Isang salita lang ang diperensya e. Saglit ka… ‘Kontrolado ng media ang buong buhay mo.’ —Oo nga p’re. Nakakatakot nga iyan. Iba umatake ang media. Akala ng mga nauuto nila, tama ang gawa nila. Kaya ka naman pala tinanggap ni Ka Lando. May isip ka nga. —Wag mong ibahin ang usapan. Lumaban ka pa. —Sige, heto, anim na salita lang. ‘May artista na naman sa senado.’ — ‘Trapo na naman ang manunungkulan.’ — ‘Nagtatanga-tangahan muli ang masa.’ — ‘Dekada bago magkahustisya.’ —Ikli na n’yan a! Heto, tapatan mo. ‘Presidente Noynoy.’ —Haba naman n’yan! Paikliin natin. Pero pinakamatindi na ito siguro… … — ‘Aquino.’ P4 LETA
112
That Was Not Only a Thing “Hindi maaarok ng iyong utak ang kanilang mga adhikain hangga’t hindi ka lumulubog sa kanilang kinalalagyan.”
Anong balita sa radyo at telebisyon? Definitely, you will just simply answer it with, “Ayun, paulit-ulit na lang. Nakakasawang manood/makinig.” I used to have that kind of viewpoint not until I sought the stories behind those immeasurable newscasts. Rally, welga, demonstrasyon, strikes, and piket are some of the subject matters that reiterate the mainstream. Whenever those issues are conveyed to the media, different perspectives arise from the public viewer. “Nag-aaksaya lang sila ng kanilang lakas at panahon.” Some will raise their eyebrow then, “Ano na namang kalokohan ‘yan?” Or worst, “Walang kwenta ang ginagawa nila. May mapapala ba sila?” For those who have that nature of idealism, it is better to shut your mouth first. Broaden whatever the intelligence encompasses you. Your criticisms cannot alleviate the burdens they shouldered on. P4 LETA
113
Bakit naglulunsad ng Lakbayan ang mga magsasaka? Sa kabila ng itinakdang batas na naghahayag ng pagbabahagi sa kanila ng mga lupaing matagal na nilang sinasaka, pilit pa rin itong inaangkin ng mga panginoong may-lupa.Inaabot ng ilang linggo ang kanilang paglalakad patungo sa siyudad upang kalampagin ang mga kinauukulang ahensya. Ang mga ani nila ang nagsisilbing pantawid-gutom sa kanilang paglalakbay. Ang mga lider-estudyante ay nagsusulong na huwag gawing komersyalisado ang edukasyon .Ang iba pang mga panlipunang sektor ay kumukundena laban sa militarisasyon at mga aktibidad na umaayon sa pansariling interes ng mga makapangyarihan, maging ng mga dayuhan. Humihingi rin sila ng katarungan para sa mga biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso at hindi makatwirang pamamaslang. Wala tayong karapatang husgahan ang mga protestang patuloy nilang itinataguyod. What you saw in the televisions is just a reflection of their radical fight against the demonic acts that dominates the society. Hindi maaarok ng iyong utak ang kanilang mga adhikain hangga’t hindi ka lumulubog sa kanilang kinalalagyan. We cannot ever call an action as a fight if it does not have a purpose. Activists that often seen in streets, parks and other public places are selflessly fighting for the truth, equality and justice. They incessantly strive even though they knew that their lives are at risk. Mass actions are neither comparable to entertainment events that seeks for publicity nor money contests. These are acts with their unified goals –people serving his people for the common good. Hindi pa man ako pisikal na nakikilahok sa mass actions, nakikiisa ako sa kanilang mga adhikain. Ipinapahayag ko at patuloy pang ipadarama ang aking pakikibaka, para sa masa, sa pamamagitan ng mga akdang aking nililikha. P4 LETA
114
beinte y otsong taon ng ‘di napapaos na sigaw Walang hanggang pagsuyod ng di napapagod na paa at pakikibaka ng pusong hinulma ng panahon sa EDSA
P4 LETA
115
P4 LETA
116
“Tanging sariling luha na lang ang kaya niyang punasan.”
Sa Pagputak ng Manok ng Kapitbahay “Nang tingnan niya ang mga tala sa langit, napansin niyang tila kasama niya ang mga ito.” Nakaupo si Andoy sa tabi ng bintana nila. Nakatanaw sa malayo. Madalas siyang mag-isa. Papel at panulat lamang ang lagi niyang kausap. Naalala niya ang mga panahong kasama pa niya ang mga kaibigang katulad niya ng pananaw sa buhay. Noong mga panahong matapang pa niyang hinaharap ang mga problema, hindi lang ng sarili niya kung hindi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hanggang sa madala na lamang siya ng alon. Iniwan ang buhay sa mga lansangan ng EDSA at Mendiola. Bumalik sa buhay-burgis. Tanging sariling luha na lang ang kaya niyang punasan. Hanggang sa matapos ang magdamag sa pagputak ng manok ng kapitbahay. Panandaliang nabura sa kanyang alaala ang mga kasamang nakahandusay. P4 LETA
117
Nang Mapalitan ng Agiw ang Liwanag ng Lampara
“Karapatan pa bang maituturing ng asawa ang pagsamantalahan ang pagkatao ng sariling kabiyak? ”
Sa kalaliman ng gabi, naulinigan ni Berto ang malakas na panaghoy ng kanyang nanay sa silid ng kanyang mga magulang. Sa bawat paghagulhol nito, sumasaliw din ang malulutong na hampas ng sinturon sa pader, sa katre at ang malanit na latay sa manipis na balat. Nasa ilalim na naman ng espiritu ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang tatay at namamayani rin ang sungay ng kasamaan sa anyo ng kalibugan. Alam ni Berto na hayok na hayok na naman ang kanyang tatay sa sariwang laman habang wala sa sariling katinuan. Sumisigaw ang kanyang ina habang nais nitong iparamdam sa asawa ang labis na pagsisisi sa mga pangakong binigkas at binitiwan sa harap ng altar. Nais niyang ipagtanggol ang sariling ina subalit sa murang edad na pito, wala pa siyang sapat na kakayahan para malabanan ang ama. Lumipas ang ilang oras at namayani na ang katahimikan ng kabahayan habang namumutawi sa buong paligid ang liwanag ng kanina pang tila naninilip na buwan. Nakagawa si Berto ng maliit na butas at doon niya nakita ang lahat nang nangyari. Awang-awa si Berto sa kanyang pinakamamahal na ina. Walang malay itong nakahiga sa sahig, walang pang-ibabang saplot at punit-punit ang damit pang-itaas. Karapatan pa bang maituturing ng asawa ang pagsamantalahan ang pagkatao ng sariling kabiyak? Dahil sa musmos na kapagurang naramdaman ni Berto sa pag-iintay nang magdamag, pinili na niyang hipan ang nakasinding gaserang marami nang nailabas na itim na usok at nagdudulot ng makapal na agiw sa kanilang tahanan sabay pikit ng mga mamasa-masang mata. P4 LETA
118
Disturbed Silence
On July 31 2004, Roger Mariano, a radio commentator was ambushed while on his way home by armed men. He was the first radio commentator killed by assassins in Ilocos Norte. Authorities believed that it was a result of his exposé on his radio program. Members of media organizations in Ilocos remained hopeful that the case would be given closure until today.
P4 LETA
119
Ang Pagdalaw ng Anghel Tulad ng isang magnanakaw Siya’y dumating mula sa daigdig ng rebolusyon. Uusigin niya ang mga kampon ng kadiliman— Kadilimang nagkukubli ng mga kaluluwa ng mga naunang anghel. Ihihiwalay niya ang masama sa mabuti. Tangan niya’y baston ng katarungan Na ipapataw sa bawat isa. At sa gayon nga’y lumapit ang anghel at nangusap, “Aba ginoong...” Katahimikan. P4 LETA
120
Kailan Ako Huling Naging Matapang? Gusto kong maging matapang. Para kanino? Para saan? Kailan? Bakit? Sa paanong paraan? Nakahawak na ako ng kalibre kwarenta y singko at ng armalite riffle, bumagsak na ako ng ilang beses sa mga eksam, nakapamuhay malayo sa aming tahanan, umuwi ng hatinggabi mula sa ibang bayan, iniwan na ako ng ilang ulit ng mga taong pinahalagahan ko, ngunit hindi ko ikinatapang ang mga iyon. Ayaw kong maging bayani, mahal ang magpagawa ng monumento, gagastos pa sila ng mahal imbes na gamitin na lamang ang pera para sa ikabubuhay ng mga taong iiwan ko. Ayaw kong mamatay nang maaga. Maganda siguro kapag gabi na. Pero biro lang, ayaw ko talaga mamatay kaagad. Gusto ko pang maging inhinyero — ‘yong lisensyado, ‘yong may malaking sweldo! Kahit masyado pang malayo ‘yon. Ngayon, pinagkakaabalahan ko ang pagiging kasapi ng publikasyon ng aking kolehiyo. Dito na ako natutong sumulat. Nakapagsusulat ako ng kung anong gusto kong iparating sa kapwa ko estudyante. Matapang na ba ako sa ganito? Dahil sa pagiging parte ng publikasyon, nabigyan ako ng pagkakataong masaksihan ang isang malawakang kilosprotesta. Kasama ko ang mga taong tunay na matatapang. Nakita ko ang tagaktak ng kanilang pawis habang nagmamartsa sa init ng lansangan. Nakuhanan ng lente ng dala kong kamera ang nakataas nilang plakard habang isinisigaw ang kanilang ipinaglalaban. At sa huli, nakita ko ang sarili kong nasa hanay na nila, taas-kamao, nagmamartsa, nakikiisa. P4 LETA
“Kasama ko ang mga taong tunay na matatapang.”
121
Moths in a Deer ( Part iI ) The wolves dragged in a deer. Muffled screams under their paws. Her tears crashed on to cold earth. Her brown fur stained with red. We howled at the moon. Lost ourselves in the tune Of her singing on key, With the song of epiphany. I bit unto its neck. I tasted the salt on its skin. ‘For what’s it worth’ I said. ‘You tasted better than my kin.’ The wolves danced excitedly. Their blood, their spit, their prints on the scene None of it mattered now For it is tonight that we feast We smiled in pain. As we stepped on to a flame, The heat of the minute Made us drunken beasts rabid. Madly, I ran to thorns Watched my blood spill a waterfall. They grinned at the scene. Pushed the thorns deeper to my skin.
One by one, we took turns, Biting a piece of her soul. The deer crying for help. Starts to lose all her purity. I looked in to the deer’s eyes. She’s deep into misery. She’d killed us in her mind. But we can never die. We howled one last time. The moon shook at the sound. Our breaths fogged the sky. All the deer’s hope died. This does not end tonight. Nor will it tomorrow night. We shall hunt for more. We’ll come knocking on your door. P4 LETA
122
Ang Tatlong Maria sa Lansangan Mga Pangunahing Tauhan: Maria Anna Maria Magdalena Maria Criselda Iba Pang Tauhan: Lider Taong bayan Tagpuan: EDSA Ang tatlong Maria ay may layuning masaksihan at matuklasan ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ng mga taong dalawampu’t walong taon nang nakikibaka sa EDSA. Kasabay nang bumabagal na mga hakbang patungo sa kung saan ay ang pag-ikot ng mga tanong sa isipan. Tanging pagsigaw lamang ng mga hinaing ang nakapapawi sa pagod at uhaw na nararamdaman. Lider: Imperyalismo! Taong-bayan: Ibagsak! Lider: Burukrata kapitalismo! Taong-bayan: Ibagsak! Lider: Pyudalismo! Taong-bayan: Ibagsak! Lider: Noynoy Mismo! Taong-bayan: Babagsak! Maria Anna: Anong ibig sabihin ng imperyalismo? Maria Magdalena: Iyon ang nabubulok na yugto ng kapitalismo. Halimbawa, ang mga bulok na materyales ng ibang bansa ay ipakikilala, sa mga bansang nasasakupan nila, bilang uso at de-kalidad na mga produkto. Ngunit ang P4 LETA
123
totoo, surplus na lamang ito sa mga produkto nila. Maria Anna: Parang mga damit sa ukay? Ano naman ang burukrata kapitalismo? Maria Criselda: (Lilitaw na tila isang kabute galing sa pagkuha ng mga larawan ng aktibidad. Kukunin ang bote ng tubig na hawak ni Maria Anna.) Maria Magdalena: Sa pamamahalang ito, itinuturing na isang negosyo ang sitemang politikal ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng political dynasty. Maria Criselda: Kaya pala… Dahil nga may mga korap, sapilitan nilang pinapapasok ang mga kamag-anak sa politika. Maria Anna: Samantalang nakalagay sa konstitusyon ng Pilipinas na bawal ang political dynasty sa ating bansa. Ano naman ang pyudalismo? Maria Magdalena: Iyon naman ang sistemang may kinalaman sa lupa. Halimbawa, ang mga ninuno natin noon ay walang titulo. Nagsasaka sila ng lupa at pinayayabong ito dahil dito sila kumukuha ng pangangailangan. Dumating ang mga mananakop at gumawa ng mga titulong pinalamon sa ating mga ninuno upang
angkinin ang mga lupain. Isa pang halimbawa nito ay ang Mendiola Massacre. Nagkaroon ng kilos-protesta ang mga magsasaka sa Mendiola noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Nais nila na ipamahagi nang pamilya Cojuangco-Aquino ang ipinangakong lupa para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Ngunit, bala ang sumalubong sa naglalagablab na damdamin ng mga mamamayan. Maria Anna: (Natulala.) Maria Magdalena: Bakit ka natigilan? Maria Anna: Naisip ko lang… Napahinto sila sa mga nakahanay na armadong sundalo’t kapulisan sa kanilang harapan. Sa tabi nito ay isang trak ng bumbero, na anumang oras ay nakahandang bugahan ng tubig ang mga nagproprotesta. * Lider: (Lumapit sa mga pulis at sundalo) Kaibigan. Ano ‘to? Dumaan na ito sa legal. Pinayagan naman kaming magkaroon ng kilosprotesta sa lugar na ito. Mayroon kaming karapatang magpahayag ng aming nararamdaman. Alam namin ang aming karapatan! Matapos bitawan ng lider ang kanyang naging huling mga salita, walang awang pinagbabaril ng mga sundalo’t kapulisan ang mga nagproprotesta sa lansangan. Mabilis ang mga pangyayari. Sa isang iglap, maraming namatay at nasugatan. Dumanak ang dugo’t luha ng mga naulila. Ang pagkitil sa kanilang buhay ay pagkawasak din ng mga pangarap. * Maria Anna: … na baka mangyari ulit ngayon ang nangyari noon. Hindi malabo iyon dahil isa rin siyang Aquino. P4 LETA
124
Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Ang pondo raw namin, Hindi na matagpuan. Ngunit ang payo sa akin, Manahimik ka na lamang. Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Mga haplos at titig ni Sir, Hindi na naman mapigilan. Ngunit ang payo sa akin, Manahimik ka na lamang. Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Marami na namang bayarin, Ginagawa kaming hanapbuhay. Ngunit ang payo sa akin, Manahimik ka na lamang. Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Ibabagsak daw kami, May ganoon daw siyang kapangyarihan. Ngunit ang payo sa amin, Manahimik ka na lamang. Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Isinulat ko ang aking hinaing, Ngunit, dahil sa posisyon, ako ay binusalan. Ang payo ko sa inyo, Tulungan ninyo akong sumigaw. P4 LETA
Minsan sa May Amin
125
Brothers’ Souls
Died without seeing the sun Rising over my homeland Vanished without seeing a child’s birth Death from the hands of my own brother.
P4 LETA
126
Unang misteryo ng hapis
Mainam pa’ng kumain ng salat Mapurga sa itlog na maalat Kaysa tumunghay sa panlabinglimahang hapag, Hitik sa minatamis at inuming umaawas, Kung wala namang makakasalo sa panghimagas Masuwerte pa silang si-singko ang salapi At may butas pa ang lima, Kaysa sa may pinatas na ginintuang papel At kahon-kahong barya Kung mas masaya pa si Rizal nang barilin sa Luneta. Gugustuhin ko pang mabuhay nang maiksi, Kumain ng salat, at walang salapi Kaysa buhay na kay habang puno ng pighati. Sapagkat ang tunay na sukdulan ng kahirapan Ay walang hanggang kalungkutan. P4 LETA
127
Tatlong Tanaga ng Bagong Katipunan
Litanya at taludtod Ang siyang maghuhusga Sa bagong rebolusyong Itatatag ng pluma. Malulunod ang pait Ibabaon ang sakit Sa lupang inalipin At muling magtatanim. Didiligan ang titik Hindi mapipigilan Ang pagluwal ng bayan Sa bagong katipunan. P4 LETA
128
Tao Ka, Sumulong Ka: Isang pantoum Tao ka Imulat mo ang iyong mga mata Huwag hayaang magpapiring at magpagapos sa kanila Hindi ka bulag, nakakakita ka Imulat mo ang iyong mga mata Kasabay ng paggamit sa dalawa mong tainga Hindi ka bulag, nakakakita ka Huwag magbingi-binigihan, makinig ka Kasabay ng paggamit sa dalawa mong tainga Magsalita ka Huwag magbingi-binigihan, makinig ka Gamitin ang kapangyarihan ng iyong salita Magsalita ka Humakbang paunahan ngayon na Gamitin ang kapangyarihan ng iyong salita Hindi ka lumpo, kumilos ka Humakbang paunahan ngayon na Sa iyo nakasalalay ang pagbabagong hinangad noon pa Hindi ka lumpo, kumilos ka Taas kamao, sumulong, makiisa Sa iyo nakasalalay ang pagbabagong hinangad noon pa Huwag hayaang magpapiring at magpagapos sa kanila Taas kamao, sumulong, makiisa Tao ka. P4 LETA
Ang pantoum ay isang porma ng tula kung saan ang ikalawa at ikaapat na taludtod sa unang saknong ay magsisilbing una at ikatlong taludtod sa ikalawang saknong, ayon sa pagkakasunud-sunod. Ang pormyula na ito ay gagamitin sa mga kasunod pang saknong hanggang sa mabuo ang ganitong tula.
129
Ka[wa]wang-gawa Mga kamaong dating kay tatag Ngayo’y natutong bumukas At idaop sa palad na kapos sa awa At gumuhit ng pag-asa sa mukha ng abang dukha, Sila na nabubuhay sa pag - ibig, Mga biktima ng tatsulok na daigdig.
P4 LETA
sparkista “Sa pagburak ng malapot at mulat na tinta, Muling sisilay ang mga bagong mandirigma”
Banaag
Concealed Veracity The Salted Package Sa Paghihintay Disturbed Silence
Bayani
Pangarap Saan nga ba Napupunta ang Tao Kapag Pumanaw na? Tatlong Tanaga ng Bagong Katipunan
Bombay
Sa Tamang Oras At Timbang Sampu Pagsisid sa Lupa Ang Tatlong Maria sa Lansangan
Cena
Fuerte
Ang Salitang ‘Di Binigkas Lost And Not Found Hapless Star Sketch Tutorial Pintakasi Ang Dalawang Mukha ng Magsasaka
Galvez
Chain of Hatred Mamamatay Ako Hindi Para sa Bayan Niyebe sa Tag-Araw Ang Butas sa Gitna ng Limang Piso Isang Bilaong Puto
Lunario
Panulat Ko’y Dugo
Moths on a Deer ( Part I ) Moths in a Deer ( Part II ) Erratum
Cutchillar
Woe of Valor Sa Lugar Kung Saan ‘Di Ka na Malulungkot Hain
Dando
Kuro-Kuro Bulag Sampung Kuwento ng Kababalaghan Minsan sa may Amin
Magsino
Si Diana sa Piling ng Apat na Anghel Ang Bulaklak ng Digmaan Ang Batang Hindi Pinangalanan Nang Mapasin Kong ang Lakad Ko’y mga Hakbang ng Aking Ama Butil ng Palay sa Bitak ng Lupa Unang Misteryo ng Hapis Ang Pagdalaw ng Anghel Murang Laman
Macatangay
Lipat-Bahay That Was Not Only a Thing
Obnamia
Tagapagmana Kahig-sisiw Taguan Baliktad na Kaisipan ng Kaisipang Binaliktad Quintos Tulang Hindi Magkatugma Magsulat, Magmulat, Manunulat Sa Pagputak ng Manok ng Kapitbahay Ang Tatlong Maria sa Lansangan
Padillo
Tulak Unchanged Melody Maskara ng Kapatawaran Lusis Bawat Bata Manlalakbay sa Pinatag Na Kahirapan Through A Child’s Eye Ka[wa]wang-Gawa
Panganiban Sandamukal Tayo Na
Pasia
Tapon S
Pelipada
Bakit may Panty sa Kanal?
Pinili
Tubog Kapalaran ng Sandatahan Sining ng Rebolusyon Ang Alamat ng Mahiwagang Finger Sinikil na Tinig
Querubin
Tulak Where Did My Pera Make Go? Sa tamang oras at timbang Pasintabi Chiseled Ang Huling Araw ng Pagbibilang Ko ng mga Bakod
Sabandana
Sabay sa alon Magsisi: Isang Ideolohiyang Basura
Sinag
Tulak Isang Supot ng Tinapay Basang Chalk Beinte Y Otsong Taon Ng ‘Di Napapaaos na Sigaw Kailan Ako Huling Naging Matapang? Tao Ka, Sumulong Ka: Isang pantoum Brothers’ Soul
Tabi
Ta[o] Panaghoy ng Katahimikan
Tiusan
When They See What You Cannot Fair at Market Day: Consumer Rights and Privileges Revisited Nang Mapalitan ng Agiw ang Liwanag ng Lampara
132
EPILOGO
Para sa Bumabangong Pag-asa
Matapos mailapat ang huling artikulo at mapasa-iyong kamay ang bawat kopya ng edisyong ito, nawa’y nabuksan ang dimensyong patuloy na nagkukubli sa karunungang kaugnay ng iyong mga karapatan. At sa pagbubukas ng iyong kamalayan ay muling buburak ang malapot na tinta at maglilimbag ng damdaming kakatha ng mga bagong titik sa mga susunod na panahon. Ang punla ng kamalayang iyo ngayong taglay ay palalaguin ng iyong pagkamulat at pagtingin sa naiibang anggulo ng mga bagay. Didiligin ito ng nagsusumidhing damdamin na dati’y di mo naranasan. Sa huli’y matututo kang umibig. Dadalhin ka ng pag-ibig sa dimensyong dati’y iyo lamang nabuksan. Aakyatin mo ang taas, babaybayin ang luwang at lulusukin ang lalim hanggang maging parte ka na rin ng dimensyong ito. At sa panahong nasa iisang lugar na lang tayo nakatapak, nangangahulugang di mo hinayaang matakpan ang siwang na aming sinubukang buksan. Salamat! P4 LETA
ALJIN CHRIS C. MAGSINO Punong Patnugot
133
TheSpark
PATNUGUTANG 2014-2015
ALJIN CHRIS C. MAGSINO Editor in Chief JOMMEL C. DANDO Associate Editor and In-Charge, Features and Culture Section JOMARI L. PADILLO Managing Editor MARK ANGELO M. TIUSAN Copy Editor RAMMEL F. MISTICA Office & Circulations Manager CARLO OLYVEN H. BAYANI News and Sports Editor FAITH P. MACATANGAY Literary Editor ROSS EMMANUEL B. PINILI Art Director KAYPER E. SUBELDIA Photography and Video Director MARIA CARMELA R. SINAG Page Design Director EDILBERTO R. FUERTE Associate Literary Editor
JOHN RYAN L. BANAAG NEIL ALDREN V. DATOR JUSTINE A. PANGANIBAN KRISTINE C. RODRIGUEZ Senior Staff JUDITH R. GARCIA MELODY D. LUNARIO Junior Staff MARY ANN C. BOMBAY NEIL ALLEN T. CENA AIRAJANE G. CUTCHILLAR CHRISTIAN M. DIONCO BEEJAY C. GALVEZ MA. MICHELLE B. OBNAMIA MARK ANGELO M. PASIA ZYRA DV. PELIPADA KATHERINE S. QUERUBIN MARX JENDRE S. SABANDANA PAUL J. TABI Apprentices ENGR. MARIA CORAZON B. ABEJO ENGR. MAURINO N. ABUEL Technical Advisers
College Editors Guild of the Philippines Member
1st Floor, MHDP Bldg. (COE), Southern Luzon State University. Lucban, Quezon. Address
P4 LETA