3 minute read

Tao Kapag Pumanaw na?

Saan nga ba Napupunta ang Tao Kapag Pumanaw na?

Saan nga ba napupunta ang tao kapag pumanaw na? Hindi sa langit. Hindi sa impyerno. Hindi sa purgatoryo. Kung hindi sa kung saan niya gusto, Sa lugar kung saan dadalhin ng hangin ang magaan niyang kaluluwa.

Advertisement

“Minamaliit ba ni Ma’am ang mga gurong katulad niya?”

Basang Chalk

–Andiyan na si Ma’am! Sigaw ng kaklase kong nakatanaw sa bintana nang makita ang naglalakad naming guro sa Math na siya ring adviser namin. Halos araw-araw, mula nang maging fourth year ako, ganito na ang tagpo sa silidaralan. Tuwing ika-12:45 ng tanghali nag-uumpisa ang una naming sabdyek. Afternoon shift kami. Hindi kasi kasya ang lahat ng estudyante sa maunting silid-aralan. Unang sabdyek namin ang Math. Hindi mabait si Ma’am. Napaka-istrikta niya. Malupit ding magbigay ng mga quiz. G na G nga sa kanya ‘yong iba kong kaklase kasi napaka-demanding kahit na napakahusay niyang guro at alam ng lahat iyon. Halos wala akong alam sa kanya. Hindi naman siya tumatayo sa unahan para lang magkuwento tungkol sa personal niyang buhay. Kapag siya’y nasa kanyang table sa likuran, hindi rin kami naglalakasloob na kausapin siya. Madalas lang siyang nakaubob doon at parang natutulog. Isang beses, may makulit akong kaklase na nagtaas ng kamay at nagtanong. –Ma’am, magkano po ang sweldo ng isang

titser?

–Baka kapag nalaman ninyo, wala nang tumulad sa propesyon ko. May ideya naman kami kung magkano ang sweldo nila, makulit lang talaga ang kaklase ko. Gusto kong magtanong kung bakit siya nag-titser pero hindi ko maitaas ang kamay ko para magtanong. Naghihintay na lang ako ng kaklase kong magtatanong ng kapareho ng nasa isip ko. Hindi pa pala tapos ang usapan. Nagtanong pa si Ma’am sa buong klase. –Sino rito ang gustong yumaman? Natawa ako. Fourth year high school na kami pero parang mga kindergarten kaming tinatanong

kung anong gusto paglaki. Siyempre, lahat kami nagtaas ng kamay. –Kung gusto ninyong yumaman, huwag kayong magti-titser... Minamaliit ba ni Ma’am ang mga gurong katulad niya? Ako, hindi ko alam kung anong kukunin kong kurso, pero siguradong ayaw kong maging titser. Ano man ang kahinatnan ko, hinding-hindi ko malilimutan na kung walang mga guro, hindi naman magkakaroon ng mga propesyonal. Isa ‘yan sa lagi kong tinatandaan kung bakit lubos akong humahanga sa mga guro kahit walang-hiya o mistulang mga halimaw ang iba sa kanila. Titser sa pampublikong elementarya ang ate ko. Hindi nga naman ganoon kalaki ang sweldo, sapat lang, minsan kulang pa. Pero masaya siya sa propesyong napili niya. Minsan akong bumibisita sa kanya at pinapanood siyang magturo. Naambunan din ako ng mga tsokolate at regalong bigay ng mga estudyante niya tuwing pasko, Valentine’s day, birthday niya at kung anumang okasyon. Hindi ko pinangarap maging guro. Kaya kahit ilang beses pa akong sabihan ni ate at ni nanay na mag-titser na lamang ako, ayaw ko pa rin talaga. –Get one-fourth sheet of paper. –Shit. May quiz pala! Kung anu-ano pang iniisip ko. Tsk. Break time. Nakaub-ob na naman si Ma’am sa table niyang bukas na naman ang drawer. Tulog siguro, at kahit maingay sa classroom, hindi siya nagigising. Pagdating ng sunod naming subject teacher, natahimik na ang lahat. Paglingon ko sa likod, wala na rin doon si Ma’am. Kakaiba, hindi naman siya umaalis ng ganito kaaga, wala na rin ang bag niya, ibig sabihin umalis na nga siya. Kinabukasan. Ala-una na ng hapon, wala pa si Ma’am. Hindi siya nale-late, hindi rin pala-absent. Bakit kaya wala si Ma’am? Napagalitan na kami ng titser sa kabilang classroom dahil sa ingay kaya binigyan kami ng gagawin. Naghanap ng pwedeng magsulat sa pisara at ako ang itinuro ng mga kaklase ko. Kumuha ako ng chalk sa drawer ni Ma’am na sira pala kaya hindi na maisara. Ipinangsulat ko ngunit hindi sumusulat. Natigilan ako. Naisip ko ang mga pira-pirasong chalk na tanging laman ng kanyang drawer, hindi sumusulat. Tulog kaya talaga si Ma’am noong mga sandaling iyon?

This article is from: