1 minute read
ng Bagong Katipunan
Tatlong Tanaga ng Bagong Katipunan
Litanya at taludtod Ang siyang maghuhusga Sa bagong rebolusyong Itatatag ng pluma.
Advertisement
Malulunod ang pait Ibabaon ang sakit Sa lupang inalipin At muling magtatanim.
Didiligan ang titik Hindi mapipigilan Ang pagluwal ng bayan Sa bagong katipunan.
Tao Ka, Sumulong Ka: Isang pantoum
Tao ka Imulat mo ang iyong mga mata Huwag hayaang magpapiring at magpagapos sa kanila Hindi ka bulag, nakakakita ka
Imulat mo ang iyong mga mata Kasabay ng paggamit sa dalawa mong tainga Hindi ka bulag, nakakakita ka Huwag magbingi-binigihan, makinig ka
Kasabay ng paggamit sa dalawa mong tainga Magsalita ka Huwag magbingi-binigihan, makinig ka Gamitin ang kapangyarihan ng iyong salita
Magsalita ka Humakbang paunahan ngayon na Gamitin ang kapangyarihan ng iyong salita Hindi ka lumpo, kumilos ka
Humakbang paunahan ngayon na Sa iyo nakasalalay ang pagbabagong hinangad noon pa Hindi ka lumpo, kumilos ka Taas kamao, sumulong, makiisa
Sa iyo nakasalalay ang pagbabagong hinangad noon pa Huwag hayaang magpapiring at magpagapos sa kanila Taas kamao, sumulong, makiisa Tao ka.
Ang pantoum ay isang porma ng tula kung saan ang ikalawa at ikaapat na taludtod sa unang saknong ay magsisilbing una at ikatlong taludtod sa ikalawang saknong, ayon sa pagkakasunud-sunod. Ang pormyula na ito ay gagamitin sa mga kasunod pang saknong hanggang sa mabuo ang ganitong tula.