2 minute read
That Was Not Only a Thing
Anong balita sa radyo at telebisyon? Definitely, you will just simply answer it with, “Ayun, paulit-ulit na lang. Nakakasawang manood/makinig.” I used to have that kind of viewpoint not until I sought the stories behind those immeasurable newscasts. Rally, welga, demonstrasyon, strikes, and piket are some of the subject matters that reiterate the mainstream. Whenever those issues are conveyed to the media, different perspectives arise from the public viewer. “Nag-aaksaya lang sila ng kanilang lakas at panahon.” Some will raise their eyebrow then, “Ano na namang kalokohan ‘yan?” Or worst, “Walang kwenta ang ginagawa nila. May mapapala ba sila?” For those who have that nature of idealism, it is better to shut your mouth first. Broaden whatever the intelligence encompasses you. Your criticisms cannot alleviate the burdens they shouldered on.
Advertisement
Bakit naglulunsad ng Lakbayan ang mga magsasaka? Sa kabila ng itinakdang batas na naghahayag ng pagbabahagi sa kanila ng mga lupaing matagal na nilang sinasaka, pilit pa rin itong inaangkin ng mga panginoong may-lupa.Inaabot ng ilang linggo ang kanilang paglalakad patungo sa siyudad upang kalampagin ang mga kinauukulang ahensya. Ang mga ani nila ang nagsisilbing pantawid-gutom sa kanilang paglalakbay. Ang mga lider-estudyante ay nagsusulong na huwag gawing komersyalisado ang edukasyon .Ang iba pang mga panlipunang sektor ay kumukundena laban sa militarisasyon at mga aktibidad na umaayon sa pansariling interes ng mga makapangyarihan, maging ng mga dayuhan. Humihingi rin sila ng katarungan para sa mga biktima ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso at hindi makatwirang pamamaslang. Wala tayong karapatang husgahan ang mga protestang patuloy nilang itinataguyod. What you saw in the televisions is just a reflection of their radical fight against the demonic acts that dominates the society. Hindi maaarok ng iyong utak ang kanilang mga adhikain hangga’t hindi ka lumulubog sa kanilang kinalalagyan. We cannot ever call an action as a fight if it does not have a purpose. Activists that often seen in streets, parks and other public places are selflessly fighting for the truth, equality and justice. They incessantly strive even though they knew that their lives are at risk. Mass actions are neither comparable to entertainment events that seeks for publicity nor money contests. These are acts with their unified goals –people serving his people for the common good. Hindi pa man ako pisikal na nakikilahok sa mass actions, nakikiisa ako sa kanilang mga adhikain. Ipinapahayag ko at patuloy pang ipadarama ang aking pakikibaka, para sa masa, sa pamamagitan ng mga akdang aking nililikha.