1 minute read

Sampung Kuwento ng Kababalaghan

“Alam mo na ‘ga ‘yong pinakamaikli raw na horror story?”

— P’re, sa tanda mo bang ‘yan, may kinakatakutan ka pa? — Aba e, siyempre naman. Bali ito ay. Anong akala mo sa ‘kin, tipay? — Talaga? Saan ka takot? — Una, sa asawa ko. Kay tapang n’ya ay. Tapos, natatakot ako na mawala lahat ng minamahal ko sa buhay. — Ulol. Lasing ka na! Hindi sila ang mawawala. Ikaw ang mawawala sa kanila. — Aba! Ay bakit naman? — Kapag sumama ka pa nang sumama sa’min, asahan mo na mawawala ka na lang talaga bigla. — Sus. Hindi naman tunay ‘yang ipanapadukot na mga aktibistang iyan. Gawa-gawa ninyo lamang iyan.

Advertisement

—Kasi ako, p’re, mas natatakot ako na baka lumaki na lahat ng mga anak ko; e, wala pa ring pakialam ang mga tao sa mga nangyayari. Hindi pa rin sila marunong mag-isip. —Dyableg ka! Ikaw dyan ang lasing na ay! Kay drama mo na riyan ay! Ganito na lang. Alam mo na ‘ga ‘yong pinakamaikli raw na horror story? —Parang alam ko na. Pero sige, ituloy mo. — ‘Ang huling tao sa mundo, nakarinig ng katok sa pinto.’ — Ano ka? Bata? Takot sa multo? Luma na pati ‘yan p’re. May mas maikli riyan. —Sige, paiklian pala ay. Tapatan mo ‘to. ‘Pera’t kapangyarihan lang ang habol nila. Walang iba.’ —Shit p’re.Lalim n’yon! Teka… ‘Maikli ang buhay ng mga aktibista sa Pilipinas.’ —Yano ito. Isang salita lang ang diperensya e. Saglit ka… ‘Kontrolado ng media ang buong buhay mo.’ —Oo nga p’re. Nakakatakot nga iyan. Iba umatake ang media. Akala ng mga nauuto nila, tama ang gawa nila. Kaya ka naman pala tinanggap ni Ka Lando. May isip ka nga. —Wag mong ibahin ang usapan. Lumaban ka pa. —Sige, heto, anim na salita lang. ‘May artista na naman sa senado.’ — ‘Trapo na naman ang manunungkulan.’ — ‘Nagtatanga-tangahan muli ang masa.’ — ‘Dekada bago magkahustisya.’ —Ikli na n’yan a! Heto, tapatan mo. ‘Presidente Noynoy.’ —Haba naman n’yan! Paikliin natin. Pero pinakamatindi na ito siguro… … — ‘Aquino.’

This article is from: