3 minute read
Moths in a Deer ( Part II
Moths in a Deer
( Part iI )
Advertisement
The wolves dragged in a deer. Muffled screams under their paws. Her tears crashed on to cold earth. Her brown fur stained with red.
We howled at the moon. Lost ourselves in the tune Of her singing on key, With the song of epiphany.
I bit unto its neck. I tasted the salt on its skin. ‘For what’s it worth’ I said. ‘You tasted better than my kin.’
The wolves danced excitedly. Their blood, their spit, their prints on the scene None of it mattered now For it is tonight that we feast
We smiled in pain. As we stepped on to a flame, The heat of the minute Made us drunken beasts rabid.
Madly, I ran to thorns Watched my blood spill a waterfall. They grinned at the scene. Pushed the thorns deeper to my skin. One by one, we took turns, Biting a piece of her soul. The deer crying for help. Starts to lose all her purity.
I looked in to the deer’s eyes. She’s deep into misery. She’d killed us in her mind. But we can never die.
We howled one last time. The moon shook at the sound. Our breaths fogged the sky. All the deer’s hope died.
This does not end tonight. Nor will it tomorrow night. We shall hunt for more. We’ll come knocking on your door.
Ang Tatlong Maria sa Lansangan
MGA PANGUNAHING TAUHAN: Maria Anna Maria Magdalena Maria Criselda IBA PANG TAUHAN: Lider Taong bayan TAGPUAN: EDSA Ang tatlong Maria ay may layuning masaksihan at matuklasan ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ng mga taong dalawampu’t walong taon nang nakikibaka sa EDSA. Kasabay nang bumabagal na mga hakbang patungo sa kung saan ay ang pag-ikot ng mga tanong sa isipan. Tanging pagsigaw lamang ng mga hinaing ang nakapapawi sa pagod at uhaw na nararamdaman.
LIDER: Imperyalismo!
TAONG-BAYAN: Ibagsak!
LIDER: Burukrata kapitalismo!
TAONG-BAYAN: Ibagsak!
LIDER: Pyudalismo!
TAONG-BAYAN: Ibagsak!
LIDER: Noynoy Mismo!
TAONG-BAYAN: Babagsak!
MARIA ANNA: Anong ibig sabihin ng imperyalismo?
MARIA MAGDALENA: Iyon ang nabubulok na yugto ng kapitalismo. Halimbawa, ang mga bulok na materyales ng ibang bansa ay ipakikilala, sa mga bansang nasasakupan nila, bilang uso at de-kalidad na mga produkto. Ngunit ang
totoo, surplus na lamang ito sa mga produkto nila.
MARIA ANNA: Parang mga damit sa ukay? Ano naman ang burukrata kapitalismo?
MARIA CRISELDA: (Lilitaw na tila isang kabute galing sa pagkuha ng mga larawan ng aktibidad. Kukunin ang bote ng tubig na hawak ni Maria Anna.)
MARIA MAGDALENA: Sa pamamahalang ito, itinuturing na isang negosyo ang sitemang politikal ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng political dynasty.
MARIA CRISELDA: Kaya pala… Dahil nga may mga korap, sapilitan nilang pinapapasok ang mga kamag-anak sa politika.
MARIA ANNA: Samantalang nakalagay sa konstitusyon ng Pilipinas na bawal ang political dynasty sa ating bansa. Ano naman ang pyudalismo?
MARIA MAGDALENA: Iyon naman ang sistemang may kinalaman sa lupa. Halimbawa, ang mga ninuno natin noon ay walang titulo. Nagsasaka sila ng lupa at pinayayabong ito dahil dito sila kumukuha ng pangangailangan. Dumating ang mga mananakop at gumawa ng mga titulong pinalamon sa ating mga ninuno upang angkinin ang mga lupain. Isa pang halimbawa nito ay ang Mendiola Massacre. Nagkaroon ng kilos-protesta ang mga magsasaka sa Mendiola noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Nais nila na ipamahagi nang pamilya Cojuangco-Aquino ang ipinangakong lupa para sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Ngunit, bala ang sumalubong sa naglalagablab na damdamin ng mga mamamayan.
MARIA ANNA: (Natulala.)
MARIA MAGDALENA: Bakit ka natigilan?
MARIA ANNA: Naisip ko lang… Napahinto sila sa mga nakahanay na armadong sundalo’t kapulisan sa kanilang harapan. Sa tabi nito ay isang trak ng bumbero, na anumang oras ay nakahandang bugahan ng tubig ang mga nagproprotesta. *
LIDER: (Lumapit sa mga pulis at sundalo) Kaibigan. Ano ‘to? Dumaan na ito sa legal. Pinayagan naman kaming magkaroon ng kilosprotesta sa lugar na ito. Mayroon kaming karapatang magpahayag ng aming nararamdaman. Alam namin ang aming karapatan!
Matapos bitawan ng lider ang kanyang naging huling mga salita, walang awang pinagbabaril ng mga sundalo’t kapulisan ang mga nagproprotesta sa lansangan.
Mabilis ang mga pangyayari. Sa isang iglap, maraming namatay at nasugatan. Dumanak ang dugo’t luha ng mga naulila. Ang pagkitil sa kanilang buhay ay pagkawasak din ng mga pangarap. *
MARIA ANNA: … na baka mangyari ulit ngayon ang nangyari noon. Hindi malabo iyon dahil isa rin siyang Aquino.