1 minute read

Sa Pagputak ng Manok ng Kapitbahay

“Tanging sariling luha na lang ang kaya niyang punasan.”

“Nang tingnan niya ang mga tala sa langit, napansin niyang tila kasama niya ang mga ito.” Nakaupo si Andoy sa tabi ng bintana nila. Nakatanaw sa malayo. Madalas siyang mag-isa. Papel at panulat lamang ang lagi niyang kausap. Naalala niya ang mga panahong kasama pa niya ang mga kaibigang katulad niya ng pananaw sa buhay. Noong mga panahong matapang pa niyang hinaharap ang mga problema, hindi lang ng sarili niya kung hindi ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hanggang sa madala na lamang siya ng alon. Iniwan ang buhay sa mga lansangan ng EDSA at Mendiola. Bumalik sa buhay-burgis. Tanging sariling luha na lang ang kaya niyang punasan. Hanggang sa matapos ang magdamag sa pagputak ng manok ng kapitbahay. Panandaliang nabura sa kanyang alaala ang mga kasamang nakahandusay.

Advertisement

This article is from: