1 minute read

Minsan sa May Amin

Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Ang pondo raw namin, Hindi na matagpuan. Ngunit ang payo sa akin, Manahimik ka na lamang.

Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Mga haplos at titig ni Sir, Hindi na naman mapigilan. Ngunit ang payo sa akin, Manahimik ka na lamang.

Advertisement

Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Marami na namang bayarin, Ginagawa kaming hanapbuhay. Ngunit ang payo sa akin, Manahimik ka na lamang.

Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Ibabagsak daw kami, May ganoon daw siyang kapangyarihan. Ngunit ang payo sa amin, Manahimik ka na lamang.

Minsan sa may amin, May bulung-bulungan. Isinulat ko ang aking hinaing, Ngunit, dahil sa posisyon, ako ay binusalan. Ang payo ko sa inyo, Tulungan ninyo akong sumigaw.

Brothers’ Souls Died without seeing the sun Rising over my homeland Vanished without seeing a child’s birth Death from the hands of my own brother.

This article is from: