1 minute read
Lipat-Bahay
Malapit na raw kaming magkaroon ng bagong bahay. Hindi na ako makapaghintay. Aligaga na ang aking pamilya. Isiniksik ni Ina ang biláng naming mga damit sa bayong. Si Ama naman ang may tangan sa tatlo ko pang mga kapatid. Nagbabadya nang tahakin ng malaking sasakyan ang aming bahay. Ilang segundo ang lumipas, wala na ang barung-barong naming gawa sa pinagtagni-tagning tarapal. Hindi ko na rin makita ang bahay ni Aling Linda na gawa naman sa mga bulok na yerong nakalakal nila. Napansin kong nangingilid na ang luha sa kanilang mga mata. Pagod na ko. Ilang poste pa kaya ang aking bibilangin bago kami makarating sa bakurang tatawagin kong amin?
Advertisement
concealed veracity
The Dacer-Corbito double murder case is a highly publicized criminal case in the Philippines concerning the unsolved death of publicist Bubby Dacer and his driver Emmanuel Corbito in Indang, Cavite (2000). The case involves former presidents Joseph Estrada, Fidel Ramos, and Senator Panfilo Lacson who, based on the affidavits submitted by principal suspects, Glenn Dumlao and Cesar Mancao, is allegedly the mastermind behind the killing.