1 minute read

Kapalaran ng Sandatahan

Ang tubig ay gigisingin ng pagdaloy ng dugo Dugong puspos ng damdamin ng pag-ibig na dalisay Aagos ang tubig na may halong kalawang Aanurin ang buhay ng sundalong may alay

Bibigkasin ang pupuri sa hanay ng mga bangkay Hihipan ang trumpeta sa saliw ng panlulumbay Ang pagtangis ay di magtatapos sa kamatayan Sapagkat ang kapalarang iginuhit ay patuloy na masusundan

Advertisement

This article is from: