2 minute read
Magsulat, Magmulat, Manunulat
Manunulat ako, Nagpapahayag, naglalathala, lumilikha. Lumilikha ng mga pinagsama-samang salita, Salitang nanggaling sa kaibuturan ng damdamin. Damdaming inilaan
para sa bayan.
Advertisement
Manunulat na nagsusulat para sa katotohanan. Ibinabahagi ang mga karanasan at kaalaman. Kaalamang hinubog ng panahon kasama ang masa. Masang tanging sandigan
ng ating paglaban.
Manunulat na inilalarawan ang kahirapan, Kahirapang dulot ng mga nagsasamantala’t naghahari-harian Sa pamamagitan ng mga katagang kinatha ng pluma’t tinta.
Pluma’t tintang hawak ng mga kamay ang tanging sandata.
Manunulat akong maituturing. Sumusulat upang magmulat, Sumusulat upang magtanggal ng mga piring. Piring na inilagay ng mga bakal na kamay sa inyong mga mata. Mga matang dapat nakakakita ng tunay na kalagayan ng kapwa mamamayan.
Manunulat na may tanging hiling, Hiling na ang sinisintang bayan ay palayain.
Palayain!
Manunulat na may karapatang magsulat. Magsulat ng mga panawagan, Panawagan para sa bayan.
Manunulat ng bayan, Mga artista ng sambayanan. Hindi dapat paslangi’t pahirapan Dahil sa pagsusulat ng katotohanan.
Ikaw na manunulat, Magmulat ka dahil ika’y mulat, Magpakilos ka dahil ika’y kumikilos.
Ikaw na manunulat, Magsulat para sa nakararami, Nakararaming
api. Magsulat at ipagpatuloy ang gawa ng mga bayani.
s
Ordinaryong araw na naman. Papasok sa eskwelahan kahit na tinatamad ka. Titingin sa professor mo habang nag-di-discuss kahit na hindi ka interesado. Tatango ang ulo, bala-balang kuhang-kuha mo ang kanyang sinasabi. At kapag magtatanong na, iiwas ang mata. Wala kang magagawa kung talagang ikaw ang kursunada. —Okay, Mr. Robles, please explains to me the definition of Resonance and when its occurs. Kaliwa’t kanan ang pag-ikot ng ulo at matang tila ba humihingi ng saklolo. —You doesn’t knows the answers? Why? Because you doesn’t study! Ang alam n’yo lang ay mangopya, matulog, magbulakbol! ‘Yan lang! ‘yan lang ‘di mo alam! Simpleng ‘yan di mo alam! Bago ang lahat, hindi po ako nangongopya. Hindi ko ba talaga alam ang sagot o nalilito lang ako sa grammar at dalas ng “s” nito. —Ano! Titingin ka na lang? You doesn’t knows the answer? Sagot, sabay hampas sa lamesa. O sige na nga po, I doesn’t knows the answer, happy? —Pipi ka ba? Pipi ka ba, ha? Tells me! mas hinigitan pa niya ang boses at talas ng tingin. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin na rin sa
akin.
—Sit down! Mag-dota ka na lang hanggang summers! Tingnan natin. Haay... sana po Lord, hindi siya ang prof sa summer. Buti na lang nakaupo na. Tumawag siya ng iba. Pinili niya ang pinakamagaling sa klase namin. —Yes Mr. Garcia, what’s the answers? —I’m sorry Ma’am, it’s in chapter six. Last meeting, sa chapter four po tayo natapos.