1 minute read

Pagsisid sa Lupa

“Matagal-tagal na rin mula nang huli niya itong ginawa para sa sarili...” Pagsisid sa Lupa

Kasabay ng mabibigat na hakbang ang pagtagiktik ng mala-butil na pawis ni Rolly. —Kaunti na lang... —Hi Rolly! Malambing na tawag ni Isay, isa sa mga tagahanga ni

Advertisement

Rolly.

—Ano ba? Pansinin mo naman ako! Katulad ng madalas na asal nito sa mga babaeng pilit na pumupukaw ng kanyang pansin, ni sulyap nito ay hindi ibinigay sa tindera at dinaanan na parang hangin. —Tsk. Panlabing-apat na niya iyan ngayong maghapon, bulong nito sa sarili. —Aling Baby! —Rolly, bakit ngayon lang iyan? Susmaryosep naman. Kanina ko pa iyan hinihintay! —Pasensya na po. Nagkaproblema po kasi kanina sa trak kaya po natagalan na naman. —Na naman?! Tsk. Ano pa nga ba ang magagawa ko. O s’ya sige. Heto na ang bayad. Makakaalis ka na.

—Ha? Teka, kulang po ito. —Late na nga dumating tapos aasa ka pa na tama ang ibabayad ko? Mag-isip ka nga Rolly. —Pero... Tsk. Sige ho. Salamat. Hindi ito bago sa kanya, pagdating kay Aling Baby. Bukod sa pagkamataray, sobrang kuripot nito pagdating sa pagbabayad, kaya’t inaasahan na niya na mangyayari ito. Mukhang sardinas na naman ang ulam niya mamaya. Bukod sa pananabik sa dalawang daang pisong natatanggap niya sa maghapong pagkakargador ay ang pananabik din sa kanyang pag-uwi. Matapos kainin ang biniling sardinas at malamig na kanin bilang hapunan, kaagad niyang tinahak ang kanyang silid. Tulad ng nakagawian, habang suot ang bistidang minana sa kanyang yumaong ina noong bata pa, mistula siyang isang magandang dilag na nakaupo sa harap ng salamin. Dinampot ang bagong biling lipstick at maingat itong idinampi sa kanyang malalambot na labi. Naglagay din ng iba pang kolorete sa mukha. Matagal-tagal na rin mula nang huli niya itong ginawa para sa sarili kung kaya ganoon na lamang kasaya ang nararamadam niya, sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Sabay sa saliw ng musika sa radyo, hinayaan niya munang mamayani ang tunay na laman ng puso sa buong magdamag.

This article is from: