1 minute read
Panulat Ko’y Dugo
Ibusal nang ‘di maisiwalat. Takot na kay lalim ay sumusugat Uukil nang sagad sa mga kalamnan. Nanunuot ang kaba sa lalamunan. Bulol sa pangakong ‘Mahal kita bayan.’
Mapangod na armas na hindi mailapat. Takot sa taas ng dilaw na pangalan. Kailan iaalab ang pluma? Tikom, malat, utal. Patay na ang diwa ng tinta
Advertisement
Sa sikbi ng laban, anong ioobra? Ang putok ng baril sa dakong timog, nagmumulat sa aking maling kamalayan. Ang dugo ay sumulat. Sambayanan ang nagtanong at nangusap.
Tikom, malat, utal. Dugo pa rin ang ipangsusulat.