1 minute read

Bakit may Panty sa Kanal

“Si Amy ay mala-pipisuhing kendi…”

Sa dalampasigan, habang naglalakad ang magkasintahang sina Giboy at Amy, bumulusok ang namuong hangarin ni Giboy na nanunuot sa buo niyang kalamnan. Nagdilim ang kanyang paningin gayun din ang kanyang binabalak na mas madilim pa sa kalangitang nagbabadyang umulan. Sa paglipas ng sandali’y hindi na kinayang labanan ni Giboy ang mga wari’y malalaki at malalakas na kamay na tumutulak sa kanya na gawin ang balak. Walang pakundangan niyang hinila patabi si Amy, iginuyod sa kubling lugar. At sa sumunod na sandali, si Amy ay mala-pipisuhing kendi na dali-daling binalatan at kinagatan hanggang sa mabasag at magkapira-piraso. Sa loob ng may kinse minutos na pangyayaring iyon, nabago at nabaligtad ang mundo’t kaluluwa ni Amy. Maaaring sa iba ito’y paraisong higit pa sa langit ngunit para kay Amy isa iyong karanasang higit pa sa impyerno na regalo ng inakala niyang anghel pero hari pala ng mga demonyo. Sa kanyang pag-uwi, umugong ang kanyang tahimik na paghikbi, bunsod ng nagsusumigaw na damdaming humihingi ng tulong at hustisya. Habang tinititigan ang kanyang katawan, may napansin siyang pulang likido. Patuloy itong umaagos sa kanyang binti at kumukulay sa tubig na umaagos sa marmol nilang sahig. Kung nakapagsasalita lamang sana siya.

Advertisement

This article is from: