1 minute read

Pangarap Saan nga ba Napupunta ang

Pangarap

Balang araw makikita mo, Tayo’y lilipad nang walang kapa at pakpak. Lilisanin ang malubak na tuwid na daan, Lilisanin ang kumunoy, Lilisanin ang trapikong hindi umuusad, Lilisanin ang rehas ng kamalayan.

Advertisement

Balang araw makikita mo, Magliliwanag muli ang bayan. Magsisilbing-tanglaw ang mga ilaw, Magniningning ang mga alitaptap sa kalangitan.

Balang araw makikita mo, Babangon ang mga bata, Ang mga matatanda. Sila, Ako, Babangon tayo.

Hindi na magtataka. Hindi malilito. Hindi magtatanong.

Basta balang araw makikita mo, Tayo’y magkatabi, Tayo’y magkasama, Tayo’y malaya At sabay nating titingnan ang muling pagsikat ng araw sa silangan.

This article is from: