3 minute read
Ang Butas sa Gitna ng Limang Piso
Maraming beses nang tinahak ng labing-apat na taong gulang na si Caloy ang masukal na landas paakyat sa bundok upang maghukay ng mga lamang-ugat tulad ng kamoteng kahoy at iba pa na maaari niyang ibenta magkaroon lamang siya at ang kanyang mga kapatid ng pambaon sa eskwela. Nakatali sa kanyang baywang ang itak na pag-aari ng kanyang pumanaw na ama tatlong taon na ang nakalilipas. Sa likod naman niya ay nakasakbat ang isang sako at ang madungis na bag na bili ng kanyang ina noong siya’y nasa ika-limang baitang pa lamang. Hindi niya alintana ang mga nakakahiwang talahib na sumasalubong sa kanyang mukha at ang mga tinik ng uray na bumabaon sa kanyang mga paa. Dalawang ilog ang kanyang tinawid bago narating ang patutunguhan, sa isang malinis na sapa. Binaybay niya ito hanggang marating ang lugar kung saan malagong tumutubo ang mga gabi. Gamit ang mapurol na itak, nagsimula siya sa paghuhukay. Marami at matataba ang mga gabi at sapat na ito upang mapuno ang bag ni Caloy. Pagkatapos nito’y nanimot siya ng mga laglag na niyog mula sa niyugan ni Mang Juan. Tinapasan niya ang mga ito at isinilid sa sako. Maibebenta niya ang mga gabi at mga niyog sa pamilihan
Advertisement
sa halagang sasapat na para sa isang kilong bigas at dalawang pakete ng tuyo. Ang sosobra naman ay ipababaon niya sa mga kapatid. Kung may matitira pa, ito’y ihuhulog niya sa kanyang kawayang alkansiya. —Lola, heto na po ang gabi at niyog ninyo, wika ni Caloy sa isang matandang babae na nag-aayos ng paninda nitong mga gulay. Dumukot sa bulsa ang matanda at inabot sa kanya ang perang papel na isangdaan at apat na limang piso na kung saan may butas sa gitna ang isa. Napakamot siya sa ulo at itinabi na lamang ang butas na barya sa bulsa dahil hindi niya ito maibibili. Nakangiti siyang umuwi.
Matapos ang paglalakbay mula sa bundok, kasunod naman nito’y ang paglalakbay patungo sa eskwelahan na pinaniniwalaan niyang daan sa tagumpay. May kalayuan ang pinapasukan niya ngunit arawaraw niya itong nilalakad sa kadahilanang wala siyang pambayad sa tricycle. Nasa sekundarya na si Caloy, masipag siya at matalinong estudyante. Gagawin niya ang lahat makatapos lamang ng pag-aaral. Pursigido siya dahil sa kagustuhang maiangat ang pamumuhay ng kaniyang pamilya. * —Kuya, ate bili ka na. Limang piso lang. Umaga pa lang ay paikot-ikot na ang paslit na si Clarissa sa tapat ng isang unibersidad upang ialok sa mga estudyante ang tinitinda niyang mga yema ngunit kahit isa ay hindi pa ito nababawasan. Walang pumapansin sa kanya na tila ba hindi siya parte ng mundo. Dahil sa pagod, naupo siya sa ugat ng isang puno at doon panandaliang namahinga. Pinagmamasdan niya ang mga babaeng estudyate na pumapasok sa loob ng unibersidad, sinusuri ang mga damit at ninanais na masuot din ang mga ito balang araw. Gusto niyang mag-aral ngunit wala siyang pambayad ng matrikula, wala na rin siyang mga magulang. Tanging lola na lamang niya ang kanyang kasama. Napatingin siya sa mga yema at napabuntong-hininga. —Ilan pa kaya ang kailangan kong itinda bago ako makapag-aral? Maya-maya, huminto sa harap niya ang isang magarang kotse. Bumaba ang isang lalaking nakasuot ng magara ring damit at ito’y lumapit sa kanya. —Kung bibilhin ko ba lahat ‘yan uuwi ka na sa inyo? Tumango na lamang si Clarissa. Kumuha ng pera ang lalaki mula sa kanyang wallet at inabot sa kanya. Malugod niya itong tinanggap. Nakangiting naglakad ang lalaki pabalik sa kanyang kotse habang nakatitig parin sa kanya na wari’y may nais iparating. Nakaalis na ito nang mapansin ni Clarissa na sobra ang ibinayad sa kanya. Sobra ito ng limang pisong may butas sa gitna.
Pepsi Paloma, 14, a Filipino - American actress allegedly raped by Eat Bulaga hosts Vic Sotto, Joey de Leon and Richie d’ Horsie (Richie Reyes) in 1982. Pepsi signed an affidavit of desistance and dropped the case; no criminal charges were filed against the three comedians. Three years after the case, Pepsi was found dead in her apartment with a rope looped around her neck. People believed that the song “Spolarium” — composed and performed by Eraserheads — was inspired by the Pepsi Paloma rape case.
Hapless star
106
Lalim
Inyong iahon ang nabaong guniguni.