103
Ang Butas sa Gitna ng Limang Piso “Walang pumapansin sa kanya na tila ba hindi siya parte ng mundo.”
Maraming beses nang tinahak ng labing-apat na taong gulang na si Caloy ang masukal na landas paakyat sa bundok upang maghukay ng mga lamang-ugat tulad ng kamoteng kahoy at iba pa na maaari niyang ibenta magkaroon lamang siya at ang kanyang mga kapatid ng pambaon sa eskwela. Nakatali sa kanyang baywang ang itak na pag-aari ng kanyang pumanaw na ama tatlong taon na ang nakalilipas. Sa likod naman niya ay nakasakbat ang isang sako at ang madungis na bag na bili ng kanyang ina noong siya’y nasa ika-limang baitang pa lamang. Hindi niya alintana ang mga nakakahiwang talahib na sumasalubong sa kanyang mukha at ang mga tinik ng uray na bumabaon sa kanyang mga paa. Dalawang ilog ang kanyang tinawid bago narating ang patutunguhan, sa isang malinis na sapa. Binaybay niya ito hanggang marating ang lugar kung saan malagong tumutubo ang mga gabi. Gamit ang mapurol na itak, nagsimula siya sa paghuhukay. Marami at matataba ang mga gabi at sapat na ito upang mapuno ang bag ni Caloy. Pagkatapos nito’y nanimot siya ng mga laglag na niyog mula sa niyugan ni Mang Juan. Tinapasan niya ang mga ito at isinilid sa sako. Maibebenta niya ang mga gabi at mga niyog sa pamilihan P4 LETA