1 minute read
Sandamukal
—Matapang lang naman sila dahil may mga baril sila, hindi naman makapalag kapag hinamon mo ng suntukan... Iyan ang wika ni manong na minsa’y nakasabay ko sa biyahe. Noong una, nauumay akong makinig sa matanda pero sa kalaunan ay napagtanto ko ang mga sinabi niya. Sa tingin ko, may mga tao nga na ganoon pero hindi naman lahat. Siguro masyado lang tayong naging mapanghusga dahil may mga kasamahan silang mapagmataas at mapagmalaki. Iniisip natin na parepareho lang sila dahil iniisip natin na dapat: Sila ang magtatanggol sa atin pero sila itong mapagmalupit. Sila ang mas disiplinado pero sila pa itong mapang-abuso. Sila ang marunong magpakumbaba pero sila itong mapangmaliit. Sila ang maging alagad ng Diyos pero sila itong sunud-sunuran sa mga nasa pwesto. Alam kong may karapatan tayong magalit at maghinanakit, pero mas alam kong wala tayo sa lugar para humatol at humusga, dahil sa dami ng ating maling nakikita, mayroon pa rin tayong hindi napapansin — biktima lang din sila.
Advertisement