1 minute read

Sabay sa Alon

Sabi nila, Sumakay raw sa alon, ‘Di mapapahamak, Lahat pantay, Pare-pareho. Tayo’y magiging masaya. Walang mayaman, Walang mahirap.

Pero habang nasa ilalim Patungong ibabaw, Nahihirapan akong huminga. Ang dilim ng paligid. Umaalingasaw ang amoy. Nahihirapang lumangoy.

Advertisement

Sabi nila, Sumakay raw sa alon. Nabulag na pala ako. Nasa ilalim kami, Nasa ibabaw sila. Tayo’y nagdurusa. Wala ng malay, Wala ng dignidad.

Never ending pain Imprisoned in vain from the labor of innocence Engraved to a life sentence

Chiseled cruelty Of laborer’s inevitable destiny.

CHIseled

This article is from: