1 minute read

Sketch Tutorial

“Minsan kailangan mo ring maging tanga…”

Gamit ang makulit na isipan, ilalapat ng malikot na mga kamay ang napakagandang obra na dadampi sa inyong mga puso’t isipan. Hindi kailangan na palagi ka na lang matalino, minsan kailangan mo ring maging tanga upang makita mo ang mga bagay na ‘di nakikita ng mga dalubhasa at nagpapakadalubhasa, ng mga mayayaman at mga maralita. Mapapansin na hindi lahat ng tuwid ay maganda, na mas nakapagpapamangha sa mata ng madla ang magugulong guhit at guri. Kaunting dumi pa at matutuwa ka na hindi lahat ng malinis ay maputi. Maiisip mo kung gaano nga ba karumi ang dirty white.

Advertisement

This article is from: