1 minute read

Tayo na

“Matumal e, tila walang pag-asa.”

Nakaupo na naman ako sa tabingiskinita gaya ng pang-araw-araw na nakasanayan ko nang gawin, nag-aalburuto ang sikmura habang patingin-tingin sa mga dumaraan na tila ba may iniintay. Maya-maya pa ay narinig ko na ang isang sipol. Senyales ito na andiyan na si Lito, ang kaibigan ko na lagi ring nakatambay rito. —Hanggang ngayon, nag-iintay ka pa rin

Advertisement

ba?

—Matumal e, tila walang pag-asa. —Kung sa bagay, pasasaan pa at darating din ‘yon” Sa ‘di kalayuan, nasulyapan ko ang isang chinitang babae, balingkinitan ang katawan at may mapungay na mga mata. May kibat-kibat na shopping bags at nag-iintay ng masasakyan. —Ayos! Ano, pare? sambit ni Lito sabay igkas ng mga braso. —Tayo na.

This article is from: