1 minute read
Seldang Tatsulok
Kabigan, kumusta ka na? Naghilom na ba ang sugat bunga ng pakikipagtunggali natin sa kasinungalingan? Sariwa pa ba ang hampas at tadyak sa ‘yong katawan?
Kaibigan, ‘di ba’t ika’y piniit da’l sa talas ng ‘yong tinta at sa magaspang na isip ng taong mangmang na hindi alam ang kahulugan
Advertisement
ng tunay na
“k a l a y a a n”
47
Kaibigan, tunay na m a d u l a s ang kagustuhan nating maging “M a l a y a” ngunit ika’y
‘wag mag-alala. Sa tulong ng matalas nating tinta, ika’y makaaal- pas!
Kaibigan, alam kong madilim d’yan, mabanas, masikip at malungkot. Ngunit ang pag-asa mo, sana’y ‘wag maglaho.
‘Pagkat patuloy kang iilawan ng matingkad naming panulat hanggang ika’y makalaya, hanggang makalaya ang bayan, sa mala-trayanggulong piitang iyong kinalalagyan.
ni GENESIS O. SORIANO