3 minute read
Ben, Bayarin
15
Advertisement
Kakatapos lang ni Ben pagsabay-sabayin ang agahan, tanghalian at meryenda. Ayun! Busog na naman siya sa paborito niyang sweet and spicy pancit canton na inulam sa dal’wang tasang kanin, pang-full pack ng katawan sa carbo. Oras na naman para muli s’yang pumasok. Mataas ang sikat ng araw kung kaya sinuot n’ya ‘yong tig-si-singkwentang shades na tatakVans, ng boardmate n’ya, papuntang school. Astig daw pala ‘pag naka-shades, lu-lupet ang porma, tapos ‘di pa sasakit ang mata. Summer na kasi kaya dapat get-intostyle daw s’ya. No’n lang n’ya muling naalala na minsan, kapag naka-shades, ay ‘di s’ya napapansin ng mga nakasasalubong n’ya at ‘di nakikilala―natatakluban kasi ‘yong mga mata n’ya. Kaya nga kadalasan, ‘pag may gagawin daw na kalokohan, good ‘yong shades na pang-disguise para ’di ka makita ng mga makasasalubong mo.
ni JOHN MARK I. PEREZ Ben, Bayarin
PALETA II
16
Nalimutan n’ya palang uminom ng tubig kanina, kakamadali, kaya dumiretso muna s’ya sa Cass and Carrie at humingi ng isang basong tubig na may ice. Habang umiinom, na-distract s’ya ng balitang fumlash sa t.v. Ang sabi:
“Isandaan at sampung bilyong piso pa ang madadagdag sa utang ng bansa ngayong taon. Ito, ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, ay dahil sa lumulobong budget deficit na ngayong taon ay tinaya sa 293 billion mula sa unang target na 233.4 billion.”
Napatigil s’ya sandali, at pinakinggan pa ang sumunod na mga detalye:
“Ngayong 2010 ay tinayang nasa 4.833 trillion pesos ang utang ng Pilipinas. 2.822 trillion dito ay utang sa mga local creditor habang ang balanse ay utang sa labas ng bansa.”
Nagulat ‘yong mga tao sa loob no’ng karinderya. At may napabulalas ng “Ano ba ‘yan, ang yaman talaga natin sa utang! At lumalaki pa nang lumalaki nang ‘di natin halos namamalayan!”
Napatawa si Ben. Nagulat na may say din pala ‘yong mga tao ro’n sa mga gano’ng isyu.
Napatid na ang uhaw n’ya, kaya dumiretso na s’ya pa-school. Hanggang sa makarating na s’ya sa classroom, wala pa rin pala ‘yong titser nila. Nakaupo na s’ya sa upuan nang biglang i-announce ng kaklase n’ya na may bago raw bayarin para sa chapter exercise at may kasunod na mall tour; este, plant tour daw sila sa kung saan man. At ‘yong mga may utang, magbayad na raw kaagad para ‘di raw magkapatung-patong ang bayarin!
Kaya ayun ulit! Nagsipagkunutan na naman ang mga noo ng mga kaklase n’ya. May mga kumamot sa ulong ‘di naman kumakati. May mga dumadaing ng: “Na naman?!” Maraming nag-overreact, pero may iba rin namang nanahimik na lang. ‘Yong iba, s’yempre, p’re―wapak!
Si Ben? Napamura ng malutunglutong na “TANGINA!” at nanghina na naman. Parang magsasaklob na ang langit at lupa! ‘Di pa nga s’ya nakapagbabayad ng utang, ta’s may bago na naman s’yang ililitanya sa nanay at tatay n’ya. Sigurado, darating na naman ang cantunan days at higpitan ng pantalon.
Tapos, may pahabol pa: “Wala raw munang pasok ngayon, may pupuntahan daw si sir, e.”
Lalo s’yang nanghina. “Fuck! Sayang ang punta ko sa school, wala na namang matutunan!” Pero sabagay, parang gano’n din naman daw ang senaryo kung papasok ‘yong titser nila.
Kaya umuwi na si Ben, at dumiretso sa boardinghouse, humiga at nag-isip. Nagsimula na namang magsilakbo ang damdamin n’ya:
17
Bayad dito, bayad d’yan! Wala na bang katapusan? Ba’t nga ba trending ‘yan?
Dahil ba wala ng ibang hobby kundi pairalin ang ‘yong pagkagahaman at atupagin ang pagpapayaman. Ang magpauso ng mga plant tour sa amin na mala-business tour sa ‘yo! Mga manwal na dinaig pa ang mga tunay na aklat sa mahal ng presyo na kung babasahin naman ay makikitang ang nilalaman ay wala halos laman!
Ang sistema mo ng pagtuturo na bulok! Ang mga diskarte mong bulgar ang kakurakutan pero ika’y nagmamanhid-manhidan lang. Ano bang nilagay mo sa muk’a mo, para kumapal nang ganyan?
Akala mo ba na ang pera namin ay binubunot lang sa kung saan-saan? Na parang mga batong pinupulot lang sa daan? Dahil ‘yon ba talaga ang ‘yong kapalaran? Wala namang dayaan! Tama na ang eksaheradong bayarin! Matauhan ka naman sana sa mga pinaggagawa mo sa mga estudyanteng minalas na mapapunta sa klase mo.
Buhay nga naman, o; bakit ba kasi nagi-exist ang katulad mo rito sa kolehiyo ng inhinyeriya?
Kung talagang tama ang mga pinaggagawa mo, wala na sanang lalabas na gan’to! Tama na ang pang-aabuso mo! Dapat tanggalin at sipain ka na rito!!!
Kaawa-awang Ben.