2 minute read

Liham ni Monica Santa Fe

PALETA VI

No, I wish mamuhay tayo ng masaya at mapayapa. “ “ LIHAM NI MONICA SANTA FE

Advertisement

To the guy I haven’t met yet,

I have a lot of works to do. Do you think I can finish it on time?

BTW, haven’t I seen you this day? Hmm. Ano nga bang mga ginawa ko kanina? Teka, ang alam ko nanood ako ng balita. As usual, marami na namang namatay sa operasyon kontra droga. Wala ka naman siguro doon ano? I wasn’t shocked; it’s been how many months since? Bago ako umalis, narinig kong nagtatalo na naman ang mga magulang ko. Nako, baka gawa na naman ni Kobe yun. Tanda-tanda na ‘di pa maka-graduate sa kolehiyo. Pabago-bago kasi ng kurso, keso kung anong in-demand yun ang papatulan. Ikaw ba yung lalaking nag-deliver ng tubig nong umaga? ‘Di na masama ha. Medyo mabantot ka nga lang pero okay na basta mahal natin ang isa’t isa.

I saw someone who got hit by a truck when I was on my way to work, I heard the driver doesn’t have a license. Woah. Imagine? Palakasan nalang ng loob, ‘di ba? Have you’ve been sa grocery kanina? Tumaas na naman ang presyo nung paborito kong toothpaste. Ano? Yun kaya ang diskarte ng gobyerno dahil nga malaki ang epekto ng pagpapasara ng mga minahan? Absurd.

Wait. Are you one of those activists who long for hours wasting their time in front of the municipal’s office? Grabe, nakakairita na kasi araw-araw nalang sila doon. As if may magagawa sila, dapat sinusunog nalang nila yung buong building para madali na. Above all, that wasn’t my concern, I got fired! Isn’t it great? Alam mo yun? Yung pagod na nga ang utak at katawan kapapansin sa manager kong walang ginawa

kundi lamunin lahat ng benipisyo, kulang pa ang kinikita araw-araw sa pamasahe palang pagpasok. Certified unemployed na naman ako, pero ayos lang! Kaya pa naman akong buhayin ng mga magulang ko sa mga pensyon nila. Sa huli, kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan ‘diba? Kabataan, siguro mga anak na natin yun. Lagi namang ganoon ‘diba? Pasahan nalang pag ‘di kaya.

Pero walang halong biro sana ‘pag nagkita na tayo. I hope. No, I wish mamuhay tayo ng masaya at mapayapa. Yung wala nang magdidikta sa kung ano mang gagawin natin. Yung natapos na ang pakikibaka natin at makakagawa tayo ng maraming anak na walang pangambang baka ‘di nila kayanin ang pakikibaka sa politika. Sana makita na kita at sabay nating haharapin ang…

P.S. ‘Di ko pala natapos ‘to, sumakit kasi ang ulo ko kagabi. Nakita ko nalang na nakahandusay ang sarili ko sa kama. Literal. And I just saw you, I got stuck. Owem. Na-love at first sight ‘ata ako. I thought at first it was just a dream. How unfair for the both of us. At ngayon nakahimlay ako sa kahon kung saan iniiyakan ako ng aking pamilya. Haaaay. Malala ‘ata yung tama ng bala sa ulo ko and so you were kaso sabi mo sa heart ka tinamaan. E’e nemen e kenekeleg eke. Let’s continue our love story nalang sa heaven where we can live a happy and peaceful life. Hihi.

Love, Monica Santa Fe

This article is from: