1 minute read

Para kay Inay

PALETA VI

Huwag ka naman sanang magpaloko sa kanila para lang sa katiting na salapi. “ “

Advertisement

O inang aking mahal,

Nararanasan ko ang hirap at hinagpis na iyong natatamasa dito sa sanlibutan. Marahil, ilang beses ka na ring pinagsasamantalahan ng ibang tao dahil sa yaman mong kay ganda at kaakit-akit.

‘Di ko lang maintindihan kung bakit ‘di ka pa natuto. Alam mo namang naging malaya ka na dati, pero bakit bumabalik na naman ang madidilim nating mga araw na tila tulad lang ng mga nakaraan. Hindi porke’t nakaranas lang ng kaunting hirap ay magpapa-uto ka na naman sa kanila. Oo ‘nay, kailangan natin ng pera at seguridad ng ating pamilya, pero may iba talaga silang motibo. Huwag ka naman sanang magpaloko sa kanila para lang sa katiting na salapi.

Sana ‘nay, maghiganti ka naman sa mga tarantadong kumag na ginawa ka muling isang putang ina.

Ang iyong magiting na anak, Jay-R

This article is from: