1 minute read

O ka-Rehsup

PALETA VI

At lumagapak. Nang umalingawngaw ang tunog, beng! Tapos ay dahan-dahang ibinaba ang kamay, Animo’y may ilalagay sa tagiliran. Sabay kalmadong naglakad paatras, Hanggang sa marating ang pinto, Hinawakan ito, umupo at isinara. Umandar ang sasakyang puti, Na ang ilaw na pula ang nasa unahan, Sabay sipol-sipol pa ng sakay. Makalipas ang ilang minuto ay huminto. Kinuha ang telepono sa bulsa, Sabay pindot sa pulang buton. Matapos ay narinig ang mga katagang, “Nak, tirahin mo na!”

Advertisement

This article is from: