1 minute read

Rektanggulo

Kailanman sa tinagal tagal ng mundo Ni minsang hindi tumigil Hinding hindi hihinto. Hanggang sa iyong muling pagbabalik Hanggang sa muli nating pagkikita Ngunit, Kasabay ng ingay ng pagmartsa Laking pighati, ikaw ang dala-dala Sa loob ng isang rektanggulong kahon Balutan man ng kulay pula at asul Sa loob ‘di maitatago ang dilim ng pagluluksa Dahil ngayon, alam kong wala ka na. Masakit mang isipin Maalala at tanggapin Ang mga nawala ay ‘di na maibabalik

Advertisement

This article is from: