1 minute read
Ang Butas sa Kwadradong Kahoy
Naalimpungatan ako sa kanyang pagbalikwas Alas kwatro impunto pa lang Bakit ang aga yata wala namang pasok? Patuloy ang aking pag-uusisa
Panay ang pukpok ng martilyo sa ulo ng pako Sumilip ako sa kusina at nakita ko si Itay May mga kwadradong kahoy na nakasalansan At mga pangpinta at panulat
Advertisement
Lumapit ako habang nagpupuyos ng mata Tinulungan ko s’yang sunsunin ang mga nakasulat Mga salitang ‘di ko maintindihan Katagang noo’y palaisipan pa sa mura kong isipan
Saglit pa’y may dumating Ikinarga ang mga plaka sa dalang sasakyan “Babalik din ako agad, anak” Huling salita na pala n’ya ‘yon sa akin
Ngayon, ganap na akong maunlad May sariling trabaho at sapat na benipisyo Tama sa oras at patas na sweldo Ito ang resulta ng nabutas na kwadradong kahoy
Ang hindi ko lang maintindihan Bakit kailangang may pumikit Upang sila ay mamulat Lubos ang aking paghanga sa tapang mo Itay Isang pagpupugay