2 minute read
Alintana
PALETA VI
Advertisement
Ni hindi nga natin magawang maipaglaban ang ating mga hinaing.
Mga saloobing sa bawat paglagitik ng orasan ay ‘di na nabigyang pansin. Kasabay ang naaamag nang layuning tayo mismo, ikaw at ako ang dapat sana’y babago. Bawat tilapon ng salita ay may kaukulang kahulugan. Bawat pagdapo nito sa ating mga tenga ay iba’t ibang himig ang mahihinuha. Sabagay, magkakaiba nga naman tayo.
Naguguluhan ka na rin ba sa nangyayari sa bayan?
Yung pangyayaring ngayon Sunsilk shampoo mo, mamaya Dove na. Yung papasok ka na sana sa Mcdo, naisipan mo pang magJollibee. Kahapon, kay Trillanes ka galit ngayon kay Duterte na. Kanina panig ka kay Duterte, ngayon kay De Lima. Yung ngayon kay Duterte ka, mamaya sa simbahang Katolika. ‘Di mo ba napapansin? Paikot-ikot lang tayo ng pinaguusapan. Yung isyu natin sa kasalukuyang administrasyon, ano? Sa halip na unahin muna nating pakainin ng kaalaman ang ating mga sarili ay patuloy tayo sa pagbato ng mga salitang halatang ‘di pinag-iisipan. Yung ang tingin natin
sa ating mga sarili ay mataas ang pinag-aralan ngunit kung maka-comment sa social media animo’y mangmang.
Naiirita ka na rin ba sa kanila? Sa kanilang walang ginawa kundi umupo sa katungkulan at magpalaki lang ng bayag. Mga taong sa sarili lang may pakialam at kanilang tiyan lang ang binubundat. O sa’kin na ang pinababatid ay taliwas sa’yong paniniwala? Anuman ang nasa isip mo, ‘di ako makikipagtalo. Nais ko lang bumato ng mga katanungang, sa tingin ko’y kayang kaya mong sagutan. Sa sarili mo lang.
Bilang estudyante ba, gaano kalaki ang iyong pakialam? Paano mo kinakain ang mga balitang wala nang pinagbago? Gaano ka kalupit sa math para makisali sa mga isyung ito? Gaano kalusog ang kaalaman mo sa mga isyu ng bayan? O gaano katagal kang magiging mangmang? Sino nga ba ang dapat sisihin? Sino nga ba ang dapat makinabang? Kailangan ba talaga nating makisali? Pwede bang grumadweyt nalang at magpayaman? Ba’t ba kasi ang big deal?
Napakaraming tanong at lahat tayo may opinyon. Yung iba galling sa balita at wala kang pake kung mali o tama. Yung iba galing sa mga taong matagal mo nang hinahangaan. Artista, guro, pulitiko pulis etc. Yung iba sa magulang nakuha, sa kapitbahay, sa tabi lang. Estudyante ka at hindi kung sino-sino lang. Natututo tayo hindi upang maging uto-uto kundi tumuklas gamit ang sarili nating kakayahan.
Baka sabihin mo namang nasa engineering tayo kaya okay lang na walang pakialam. Paano ka makakatulong sa gobyerno, bilang kabataan naman ang pag-asa ng bayan? Kung wala, pakamatay ka na lang.