1 minute read

Huling Isandaang Hakbang

Gusto ko sanang lumaban ngunit hanggang dito na lang ako. “ “

Puno na ng alikabok ang aking mga paa. Wala man lang saplot kaya’t napuno ito ng paltos. Matindi ang sikat ng araw. Hindi ko na matanaw ang lugar kung saan kami nagmula. Nagdidilim na ang paningin ko. Saglit pa’y humandusay na ako. Sa halip na tulungan ay hinagupit pa ako ng palo. “Tumayo ka riyan!” sigaw ng lalaking may hawak na latigo. Pinilit kong tumayo ngunit hindi na sapat pa ang lakas ko. Gusto ko sanang lumaban ngunit hanggang dito na lang ako. Hindi na ako aabot pa sa Tarlac.

Advertisement

This article is from: