1 minute read

Huling Sulyap

Karapatan! Karapatan! Karapatan ng mamamayan! Ipaglaban!

Mga katagang bumubulyaw sa kahabaan ng EDSA Iba’t ibang sektor ng lipunan ang nagkaisa ‘Di alintana ang maalinsangang kalsada at maiingay na busina Hiyaw sa inaasam na pang malawakang reporma!

Advertisement

Isang hakbang paabante Helera ng mga pulis na kampante Walang pakialam kung may masaktan Sino ba talaga’ng dapat protektahan?

Ang tanging hiling lang ay ang mapakinggan Hinaing ng mga nasa laylayan Martsa para sa inaasam na katarungan Nararapat na serbisyo para sa bayan!

Sampung tinig na nauwi sa lima, Limang nakikibaka’ng nauwi sa dalawa, Dalawang puwersa’y nabawasan pa ng isa Ang malaking tanong, ‘asan na sila?

Natulad na sa mga mumunting kulisap Kailan man ngayo’y ‘di na mahanap-hanap Masisilayan ang huling sulyap Ito na ang yugto ng isang desap’

This article is from: