1 minute read
Keyk
-Birthday na ni Rannie, kailangan kong maghanda. Hmm, ano kayang lulutuin ko? Kailangan din pala ng cake. Pupunta akong palengke ngayon, mamimili na ako. Tamang tama, nasa eskwelahan pa si Rannie, sosorpresahin ko siya mamaya. Hindi ko pa naman siya binati kanina bago pumasok. Kunwari nalimutan ko. Haha. Tiyak matutuwa iyon mamaya. Lalala…
Advertisement
Kakanta-kanta pa siyang naghihiwa ng gulay, rekado, at karne na lulutuin habang hinihintay ang pinakukuluan sa kaldero. -Ayan! Okay na ‘to. Handa na ang lahat! Sisindihan ko na rin itong kandila sa cake at malapit na rin namang umuwi si Rannie.”
Tok! Tok! Kreeeek… -O Rannie! Nandiyan ka na pala! Happy birthday anak! ‘Kala mo siguro nalimutan ko ano? Hehe. Halika rito’t kumain na tayo. Pinagluto kita ng paborito mo.
Ngumiti lang ang anak at dahan-dahang lumapit sa hapag kainan. -O Rannie, ito na ‘yong cake mo. Pasensya na’t maliit lang, medyo kinulang sa budget; e. Hipan mo na pero magwish ka muna. -Sana mapatawad mo na si Mama. Happy Birthday kuya Rannie, ani ni Rodrigo sabay hihip sa kandila.