1 minute read

Dalawang Pares ng Sapin sa Paa

Gusto kong sabihin sa kanya ang katotohanan.“ “

-Cris, Val! Kakain na!

Advertisement

Sigaw ng asawa kong si Elena matapos magluto ng adobong baboy. Paborito kasi ‘yon ng mga anak naming si Cris at Val. -Baka naglalaro lang sa labas. Uuwi rin sila ‘pag nagutom, mauna na tayong kumain, mahal.

Ito lang ang nasabi ko habang nagbabasa ng dyaryo. -Baka pinagtataguan na naman ako ng dalawang ‘yon. Nakita ko sa may pintuan ang tsinelas nila, teka at hahanapin ko.

Sagot ni Elena sa akin habang hinahanap sa loob ng bahay ang dalawa.

Nilapitan ko siya at niyakap. Gusto kong sabihin sa kanya ang katotohanan. Hindi na bata ang mga anak namin. Sa katunayan, malalaki na sila, naging sundalo, at namatay sa pakikipaglaban sa mga rebelde raw ng bayan o mas madaling sabihing namatay sila para o dahil sa gobyerno. Madalas iyong nakakalimutan ng asawa ko dahil sa sakit niya. Inilalagay ko sa may pintuan ang paborito nilang tsinelas noong bata pa sa tuwing mapapansin kong sinusumpong ng sakit si Elena. -May problema ba mahal?

Sambit ni Elena habang nakayakap ako sa kanya. -Nagugutom na ‘ko, kumain na tayo. Mamaya na ang mga bata, sagot ko habang unti-unting inaalis ang mahigpit kong pagkakayakap sa kanya.

This article is from: