1 minute read

Ngayon, Sumulat Ako Para Sa’yo

Sabi mo bakit puro para sa bayan ang aking sinusulat? Kasi sa bayan na ito kita nakilala. Ibinigay ka nito sa akin.

At kung sakaling bukas bigla nalang akong mawala Ng walang pasabi Ng walang paalam Na hindi kita nasilayan

Advertisement

O matagpuan ninyong nakahandusay sa tabi at may nakasabit na kartong puno ng kasinungalingan.

Huwag kang maniniwala. Dahil alam mong mahal ko ang bayan

gaya ng pagmamahal ko sa’yo.

This article is from: