1 minute read

Mechanism

and the stronghold falls BAKEMONO

bombs catapult over a field of caltrops where I was a pawn primed for slaughter in an olden siege.

Advertisement

as dread trickles down like hail, I surge headfirst towards an unseen peril for the scheme of a queen,

the warpath dims where pieces come to life. polished, reaching and striking for angles, the sole victor roars the arena into ruins.

and there she stands, proud, unscathed, stepping nimbler than the clock— guiltless. I forfeit and leave.

ART BY MIKEY VINCENT VICENTE

Per(y)ahan ng San Miguel PAULA MAE VILLAROSA

Nakakat’wang pagmasdan ang malabahagharing banderitas, malaalitaptap na mga ilaw, malaengkantadong laro’t palabas na tumatalukbong sa mga kinakalawang na bakal, lumalangitngit na mga karo, huwad na salamangka sa perya ng San Miguel.

Nakakaaliw masaksihan ang malalangaw na paghapon ng mga parokyano sa nakalatag na mga mesa’t kubol-palaruan pagdatal sa bunganga ng peryahan— puno ng hiyawan at hambugan sa bawat mapusok na pustahang kumukubli sa mga pilit na paghatak sa eskala ng mga chansa ng sugalan, patagong tinginan at pasahan ng iilang pirasong pilak, harap-harapang pagdaklot ng marurungis na tanso mula sa magagaspang na dakma ng karaniwang mananaya upang may ialay sa masalaping patrong kinikilingan ni Bb. Kasarinlan.

Nakakamanghang masilayan ang mahika ng salamangkero, maliksing paghagis at pagsalo ng mga unano, mapang-akit na pagsirko’t paglukso sa hangin ng mga nagtatrapesiyo na bumabalot sa mga matusong pagdukot ng mga relos, kwintas, at singsing sa bawat kumpas ng kamay, mahibong pagdakip sa mga pitaka habang nahuhumaling ang lahat sa pagtatanghal, mapanlinlang na pagkupit sa mumunting barya’t perang nakasuksok sa butas na bulsa sa bawat malagkit na haplos at hipo nitong kongreso ng mga tagapanukalang-aliwan. Nakakabighaning panuorin

This article is from: