11 minute read

RIPPING vOICES wITHA FASCISTFIST Narratives of Illegal arrests amid the pandemic

Ripping with a FASCiST FiST vOiCeS JOSE FRANCO CASTILLO

“Only oppression should fear the full exercise of freedom”

Advertisement

JOSE MARTI

As the COVid-19 havocs the country, the duterte administration kept tangling criticism with rebellion. silencing critics remained the government’s priority, while the pandemic fell to deaf ears. Along with the growing number of COVid-19 cases is the prevalent practice of illegal arrests nationwide. Not only were the stomachs of millions of jobless Filipinos are left neglected but so is their yowling for a nonmilitarized and pro-people solution with which the duterte regime is unheard.

MILITARIzED TANTRUMS TO FREESPEECH

Due to the lack of proactive pandemic responses from the government’s side, criticisms from both progressive groups and citizens arose. However, all were in vain as the administration branded their cries as rebellion. Warrantless arrests plagued his critics. One of them, Reynaldo Orcullo, 41, was arrested for the mere reason of calling Duterte “Gago” and “Buang.” Another arrest was to Ronald Mas, a teacher from Dagupan, due to his satirical hence, empty threat of providing a fifty million pesos bounty to whoever kills Duterte.

Being a one-trick phony, the government once again went with brute force instead of concrete countermeasures in addressing the pandemic. They boasted their menial feats in oppressing the marginalized while remaining a paper tiger towards international threats. "This initial victory sends a powerful message that the seemingly absolute power of a repressive regime can be and will be challenged by even the most ordinary Filipinos such as Teacher Ronnel," ACT stated.

These repressive and punitive measures against alleged antigovernment sentiments are a blatant assault on free speech. By instilling fear among people, they are rendered silent about their circumstances and convictions, Basilio said in a statement with ABS-CBN.

BACKLOGSOFINjUSTICES

Other protests meant for the expression of sorrow, grievance, and struggle for justice were also ridiculed. In Laguna, 16 union workers from Liga na Pinalakas ng Manggagawa sa Coca-Cola were arrested for being redtagged as alleged NPA members. Iloilo also had its share with the apprehension of 42 individuals for doing an indignation protest for the killing of Jory Porquia of BAYAN Panay.

The reason for the detainment is the violation of Batas Pambansa 880, disobedience to persons in authority, Republic Act 11332, or the Law on Mandatory Reporting of Notifiable Diseases, at Bayanihan to Heal as One Act. However, this was condemned by Bayan Muna Panay and other groups for violating the rights to protests and rights to heal grievances. Piston members share the same scars as they were detained for protesting the denial of their livelihood.

“To protest because the drivers are hungry and wanting to work, instead of depending on government assistance that never came, is not only legitimate, it is humane and logical. To arrest and detain them is inhumane, the height of insensitivity and a form of institutional violence,” The Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR) stated.

IGNITINGCOLLECTIVEACTION

Even with kindness in the cornerstone of criticism, apprehension and military harassment did not halt. In Marikina, 10 Cure COVID volunteers were arrested for helping peasant pandemic victims, albeit permitted. It is also the same case with the four members of Tulong Kabataan, who suffered detainment along with fourteen residents in Quezon City.

“Higit sa mga palabas sa telebisyon, hindi biro ang makulong na wala ka namang ginawang masama. Hindi krimen ang paggiit sa mga lehitimong panawagan na hindi natutugunan ng pamahalaan.” Anton Narciso III of College Editors Guild of the Philippines (CEGP) stated.

These atrocities amplified as military intervention became chronic. On July 27, President Duterte gave his 5th State of

SIDEBAR 1

Based of the latest data of Joint Task Force COVID Shield in September 6, the country tallied a total of: 100,486 arrests in relation to quarantine violations

references:

ACT: Arrest of teacher who threatened Duterte online 'an attack on free speech. (2020). ABS-CBN news. Retrieved from: https:// news.abs-cbn.com/news/05/13/20/act-arrest-of-teacher-whothreatened-duterte-online-an-attack-on-free-speech NEW NORMAL: ILIGAL NA PAG-ARESTO SA MGA KRITIKO. (2020). The Torch Publications. Retrieved from: https://www. facebook.com/thetorchpnu/posts/2974048029377085 Umali, J. (2020). 141 arrested during nationwide #SONA2020 protests. Bulatlat: Journal for the People. Retrieved from: https:// www.bulatlat.com/2020/07/28/141-protesters-arrested-duringnationwide-sona-protests/

Luzon 57,253 arrests Visayas 23,891 arrests Mindanao 19,342 arrests

73,812 are already released 26,674 reached in quest proceedings before their release 1,735 remain detained in various police stations

the Nation Address. On the same day, 141 protesters from different progressive groups and organizations nationwide were arrested; 34 from Metro Manila and 107 outside. Quarantine regulations such as physical distancing and wearing face masks were used as a façade for restricting the protesters' rights.

State forces halted SONAGKaisa attendees in varying checkpoints. To their defense, in an article from Bulatlat, the National Union of Peoples' Lawyers (NUPL) implied that no individual should be arrested for not wearing facemasks, not following social distancing protocols, and violating curfew guidelines.

To the fascist president, silence is the country's long-awaited remedy. Massive efforts were driven to deprive the masses of their rights rather than provide necessary aid to them. Duterte took the pandemic not as a national debacle in need of immediate and effective countermeasures, but as a war against his countrymen. This only forces the Filipinos to shout louder and struggle against the government's militarized methods to which silence is better than a cure.

hit and run

JERSEY CACALDA cacalda.jb@pnu.edu.ph

hangad lang din ng mga tsuper na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang kanilang mag-anak.

Nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin..

Ito ang paboritong awit na kinakanta ni Ate tuwing pinapatugtog sa cassette ang album ng Aegis na regalo sa kaniya ni Papa. Noon pa man, idol na talaga namin sa kantahan si Papa. Tulad ng kaniyang pag-awit, birit na birit din siya kung maghanapbuhay mabigyan lamang kami ng komportableng buhay.

Sa apat na dekada ni Papa bilang security guard, halos buong linggo siya kung magtrabaho. Tulad ng kahit na sinong magulang, hindi rin niya alintana ang pagod at puyat sa buong araw na pagtatrabaho.

Masasabi ko na mapalad pa rin kami dahil hindi napasama sa mga nawalan ng trabaho si Papa sa kasagsagan ng pandemya. Ibig sabihin, matiwasay pa rin kaming nakakakain tatlong beses sa isang araw.

Sa buong araw ng pagpapagal, hapunan ang pinakaimportante sapagkat dito na lamang kami nagsasama-sama. Bukod sa yugto ito ng aming kamustahan, kasalo rin namin sa hapag-kainan ang mga nagbabagang balita sa telebisyon.

Sa komportableng buhay na ito, ligalig ang tangi kong nararamdaman tuwing nakaririnig ako ng mga balitang ang mga dating tinaguriang hari ng kalsada, ngayon ay napipilitan nang mamalimos at mangalakal ng basura dahil sa kawalan ng arawang kita. Halos tatlong buwan na rin kasi magmula nang sila ay magtigil pasada. Ang iba sa kanila, naabutan na ng lockdown sa Maynila kaya sa mga pampasaherong jeep na lang naisipang manirahan.

Bagama’t nakatanggap na ng tulong pinansyal ang iilan, hindi naman lahat ng mga apektadong drayber ng pampublikong sasakyan ay naambunan ng ayuda. Kung nakatanggap man, palaisipan pa ring maituturing kung paano nila mapagkakasya ang ayuda sa loob ng higit 100 araw na wala silang kinikita kahit singkong-duling.

Sa tala ng IBON Foundation, halos Php 78,000 na ang nawalang kita ng isang pampaseherong jeep na bumabyahe nang anim na beses sa isang lingo. Katumbas ito ng Php 26,000 kada buwan sa ilalim ng tatlong buwang nakapasailalim sa travel ban ang mga pampublikong jeep. Malinaw na hangga’t nananatiling nakatigil pasada ang mga tsuper, patuloy na lumolobo ang halaga ng arawang kita na tiyak na magagamit sana sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.

Kapansin-pansin na nanatili pa ring maluwag ang mga kalsada gayong nasa ilalim na ng GCQ ang Metro Manila. Ito ay dahil tanging ang mga modernong jeep at tradisyunal na jeep na pagmamay-ari ng mga korporasyon at kooperatiba lamang ang maaaring magbalik-kalsada. Malaking dagok ito sa kalakhan ng mga pumasadang jeep sapagkat marami sa mga ito ang nananatiling nasa anyong tradisyunal.

Suntok sa buwan pa kung saan huhuthutin ng mga ordinaryong tsuper ang milyon-milyong halaga ng pagpapagawa ng modernong jeep, maging ang mga kinakailangan sa proseso ng pagbuo ng kooperatiba. Bukod pa, kahit na payagang muli ang pagpasada ng mga jeep, hindi pa rin ligtas ang mga tsuper sa pagsagasa ng modernization program kung walang ilalatag na kongkreto at malinaw na plano ang administrasyon para sa mga naghahanapbuhay gamit ang pampublikong mga sasakyan.

Dahil dito, hindi ko masisi ang mga drayber ng jeep sa paglulunsad ng kaliwa’t kanang kilos-protesta upang ilahad ang hirap ng kanilang sitwasyon. Matapos na banggain ang lehitimong kabuhayan ng mga tsuper, tila tinakbuhan pa ng gobyerno ang responsibilidad nitong pagsilbihan ang pinakanangangailangan. Pinapatunayan lamang ng mga panggigipit na ito na hindi ang kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino ang prayoridad ng gobyerno kundi ang siguraduhing magkakamal ng malaking kita ang banyaga at pribadong kumpanya na siyang pagkukuhanan ng mga modernong jeepney.

Mula nang tutulan at mapatigil ng malawak na alyansa ng mga jeepney drayber ang pagraratsada ng pahirap na modernization program sa transportasyon, natutunan na ng Pangulo na hindi palaging magtatagumpay ang anti-mamamayang mga palisiya. Ngayong nakahanap ang Pangulo ng bagong pagkakataon bunsod ng pandemya, hindi na kagulat-gulat ang pagbigwas ng pangulo pabalik sa mga naninindigang tsuper. Patunay dito ang pagkaka-aresto ng anim na tsuper mula sa Piston matapos nilang magsagawa ng mapayapang protesta sa pagbabakasakaling mapankinggan ng gobyerno ang kanilang panawagan para sa kabuhayan.

Tulad ng pangarap ni Papa, hangad lang din ng mga tsuper na mabigyan ng komportableng pamumuhay ang kanilang mag-anak. Sa kabila ng kagustuhan na magkayod-kalabaw, mananatiling nasasagasaan ang karapatang mabuhay ng mga tsuper kung patuloy silang naka-preno mula sa pagtatrabaho dahil sa mga balakid na dala ng gobyerno.

kayod sahod

PHOTO ● JASON MANASAlA

Ang kapabayaan ng gobyerno ang nagtulak sa mga unibersidad na magsagawa ng desentralisadong pagtugon sa hamon na ipagpatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya.

Bunsod nito, nagsanga-sanga ang suliranin ng sektor, dahilan upang tuluyang mailantad ang kabulukan ng sistemang pang-edukasyon sa bansa bunsod ng neoliberal na sistema.

Mula rito, hindi naman tuluyang ipinagkibit-balikat ng Lupon ng mga Rehente ng Pamantasang Normal ng Pilipinas ang hinaing ng mga magaaral. Bagamat hindi nito dininig ang ilang panawagan gaya ng mass promotion na nakapagpagaan sana sa kalagayan ng mag-aaral na patuloy na iniinda ang pang-akademikong gawain mula sa nakaraang taon, hayag naman ang paggawa nito ng ilang paraan katulad ng pamamahagi ng learning toolkits at pagbibigay ng devices upang maipagpatuloy ng ilan ang pagaaral sa bagong kadawyan.

Nakatulong din naman sa mga mag-aaral ang pagpapatupad ng mas maluwag na deadlines sa pagitan ng guro at estudyante, pagkokonsidera ng mga posibleng pagliban sa klase dahil sa aberya sa koneksyon, at maging ang pagtatakda ng limitadong oras para sa synchronous classes na malaking tulong upang mabawasan ang bigat—sa aspetong mental at pinansyal—buhat ng transisyong ito. Napagtagumpayan ang mga ito sa tulong ng aktibong pagpapanawagan ng masang mag-aaral at pag-tugon ng administrasyon ng Pamantasan sa kabila ng mga hamon ng panahon.

Subalit, hindi sapat ang mga pansamantalang tugon na ito sapagkat hindi nito inuugat ang kahirapan ng kaguruan at mga mag-aaral. Hindi rin nito isinasama sa kampanya ang mga manggagawa’t empleyado para isulong ang karapatan ng lahat para sa ligtas na pagbabalik sa mga paaralan, lampas sa komunidad ng Pamantasan. Sa kabuuan, dumudulo pa rin ang mga hamong kinakaharap sa sistematikong paggamit ng estado sa pandemya para pagsilbihan ang pansarili nitong interes at tuluyang mamayani ang kultura ng impyunidad sa bansa.

Bilang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro sa bansa, malaking hamon sa administrasyon ng pamantasan na makiisa sa laban ng malawak na sektor ng edukasyon at hindi ito mapako sa pagbibigay ng pansamantalang tugon. Ang pagkakapakong ito at ang pagpili na manahimik sa gitna ng kakulangan ang dahilan ng mabagal na pag-usad ng malawak na panawagan para mapaglaanan ng sapat na pondo ang sektor ng edukasyon. Mahalagang nakasandig ang Pamantasan sa pangangalaga sa interes ng bawat sektor na bumubuo rito upang tunay itong sumulong. Gayundin, hindi maaaring ihiwalay ng mga rehente ang sarili nito sa laban ng mga estudyante at gurong nakikibaka para sa makalidad, siyentipiko, at makamasang edukasyon sapagkat pangunahing esensya ng Pamantasan ang pagpanday sa kinabukasan ng edukasyon ng buong bansa.

Hindi nito maaaring ihiwalay ang sarili nito sa patuloy na pagsilang ng militansya sa Inang Pamantasan dulot ng patuloy na represyon sa hanay ng mamamahayag, pagpatay sa mga magsasaka, pananamantala sa mga manggagawa, pang-aabuso sa kababaihan, pagpapalayas sa mga katutubo at iba pang isyung panlipunan sapagkat mawawalan ng silbi ang edukasyon kung ito ay bulag at nagpapahintulot ng opresyon at pasismo.

Isang hamon sa administrasyon ng pamantasan na pangunahing magbigay-tindig, makiisa’t makisangkot sa maraming sosyopolitikal na suliranin. Nakasalalay ang kapakanan ng mga sektor na bumubuo sa komunidad ng PNU na bulnerableng pinupuruhan ng mga neoliberal na palisiya. Tungkulin ng Pamantasan na kumotra sa agos ng namamayaning mga burukrata-edukador, kasapakat ang pasista, mamamatay-tao at mandarambong na rehimen.

Higit sa tagumpay nitong makalikha ng mahuhusay na guro at responsableng mamamayan, marapat din na ang Pamantasan ay maging isang institusyon na nangangalaga sa makatuwirang paglaban ng nasasakupan nito. Sa panahon ng ligalig, ang pagtindig at pagkilos ang pangunahing sangkap sa pagwasak ng lumang istrukturang umaabuso sa mamamayan. Tunguhin sana ng Pamantasan ang mapanghamong landas upang maging ganap itong lunduyan ng kritikal na pagkilos at mapagpalayang mga kaisipan.

Tulad ng nakapiring na timbangang simbolo ng hustisya, inukit ang Inang Pamantasan sa wangis ng kababaihan— hindi dapat nagpapalupig, tumitindig, pumoprotekta at nakikibaka sa ngalan ng mga anak, mamamayan, at bayang pinagsisilbihan nito.

tunguhin sana ng Pamantasan ang mapanghamong landas upang maging ganap itong lunduyan ng kritikal na pagkilos at mapagpalayang mga kaisipan.

sa wangis ng hustisya at militansya

GELINE DESPABILADERAS

This article is from: