5 minute read

PUlSO: Sipat ng PNUans sa mga usapin sa gitna ng pandemya

pulso:SIPAT Ng PNUANS SA mg SA gITNA Ng PANDEmYA A USAPIN @hermiafungeacockinea

Higit pitong buwan na mula nang nagsimula ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 sa ating bansa. Nilantad nito ang mga problema at kapabayaan ng estado sa mga batayang pangangailan ng sambayanan habang nagpapatuloy ang korapsyon sa iba't ibang ahensya ng gobyerno.

Advertisement

Kaya naman, pinulsuhan ng publikasyon ang pananaw ng mga PNUans sa iba’t ibang mga isyu gaya ng korapsyon sa PhilHealth, ang kontrobesyal na mañanita, mga ilegal na pag-aresto, at ang pagtatanggal ng Facebook sa mga troll account na napagalamang kinokontrol ng mga indibidwal mula sa Sandatahang Lakas ng Pillipinas at Tsina. Kinuha rin ng publikasyon ang kanilang pagtingin sa #wag_ kalimutan challenge, pati na rin ang pagtambak ng dolomite sand sa pampang ng Manila Bay. Gamit ang sarbey na isinagawa online, narito ang saloobin ng mga PNUan sa mga isyung itinampok sa isinagawang PULSO.

1. Ano sa palagay mo ang pinakamalaking epekto ng korapsyon sa PhilHealth ngayong nagpapatuloy ang pandemya?

2. Para sa iyo, ano ang sinasalamin ng terminong “mañanita” at mga ilegal na pag-aresto ngayong panahon ng pandemya?

3. Ano ang masasabi mo tungkol sa pagtatanggal ng Facebook sa mga troll accounts at pages na napagalamang kinokontrol ng ilang grupo at indibidwal mula AFP/PNP at China?

@V

“Ang hiningi namin seryosong gobyerno, hindi gobyernong sineseryoso ang "health is wealth" :(( Hindi lamang ito simpleng pagnanakaw, sapagkat ang perang ninakaw ay nakalaan sa health care, kung kaya't ito ay paglabag din sa karapatang pangkalusugan. Samakatuwid, sa kalagitnaan ng isang pandemya na kumitil na ng maraming buhay kung saan ang

Jose mellenio Agra | iii-9

pondo nito ay pinaka kinakailangan, maituturing nadin itong paglabag din standard” ng ating gobyerno; kapag hindi sila o ang mga kaalyado nila at papatawarin pa ng pangulo; pero kapag simpleng mamamayan

sa karapatan sa buhay.”

Beata

@Pandandan

“Mabigat na pasanin ito para manggagawa at mahihirap. Imbes na may magagamit ang mas maraming mamamayan para sa panahon ng problemang medikal, pwedeng mabawasan o mas higit pa, mawalan pondong para sa kanila ay napunta na sa bulsa ng mga buwaya.” @Junie_Boy

“Para sa akin, ang sinasalamin ng “mañanita” at mga ilegal na pag aresto ay ang labis na pag abuso ng mga kapulisan sa kanilang kapangyarihan.”

@PengeMSG

“Ito ay sumasalamin sa “double ang gumawa ng mali, hindi aarestuhin sila ng suportang pinansyal dahil ang

ang gumawa ng mali, aarestuhin agad, ipapahiya pa o paparusahan at ipapakita pa ang bidyo sa social media.”

@Microsoft_Exhale

“Walang pagka-iba sa EJK at sa mga pagpatay noong panahon ng Martial Law. Pagpapakita pa rin ng pag-abuso ng kapangyarihan at tiwala ng masa ang nagiging kalabasan. Bagsak sa preso ang inosente, akyat sa pwesto ang maysala. Also, search

for “mañanita” on Urban Dictionary.”

@dr_Strange

“Isang Malaki at napaka-gandang hakbang ang ginawa ng pamunuan ng Facebook ang pagtanggal sa mga troll accounts at pages na nagpapakalat ng mga fake news at maling propaganda ng gobyerno. Dahil dito, mababawasan ang mga naniniwala sa mga maling impormasyon na ipinapakalat ng mga bayarang trolls sa mga tao sa loob ng social media.”

@GrandLine

“It’s a stupid move. Not even a long-term solution. Even my new fb account for school was suspended because I was suspicious daw. I think they’re just lazy to investigate deeper.”

@ninjago23

“Masasabi kong tama lamang ang ginawang ito ng Facebook dahil pinaninidigan nito ang kanilang polisiya patungkol sa paggamit ng kanilang services.”

4. Sa pagkalat ng #wag_ kalimutan_challenge, ano sa palagay mo ang sinasabi nito ukol sa paggamit ng social media ngayon?

5. Ano ang iyong pananaw sa pagtambak ng dolomite sand sa pampang ng Manila Bay?

@asdfghjkl

“Isang paraan kung saan ang mga tao ay unti-unting minumulat ng ilang kapwa nila ukol sa mga isyung panlipunan at suliraning kinakaharap ng ating bansa. Napakalaking epekto nito kung mababasa mo ito sa social media at maalarama ka sa kung ano ba talaga ang nais nitong ipabatid.”

@JpVillanueva22

“Simply as wag kalimutan ang mga kapalpakan at kawalanghiyaan ng gobyerno. Laging itatak sa puso’t isip ang pangyiyurak na ginagawa nila sa sambayanang pilipino.”

Jorg Andreia Prudente | iii-10

@jorgandreia

“Sinasabi nito na hindi lamang nakakahon ang paggamit ng social media sa pagpost ng picture o pakikipagusap sa mga kaibigan, kung hindi para rin madaming maabot ang mga isyung hindi dapat kalimutan at palagi tayong mapaalalahanan nito.”

@awts_the_turtle

“Mapangmulat. Bagamat pabiro ang mga ganitong uso ay may tinatagong politikal na kahulugan na maaaring makapanggising sa kamalayan ng mga mambabasa kahit sa maiikling anyo ng mga salita lamang.”

Jeverlyn seguin | BVe ii-11

@kakariktan

“Ang pagtambak ng dolomite sand sa pampang ng Manila bay, ay mahahalintulad sa pagtatakip ng gobyerno sa mga butas at kakulangan nila para sa mga tao Patuloy nilang inililihis ang atensyon ng sambayanan at nagpapakita ng huwad na kagandahan para lamang masabing mayroon silang magandang. ginagawa, na kung titignan ay para lamang basurang nilagyan ng pabango, na kahit anong buhos mo, aalingasaw pa rin ang tunay na baho.”

marc | Bsse iii-9

@maktub012

“This a clear manifestation that Science and Research in the country are not greatly considered by the government. Pinapakita pa nila na mas magaling sila kaysa sa mga verified scientific data and researches just for them to justify their agenda. Kaya hindi lang tayo huli sa pagunlad, ang mga proyektong katulad nito ay hindi nagtatagal at mas lalo lang magbibigay ng perwisyo sa lahat.”

@jakethedog

“Hindi makatuwiran ang ibinigay na rason kung bakit inuna pa iyon sa gitna ng pandemya. Napakalaki ng budget na sana ay inilaan na lang muna sa tunay na pangangailangan ng masa. Ayuda para sa mahihirap at tamang pasahod para sa frontliners. Ang order ay kongkretong plano mula sa mapahalaan, bakit white sand ang inihain? Hindi namin ito kailangan.”

Villanueva @thisitjeth

Ipinakikita ng PULSO ang saloobin ng mga PNUans sa mga usapin sa labas ng kanilang tahanan at ng Pamantasan. Patunay na maalam at aktibong nakikisangkot ang mga mag-aaral sa mga isyung panlipunan na hinaharap ng bayan. Ang kabuoang resulta ng PULSO ay malinaw na pagpapahiwatig ng kritikal na pag-iisip na mahalagang sangkap sa pagbuo ng lipunang may pagpapahalaga sa demokrasya at batayang karapatan ng mamamayan.

Ngayong panahon ng pandemya, lalong mahalaga ang boses ng mga kabataan pagdating sa mga suliranin ng bayan dahil nakasalalay ang kinabukasan ng susunod na henerasyon sa bawat hakbang ng pamahalaan at tugon ng mamamayan dito. Sa kabilang banda, ihinayag din ng PULSO ang napakaraming hamon na sama-samang kakaharapin ng mga kabataan. Ngunit, mahihinuha rin mula rito ang paghahangad ng mga guro ng bayan ng lipunang malaya sa korapsyon, opresyon, at pasismo. Sa paghahangad na ito magsisimulang isakatuparan ng masa ang kahingian ng panahon na sama-samang pagkilos tungo sa ganap na pagbabagong panlipunan.

This article is from: