28
pulso:
Sipat ng PNUans sa mga usapin sa gitna ng pandemya
@hermiafungeacockinea
Higit pitong buwan na mula nang nagsimula ang community quarantine dahil sa banta ng COVID-19 sa ating bansa. Nilantad nito ang mga problema at kapabayaan ng estado sa mga batayang pangangailan ng sambayanan habang nagpapatuloy ang korapsyon sa iba't ibang ahensya ng gobyerno.
1. Ano sa palagay mo ang pinakamalaking epekto ng korapsyon sa PhilHealth ngayong nagpapatuloy ang pandemya?
@V
“Ang hiningi namin seryosong gobyerno, hindi gobyernong sineseryoso ang "health is wealth" :(( Hindi lamang ito simpleng pagnanakaw, sapagkat ang perang ninakaw ay nakalaan sa health care, kung kaya't ito ay paglabag din sa karapatang pangkalusugan. Samakatuwid, sa kalagitnaan ng isang pandemya na kumitil na ng maraming buhay kung saan ang pondo nito ay pinaka kinakailangan, maituturing nadin itong paglabag din sa karapatan sa buhay.”
Beata @Pandandan
“Mabigat na pasanin ito para manggagawa at mahihirap. Imbes na may magagamit ang mas maraming mamamayan para sa panahon ng problemang medikal, pwedeng mabawasan o mas higit pa, mawalan sila ng suportang pinansyal dahil ang pondong para sa kanila ay napunta na sa bulsa ng mga buwaya.”
Kaya naman, pinulsuhan ng publikasyon ang pananaw ng mga PNUans sa iba’t ibang mga isyu gaya ng korapsyon sa PhilHealth, ang kontrobesyal na mañanita, mga ilegal na pag-aresto, at ang pagtatanggal ng Facebook sa mga troll account na napagalamang kinokontrol ng mga indibidwal mula sa Sandatahang
2. Para sa iyo, ano ang sinasalamin ng terminong “mañanita” at mga ilegal na pag-aresto ngayong panahon ng pandemya?
@Junie_Boy
“Para sa akin, ang sinasalamin ng “mañanita” at mga ilegal na pag aresto ay ang labis na pag abuso ng mga kapulisan sa kanilang kapangyarihan.”
@PengeMSG
“Ito ay sumasalamin sa “double standard” ng ating gobyerno; kapag hindi sila o ang mga kaalyado nila ang gumawa ng mali, hindi aarestuhin at papatawarin pa ng pangulo; pero kapag simpleng mamamayan ang gumawa ng mali, aarestuhin agad, ipapahiya pa o paparusahan at ipapakita pa ang bidyo sa social media.”
Lakas ng Pillipinas at Tsina. Kinuha rin ng publikasyon ang kanilang pagtingin sa #wag_ kalimutan challenge, pati na rin ang pagtambak ng dolomite sand sa pampang ng Manila Bay. Gamit ang sarbey na isinagawa online, narito ang saloobin ng mga PNUan sa mga isyung itinampok sa isinagawang PULSO.
3. Ano ang masasabi mo tungkol sa pagtatanggal ng Facebook sa mga troll accounts at pages na napagalamang kinokontrol ng ilang grupo at indibidwal mula AFP/PNP at China?
Jose Mellenio Agra | III-9 @dr_Strange
“Isang Malaki at napaka-gandang hakbang ang ginawa ng pamunuan ng Facebook ang pagtanggal sa mga troll accounts at pages na nagpapakalat ng mga fake news at maling propaganda ng gobyerno. Dahil dito, mababawasan ang mga naniniwala sa mga maling impormasyon na ipinapakalat ng mga bayarang trolls sa mga tao sa loob ng social media.”
@GrandLine
“It’s a stupid move. Not even a long-term solution. Even my new fb account for school was suspended because I was suspicious daw. I think they’re just lazy to investigate deeper.”
@Microsoft_Exhale @ninjago23 “Walang pagka-iba sa EJK at sa mga pagpatay noong panahon ng Martial Law. Pagpapakita pa rin ng pag-abuso ng kapangyarihan at tiwala ng masa ang nagiging kalabasan. Bagsak sa preso ang inosente, akyat sa pwesto ang maysala. Also, search for “mañanita” on Urban Dictionary.”
“Masasabi kong tama lamang ang ginawang ito ng Facebook dahil pinaninidigan nito ang kanilang polisiya patungkol sa paggamit ng kanilang services.”
GRAPHICS ● JUSTINE PATRICIO