3 minute read

Bionote ng Awtor

Next Article
Rubrik

Rubrik

Advertisement

ORGANISADONG PAGTATALA

Mahusay na naitala ang mga mahahalagang akademikong sulating isinagawa gaya ng: a.) infographics, b.) bionote, c.) katitikan ng pulong, d.) adyenda, e.) talumpati.

10 puntos

GRAMATIKA

Nagamit nang mabisa at mahusay ang wikang Filipino sa pagsulat ng portfolio.

10 puntos

NILALAMAN

Kinakitaan nang pagpapahusay sa mga sulatin. Mahusay at maayos ang daloy ng nilalamang mga akademikong sulatin. Gayun din ang pagkakatala ng prologo at epilogo.

10 puntos

ANYO

Mahusay na nakasunod sa wastong anyo ng isang portfolio. Kumpleto ang bawat elementong kahingian sa isang portfolio.

10 puntos

MALIKHAIN

Malinis at mahusay ang pagkakapili ng mga disenyo. Kinakitaan ng kaisahan ang kabuuang produkto.

10 puntos

Kabuuang Puntos 50 puntos

NG AN AWTOR • ANG AWTOR • ANG AWTOR • AN G AWTOR • ANG AWTOR • ANG AWTO

BIONOTEBIONOTEBIONOTE

Si Tiffany “Tiff” E. Cajayon ay nakapagtapos ng kaniyang junior high school sa The Thomas Aquinas Institute of Learning, kung saan iginawad sa kaniya ang “Best in Writing” (2018-2020) pati na ang “Leadership Award” (2020).

Sa kaniyang pananalagi sa nasabing paaralan ay nagkaroon siya ng sapat na pagkakataon upang malinang ang kaniyang karunungan at kasanayan sa iba’t ibang larangan. Sa katunayan, napasama at naparangalan siya sa iba’t ibang kategorya kagaya ng naganap na Montessori School Administrators Association (MSAA) Essay Writing Competition kung saan nasungkit niya ang ikaapat na parangal (2017). Sa mga pasalitang patimpalak katulad ng sa Association of Private Schools in the City of Imus (APSCI) Extemporaneous Speaking Competition ay nakamit niya ang ikatlong parangal (2017), ikalawang pwesto (2017) naman sa MSAA Declamation Contest, at ang ikatlong parangal (2020) sa elocution contest ng kanilang paaralan. Sa larangan naman ng sining gaya ng pampaaralang poster and slogan making contest ay nasungkit niya ang ikalawang parangal (2018-2020). Aktibo rin siya sa pakikilahok sa mga akademikong quiz bee sa parehas na intra-school at inter-school na antas katulad ng APSCI Science Encounter kung saan nakamit niya ang ikalimang parangal (2016), una (2017) at ikalawang parangal (2017) naman sa palabaybayan at spelling bee ng paaralan, at ang ikalimang pwesto (2017) kung saan inilaban ang kanilang grupo sa Environmental Science Quiz Bee ng kanilang lalawigan sa Kabite. Kinilala rin ang kaniyang husay sa larangang pang-akademiko nang gawaran ng may karangalan (2017-2018) at mataas na karangalan (2019-2020), pati na sa pamumuno nang kalooban siya ng ranggong Corps S2 o Intelligence Officer (20192020) sa kanilang pampaaralang Citizenship Advancement Training (CAT).

Sa kaniyang pagtungtong ng senior high school sa Pamantasang De La Salle –Dasmariñas ay nagawaran siya ng mataas na karangalan (2021). Nakabilang din siya sa mga organisasyong pampaaralan tulad ng Lasallian Peer Facilitators (LPF), Student's Extension of Resources through Voluntary Efforts (SERVE) High School, at The Lasallian Chorus (LSC), pati na ng Ministri ng Kabataan at Musika sa kanilang lokal na parokya kung saan siya ay patuloy na nagiging aktibo.

Si Tiffany ay kasalukuyang nasa huling baitang na ng pag-aaral mula sa akademikong strand na Accountancy, Business and Management. Nais niyang tahakin ang kursong Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Management (BSBAFM) sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Manila. Bagkus ay isinasaalang-alang pa rin niya ang mga darating na oportunidad para sa larangan ng edukasyon, communications, performing arts, at psychology.

G G II N N A A W W A A G G A A M M II TT A A N N G G CC A A N N VV A A .. 2 2 00 2 2 2 2 ..

This article is from: