1 minute read

Rubrik

EPILOGOEPILOGO

“I am the master of my fate: I am the captain of my soul,

Advertisement

” sabi nga ni William Henley sa kaniyang tulang “Invictus” (1875). Bilang isang manunulat sa ika-12 na baitang, ngayon ay mas napagtatanto na ni Tiffany ang parehas na struggle at oportunidad na taglay ng kapangyarihan ng pagsusulat. Siya ay napapabalik-tanaw sa sarili niyang karanasan kung saan hindi naman talaga madali para sa kaniya ang pagsusulat—sa katotohanan nga ay may mga pagkakataong umaabot nang ilang araw ang pagbuo ng isang sanaysay o kaya naman ay madalas magpa-extend ng oras kapag kumukha ng pagsusulit; madalas siya ay name-mental block; at, lalo na dati, nahihirapan siyang iparating nang kongkreto maski ang konsepto lamang ng kaniyang mga ideya, opinyon, o mindset gamit ang mga salita. Bagkus, sa tulong na rin ng kaniyang mga naging tagapagturo at ng kaniyang nanay na may hilig din sa pagsusulat, siya ay nagpursigi upang linangin ang kasanayan at nang maiparating na nang mas mabisa ang mga nais ipabatid. Ngayon ay patuloy na nagsasanay sa pagsusulat ang awtor hindi lamang para sa mga pagkakataon sa hinaharap ngunit, at maaaring lalo na, para makapagbigay rin ng inspirasyon at magandang impluwensiya sa iba.

Sumasalamin sa layo ng narating ng kakayahan ng awtor sa kasalukuyan ang nilalaman ng nasabing portfolio. Bilang koleksyon ng mga akademikong sulatin ay maaari itong gawing future reference at/o makapagdulot ng optimismo sa iba pang mga manunulat, at maging sa nasabing awtor kapag kaniyang kailanganin. Sa pagkakaroon ng inisyal na layuning makapagpasa ng portfolio bilang parte ng requirements, napatunayan rin niya na bukod dito ito ay isa rin itong magandang paraan upang maibahagi ang sariling adbokasiya at subukang makagawa ng mas mahusay na awtput sa kasalukuyang antas ng kasanayan. Sa huli, ang “Daan de Papel” ay hindi lamang mananatiling isang awtput na ipinasa bilang isang assessment ngunit isang pangganyak upang panindigan ang papel ng buhay, kunin ang panulat, at dalhin ang kwento sa mas magandang tanawin.

This article is from: