5 minute read
Panukalang Proyekto
Ang kaniyang palabas na “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS) ay natamo ang pagkakakilanlan bilang pinakapaboritong panuorin ng mga pamilyang Pilipino tuwing Linggo (2018-kasalukuyan) ayon sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) ratings at programa sa telebisyong Pilipinas na may pinakamaraming followers sa Facebook (2021-kasalukuyan). Ginantimpalaan din ito ng “Most Development-Oriented Magazine Program” sa Gandingan 2009: UPLB Isko’t Iska's Broadcast Choice Awards, Philippine Social Media Week Icon Award (2019), Hall of Fame status sa Catholic Mass Media Awards bilang “Best News Magazine” (2020), at ang tansong medalya sa 2022 New York Festivals TV & Film Awards. Gayundin ay nagkaroon ng mahalagang papel ang KMJS at “State of the Nation with Jessica Soho” nang gawaran ang GMA News ng George Foster Peabody Award noong 2014.
Sa kasalukuyan ay itinuturing si Jessica Soho bilang isang beteranong brodkaster at isa sa mga haligi ng kontemporaryong pamamahayag sa Pilipinas. Binansagan bilang “Asia’s Powerhouse Journalist” , sinasabing ang kamakailang isinagawa na “The Jessica Soho Presidential Interviews” ay nagtakda ng mataas na pamantayan para sa mga susunod na election special. Tangi sa roon ay patuloy siyang tumatayo bilang unang bise presidente para sa News Programs ng GMA News and Public Affairs.
Advertisement
I. Titulo ng Proyekto
Panukala: Isang linggong selebrasyon at edukasyon para sa kalusugang pangkaisipan Organisasyon: Proyektong Pag-asa Petsa at Lugar: Setyembre 1-Disyembre 10, 2022; La Consolacion College Auditorium - Mendiola, Manila; Facebook, YouTube, Google Meet
II. Abstrak
Simula nang maipatupad ang lockdown noong Marso 2020, dumami ang tumatawag at nagpapasaklolo sa National Center for Mental Health. Dahil dito isang panukalang proyekto ang ihahain upang makapagbigay ng karagdagang edukasyon at impormasyon sa mga nakakaranas ng mga sakit na may kaugnay sa pangkaisipan at sa mga pamilyang gustong madagdagan ang kanilang kaalamanan patungkol sa mental health problems. Pamumunuan ang proyektong ito ni G. Carl Jay Arangozo, tagapamuno ng organisasyong Proyektong Pag-asa. May kabuuan itong badyet na P200,000.00. Magsisimula ang pag-aasikaso para sa proyekto sa Setyembre 1 at inaasahang matapos sa Disyembre 10, 2022. Nakatakdang ilunsad ang isang linggong selebrasyon sa ganap na Disyembre 5 hanggang Disyembre 9, 2022.
III. Katwiran ng Proyekto
Noong huling bahagi ng Enero 2020, naitala ang unang kaso ng Covid-19 sa bansa. Ika-8 ng Marso, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkansela ng mga klase sa Metro Manila. Makalipas ang ilang araw inanunsyo na ang pagtupad ng bahagyang lockdown sa Metro Manila pati na rin ang pagsuspinde ng paglalakbay patungong Maynila mula Marso 15 hanggang Abril 14 2020. Ang buong Luzon naman ay sumabak na rin sa pagtupad ng lockdown noong Marso 16, 2020. Lubos na nagbago ang pamumuhay ng mga Filipino ng maimplementa ng gobyerno ang iba’t-ibang
quarantine at limitahan ang mga pwede at hindi pwede na mga aktibidad sa labas ng bahay upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa. Kaya naman bunga nito ay nagdulot ng labis na pangamba sa mga mamamayan dahil ito ay nagdulot ng malaking epekto sa aktibidad ng bawat isa at karamihan ang mga mamamayan ang nagdusa hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa emosyonal.
Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo, patuloy pa rin ang pag implementa ng lockdown sa bansa. Sa haba at walang tigil na pagbabalik ng lockdown, ito ay nagdulot ng kawalan ng trabaho ng mga Pilipino. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), inaasahang aabot ng higit na 5 milyong Pilipino ang mawawalan ng trabaho sa bansa at maaaring tumaas pa ito at magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ng Pilipinas sa mga susunod na buwan. Dahil sa pangambang dulot ng pandemya at sa tumaas na bilang ng mga nawawalan ng trabaho, ang mga kalusugang pangkaisipan ng mga tao ay higit na naapektuhan na rin. Anxiety o depressive symptoms, problema sa pamilya, pag-ibig, at pag-aaral ang karaniwang sanhi ng pandemya sa kalusugang pangkaisipan ng mga tao. Ito rin ang karaniwang dahilan kung bakit tumatawag sa National Center for Mental Health (NCMH) ang mga nangangailangan ng tulong at gabay upang maiwasan ang pagpapakamatay at labis na kalungkutan. Ayon sa National Center for Mental Health (NCMH) umabot sa 32 hanggang 37 ang mga tumatawag kada araw, na nagresulta sa katumbas na 876 na tawag kada buwan, mula noong Marso hanggang Agosto. Naitala na rin na higit na tumaas ang bilang ng mga tawag dahil mula noong Marso ng 2019 hanggang Pebrero ay 13 hanggang 15 lamang ang natatanggap. Napagkaalaman na ang mga karaniwang na tumatawag sa hotline ay mga kababaihan at mga edad na mula 18 hanggang 30 taong gulang.
Mahalagang masolusyunan ang pagkakaroon ng labis na kalungkutan at pagtaas ng mga tumatawag sa National Center of Mental Health (NCMH) upang maiwasan ang sunod-sunod na mga namamatay. Ang pagresolba ng problemang ito ay higit na makatutulong sa ating relasyon sa ating kapwa pati na rin sa ating ekonomiya dahil sila ay mabibigyan ng lakas upang labanan ang pandemya na ating kinakaharap. Ito rin ay higit na makakatulong sa mga tao na hindi gaanong pinapansin at iniintindi ang sakit na ito sapagkat may iilan na itinuturing lamang itong kaartehan o kulang sila sa kaalaman patungkol sa sakit na ito. Kung kaya napagdesisyonan na gumawa ng isang proyekto kung saan ipapahayag ang mga impormasyon patungkol sa mental health upang mabigyan kaalaman ang lahat at para malaman ang mga dapat gawin upang
mapuksa ang sakit na ito. Magkakaroon din ng mga iba’t-ibang aktibidad upang mabaling ang atensyon sa ibang bagay at mabawasan ang kalungkutan na nadadama ng bawat isa.
IV. Layunin
Ang layunin ng proyektong “Pamasko para sa Mental Health ng mga Pamilyang Taga-Metro Manila at mga Gumagamit ng Social Media” ay makapagbigay ng karagdagang kaalaman at impormasyon patungkol sa mental health problems para sa mga nakakaranas ng mga sakit na may kaugnayan sa pangkaisipan at para sa mga pamilyang gustong madagdagan ang kanilang kaalamanan patungkol dito.
V. Target na Benepisyaryo
Ang target na benepisyaryo ng proyekto ay ang mga piling mamamayan ng lungsod ng Maynila, Mandaluying, San Juan, Makati, at Quezon na nakararanas ng mental health problems o sakit na may kaugnayan sa pangkaisipan tulad ng anxiety, depresyon, at iba pa dulot ng pandemya , pagkawala ng trabaho, o ng pag-aaral. Bukas din ang proyekto na ito sa mga kaanak ng biktima ng suliraning ito sapagkat maaari pang mabigyan ng karagdagang edukasyon at impormasyon hinggil sa mental health o kalusugang pangkaisipan para sa pag-unlad ng tahanan. Kasama na rin sa mga benepisyaryo ang mga online users sa plataporma ng Facebook at YouTube na nakararanas din ng mental health problems sapagkat mayroong mga aktibidad ang proyekto na ito na sa online setting gaganapin tulad ng mga webinar at pagnood ng mga maikling pelikula sa kompetisyon.
VI. Implementasyon ng Proyekto
A. Iskedyul