1 minute read
Bionote ng Personalidad
TALAAN NG
Advertisement
Bionote ng Personalidad
Si Maria Jessica Aspiras Caluag Soho ay nakapagtapos ng kolehiyo sa College of Mass Communication (CMC) ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman, kung saan pinarangalan siya ng “Gawad Plaridel for Outstanding Journalist award” (2018) matapos ang ilang dekadang pagseserbisyo sa industriya. Kamakailan ay natanggap din niya ang Honorary Doctorate Degree in Literature (2015) sa Unibersidad ng North Eastern Philippines (UNEP).
Kilala bilang most awarded broadcast journalist sa Pilipinas, umabot na sa 300 na lokal at 30 na internasyonal ang kabuuan ng kanyang mga natanggap na parangal noong 2018. Kabilang sa mga ito ang ilang mga karangalang unang beses natanggap ng isang Pilipino katulad ng “British Fleet Journalism Award” (1998),
“George Foster Peabody Award” (1999), at parehas na “Best Documentary” at “UNESCO Awardee” sa 2000 New York Film and Television Festival. Siya rin ang kauna-unahang nakatanggap ng “Ka Doroy Valencia award” mula sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas, “Best Public Affairs Program Host” at “Best Magazine Program Host” mula sa Community Broadcasters’ Society (UPCBS) ng UP Los Baños noong 2009, at “Hall of Fame award” (2018) ng U.S. -based magasing Reader’s Digest bilang “Most Trusted TV Host for News and Current Affairs” magmula noong 2011.