Obra: Apu Kusyang

Page 1


obra Ang pampanitikang aklat ng The Work, ang opisyal na pahayagang pangkampus ng Tarlac State University Tarlac City Reserbado ang lahat ng karapatan Š 2019 Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa mga may-akda maliban sa ilang siping gagamitin sa pagrerebyu. Inimprenta ng Majicus Junctra Corporation 1722 President Quirino Avenue, Pandacan, Manila Konsepto | Isaih Kyle C. Umipig Pabalat | Edilbert O. Alicante II Paglalapat | Pauline Grace B. Manzano Kwento ng Kabanata | Mary Klaudine L. Paz, Isaih Kyle C. Umipig, at Jejomar B. Contawe

THE WORK


pabalat

“Sa mismong espasyong ito hinangad ni lolang bumuo ng paraiso. Pero sa dinami rami ng delubyong dumaan dito, at sa mga pinagsama-samang beses na pinagkait ng pagkakataong siya’y makauwi, parang mas delubyo pa yata ang mga tao.�


Mahigit isang siglo na ang lumipas nang unang naiwagayway ang ating watawat na hudyat ng ating kalayaan ngunit mababakas pa rin ang mga peklat na iniwan ng malagim na karahasan ng nakaraan. Lumipas na ang panahon ngunit minumulto pa rin tayo, maliban sa mga banyagang mananakop ay ang sarili nating bansa. Isang malagim na pagbabaliktanaw ang kasalukuyang estado ng ating lipunan sa kamay ng pang-aabuso, inhustisya, at pang-aalipin. Ngayong taon, himahamon ka ng buong patnugutan ng The Work na makiisa upang patambulin ang mga isyung nakatali sa ating bansa sa kasalukuyan. Inihahandog ng The Work ang OBRA 2019 na tumatalakay sa iba’t ibang mukha ng pang-aalipin. Samahan natin ang mga magsasaka, OFWs, LGBTQ+, kabataan, sampu ng marhinalisadong sektor ng lipunan na paugungin ang kanilang kalagayan. Makilahok sa kolektibong pakikibaka upang wakasan at baliin ang bakal na kamay na gumigiit sa mga kababayan nating nagpapagal. Hayaan mong palayain sila ng bawat kabanata ng OBRA. Nawa’y sa bawat paglipat ng pahina ay unti-unti tayong mamulat na hindi talaga tayo malaya, mahaba lang ang tanikala.

ARSENIO S. SANTIAGO JR. Punong Patnugot


Sabi nila, kapag ikaw raw ay naliligaw, huwag kang mag-atubiling baliktarin ang ‘yong suot na damit. Kaya’t sa ‘king pagsubok na tuklasin ang tiyak na daan pauwi, sa halip na baliktarin ang telang nakalapat sa aking katawan, ay inihabi ko na lamang ang mga kaisipan na matagal nang uhaw sa kalayaan. Kaya’t heto na, hindi na ako nawawala, dahil aking nakilala ang panibagong bihis ng OBRA. Sa pinagsamang kapangyarihan ng mga malilikot na utak at nagbabagang mga puso, inaanyayahan ka ng buong patnugan ng The Work na nguyain ang bawat letra ng tula at lunukin nang buong-buo ang bawat kwento nang hindi napapaso. Dahil maliban sa mga kaisipang marapat na matutunan ay tangan ng bawat manunulat ang pinakamabisang sandata na siyang huhulma sa mga hindi malilimutang piyesa: ang puso. Sa pagbalikwas ng ihip ng hangin na siyang sinusubukang tangayin ang tunay na atin, halina’t lasapin ang mga katagang nalikha sa pamamagitan ng katotohanan na pininturahan ng hiraya, at hamuning imulat ang sarili sa kaisipang maaaring hindi nga tayo malaya, baka sakaling malawak lamang ang ating hawla. Tunghayan na kaakibat ng init ng hagod ng kamalayan, ang bawat pahina na bumubuo rito ay ang magsisilbing mapa, ang bawat piyesa nama’y magiging bakas ng pangungulila, at ang bawat taong makasasalubong sa paghihimay sa bawat kabanata ay ang iba’t ibang mukha ng pang-aalila. Sa aming pagyakap sa pagbabago, ito ang aming naging paraan ng pakikibaka, pagtawag sa hustisya, at pagkawala sa rehas ng pang-aalipusta. Kaya naman hinahamon ka naming makiisa. Kasama si Lola Eudocia na aming tinalakay at siyang nagsisilbing isa sa mga mukha ng api, atin nang simulan ang pag-iimpake. Huwag nang subukang ikubli ang bigat ng mga alaala na laman ng iyong mga bagahe, at samahan kaming tahakin ang kanyang daan pauwi.

MARY KLAUDINE L. PAZ

Patnugot sa Panitikan


Nakaraan – madalas, dito tayo tumitira sapagkat patuloy natin itong binabalik-balikan upang marinig ang tugon ng mga mamamayan. Pero hanggang ngayon, naliligaw pa rin tayo sa mga pasikot-sikot nitong akala nati’y naisaulo na kahit ilang beses pa tayong dumaan sa mga kalsadang matagal nang nakalipas. Mga bakas ng lupang nakaraan ang tinatapakan natin sa kasalukuyan subalit ang kinabukasan na tinamasa ng nakaraan ay nakagapos pa rin sa kadena ng maralita. Inihahandog ng The Work ang OBRA: Apu Kusyang na sumubok hulmahin sa pamamagitan ng mga tintang inihagod pababa’t pataas ang mga istorya kung paano ipinaglaban at patuloy na pinaglalaban ang kalayaan na gusto nating makamtan. Sa bawat piyesa na bumubuo rito ay inilarawan ng mga may-akda kung paano marapat na pakinggan ang mga hinaing na binubulong nang palihim kahit na ang tintang ginamit ay pula. Kalayaan para sa mga kababaihan, sa mga musmos, sa mga palahong katutubo, para sa masang api, at lalo na sa mga nakagapos sa iba’t ibang uri ng tanikala. Kaya’t ngayong taon, kaisa ang The Work sa paghuhubad sa katawan ng matagal nang itinatagong depinisyon ng salitang malaya. Hindi dito natatapos ang kakayahang lumikha at tumupok ng apoy sa pamamagitan ng tinta. Nawa’y sa bawat dibuho ng OBRA 2019, ang iba’t ibang mukha ng pang-aalipin ay mairepresenta. Kilalanin muli ang bakas ng nakaraan nang luminaw ang kinabukasan, at itanim ang binhi ng kalayaan sa lupang inaapakan. Bumangon. Panindigan ang tugon. Hindi rito natatapos ang rebolusyon!

EDILBERT O. ALICANTE II Patnugot sa Dibuho


Ngayong taon, sa muling paglulunsad ng The Work ng kanilang OBRA, nawa’y ang silahis ay tuluyan nang tumama sa lipunang salat, lalo na sa bawat mangingibig at magbibigay ng bagong depinisyon sa salitang paglaya. Sa kalagitnaan ng aming pakikibaka na wakasan ang anumang gumigiit sa masang api, bibigyang buhay ng OBRA: Apu Kusyang ang mga kwentong minsang itinago’t ikinulong ngunit muling isisiwalat sa pamamagitan ng mga nag-aalab na mga kamay na hindi magsasawang mangarap ng pagbabago mula sa mga binabagabag na utak at puso. Kilatisin ang bawat pahina, at makilahok sa magkakaibang digmaan ng mga kapwa manggagawa, magsasaka, LGBTQ, kabataan, kababaihan, at maging ang mga Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibang bansa, at iba pang katawang binuwag ng tadhana. Kumawala’t huwag nang magpaalila sa lungkot at bitawan ang pait ng panahon. Hayaan niyong kayo’y lunurin ng mga alaala ng walang nakaabang na salbabida, at magpalamon sa katas ng kanilang mga akda na dinurog kagaya ng isang basag na salamin – walang pagkakakilanlan at may panibagong anyo, kagaya na lamang ng mga mukha ng pang-aalipin. At pagkarating sa dulo, baka sakaling dalawin ka ng pagkabalisa, at itanong ang sarili: tayo nga ba ay tunay na malaya?

DR. GLADIE NATHERINE G. CABANIZAS

Kasangguni, The Work



prologo kung tunay ngang ang tahanan ng isang tao ay nakakalat sa kabuuan ng kalawakan, sino na lamang ang aking uuwian? nakaukit na lamang sa kwadernong nakalatag sa damuhan ang kaarawan at buong pangalan ng inalipin ng lipunan.


talaan ng

nilalaman

2

kabanata P.23

1

kabanata P.1


3

kabanata

P.43

4

kabanata

P.59

kabanata

5

P.77


1 | O B R A : A P U K U S YA N G


kabanata 1:

ISANG LUMANG SAKLAY “Siguro ganito nga talaga kapag inaalipin ka ng panahon at ng pagkakataon: tumatanda ka habang unti-unti ka ring nangangamba kung may patutunguhan pa ba ang iyong buhay.�

Kung mamarapatin ng pagkakataon na ako’y manatili sa isang kabanata ng aking buhay, pipiliin kong makulong itong katawan sa aking kamusmusan. Nauunawaan kong masyadong makasarili ang pagpapasyang ito sapagkat maaaring isipin ng ilan na ako ay nagtatangkang takasan ang ngayon, ang bigat ng responsibilidad na hatid ng aking katandaan, ang mga problema, at maging ang aking mga kakulangan. Ngunit hindi naman siguro magiging kalabisan kung mas gugustuhin kong balikan ang pagiging isang musmos. Sa tuwing masasalat ng aking balat ang aking lumang saklay, hindi maiwasang sumagi rin sa aking isipan ang mga panahong hindi ko pa ito kinakailangan bilang aking katuwang sa buhay. Marahil ganito ko mailalarawan ang aking kabataan: uunahan sa pagbangon ang bukang-liwayway hindi para pagurin at muling alipinin ang nagpapagal na katawan kundi para bulabugin ang mga kapitbahay kasama ang mga makukulit ding kalaro. Minsan naman, noong ako ay nasa ibang bansa pa upang maghanap-buhay, sa oras na tapusin ko ang aking mga liham para sa aking ina, naalala ko kung paano paulit-ulit kong isinusulat ang aking pangalan sa papel. Kung paano tinatanggap ng aking mga daliri ang palo ng aking nanay sa tuwing pinaalala niyang ayusin ko. At ngayon, masasabi kong untiunti kong natutunan kung paano magsulat nang may kagaanan ang kamay, nang walang halong pagtatampo. Bagaman mag-isa na lamang ako ngayon sa buhay, lagi kong aalalahanin ang mga turo ng nanay sa akin. Lahat ng iyon. Siguro ganito nga talaga kapag inaalipin ka ng panahon at ng pagkakataon: tumatanda ka habang unti-unti ka ring nangangamba kung may patutunguhan pa ba ang iyong buhay. Uupo ka sa isang sulok ng iyong bahay, dadampi sa

O B R A : A P U K U S YA N G | 2


iyong balat ang liwanag mula sa bintana, mabubulahaw ka sa ingay ng mga batang naglalaro sa labas, kukulitin ka ng mga ligaw na pusa, at paminsan-minsa’y mapapasayaw ka sa mga tugtuging isinasalang mo sa luma mong radyo sa sala. At sa gabi, ihihiga mo ang iyong katawan sa kama. Bago ka pa man makatulog nang mahimbing ay gagambalain ka na ng mga inaalikabok na ala-ala. Nangyari na sa akin ito noong isang gabi. Naisip ko ang mga panahong ginugol ko sa ibang bansa para pagsilbihan ang isang pamilya. Paano kaya kung hindi ako tumuloy doon? Nakabuo rin siguro ako ng sarili kong pamilya. Siguro mayroon akong dalawang anak. Paano kaya kung hindi ako nagpunta sa ibang bansa? Kung hindi man, makakapag-aral kaya ako? Magiging sikat na manunulat ba ako gaya ng aking pinangarap noong ako’y bata pa? Paano kaya kung nanatili ako rito sa bayan? Pagkatapos ng lahat, sasampalin ka ng realidad. Ang lahat ng ito ay magiging pabigat na lamang sa bagahe ng iyong buong pagkatao, ngunit buong sigasig ko pa ring dadalhin ito hanggang sa aking pagtanda—gaano man ito kabigat, gaano man ito kahirap. Dahil umiikot na lamang sa mga ganitong bagay ang aking buhay, minarapat kong pagbigyan ang aking sarili sa aking pangarap na magsulat. Sa katunayan, may bago akong proyektong isinusulat na sumasalamin sa aking buhay—isang talang-gunita ng isang babaeng tubong Tarlac na, sa loob ng matagal na panahon, ay naging alipin ng isang pamilya sa Amerika. Apu Kusyang kung siya’y tawagin ng kanyang naiwang pamilya. Sa edad na dose, tinanggap na ni Kusyang ang hamon ng buhay ngunit hindi niya inaakala na ito na ang simula ng kanyang masamang panaginip. Marahil ganito talaga ang mukha ng pang-aalipin, hindi mo namamalayang unti-unti ka na palang ikinakadena at pinagsasamantalahan. Ngunit ano nga ba naman ang alam mo? Bago pa man siya umabot sa edad na ito, alam kong namuhay siya nang dalisay at masaya sa kanyang kinalakihang probinsya. Katulad ko, naranasan din niya ang sayang naidulot ng paglalaro sa malawak na palayan habang nilalanghap ang sariwang hangin. Naranasan niyang pakainin ang kanilang mga alagang hayop. Tumulong siya sa paglilinis ng kanilang bahay. Nagtampisaw sa ilog malapit sa kanilang tahanan. Lahat ng alaala ng kabataan ay naghahatid ng kasiyahan sa puso, at alam kong naging masaya siya sa kabanatang ito ng kanyang buhay. Maagang nagsara para kay Kusyang ang kabanata ng buhay niya na ito pero bawat alaala rito ay nararapat na isilid sa bagahe ng kanyang pagkatao. Upang may mabalikan sa oras ng pangamba at pangungulila. Upang may mapuntahan sa panahon ng bagabag at kapaguran. Kung tatanungin kung saang kabanata ng buhay ko nais na makulong, pipiliin kong manatili sa aking pagkabata. Nais ko sanang isilid ang mga alaala ng patintero, habulan, at iba pang larong kalye sa mga napulot kong kabibe’t sigay sa tabing-dagat. Para kung sakaling marapatin ng pagkakataon na ako’y iwan na lamang sa aking tahimik na tahanan, mayroon akong kabibeng makukubkob ko sa aking kamao, maitatabi sa aking puso, at maitatapat sa aking tainga. At doon ko maririnig na minsan sa aking buhay, naranasan ko ang maging tunay na malaya kahit pa sa maliit lamang na alaala. *Ituloy sa pahina 23 3 | O B R A : A P U K U S YA N G


Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Watercolor

Patintero

Arsenio S. Santiago Jr.

Hindi naman sa pagmamayabang, ngunit ako ang pinakamahusay na manlalaro ng patintero sa amin. Mabilis kong natatakasan ang mga kalaban. Kapag kami naman ang taya, wala akong pinapalagpas sa linya maliban na lang kung tatanga-tanga na naman si Eunice sa kanyang pwesto at palulusutin ang kalaban. Sisiw na lang sa akin ang pag-iwas at paglusot. Tinuruan kasi ako ni tatay kung paano ang tamang pagtakbo. Madalas niya akong isama sa mga raket niya gabi-gabi. Ibabato niya sa akin ang nahablot niyang bag. Matulin kong babagtasin ang kahabaan ng trapiko, iiwasan ang mga dambuhalang trak at mga motorsiklo para hindi maabutan ng mga parak. Halos gabi-gabi kami ni tatay kung rumaket. Sa susunod, isasama ko na rin si Eunice para matuto.

O B R A : A P U K U S YA N G | 4


Graphics by Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

5 | O B R A : A P U K U S YA N G


Dexter’s Laboratory Mary Klaudine L. Paz

Growing up, I learned toxicity in the form of chemicals from the subjects of physics, biology, and chemistry with a childhood whose walls are built with the bricks of the scientific secrecy and glory, all because of the brilliant ginger kid, with thick glasses and is draped in a sleek white robe, whose own lab is his own sanctuary. He made me believe that the nation can sleep serenely, for his whipped out inventions will tuck the world to bed safely. Recently, he stirred up another experiment with sugar, spice, and everything nice in the education department. But Deedee came along, and added an extra ingredient, “2 more years for instant employment,” she said, the unaccidental concoction bubbled up with disappointment, and all she did was scorn at the ache of every student and the audible cries of every struggling parent. Now, easily swept in unto the dustbin of history are the remaining shards of the plight of the youth who became lab rats in this episode of the story, all because Deedee once again ruled with inane mockery, successfully wrecking Dexter’s laboratory while she’s under the pseudonym of DU30.

O B R A : A P U K U S YA N G | 6


Sahog

Jejomar B. Contawe

“Ano ba namang buhay ‘to, Felicia! Munggo na naman ang ulam! Wala ka na bang ibang alam lutuin kundi yan? Kapag ako nagka-rayuma!” Walang ganang kumain si Mang Ben. Dinabugan nito ang asawa matapos malamang ikatlong araw na ng paghain ni Felicia ng munggo bilang kanilang hapunan na siguradong siya ring ulam kinaumagahan. Sa kada uwi nga nito’y tila walang araw na hindi sila nagkakaputakan ng asawa. Ang tanging nakakapagpakalma lang sa kanila ay ang mala-anghel na ngiti ng kanilang kaisaisang supling na ngayo’y magda-dalawambuwang gulang pa lamang. “Eh sa iyan lang ang kinakaya ng kakarampot mong sahod sa pagkakargador! Kulang pa nga ‘yan para sa pang-gatas at diaper ng anak mo! Kaya wala kang karapatang magreklamo!” sumbat ni Felicia habang sinisinop ang mga binanliang bote at tsupon ng kanilang supling. “Hindi yan ang problema dito, Felicia. Kundi ang pagluto mo ng munggo halos kada araw! Ni hindi mo man lang maisipang lagyan ng sahog!” “M-may, may sahog yan,” sagot ni Felicia. “T-tikman mo.” Dala ng pagod sa maghapong kayod, hindi na nag-atubili pa si Mang Ben at kanyang tinungo ang hapagkainan saka tinikman ang luto ng asawa. Hmmm. Nagalakan si Mang Ben sa naging panibagong lasa ng munggo dala ng sahog na inihalo ng kanyang asawa. Malinamnam. Mukhang mas gugustuhin na nito ang munggo kada araw, basta ba’y sahogan ito ni Felicia kapareho ng natikman niyang putahe ngayon. Magkahalong kaba at ginhawa ang naramdaman ni Felicia. Pero sa mga oras na iyon, mas nangibabaw ang ginhawa dala ng nasarapan ang kanyang asawa sa kanyang nilutong sinahogan ng magda-dalawambuwang gulang na sanggol.

*hango sa pangyayari sa totoong buhay

7 | O B R A : A P U K U S YA N G


Dibuho ni Gabriel Jann S. Inocencio Watercolor

O B R A : A P U K U S YA N G | 8


Graphics by Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

Treasure Map Pamela Rose G. Reyes

where would this dream-drenched feet take this mourning of a child? when all the series of walks goes to every unvisited places, abandoned apartments, and all the spaces between restlessness and sleep? where would he find gems when even the rays of the sun becomes the blanket of gloom to dry up his epiphany?

9 | O B R A : A P U K U S YA N G


An Apple A Day Mary Klaudine L. Paz

An apple a day, my mother says to keep the doctor away. I’m getting ill, and getting worried knowing we couldn’t pay, we need to run away.

An apple A water A pill hide it in your suitcase, let’s run aw---

8 glasses of water a day, my mother says to keep the doctor away. My fever went up, and so did our bills but in the hospital, we shouldn’t stay. We need to run away.

A gun… my mother failed to say, and now she is bleeding by the kitchen counter, in the hands of the doctor who refused to heal her anyway.

Three pills a day, my mother says to keep the doctor away. But not once did she claim that after that, we will be okay… only that, we have to run away. Take an apple, drink some water, and take your pills each day, my mother says. But she never does that, to my dismay, she’s failed to keep the doctor away, and the circles underneath her eyes have turned all grey. Take an apple, drink some water, and take your pills each day, my mother says. But she never does that, to my dismay. She’s failed to keep the doctor away, she cries to sleep every night, for he has made her his prey. List the things you need to keep the doctor away, my mother says.

O B R A : A P U K U S YA N G | 10


Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa? Pamela Rose G. Reyes

bata, bata, paano ka ginawa? Paano ka hinubog ng mundong ito, at inalisan ng laya? bata, paano ka nila pinaniwala? Paano nila sinabing ang mga pilat mo’y tanda ng kasalanang hindi mo sinadya na sa umaga ka lamang maaaring maglaro, at sa pagsapit ng dilim, kailangan mo nang maglaho, magtago sa ilalim ng mesa, sa madilim na eskinita. H’wag mong hahayaang mahuli ka nila. tumakbo ng mabilis, kumaripas, lumihis pagkaratay sa pampang, sa bukid, sa kalsada – bata, bata, paano ka nawala?

11 | O B R A : A P U K U S YA N G

Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink


Pacifier

A Haiku Jejomar B. Contawe

O, that smile of yours The kind that can pacify War-ridden nations.

Graphics by Ryan Miguel Nocelo Watercolor O B R A : A P U K U S YA N G | 12


Graphics by Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

Bombing Lambs Kervin S. Absalon

It was the loud bombing That ruined my hearing. How could I hear The trickle of my children’s tear? It was the loud bombing That stopped my heart beating. How could I feel The untrue and real? Before the bombs, It was a picturesque view. Now the lambs, Are dead violet and blue. Before the bombs, There was only joy and peace. Now the lambs, Won’t be put at ease.

13 | O B R A : A P U K U S YA N G


Sa Kung Saan Ka Nababagay Jerico T. Manalo

Turo sa akin ni Nanay kapag ako ay maglalaba ihiwalay ko raw muna ang mga damit na puti sa mga de-kolor para hindi magkahawaan dahil doon ay nalaman ko na isang sakit pala ang pagiging magkaiba ng kulay.

Dibuho ni Ryan Miguel Nocelo Watercolor

O B R A : A P U K U S YA N G | 14


DOR-MI-TO-RI-O Eugene Quiazon

it happened in a school — the worst place for a crime to start — the safest place they call a second home. it happened in silence where screams couldn’t express the fear of a plebe tortured in secret; where surrender couldn’t end the pain of a plebe stripped of dignity. it happened between those class men of discipline and order of decency and integrity. it happened as power licenses a masculine authority of a cadet raging in defense and of in fear of his weak self.

Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor

15 | O B R A : A P U K U S YA N G


Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

Tagu-Taguan Kervin S. Absalon

“Tagu-taguan maliwanag ang buwan...” Mabilis ang pagkaripas ng kanyang mga paa sapagkat kailangan niyang magtago. Habang patuloy sa pagbibilang ng isa hanggang sampu, kabado at lunod sa pawis ang batang musmos na natutong tumakbo ng matulin papalayo sa mga pulis. Ganito na ang araw at gabing mga pangyayari sa kalsada. Kahit saang banda o sulok ka pa magtago, wala ka pa ring takas sa mala-agilang mata ng pulisya. Kailangan mo lang maging maingat sa bawat oras upang hindi ka nila— “Huli ka!”

O B R A : A P U K U S YA N G | 16


'Di Mabilang Na Minsan Edilbert O. Alicante II

Minsan kami ay nasa tabing ilog O kaya nama’y sa ilalim ng mga kulog. Minsan ay sa mga talampas Kasabay ng amihang kumakaripas. Minsan sa lilim ng kagubatan. Minsan sa itaas ng kabundukan. Kapag wala ng makita, Doon naman kami sa kalsada. Minsan babad kami sa sikat ng araw Na nagpipinta sa amin ng kulay na dilaw. Sa gabi naman ay ang dilim Na siyang bumabalot sa amin ng lagim. Ang lahat ng ito ay minsan lamang. Sapagkat wala kaming permanenteng tirahan. Minsan tanong ko ay bakit ako bakwit, Sana doon nalang ako manirahan sa langit.

17 | O B R A : A P U K U S YA N G


Child Porn Pamela Rose G. Reyess

when one finds romance amid the wreckage of the scheme; indulging through the naked ferocity, nurturing the wounds as every bloods of the young ran out of veins, depicts the gruesome pleasure and neglect to whom we owe the tomorrows that might not come because, the arousal to watch struggling children without working to relieve their struggle, authenticates the great detachment one condones with the future. Graphics by Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

O B R A : A P U K U S YA N G | 18


Paper Cuts

Maria Lea Sheena M. Sarceda

From A to Z I flipped pages to flee From frog’s anatomy to dragons to astronomy I split my skin for curiosity I lived with Rumpelstiltskin Together we spin and spin Mother Gothel sang to me Together we kidnapped a baby I conjured spells with Twiggy Together we set the coven free Friends in books are much welcoming Worlds in words are free Villains can be defeated you can own the whole sea and the library I locked my young self into stories and let runes and spells create my own universe mommies in novels lulled me to sleep my real world was bombarding and dreary Inside the pages where I’d rather be there, children were warm and jolly.

19 | O B R A : A P U K U S YA N G

Graphics by Maria Lea Sheena Sarceda Watercolor


Graphics by Nikkie Joy T. Pacifico Pen and Ink

Puppet Mary Klaudine L. Paz it was a Sunday, mom and i were on our way home from church, we went to a stall selling fresh durian in a basket and walked to the nearby mall where she bought me my first ever puppet. she told me to be careful as its limp body is hanging on a thread, attached on a wooden handle and its eyes too gloomy in its socket. i let its stiff figure dance under my control and even bragged to my friends about my power over it. but one of them cut one of its strings, and the mere, lifeless doll celebrated that i am upset, for the fact that i no longer hold authority over one of its arms, my rage made my eyes tear up like a river. my angered words yearning to burst out like a broken faucet. so i told momma about it and she assured me she’d get more puppets, she said nothing is irreparable, so thou shall not fret, we’d get more dolls to rule over, and those who wouldn’t listen, we’d cage them in the metal barred closet, then we’d firmly tie their hands in a thread. it was a Thursday, mom and i trudged to the room of succession her divine image graced my desk from the frame, while i, sat on the throne. the news was on, they were celebrating my name, June 30th. my smile all smug while staring at the vivid line of the positioned cadets. we made it, mom. i said. i have a nation full of puppets.

O B R A : A P U K U S YA N G | 20


Laro Ng Lahi Paolo Manuel

PATINTERO habang nagmamartsa sa kahabaan ng tulay at eskinita mga palad ng kamusmusan ang siyang bumulag sa mga mata sa pagitan ng mapanakit na yakap ng bansang sinisinta kasindak-sindak na reyalidad ang lumamon sa mga Aeta. TAGU-TAGUAN nais ko lamang noon na lumunok ng puting bato lumipad sa alapaap at magmistulang dakilang santo maging si Darna na sinasamba ng masang Pilipino hindi tinutugis ng pulisyang uhaw sa huwad na trono. BAHAY-BAHAYAN sa labas ng takilyang linikha ng aking mapaglarong kamusmusan aking pagkabirhen at pagkainosente ay dinungisan ng kahirapan sa lungsod na ang kulay ng mga ilaw ay nag-aakit ng mga asong ulol pagsilip ng dilim ang bawat sekretong silid ay pabrika ng mga sanggol. TAKIPSILIM platapormang hinabi’t hinulma na parang isang obra nalason, naulol at nagayuma ng kanilang tindig at pigura pinilahan ang isang salop na bigas, noodles at sardinas kapalit ng limang-daan ay pagsuko sa pagyabong ng Pilipinas

Dibuho ni Gabriel Jann S. Inocencio Watercolor

21 | O B R A : A P U K U S YA N G

LUTO-LUTUAN hinalo, sinangkapan at nilasahan ang pulso kuno ng bayan pagdating ng botohan ang bawat isa’y kinakakabahan sa resultang nawa’y hindi binawasan o dinagdagan ng mga opisyales na binilangan ang buhay ng buong sambahayan.


This Will Ruin Your Childhood Marajiah Grace R. Dizon

Have you heard about the Grimm Disney tales? Like how Cinderella’s evil step sisters cut off parts of their feet just so the glass shoe would fit, Or how Aurora was not actually saved in her deep sleep, because she actually died and was even raped by her own prince? Those were actually posted online, but here’s an untold tale: Mom’s little princess always says that she’s okay, when the truth is, she hasn’t even recovered yet from the pain of playing her Father’s secret game. Her story is pitiful, but don’t worry, I’m always okay.

Graphics by Maria Lea Sheena Sarceda Watercolor

O B R A : A P U K U S YA N G | 22


23 | O B R A : A P U K U S YA N G


kabanata 2:

HELE NG TIGANG NA BUKIRIN “Lilisanin ko na rin ang nayong akala ko’y makapagbibigay sa akin ng inspirasyong makapagsulat ng isang magandang kabanata patungkol sa isang batang babaeng hindi na kailangang kumawala sa isang hawla, dahil ang bata ay siyang dapat pinakamalaya mula sa diktadura at pasismo ng mga nakatatanda.”

Kung bibiyayaan man ang lupa ng pares ng mga mata, paniguradong matagal na itong nakatingala sa mga nagniningning na tala sa kalangitang kahit kailan hindi natin magagaya—matayog, marilag, at malaya. Sinalakay ng mga armadong alaala ang payapa kong isipan habang sinusubukang maging taimtim sa pagmamasid sa langit. Nilusob ako ng kaisipang, isa nga pala sa mga bagay na kailanma’y ‘di natin kayang takasan ay ang katotohanan. Sa ‘di kalayuan, tila nakabibingi ang bawat pagsalpok ng alon sa mga naglalakihang bato sa tabi ng ilog. Halos maaninag ko ang nakayukong anino ni Kusyang na tahimik na naglalaba sa pampang nito. At kagaya ng araw na papalubog, may bahid ng pagod ang kanyang bawat pagkusot mula sa pakikibaka at pagsusumamo. Mainit ang hangin ng gabing iyon, ngunit nilusob pa rin ako ng pakiramdam ng lumalamig na sikmura’t katawan ni Kusyang nang kanyang bigyang-mukha ang salitang pang-aalila. Sa mismong espasyong ito, hinangad ni lolang bumuo ng paraiso. Pero sa dinamirami ng delubyong dumaan dito, at sa mga pinagsama-samang beses na pinagkait ng pagkakataong siya’y hindi makauwi, parang mas delubyo pa yata ang mga tao. Sa mga pagkakataong muling makikilala ng aking mga talampakan ang lupa kung saan siya dati’y nanirahan, mananatili ang bagabag sa aking kalamnan sa kaisipang mas maitim pa sa mga aspalto ang bukas ng mga tao. Bagama’t nanirahan at naghanapbuhay sa ibang bansa, at maituturing akong hindi sanay sa pagtatanim at pag-aani ng mga palay na naging kabuhayan ng mga tao rito sa Mayantoc,

O B R A : A P U K U S YA N G | 24


hindi pa rin lingid sa aking kaalaman na minsan, ang mga pangarap at mga pangakong tinatanim natin sa lupa para umusbong nang marilag at tumubo nang maganda ay nalanta na siguro ng panahon at tuluyan nang naging abo. Siguro, dahil na rin nawala sa ‘ting isipan na ang lupang pinagtatamnan natin ng binhi ay siya ring lupang yumayakap sa mga katawang matagal nang namaalam. Sa gitna ng pagninilay-nilay ko ay ang pagbagsak ng ambon mula sa aking mga mata na kalauna’y magiging isang sapa ng umaagos na kalungkutan. Hindi ko alam kung bakit may mga ganitong pagkakataon kung saan ang pangako ng katahimikang dala ng hele ng tigang na bukirin ay nagbibigay sa akin ng lumbay at pagkabalisa kaysa kaluwalhatian. Hindi ganito ang ninais kong maramdaman sa pagpunta ko rito sa Mayantoc. Ang sanhi ng pagparito ko ay gawan ng panibagong istorya at magandang wakas ng isang babaeng may kabanata ng pagkabata ngunit maagang isinara ng panlilinlang ng magandang buhay sa ibang bansa, isang babaeng pinagkaitang maging kung ano ba dapat siya bilang bata— malayong-malayo pa at malaya mula sa sigwa na dala ng unti-unting pagputi ng mga buhok, pagkulubot ng mga balat, pagkuba ng likod, pagkasira ng mga ngipin, at ang realidad na sa dami ng kahapong lumipas, hindi kailanman natupad ang mga hiling mong magandang kinabukasan. Napagpasyahan kong hindi na magtagal pa rito, maya-maya pa’y lilisanin ko na rin ang nayong akala ko’y makapagbibigay sa akin ng inspirasyong makapagsulat ng isang magandang kabanata patungkol sa isang batang babaeng hindi na kailangang kumawala sa isang hawla, dahil ang bata ay siyang dapat pinakamalaya mula sa diktadura at pasismo ng mga nakatatanda. Wala akong masyadong idinalang mga bagahe papunta rito, ngunit tila sa pag-uwi ko sa Amerika, pinasalubungan ako ng Mayantoc ng isang malaking maleta ng kalungkutan at pagsusumamo. Matapos ang ilang minutong paglalakad, bumungad din ang sasakyan ni Dodong, ang kasama kong naghatid sa akin mula sa airport, na pirming nakatabi sa gilid ng puno ng mangga. Sa mga payak nitong mga sanga ay ang nakakabit na duyang pinagparausan niya habang hinihintay ako sa hindi kalayuan. Sinagot ko ang tanong ni Dodong kung wala na ba akong kailangan pang bisitahin dito ng isang desididong wala na, bumalik na tayo ng Maynila. Pero bago kami tuluyang lumisan, muli kong nilanghap ang hanging ngayo’y lumamig mula sa kanina’y tila gusto akong paalalahanan ng pagiging dayo sa parteng ito ng kanayunan, at ng ganitong tahimik at payak na pamumuhay sa probinsya. Hindi tumagal ay hinudyatan ko na rin si Dodong na oras na para lisanin namin ang nayon at bumalik sa airport dala ang magkahalong ginhawa at kalungkutang pa-despedida sa akin ng Mayantoc. *Ituloy sa pahina 43

25 | O B R A : A P U K U S YA N G


Manok Na Pula Mary Klaudine L. Paz

Napadaan sa sakahan may nagsisigawan noong aming tingnan, manok na pula tinutuka ang walang buhay na magsasaka.

Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink O B R A : A P U K U S YA N G | 26


Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

27 | O B R A : A P U K U S YA N G


Panatag

Arsenio S. Santiago Jr.

Tila nagtatampo ang karagatan, hinahampas nito pabalik ang mga bangkang lulan ay mangingisda na pumaroon sa laot patungong kanluran. tinatangay pabalik ng mga mapanakop na alon ngunit ‘di matitinag mga brasong patuloy na sasagwan, para sa pamilya na naghihintay sa nayon. lalaban, susulong, pananglaw sa karagata’y ‘di mauubos ‘di mapapatid, lakas ng hapong braso’y ibubuhos para sa kasarinlan na ating dapat ipinaglalaban hindi sinasadlak, sa mga singkit na dayuhan. lumalakas na ang mga daluyong, panipis na ng panipis ang mga pampang. Lunggati’t dalamhati ang bawat pagsagwan para maka-alpas, mga bangkang tinalikuran dinig mula sa ibayo ang panaghoy ng isang ina, nauulinigan ang unti-unting paglagot ng kanyang hininga.

O B R A : A P U K U S YA N G | 28


ORO, PLATA, MATA* Andrea Nicole B. Sapnu

ORO

MATA

At first, the fields are laden with a cloak of gold – the roofs of little peasant huts, the windowpanes of the sugar plant, the wilting acacia leaves, the skin of my papa’s face, the sweat trickling on the picketers’ chests, and the bullets aimed anyplace where peasant sweat trickles onto, are dyed with the same pigment enfolding the sun and the stars. How is the earth gold on a day like this? Papa took the first step forward And the rest trusted his cause – It only took seven gunshots for them to understand that what was laid before their very eyes was only gold for the fools.

So is this is where the colors of the world go to sleep. I was right about the afterlife being but a secluded room without a single shard of faint light. For here, I have known no other hue but one that reminds me of the cold droplets of rain on a stormy evening – our roof of palmera twigs stand no chance against icy thorns falling from the sky, pricking on Papa’s skin and mine. I have forgotten how many minutes are there in an hour for time’s cruel hands cannot take its toll here, where nothingness is what we have left to lose – not our homes, our barren fields, or our carcasses. And long before what was left in the rubbles of my mind disintegrate into dust, a fragment, about the size of the seeds we used to grow, appeared in the vastness. It came with it a familiar glow – one that I have seen once in the grazing meadows. I reached forward to touch this unknown spectacle and a familiar scene unfolded before my very eyes once more – the huts, the sugar mill, the mutiny, the ruins, and the fields laden with gold.

PLATA Then a cloud of silver specks covered everything that was once dyed with the hue of riches and earthly pleasures –until gold was forgotten beneath the many layers of gray. Papa has seen this color gray many times before – it was the smoke escaping from the chimneys of the sugar factory. It was color of his boot soles after a hard day at the fields. It was our soil’s cry of help when it dies of thirst in the summer. Papa has seen every kind of silver and gray – but not like this. I could feel the silver’s edges piercing my pupils, and the gray seeping beneath my skin. Heavy. Tormenting. None of us knew – truckers, mill workers sugarcane farmers, and their wives – that we could be oppressed by a color like this, when all we only ask of them was water for our lifeless, barren ground.

29 | O B R A : A P U K U S YA N G

The cycle is the landlords’ curse bequeathed to their land – potent, despite time’s attempts to bury it with its thick blankets. For as long peasant ­hands till the masters’ land and the masters’ hands sever the peasants from their land, the cycle thrives like an endless streak of stairs – spiraling, and spiraling and spiraling towards eternity. *Gold, Silver, Death. This is for the peasants of Hacienda Luisita. May the cycle break into a million specks of dust, along with the masters that inflict this vile curse unto them.


Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio Pen and Ink

O B R A : A P U K U S YA N G | 30


Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

Paglayag Sa Bakawan Ivan P. Datu Sa dalampasigan ng Pangasinan ay mga taong bangka’y binabantayan. Nag-aabang ng pasaherong turista, inalok na ang biyahe ay singkwenta, mula singkwenta, naging kwarenta, hanggang ang huling tawad ay trenta. Nang makalikom ng pasahero, ang bangka nama’y binuwelo, hudyat ng paglayag tungo sa bakawan na tanyag. Sa paglayag sa laot, matinding init ang nakabalot sa pagdating sa bakawan, panay pagkuha ng larawan. Sa pagtatapos ng pamamasyal, ay dumaong na sa dalmpasigan at muling magaabang ng mga turista aalukin na ang biyahe ay singkwenta, mula singkwenta, magiging kwarenta hanggang ang huling tawad ay trenta.

31 | O B R A : A P U K U S YA N G


Pitong Piso Jejomar B. Contawe

Hindi pa man tumatapat sa alas cuatro ang kamay ng orasan ay nagbibinat na, babangon at magtitimpla ng kapeng gigising sa diwa kapares ng pandesal na handog ng asawa bagama’t damang dama pa ang ngawit ng kahapong maghapong pagtatanim sa ilalim ng nakapapasong sinag ng araw. Kasama ng mga palay na ipinunla ay ang dugo’t pawis na simbolo ng pagod at gutóm na sikmura para lamang sa panahong takda, ay may aanihin at iaahing bigas sa madla. Ngunit bigla bigla ay magtatangkang bumagsak ang mga luha dahil sa kabila ng araw araw na dedikasyong kumayod sahod at pagpapahalaga sa ami’y kakarampot.

O B R A : A P U K U S YA N G | 32


Farmer’s Market Mary Klaudine L. Paz

Little chicken with feathered legs and pecking ‘round for scraps of bread, please lay down a dozen more eggs. Little pig that always hops and wriggles out nonstop, please grow up to be sent down to butchers’ shops for tender juicy chops. Little cow all black and white, with rope on its neck that’s a tad too tight, please eat the grass with all your might, we need dinner for tonight. Little farmer who sacrifices in the fields of filth and scorching heat for bags of rice, seven silver coins will suffice. Please accept, please compromise.

Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio Pen and Ink

33 | O B R A : A P U K U S YA N G


Dibuho ni Ryan Miguel Nocelo Watercolor

Bilyar

Marajiah Grace R. Dizon

Minsan libangan ni kuya at papa, madalas sumisiil sa mga magsasaka.

O B R A : A P U K U S YA N G | 34


Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Watercolor

35 | O B R A : A P U K U S YA N G


Ipis

Mary Klaudine L. Paz

Biglang napatili ang kaibigan kong si Stella habang naglalaro kami ng piko sa may nakakalbong lupa ng palayan. Sa aming apat na magbabarkada, siya ang pinaka matatakutin. Mangiyak-ngiyak itong tumayo’t mabilis na nagpagpag ng damit at saka tinuro ang tabi kong espasyo. “May ipis sa tabi mo!” sigaw niya, napatalon naman ako. Laging panakot sa akin ni mama ang ipis kapag tinatamad akong gawin ang mga takdang aralin ko. Ipapakain niya raw sa akin ‘to kapag matigas ang ulo ko. “Dali, kunin mo, Jojo!” batid ko, agad niyang pinulot ang kanyang pulang sinyelas na gawa sa goma at saka binato sa ipis na parang aambang lumipad. Sapul! Susmaryosep, lumipad na ang lahat ‘wag lang ang ipis. Pinulot ni Kardo ang ipis mula sa kanyang sungay, demonyo talaga ‘tong insektong ‘to. Walang pag aalinlangan niya itong pinugutan ito ulo, at saka hinagis sa malapit na estero. Parang binuhusan ng malamig na tubig ng takot, sabay sabay kaming tumakbo palayo habang humahagikgik. Napansin kami Kuya Erning, ang tatay ng kalaro namin na si Stella, tila naabala namin siya sa taimtim niyang pagtatanim sa sakahan. “’Tong mga batang ‘to, ano nanaman kalokohan ang ginawa ninyo?” “Wala po, bap,” sambit ko, “May nakita lang po kaming ipis doon sa may palayan, pero pinulot agad ni Kardo at pinutulan ng ulo. Tinapon niya po ‘don oh!” turo ko, “Sa may malapit sa estero. Takot parin po si Stella e, kaya agad po kaming tumakbo.” Kasambit ko nito, sabay sabay kaming nagtawanan ang mga kalaro ko, agad namang napakunot ang noo ni Kuya Erning, “Hay nako, alam niyo, ang ipis kahit putulan mo ng ulo, mabubuhay parin ng mahigit sa isang linggo.” “’Tay, ‘wag ka namang manakot ng ganyan!” utal ni Stella habang dahan dahang nagtatago sa likod ni Jojo. “’Wag na lang kayong dumaan ‘don sa may estero.” Bilin nito, “Osya, mag laro na kayo. Bago kayo hanapin ng mga magulang ninyo, umuwi kayo agad pagkagat ng dilim.” “Opo,” may ngiti sa labi naming sinabi. Umiling na lamang siyang bumalik sa pagtatanim. Kinabukasan, natagpuan namin ang pagod niyang katawan malapit sa sakahan, tila hindi parin ito nakapag palit ng damit mula kahapon. Kala ko ba maaari pang mabuhay ng isang linggo kahit maputulan ng ulo? Kuya Erning, bakit walang buhay kang palutang lutang sa may estero?

O B R A : A P U K U S YA N G | 36


Dibuho ni Nikkie Joy T. Pacifico Pen and Ink

Komersyal

Marajiah Grace R. Dizon

“Nakaligo ka na ba sa dagat ng basura? Nagpasko ka na ba sa gitna ng kalsada? ‘Yan ang tanong namin, tunay ka bang isa sa amin?” pakantang tanong ng mga bata sa bidyo habang binibida si Mister Kahel. Napatawa nang malakas si Misis Hanepbuhay at nahulog pa ang mga hawak niyang titulo ng mga bago niyang kinamkam na lupain. “Ang galing talaga magbiro ng asawa ko.”

37 | O B R A : A P U K U S YA N G


Ang Magtanim Ay ‘Di Biro Arsenio S. Santiago Jr.

Ang magtanim ay ‘di biro maghapong hapong-hapo, ‘di man lang makatayo lalamuna’y tuyong-tuyo. gintong butil aming ani ngunit kapos sa pambili, mga itinuring na bayani sa bayang mapang-api. kami ang nagtanim, sa baya’y nagpapakain kaming mga hikahos, mga walang maihain.

Dibuho ni Gabriel Jann S. Inocencio Pen and Ink

O B R A : A P U K U S YA N G | 38


Ayala

Arsenio S. Santiago Jr.

paaalisin at aking aangkinin lupang ‘di sakin

Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink 39 | O B R A : A P U K U S YA N G


A Logophile’s Favorite Words Jejomar B. Contawe

v. Write, advocate, commit, communicate Initiate, foster, enable, extrapolate Influence, persevere, resist, remember Defy, protest, encourage, empower. adj. Unprecedented, gargantuan, exquisite, exemplary Tremendous, colossal, retrospective, revolutionary Peculiar, avant-garde, iridescent, idiosyncratic Perpetual, indigenous, defiant, democratic. n. Solitude, literature, philanthropy, poetry Empathy, resilience, empowerment, equality Democracy, justice, fortitude, feminism Amity, emancipation, advocacy, activism. Youth, hope, solidarity, serendipity Compassion, charity, heroism, humanity Acceptance, inclusivity, liberation, love Camaraderie, country, farmers, freedom.

O B R A : A P U K U S YA N G | 40


Sleeps Outside Home Tonight Jehiel R. Asio

A home you inherent that was rooted in the depth of your soul now no longer exists anywhere but under the shade of shadows. A home you built in ages where you had taught your young ones to preserve now destroyed and was taken for granted its real worth. Your home is filled of stories divine in love and safety now lined in a ranging fight for rights against the society’s unfairness and cruelty. It is your home too. For the land you were in is the place you really belonged to. But how come these people are taking it away from you? You are the owner of your home but they forgot about it too.

Graphics by Ryan Miguel Nocelo Watercolor 41 | O B R A : A P U K U S YA N G


Graphics by Gabriel Jan Inocencio Watercolor

A Dream Maker’s Dream Kervin S. Absalon

i spend so much time to till the soil to plant my children’s dreams i make sure i feed the ground all the very good realms and I will gather my sweat in a huge glass bottle to water the growing seeds and I will box all the sharp sighs and whispers to the wind to cut the tangling weeds i will battle the drought with my cries and the raging storms with my warm embrace if to make their dreams come true needs life to reap i will step forward with grace

O B R A : A P U K U S YA N G | 42


43 | O B R A : A P U K U S YA N G


kabanata 3: PENITENSYA NI JULIAN

“Sa pagpapatuloy ng kanyang kwento, sa kanya lamang ang atensyon ko—sa kung paanong ang mga lumalabas sa kanyang bibig ay tila matagal na niyang gustong ikanta ngunit walang mikroponong magpapalakas ng loob niyang magsalaysay ng kanyang mapait na kwento.”

Nakakadena ang kanang paa ng matandang babaeng bumungad sa amin sa gitna ng kalsada. Ang paghingi nito ng saklolo ay hindi namutawi sa bibig—nanggaling ito sa ekspresyon ng kanyang nangungulubot na mukha: bagama’t hindi tahasan ay bakas na bakas ang tila deka-dekadang paghihintay nito ng darating na tulong ng ambulansiya. Bumaba kami agad ni Dodong para tingnan ang kalagayan ng matandang babae. May mga bakas ito ng pang-aabuso’t pang-aalila, at rumagasa ang luha sa kanyang mga mata nang amin siyang lapitan. Ang mahabang kadena na nakatali sa kanyang kanan at walang sapin na paa ay kinakalawang, tanda na matagal na siya’y pinagkaitan ng kalayaan. Batid ko ring ikinulong marahil siya na parang aso ng kung sinumang demonyo ang gumawa nito sa kanya. Hindi pa rin nagsasalita ang matanda, ngunit malinaw ang gusto niyang limusin—ang pagtakas mula sa tila panghabambuhay na pang-aalipin. Walang kaso sa akin ang isama ang matanda sa biyahe namin ni Dodong patungong Maynila. Napagpasyahan ko ring hindi muna ako agad uuwi sa Amerika. Kinumusta ko ang matandang babae na ngayo’y humihikbi pa rin sa likod namin ni Dodong. Nakayuko siya’t tila nagnonobena—marahil ay nananalanging tuluyan na siyang maligtas mula sa inhustisya ng pagiging preso niya sa isang masikip at umaalingasaw na seldang hindi niya dapat pinaglagian sa haba ng panahon. Patuloy lang si Dodong sa pagmamaneho, habang ako naman ay patuloy sa pagmamaniobra sa sorpresang kasama namin sa likod. Hanggang sa sinorpresa muli ako nito nang may mabuong mga salita sa kanyang kanina’y tikom na bibig. O B R A : A P U K U S YA N G | 44


Tubig. Pahingi ng tubig. Hindi agad nagrehistro sa aking utak ang biglaang pagsasalita ng matanda, hanggang sa mapagtanto kong humihingi nga pala siya ng maiinom na tubig, bagama’t wala sa amin ni Dodong ang kanyang tingin. Pinahinto ko ang pagmamaneho ni Dodong at saka bumaba sa sasakyan upang halughugin sa isang bagahe ko sa tabi ng matanda ang naitabi kong tubig. Nang makita ko na ito, dali-dali ko itong ibinigay sa matandang ngayo’y sa akin ang titig. Salamat, anak. Wala pong anuman ang naging otomatiko kong sagot na hinaluan ko ng otomatiko ring ngiti. Magkatabi na kami ngayon ni lola, at nagsimula kaming magkwentuhan patungkol sa kanyang buhay dito sa Mayantoc na aniya’y isang mapait na karanasang gusto na niyang makalimutan. Pinagkaitan siya ng kalayaang maging bata. Anim na taong gulang pa lamang siya ay pinagtrabaho na siya ng kanyang tiyahin sa bukirin at maging serbedora sa kanyang bahay. Ulila nang lubos si lola noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang matapos mamatay ang kanyang ina sa sakit at ang kanya namang tatay ay hindi na bumalik nang bumiyahe ito paMaynila, kaya’t nakikitira lamang siya noon sa tiyahin niyang imbes na palakihin siya bilang normal na bata, ay ginamit ang kanyang pagtira sa mumunting bahay upang pagtrabahuin sa musmos nitong gulang. Nagpakilala akong si Julian, samantalang siya naman si Felicia. Sa pagpapatuloy ng kanyang kwento, sa kanya lamang ang atensyon ko—sa kung paanong ang mga lumalabas sa kanyang bibig ay tila matagal na niyang gustong ikanta ngunit walang mikroponong magpapalakas ng loob niyang magsalaysay ng kanyang mapait na kwento. Ang pagrerebelde umano niya noong siya’y labing-apat na taong gulang ang mas nagpalupit ng galit sa kanya ng kanyang tiyahin at ng pamilya nito. Ikinulong siya kasama ng mga alaga nilang baboy, at pinapakain ng kakarampot at tira-tirang ulam ng alaga rin nilang aso. Walang magawa noon si Nanay Felicia kung hindi kainin kung anuman ang inihain sa kanya dahil kung hindi ay mamamatay naman siya sa gutom. Pinutol na doon ni Nanay Felicia ang kwento at saka itinanong kung saan ba kami tutungo. Noong mga sandaling iyon, wala akong maisagot. Hindi ko maipaliwanag kung bakit—ipinatigil kong muli ang pagmamaneho ni Dodong at saka ako bumaba sa kotse. Isang sapa na naman ng luha ang dumaloy mula sa mga mata ko—patunay ng aking pagiging bulnerable sa mga kwento ng pang-aalipin, dahil nangyari rin sa akin ito. Paano ako makakagawa ng isang panibago at masayang wakas ng isang istorya patungkol sa isang batang babae kung palaging ganito ang mga senaryong pumapasok sa aking isipan? Nang mahimasmasan ay sa harap ako tumungo katabi ni Dodong. Tila ba alam ni Dodong na ayokong mapansin kung ano man ang nangyari sa akin noong mga sandaling yon. Huminga ako nang malalim, inayos ang lukut-lukot kong damit, at tiningnan si Nanay Felicia sa likod— na ngayo’y nakapikit at mahimbing ang tulog, tangan ang bote ng tubig na ibinigay ko. Hindi kinuwestyon ni Dodong ang pagpapasya ko—sa kung paanong ipagpapatuloy ko ang lakbayin at ang aking penitensya, kasama si lola Felicia, pabalik sa Mayantoc. *Ituloy sa pahina 60 45 | O B R A : A P U K U S YA N G


Dibuho ni Ryan Miguel Nocelo Watercolor

Permanent Vacation Ira V. Mallari

Inihatid ka namin noon sa paliparan. Baon ang pag-asang maiahon kami sa kahirapan. Di ko namalayan sa likod ng mga perang nagkakakapalan Kapalit ay paghatid namin Sa iyong huling hantungan.

O B R A : A P U K U S YA N G | 46


Maternal Hard-fare Neil Kester M. Tabanao

Sa bawat pagtulo ng luha, Sa bawat pagpatak ng dugo, Sa bawat hampas ng patpat, Ang siyang iyong tiniis - hinubad. Mga bintang na hindi makatarungan, Mga sipa’t tadyak na iyong tiniis, Mga palo’t sabunot na iyong kinamit, Kaluluwa’y iyong sinugal sa kawalan. Dibuho ng makalumang tadyang, Hinulma ng lagim at karahasan, Pintadong mukha na kulay abo, Walang humpas na sinubok ng panahon. Iyon ay nakikita ko sa iyong matatamis na ngiti - aking ina

Dibuho ni Kenneth Leo V. Pamlas Mixed Media Art

47 | O B R A : A P U K U S YA N G


Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

Himutok Ng Kalabaw Neil Kester M. Tabanao

Buong araw akong nagararo, walang sapat na kain - pagod. ano pa nga ba’t anong dali, sa lutuan din ang aking bati.

O B R A : A P U K U S YA N G | 48


Dibuho ni Ryan Miguel Nocelo Watercolor

49 | O B R A : A P U K U S YA N G


Tahan Na(n) Mary Klaudine L. Paz

bago ka lumisan, paulit-ulit kang sinasabihan na ‘wag magdala ng mabibigat sa katawan pero bitbit mo parin maliban sa ’yong maleta ang mabibigat na kahon ng lungkot at alaala. labis ang takot ko noon na tuluyan ka na lang magiging tapunan ng barya, at masasanay ka sa pakiramdam ng kumakalam na sikmura. napuno ako ng pangamba na sisiksik sa sulok ng ‘yong mga kuko ang pagod mula sa paninilbihan sa mga taong tingin sa ’yo’y napakababa, at ang ‘yong mga tenga ay mananatiling nakikinig sa tugtugin ng mga mura nila. ngunit limang taon na ang nakakalipas, hinahawi ko parin ang mga kurtina pagkamulat ng aking mga mata kada umaga. nagbabakasakaling ikaw ang lulan ng eroplanong pinagtutuunan ko ng pansin mula sa itsura hanggang sa makinaria. kahit na walang sulat ang nag tangkang kumatok sa pintuan nating inaanay na sa luma, sa panaginip nalang mananatili ang kahilingang sana ika’y nakakapag pahinga mula sa pakikidigma. at sana’y ‘di mo nalimutan ang ibig sabihin ng salitang malaya. matagal na rin nang huli kitang nakita. siguro’y tuluyan ka nang niyakap ng saya, o baka nama’y pinaluputan ka ng kadena ng problema. kung ang sagot mo rito’y ang ikalawa, tahan ang salitang ugat ng tahanan, kaya’t pakiusap, umuwi ka.

O B R A : A P U K U S YA N G | 50


Graphics by Nikkie Joy T. Pacifico Pen and Ink

Thank You, Come Again Mary Klaudine L. Paz We leave our doors open, always unlocked, unhinged, unlatched, with the welcome mats beneath it dusted off from waiting so eagerly, its patterns almost shedding after being laundered almost daily, hoping their steps will allow their soles to trace a years’ worth of memory. Above the knob is a doorbell just within their reach, so then their hands will never have the chance to miss, and the tip of their fingers along with the surface of the bell’s button will finally meet and kiss. But then, yet again, the door is already open so go ahead and stride. In this bloody beating organ trapped underneath my ribcage, there’s a place for you inside. Beside it comes batteries in variety, and almost every minute we flinch by its ring ,by its noise, by its buzz wishing the sound lingering on our ears are far from imaginary, but the chair by the dining table? it remained hollow, it remained empty carved with the yearning for you to be home again, home again with me. 51 | O B R A : A P U K U S YA N G


Cloud Envy Joseph Benedict A. Cinco

Why not take a good look at the skies, and be jealous of the majestic clouds, sailing in their aerial voyage. Instead of being stuck, in the middle of a two-hour traffic, during a typical morning rush hour, Unlike the paralyzed cars, they freely navigate the heavens, no matter where the breeze takes them.

Graphics by Ryan Miguel Nocelo Watercolor O B R A : A P U K U S YA N G | 52


The Canticle Of Demeter Ivan P. Datu The goddess of agriculture sighs Lady Justice, are you there? My efforts in growing crops are ignored when it head to the shops Iseeking hear the farmer’s crydeny justice I can’t Oh Hermes where are thou The messenger of the gods hear my canticle and be it heard “My farmers are oppressed!” King of Olympus, hear me out Why are you allowing these deeds? A hint of compassion and dash of mercy as well Don’t let the grains of rice be P7 to sell Lady Justice, are you there? What’s your verdict? Judge it well

Graphics by Maria Sheena Lea Sarceda Watercolor

53 | O B R A : A P U K U S YA N G


Bato, Bato Sa Langit Jejomar B. Contawe

Pahingi naman po ng kung ano ang ibinigay niyo sa mga presong mas dapat tumagal pa sa sikip, baho, at hirap sa loob ng selda. Pahingi naman po ng pang-unawa na ang krimeng aming nagawa, mula sa pagnakaw ng sardinas at ng mumurahing telepono ay para may maipakain sa pamilya. Pahingi po kami ng pang-unawa na ang krimeng aming nagawa kahirapan ang tunay na may sala. Pahingi naman po ng maagarang tugon ng panibagong paglilitis sa aming kasong laging nakabinbin at walang progreso dahil ano nga ba naman ang meron kami para pagtuunan ng pansin kung ang presyo ng kalayaan ay hindi namin kayang bilhin. Kaya kami po ay nananawagan na lamang na kami po sana ang unang mabigyan, at hindi ang gumahasa ng walang kalabanlaban, ng isang tumataginting na second chance.

Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

O B R A : A P U K U S YA N G | 54


Ala Na Kung Gintu Neil Kester M. Tabanao Nang bayu kang panganak, Ala na kung iisipan kung aliwa ika. Ing isip ku ya kuna ing pinaka maswerting inda king yatu, Hagkan da ka, pusanan da ka, kasi kaluguran daka. Ali da ka buring masugatan, Dahil sobra ing lugud ampong alaga ku keka. Bawat piyalungan a pasali mu ka naku - sasalwan ku, Dahil ala na kung aliwang iisipan nung aliwa ika. Matwa na ku, migka asawa na ka’t migka anak, Ngeni ika naman ing maging inda. Minta ka aliwang bansa para mantun obra, Bala kusa mo, masanting ing manaynaya keka. Milipas ing atlung bulan – ala kung atanggap aus mula keka, Mate nakung migaganaka keka nang. Reng anak mu-panyakitan nong asawa mu, Pingwa kula kaya, kasi likwan na la. Anyang minsang bengi, Ating mamamus – ika pala ita. Agad keng segutan kasi amis da naka, Ot bakit balamu gagaga ka yata. Adwang banwa na ing milalabas, Magtaka ku’t atin kung aramdaman. Mibayat ing salu ku, Balamu yata’t ala na ka. Sabi sabi da reng maindredus king harap, migpakamate ka kanu dahil mamaltratuan na kang amu mu, Aliku maniwala keta, aliku maniwala, Balu ku maitbe ka, kasi iisipan mu la reng anak mu. Atin dinatang a sulat kanaku kinabukasan, Mengiabut lang pera ampong magpasensiya la. Kukutang ku kung bakit la manyad pasnesiya, Abala ku na ala na ka pala. Malbug kung magwala, Ing magdili dili kung anak… Ala ne! Mete ne! Ala na kung anak! Meko ka king siping kung mamayli, Dinataang kang alang ekspresyun. Meko kang mabiye, Dinatang kang mete.

55 | O B R A : A P U K U S YA N G


Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

O B R A : A P U K U S YA N G | 56


Dibuho ni Maria Lea Sheena Sarceda Watercolor

Malaya Ako Mary Klaudine L. Paz

walang humpay nanaman ang pag tunog ng telepono binabagabag parin siguro ang asawa ko ng mga katagang iniwan ko nang huli kaming nag-usap: ayaw ko pang mag impake’t umuwi gusto ko na lang na sa kamay nila’y ako’y mapagod. ayaw ko pang makita’t mayakap ang mga bata gusto ko na lang na sa utos ng mga amo ko, ako’y malunod. ayaw ko nang manirahan diyan sa Pilipinas, gusto ko nalang manilbihan ng mga taong hindi ko naman kaano ano’t panay hirap ang pinaparanas. ayaw ko nang masalat pa ang mga bisig mong tila rehas, gusto ko nalang ang pakiramdam ng pagkakulong sa hawla’t masahol pa sa baboy kung iposas. ayaw ko nang masilayan ang mga bako-bakong daan na matagal ko nang memoryado habang tinatahak ang landas pauwi sa ‘yo. mas gusto ko nalang manatili rito, hindi ko kailangan masulyapan maski ang anino mo. biglang tumigil ang pag tunog ng telepono, dali dali kong tinanggal ang sim mula rito, ayaw ko na kasing ulitin pang sabihin sa asawa ko ang mga salitang muling susugat ng kanyang puso. dahil sa mundong ito, hindi pwedeng makaligtaan kong ang kalaban ko’y ang tadhana – hindi nito pinapaboran ang mga bagay na hinihiling ko, dahil ang tanging pinagkakaloob nito ay ang pangyayaring hindi ko gusto. kaya’t hihilingin ko nalang mula sa tadhana at sa mga nagniningning na tala, gusto ko pang mabalot ng tanikala, at ayaw ko nang kailanma’y maging malaya.

57 | O B R A : A P U K U S YA N G


Lifelines

Crystal Gayle O. Rosete

It was February 7, 2017 and my life changed forever. I had never smoked, and this lung fiasco came as a complete surprise. “Pain killers won’t work anymore. We need to perform a lung transplant surgery in no time,” said the doctor. A conversation I overheard as I woke up from my half-a-day sleep. With his voice almost cracking, I could tell he was totally exhausted, maybe from working overtime. “How much would it cost?” my Papa asked. “I’m afraid you’ll be needing six digits at the least.” There, at the center of the hospital bed’s mattress, with lights closed and walls bare, I knew for a moment I was being too much of a burden. Six digits — a price we need to pay for me to breathe, for me to live. And they, as humans who are desperate for dear Life, decided to negotiate with Death no matter what it takes. God, I want to live. If only these pair of lungs cooperate, but they didn’t. Lucky are those who have much, for they don’t know how it feels to settle for less. Lucky are those who lives at ease, for they don’t know how it feels to walk on the verge of lifelines. Six weeks after, the surgery was a success. I woke up with someone’s lungs from God knows where. “Sweetie, are you okay?” asked mom as she stood beside me. And the longer I stared at her, the clearer my vision became. “More than fine. Where’s Papa?” Mama did not say anything, I heard her slow breath, and suddenly, her eyes shed tears and those hands that gave me strength began to tremble — but her silence spoke of words enough to put these new lungs in vain.

Graphics by Ryan Miguel Nocelo Watercolor

“I can’t breathe,” I said as everything gradually becomes inaudible as if I was dying. But I’d rather do so, than wake up to a world where my poor Papa committed qualified theft but was unfairly convicted with two counts of murder — in expense of my own life.

O B R A : A P U K U S YA N G | 58


59 | O B R A : A P U K U S YA N G


kabanata 4:

PAGSAGWAN SA KAWALAN “Habang sila’y hikahos sa pag-asang may himala, muling magpapakilala ang bukang-liwayway, ngunit tanging paulitulit na simpatya na lamang ang lulan ng barkong kailanma’y ‘di hinatid ang kanilang kapayapaan at kalayaan.”

Maliban sa biglaang bisita at sa mga nagbibigatang bagaheng dala, tila mas lalong pinabigat ng pangamba ang aking pagkatao sa pagbungad namin sa sumisilay na nakakapanibagong lugar sa harap ng aming mga mata: ang probinsya kung saan hinangad ni Kusyang na sa wakas ay mamahinga. Sunod na nagpakilala sa amin sa kalagitnaan ng paglalakbay ay ang panuntunan ng kalsada sa probinsya – ang sementadong daan ay tuluyan nang naging graba, ang mga nagmamaneho ng motorsiklo’y tila inihabi sa pagitan ng mga sasakyang pakupas na ang pagkagara, at mayroong mga asong kalye’t ligaw na kambing na basta nalang tatakbo sa harap ng naglalakihang trak na panay bagong ani mula sa iba’t ibang bukirin ang dala. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi nagpatinag si Dodong. Mula sa labas, nagsimula nang humalik ang init ng sinag ng araw sa aming mga balat. Marahan niyang binuksan ang bintana, at maligayang sinalubong ng hangin ang musika ng bawat busina, nagsimula na ring matuyo ang pawis na gumuhit mula sa maikli’t kulot niyang buhok, patungo sa balat niyang mistulang puno ng kahoy sa pagkakayumanggi. Minsan na raw niyang binaybay ang lansangang ito. Sa kalagitnaan ng biyahe, habang payapang natutulog si Nanay Felicia sa aming likuran, ibinahagi niya na sa lupaing ito niya minsang binigyang-pakpak ang kanyang mga pangarap, ngunit para sa kagaya niyang nabibilang sa nalalapit na maglahong tribo ng Abelling, masyado yata itong mabigat, nakalimutan na tuloy nito kung paano pumagaspas at umusad, nakalimutan na nito ang kakayahang lumipad. Malapit sa kaniyang munting tahanan sa kanilang lugar, may mga tubo raw na nakatanim

O B R A : A P U K U S YA N G | 60


doon. Ngunit tuwing anihan, katumbas ng kanilang pagod ay mapait na asukal sa kanilang dila kagaya na lamang ng kalagayan nilang nakatanim sa lupang matagal na ngang walang sustansya, binubuwag pa. Hindi raw kasi nila ito pagmamay-ari. Ngayon, ang dating bukas-palad na kapalaran ng mga magsasaka ay tuluyan nang nagsara. Ilang taon na ring saksi ang mga kuliglig na tanglaw sa bawat mukha ng kanilang pakikibaka, ang tanging bagay na hindi sinapitan ng pagbabagong inaasam nila – ng mga kapatid nating katutubo, pati na rin ng mga nabibilang sa komunidad na labis na pinagkakaitan ng kalayaang pumili, ang mga taong ikinahon sa hiwalay na sagradong tungkulin ng babae’t lalaki. Sa paglipas ng panahon, masasabing matagal nang nananahan sa kanilang puso ang kabiguan. Bawat araw na lumilipas ay maihahalintulad sa pagsagwan sa kawalan. Habang sila’y hikahos sa pag-asang may himala, muling magpapakilala ang bukang-liwayway, ngunit tanging paulit-ulit na simpatya na lamang ang lulan ng barkong kailanma’y ‘di hinatid ang kanilang kapayapaan at kalayaan. Mula sa aming inuupuan, tila hindi mapakali ang mga kulubot na daliri ni Nanay Felicia, nagising na pala ito mula sa tila unang mahimbing niyang pagtulog. Kapansinpansin din na para bang sumiksik ang kahirapan sa kuko nito na tanda ng sanlibong tinik ng alaala na matagal na siyang ikinadena. Kanina, isang oras matapos namin siyang natagpuan sa gitna ng kalsada, muli kong narinig ang kumakalam niyang sikmura. Marahil ay hindi handa sa munting sorpresa naming kasama, tanging saging lamang ang naiabot ko sa kanya. Siguro, kung ang ibinigay ko’y ang kakanin na paboritong inihahain ni Kusyang, maaaring ibinahagi ko na rin sa kanya ang lunas sa kanyang sikmurang gutom; maaari ring maibalik ko pa ang kahit na kakaunting kislap sa kanyang mga mata. Tuloy, lubos ang paghingi ko ng paumanhin sa kanya sa kaunting pagkaing dala. Ngunit mas lalong bumagabag sa akin ang kanyang tugon nang bigla niyang sambitin na marapat ay ipagwalang bahala ko na lamang ito. Lubos daw ang galak niya na ang bubusog sa kanyang tiyan ay hindi na tulad ng dati na ang nakahapag sa plato ay kanyang mga hikbi.

61 | O B R A : A P U K U S YA N G


Sa mga katagang ‘yon, naramdaman kong tila ba sa iisang iglap, naging anino ang lahat pati ang liwanag. May naitanim na namang kaisipang mahirap palayasin sa aking isipan itong si Nanay Felicia, mga maiingay na bubuyog na aaligid at kailangang bigyangpansin, lalo na sa pamamagitan ng pinaghabing kapangyarihan ng sining at letra, at muling mamumulat sa katotohanang sabaw pala ang katarungan na hindi natin kinukutsara. Sarado na ang pagkakataon kong lumikha ng panibagong istorya patungkol sa isang masayang batang babae, kung ang patuloy na nagpupumilit na kwentong umusbong mula sa aking nangangating mga palad ay patungkol sa larawan ng katandaan na sumasasalamin sa buhay na kagaya ng kina Felicia at Kusyang. Sa kanilang pagsubok na tumayo sa delubyo ng mga tao, tila mababakas ang buto’t balat nilang tanging hiling ay hindi na magbalik pa sa hapag ng alikabok at dungis na hindi nila kailanman hinangad. Tunay nga namang nakakapanlumo. Sa pagguhit ng dilim sa pagitan ng kalangitan, natunton na namin ang aming destinasyon. Kalakip nito, napagtanto kong may mga tao talagang kailanma’y ‘di maiintindihan na ang tungkulin natin bilang mamamahayag ay usapin rin ng dugo. Umahon ako mula sa pagkalunod sa aking mga gumagambalang kaisipan nang marinig ko ang pagbagsak ni Dodong ng pintuan ng sasakyan – hudyat na kailangan ko nang bumaba at harapin ang tangan-tangan na mabigat na balita sa mga makikilalang maaamong mukha ng taong inalila. Nagsimula akong humakbang sa kabila ng nakakabinging katahimikan. Hinayaan nila akong mapag-isa. Hindi ko na alam kung tama ang daan. Ngunit sa aking paglalakbay, sambit ko ang mga katagang mariin ang hiling para sa pagkakataong pagbabago, at ang labis na pagkasabik sa pag-asang sisikatan ng ating lipunan ng silahis na tatama sa bawat taong api, at magbibigay ng bagong depinisyon sa paglaya bilang lamang munting regalo sa nalalapit na Pasko. *Ituloy sa pahina 78 O B R A : A P U K U S YA N G | 62


Mama, I Just Killed A Man Jejomar B. Contawe

mama, when the song bohemian rhapsody said it killed a man, it was pertaining to a metaphorical murder of the conveyor’s old, pretentious self— the boy in the mirror, the proverbial closeted gent— to pave the way for the renaissance of the man it’d always wanted to liberate from concealment. mama, when i killed the man papa had always wanted me to become, papa got so angry he had beaten me to the ground and only stopped when i vomited blood. mama, at that moment, as if i was not his son. i cried and cried and have grown afraid of papa and began to have nightmares of his belts strangling me to death. mama, i have bruises in my body that my garments couldn’t cover. mama, i lie to my friends about these bruises. they’d laugh at me, mama; their papa was never cruel to them. mama, i will tell you a secret but don’t tell papa: he was harassing my younger sister nena! mama, papa said i should not call the police or else he’d kill my younger sister nena! papa is a monster, mama! when will you go home from saudi arabia? mama, i hated papa so bad. is it wrong to hate papa for his homophobia and harassing my younger sister nena? i just killed a man, mama. he was lying in the sofa bed. i was sure i’d stabbed him in the stomach over and over until he breathed his last gasp. mama, is it wrong for me to kill a man? i just killed a man, mama. blood was profusely spilling from my bloodied hands. mama, when i say i killed a man it was papa.

Graphics by Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

63 | O B R A : A P U K U S YA N G


Graphics by Nikkie Joy T. Pacifico Pen and Ink

Rain Bowed Mary Klaudine L. Paz

if there are spectrums of light in the sky to celebrate, and the occurrence of June 1st to proudly commemorate, how do we muster to all this hate when only a bill depicts their future’s fate? they say a rainbow comes after the rain, but then, the rainbow came first, then the clouds have turned gray, why are we raining on the parade for those who are gay?

O B R A : A P U K U S YA N G | 64


Ang Tao, Ang Bayan

Kalipunan ng mga Tulang Hango sa mga Lathalain ng Publikasyon Isaih Kyle C. Umipig “Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!” – Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan, Amado V. Hernandez “Sapat na kung masang minahal ang magbangon: Magwasak sa ating piitang bulok!” – Kung Ako’y Mamatay, Emmanuel F. Lacaba

MANG SALIC Sinabing kumawala mula sa hawla ng pagkatao’t kultura ngunit mundo mismo ang siyang mapanghusga. Kapag umalmà nama’y susundan ka ng tingin, aatakihin ng mga dilang walang habas maglabas ng balang matatalim. Nais ko lamang tanungin sa lahat ng taong nakatingin: Paano mo naaatim na pabayaan ang sarili mong kapatid? *Para sa mga kapatid na Muslim

Dibuho ni Ryan Miguel Nocelo Mixed Media Art

65 | O B R A : A P U K U S YA N G


ALING MAYLA Kapag naramdaman ng ina ang kalam ng sikmura, ramdam ng buong sistema. Hindi mapigil ang gutom kaunting panahon lamang ay maaring bumagsak. At kung sakaling mamahinga ang pagod nang katawan, pakisabi na lang na hindi kahirapan ang dahilan— kakulangan ng pagtanggap, kakapusan ng paglaya.

KA FREDIE sabihin mong nandiyan kasi sila ngunit iwasan mong sambitin ang pangalan may nakatutok sa iyong mukha. Ganito maging dayuhan sa sarili mong bayan – aalipinin ka nila sa iyong lupain, sasamantalahin ang iyong lakas-paggawa, at kung ikaw ma’y kumibô, tahana’y tuluyang maaabo.

O B R A : A P U K U S YA N G | 66


Piloto Ng Kalsada Mary Klaudine L. Paz

umalis na naman si tatay nang may kumakalam na sikmura. bitbit niya ang maliit na kahong gawa sa kahoy na maghapon niyang gagawing tapunan ng barya. babaybayin niya ang lansangan lulan ang iba’t ibang uri ng mandirigma na nakikipagsapalaran sa opisina, sa eskwela, o kahit sa palengke pa, saan man ang destinasyon, ang isipan ng tatay ko ay naglalaman ng mapa. susuyurin niya ang mga eskinita na tila lumalangoy sa usok tuwing umaga, at gagawing musika ang bawat busina hanggang ang tunog nito’y magsilbing tunay na huni ng reporma para sa kagaya niyang piloto ng kalsada.

Dibuho ni Maria Sheena Lea Sarceda Mixed Media Art 67 | O B R A : A P U K U S YA N G


Hunyo Dose Paolo P. Manuel

Nagkalat ang mga bangkay mula sa marahas na bakbakang naganap sa bawat panig ng bansa. Natuyo sa sikat ng araw ang mga sariwang dugong nagsilbing pataba sa lupa ng rebolusyonaryong pagtutunggali ng paniniwala at relihiyon. Matagumpay ang reporma ng pamahalaan ngunit sa likod nito ay ang mga buhay ng mga sundalong ibinenta ang kaluluwa sa bayan at mga sibilyang isinangla ang kalayaan sa ipinaglalabang katotohanan. Sa likod ng mga lente ng kamera at sa harap ng mata ng mga nagdurusang mamayan ay patuloy na ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan kahit hadlang ang tila sibat na luha ng kalangitan sa isang makasaysayang araw ng mga Pilipino. “Gusto ko ng totoong kalayaan, `yong kalayaan na para sa lahat,” wika ng isang sundalo habang hinuhubad ang nabasang uniporme. Tumigil ang pagluluksa ng kalangitan. Sumungaw ang bahagharing tila napupunding bumbilya ng ilaw. Lumapit ang isa pang sundalo sa nagsalita kanina at dahan-dahang naglapat ang parehong nanginginig na mga labi. “Balang araw, maiintindihan din nila!” pahabol niya.

Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Pen and Ink O B R A : A P U K U S YA N G | 68


Mga Haiku Ukol Sa Mass Transport Crisis Jejomar B. Contawe

A commuter’s hope At maghihintay bago magtakipsilim makasasakay. Panelo’s plight Apat na oras nang nag-aabang ng dyip ‘La pa rin, badtrip. Bong Go’s rhetoric Si Superman lang ang makakaresolba traffic sa EDSA. A driver’s dilemma Pasensya na po Wala akong pambili ng bagong dyipni.

Dibuho ni Kenneth Leo V. Pamlas Pen and Ink

69 | O B R A : A P U K U S YA N G


Queen Atea Kervin S. Absalon

Her hair, curled by the winds. Her skin, colored by the sun. Her tiny body, strong and sturdy as the tallest mountain. Her smile makes the flowers bloom. Her laugh vanishes the dark and gloom. She is the queen of the wilderness. The mother of all the princes and princesses. and she faces a trying journey as she steps in on the city. She battles misogyny and the ugly phase of the society.

Graphics by Maria Sheena Lea Sarceda Pen and Ink

O B R A : A P U K U S YA N G | 70


iMessage

Mary Klaudine L. Paz

“Oh Iris, goddess of the Rainbow, please accept my offering,” uttered Percy as he threw his golden drachma into the air, the nozzle on his spray bottle shuddering after forming tiny spiralling storm spirits in an attempt to make a rainbow. His heart yearning for the goddess’ light to flash upon his agony, another Iris message sent, its envelope’s seal glued by misery. He heard that the mere phenomenon in tile skies that brilliantly vanishes as it appears is shepherd by a messenger of the gods. And tucked underneath her silk white robe are far more than flying scrolls and dream visions meant for half-bloods. But if you know how to ask, and if she’s not too busy, she’ll do the same for mortals and allow the passage with the rulers above us. So Iris, goddess of the Rainbow, please accept our offering. We heard you do not only bring bright colors after the storm. Please, for once, as you gracefully take a different form, and while we face the battle of our survival, maybe you could shape a bridge of spectrum to allow us to cross the stage of being concealed, and thus shift our pledges into a norm. Oh Iris, goddess of the Rainbow, please insinuate our healing, ask the gods who reign to put a halt to the flashes of lightning, and close the gates of the underworld for it is not a sin we are feeling. Maybe you have a pocket full of skies, of mornings, and of wishes that have ripen over a pot of gold. But maybe with luck, you could tame the raging seas they’ve set as a warning, and shelter our exposed bones shivering from the cold.

71 | O B R A : A P U K U S YA N G


Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Pen and Ink

Wet Dreams Jejomar B. Contawe

The horizontal landscape outside was a portrait of a woman with no garments on, her skin yearning for the cascade of rainwater with an intensity the likes of a man’s societal domination. The domineering sun overhead had yet to have immediate plans at vanishing into the void of night, its burning skin tantalizingly bright. Beholding the parched geographical region was a man in pursuit of an outdoor adventure, his anaemic-white flesh raring for the sun’s stroke with a soothing force the likes of a woman’s pacifying massage. The man welcomed the sun and how narcissistically it impersonates itself as the king of the morning sky. Whilst awash with wonder, the man was a solitary eyewitness to a throng of women materializing from the vast and invariably dehydrated horizon, each of whom with no garments on. Covering their breasts were placards containing words he had yet to decipher, and their state of undress and how rebelliously they were flaunted, at least for him, don’t speak of military surrender but of a death march for liberation from the desirous gawking of sexist men. No sooner had he cast his amazement of the horizon’s high on estrogen content than the women loomed close, their placards momentously becoming comprehensible to the man’s myopic sense of sight but professorial brain capacity. The man beholding the parade fronted by the society-dictated weaker sex is awash by a subtle admiration and a desire to support them in their revolutionary protest. WOMEN’S RIGHTS ARE HUMAN RIGHTS! WOMEN OF THE WORLD UNITE! STOP SEXUAL VIOLENCE AGAINST WOMEN! PURGE THIS PATRIARCHAL SYSTEM! With no conceivable display of nasty conceit, the women halted their march to raise their posters—practically emancipating their breasts not to instigate the desirous gawking of sexist men but to make legitimate use of democracy’s protesting rights. One of the women then lunged forward, until she was only within spitting distance from the man in awe of their collective apparition. Are you one of them? The woman asked, forgetful of the fact that her nude breasts might be subject to pornographic desire by the man now possibly head over heels for her. No, mademoiselle, I am not, the man replied with exquisite civility, his eyes anchored with respect and bereft of desire. The moment the woman’s eyes started getting rainy with tears, so did the sky and its defiant stance against the sun’s imperialistic brilliance. *** Slapped by reality, the man woke up from the dream he could still remember with photographical clarity. Unhurriedly, he arose from his bed and poised to go into the open to bask in the morning sun. Lo and behold, the morning sun was non-existent, and the sky was the color of semen. But before the man could even cast his disappointment of the sun’s absence, identical to how his mystic dream culminated, it started raining. O B R A : A P U K U S YA N G | 72


Kayat Ku Pay Kuma Saba Jehiel R. Asio

Madik malipatan idi inikkan nak ni Amang ko ti maysa a pedaso ti saba. Apak sinaludsod nu nangalaan na ket awan met ammok a nainog nga mabalin pangalaan. Isu ti kinunana. Dumawat kano ti karuba ta ammo na nga mabisin ak katattay pay. Kinitak ni Amang ko. Inikan da kano ta awan met Sabsabali kinyami. Agpapada nga taga-bantay agpapada nga tao. Makakatawa ak. Imbag pay dagiti dumakkel ti kabambantayan ammo da makimaymaysa. Madi kadi mabalin nga kasta met dagiti aradiay kangangatwan nga mangalngala dagiti basit nga adda kadakami? Awan ton pangdawatan ni Amang kon ti saba nu mabisin ak. Awan ngamin mauray nga mainog ti saba min ta pati daga mi ket inala dan.

73 | O B R A : A P U K U S YA N G


Unsung Filipinos Jejomar B. Contawe

sing us a song that would describe how our pigments were emblematic of the native soil utilized for crops to grow and your lost ones to entomb. let it symbolize the ethnic splendor of a modest living, and not of abject poverty and destitution let it become a perpetual reminder of the sun’s generous kiss and the futility of umbrellas during summer. sing us a song that would convey how the curls in our hair was symbolic of diversity, of the primacy and preservation of a racial identity and how some things shall remain virgin from industrial intercourse— untouched by the needless intervention of modernization. sing us a song for i don’t think you ever did. at the expense of our soil we nurtured for years of painstaking toil, you constructed those tall buildings and cities for the elation of capitalists. but from your development aggression, know that we had yet to yield. but we lament and hate to admit: you had made us as ethnic casualties of your bogus build, build, build.

Dibuho ni Edilbert O. Alicante II Watercolor

O B R A : A P U K U S YA N G | 74


Dibuho ni Ryan Miguel Nocelo Watercolor

Neg-rita

Neil Kester M. Tabanao

“Rita, huy Rita! Tuma-der ka ditan intayon! Agisagana ka kanon!” pabulong na sambit ng aking ate habang ako’y nakatihaya sa papag. Aligaga ang aking pamilya sapagkat muli nanamang sumapit ang buwan ng Disyembre – ang buwang pinaka hihintay ng aming tribo dito sa Capas. Kami ay bababa sa kapatagan at magbebenta sa siyudad upang magkaroon nang sapat na gastusin at upang makibagay sa modernong pamumuhay. Ito nga pala ang aking unang pagbaba sa siyudad. Habang nag aayos ng paninda ang aking inay ay gumagayak rin ang aking tatay upang mga ito’y maayos habang dumaraos ang transportasyon. Habang ako’y pababa sa aming kubo ay binati ako ng malamig na simoy na hangin na dumadaloy sa kabundukan. Ang alapaap ay maaliwalas pati na rin ang bagong umaga. Ang bigat ng aking nararamdaman; isang pananabik na unang beses akong bababa sa 75 | O B R A : A P U K U S YA N G


siyudad, mga bagay na bago sa aking mata at pandinig. Mga taong nagalalakad sa mga parke at iba pang kapana panabik na mga pangyayari ang siguradong naghihintay sa akin. Noong kami’y nakakababa na sa aming destinasyon, bumulaga ang mga pulang dekorasyon na nakasabit sa bawat tindahan sa siyudad. Mga kumukinang na “Christmas tree” at mga masasayang kantang pampasko ang aking naririnig sa bawat sulok ng siyudad. “Rita! Ana pay kitkitaem dita? Intayon!” pagmamadali ng aking ate. Ano pa nga ba’t ang laki ng aking ekspektasyon dito sa siyudad. Ang mga gusaling nagsitayuan, mga ilaw na sumisindi kapag ang dapit hapon ay paparating. Ngunit nang kami’y makarating sa aming paglulugaran ay biglang nawala ang aking tuwa; naalala ko ang aming kinatatyuan dito sa siyudad, isang isteryotipikal na kung saan ang bundok lang ang aming pwedeng galawan. Subalit nang makita ko ang aking magulang na binebentahan ang babaeng taga siyudad ay tuwang tuwa ito na parang bang inabot na ang kakaunting langit sa palad niya. Siguro sa kakaunting tulong na naiaabot sa amin ay marunong nang magpasalamat ang aking inay. Bumalik ako sa aking sarili ng tawagin ako ng aking inay. “Rita samahan mo nga ate bumili ng mimiryendahin natin, kahit tinapay lang.” Dali dali akong lumingon at naglakad papunta sa aking kapatid. Subalit may bumabagabag pa rin sa akin… Habang kami ay naglalakad sa kalsada, may mga tumitingin sa aming mga taga siyudad na para bang ang presensiya namin ay isang mabahong daga. Dinaanan namin sila at may narinig kaming “Anong ginagawa nang mga yan dito? Ang baho naman.” Masakit para sa amin na marinig ang mga salitang iyon ngunit hindi na namin pinansin at dali dali na lang kaming pumunta sa tindahan. “AY BADJAO! BADJAO! Maitim, kulot salot!” sigaw ng mga batang kalye. Mga katagang hindi naman namin pagmamay-ari ngunit umaani ng malaking kurot sa aming puso. Totoo nga’t nahuhuli na kami sa panahon, hindi pa tumutulong ang aming katutubong grupo rito. Tiningnan ko ang aking ate na medyo luhang luha na sa sobrang pagkainis nito. Hindi ko naman maiakakailang kami ay nanggaling sa isang payak at katutubong pinagmulan ngunit ang tanging nagpapa baba sa aming puri ay yung kung papaano kami tratuhin ng mga taga siyudad – oo mayroong mga mababait na tumutulong ngunit mas umiiral sa isip namin ang mga negatibong pag uugali na nakakaapekto sa aming isipan. Kinuyog ko ang braso ng aking ate dahil kami ay nasa tapat na nang tindahan na pinagbibilhan ng tinapay. Habang bumibili ang aking ate, ay Nakita ko kung paano makatingin ang mga tao sa amin lalo na’t yung kahera – mga matang nangtutugis sa amin na parang kami’y hindi nabibilang sa kanilang lugar. Hanggang sa paglabas namin sa tindahan ay ganoon pa rin ang tingin nila sa amin. Muntik nang tumirik ang aking mga luha dahil sa lungkot at sakit na bumabalot sa aking puso’t isip. Mga taong nagpapaalala sa amin na wala kaming Karapatan para ipagmalaki ang aming mga lahi at kultura, mga timang na hindi man lamang gumalang sa mga nagpasimula ng kultura’t pamumuhay. Ako’y nasasadlak dahil hindi ko na alam kung paano kami mabubuhay sa mundong nagbabago, mistulang kami’y naging anino ng kahapon na hahayaan na lamang malimutan at ibaon sa pinaka ilalim ng lupa. Pabalik na kami sa aming mumunting bangketa, Nakita ko ang aking ina na masayang nagbebenta ng kamoteng kahoy at ube sa mga maimili. Lahat ng bumibili ay may suot na ngiti sa kanilang mukha, mga ngiting tunay na nagbibigay ng lakas sa amin upang kami ay maniwala sa sarili namin. Ibang klase ang naranasan ko sa aking pagbaba sa kapatagan, mga karanasang gigising sayo at isasampal ang katotohanan at mga abot langit na kabaitan ang mahahagkan. Ngunit patuloy pa rin akong nag iisp – Kailan ako lalaya sa aking nakakalasong pag iisip? O B R A : A P U K U S YA N G | 76


77 | O B R A : A P U K U S YA N G


kabanata 5: HULING NOCHE BUENA

“Siguro dito niya binabaling ang pagmamahal na ‘di niya nagawang ibuhos sa mga supling na pinagkaitan siyang isilang at makilala, dahil lang ikinadena siya ng isang bayang kinapusan siya ng kandungan, ng pahinga, habang ang dala niya lamang sa digmaan ay ang mabibigat na kamayalang puro alaala.�

Sa ilalim ng langit na ang pangako ay pagbawi, tinahak ko ang daan patungo sa kanyang tahanan na nakatayo sa lupang hindi rin naman nila pagmamay-ari. Sinulyapan ko ang lulanan ng munting himlayan ni Kusyang na kanina ko pa pasan. Sa aking likuran, tahimik na nakamasid si Dodong at Nanay Felicia, na parehong ginugunita ng kalungkutan sa nasasaksihan. Sinalubong nila ako nang walang pag-aalinlangan, at hinagkan ang dala kong plorera na abo ni Kusyang ang laman. Sa bawat luhang pininta ng mga taong ito para sa kanya at sa kanyang biglaang paglisan, alam kong sa tamang lugar ko siya iiwan. Naalala ko noong bata ako, paulit-ulit na pinapaalala sa akin tuwing kumakain at nagkakataong may aalis ng bahay, siguraduhin ko raw na iikutin ko ang aking pinggan. Pangako raw ito na magbabalik ang taong umalis nang ligtas at buo. Ngunit kay tagal na nang huli kong nasilayan ang kanyang anino mula sa balangkas ng aming pintuan, ilang ulit ko na ring inikot ang aming mga pinggan, ngunit sunod-sunod pa rin ang mga taon na pinagsasaluhan namin ng kinakalawang na bintana ang maghapong pagkaulila kay Lola, isama pa ang mga taong nagmamahal sa kanya rito na ang tingin na sa ibang bansa ay wala siyang pamilyang nabuo at ang kumilala lamang sa kanya ay delubyo. Sa katunayan, napakadaling gumuhit ng ngiti sa pagitan ng kanyang mga labi. Pagsapit ng umaga, una niyang gagawin ay ang paghahawi sa mga kurtina, at saka sisilay sa mga bintanang nagbabadyang bumuga ng liwanag ng papasikat na araw, tila ba sabik sa mga ibabahagi nitong malalim na silahis, kapirasong liwanag, at kakaunting kamalayan.

O B R A : A P U K U S YA N G | 78


Bukod pa rito, lumikha rin siya ng hardin sa likuran ng aming bahay, pinuno niya ito ng halimuyak ng rosas, tulipan, at iba’t ibang orkidyas. Napaisip ako na siguro dito niya binabale ang pagmamahal na hindi niya nagawang ibuhos sa mga supling na pinagkaitan siyang isilang at makilala, dahil lang ikinadena siya ng isang bayang kinapusan siya ng kandungan, ng pahinga, habang ang dala niya lamang sa digmaan ay ang mabibigat na kamayalang puro alaala. Kaya’t kung mamarapatin ng pagkakataon na ako’y sumilay muli sa isang kabanata ng aking buhay, oo, pipiliin kong makulong itong katawan sa aking kamusmusan, bagkus ito ay sa kadahilanang ito rin ang mga pahinang minarkahan niya ng kanyang marilag na ngiti. Sa pagtatangkang bumalik, sa bawat hakbang, hindi ko na bibigyan ng oportunidad na bumigay ang aking katawan, kagaya na lamang ng aking mga sapatos. Wala ito kumpara sa pagod na nanahanan na sa ilalim ng gabi. At kasabay ng mga alaala niyang nakakagambala, lumutang nang paisa-isa ang pakiramdam ng pangungulila. Hinihimay ng sakit ang mga senaryong kailanma’y hindi na maaaring balikan–ang mga katutubong tugtugin na nagbibigay-sigla sa apat na sulok ng silid ni Kusyang tuwing ito’y aking daraanan, pati na rin ang pagyakap ng hangin sa katakam-takam na amoy ng mga putaheng kanyang niluluto nang may ngisi sa kusina. Kaya’t ngayon sa hapagkainan kung saan itinimpla niya sa bawat rekado ang pagmamahal niya, tila lahat ng mga susunod na noche buena ay kupas na. Dahil saksi ang bawat kislap ng mga tala, sayaw ng mga dahon, at patak ng ulan, kung paanong ang bawat tibok at hininga ay naging iisa sa pamamagitan ng yakap niya’t kalinga. Totoo nga ang sinasabi nila, pagdating sa pamilya, hindi kailangang ang dugong nananalaytay sa inyong katawan ay iisa. Sa kasulukuyang wala na siya, tila sa hiraya na lamang kami magkakaharapan. Hindi ko na mababalikan pa ang mga panahong iniukit niya sa aming kamusmusan. Sa mga gumugunitang alaalang ito, laking pasasalamat ko na na hindi na rin sumasabay ang pagluha sa mga alaala ng natutunaw na sorbetes dahil hindi ko alam kung kakayanin pa ng mga mata kong pumikit sa tuwing mararamdamang tinatakasan na ako ng tamis. Marahil ay naging saksi ako sa unti-unting paghina ng kanyang mga tuhod, pati na rin ang unti-unting pagkapaos ng kanyang boses – isang bagay na hindi niya rin naman gaanong nagamit dahil sa kasalatan sa lipunan, kagaya na lamang ni Nanay Felicia na patuloy

79 | O B R A : A P U K U S YA N G


nagpapaagos sa bawat hampas ng dambuhalang alon sa pag-asang makaaahon at mararating ang pampang. Ngunit kalaunan, patuloy lang sila sa pagbabalik sa laot, at saka magpapalutanglutang, tila walang kamalay-malay. Sumikat ang araw sa kanluran, sa pagitan ng dagat at himpapawid. Hinihila ako ng mga letrang nagnanais na kumawala mula sa aking mga daliri, mga matinding damdamin sa pangaalipin na kainlanma’y hindi magiging balikwas, at mga pananaw na nakatago sa pagitan ng hawla ng aking panulat. Muli ko siyang bibigyang-buhay sa pamamagitan ng mga salitang inilapat sa papel at tinta, at hahayaang ang mundo’y sa wakas ay siya’y makilala. Isang tipak ng bato ang iniabot ko sa nagulat na si Nanay Felicia. Pumulot rin si Dodong ng isa pa, at sabay-sabay namin itong pinakawalan, isinaisip na kung maaaring bigyang-buhay ang mga batong hinawakan, siguro ipinagkalooban na rin namin ng pagkataon si Kusyang na maranasan ang kalayaan. Hinayaan ko ang tubig na magtanggal ng alikabok na dulot ng lumbay at dungis, at saka hiniling na dumaloy ang likido sa tuluyan niya nang natuyong mga pakpak. Sinimulan na namin ang landas patungo sa sasakyan. May mga bulong sa hangin na tumatawag at nagpapalingon sa ‘kin pabalik sa langit habang lumilika ang dibdib ng sarili niyang bersyon ng bulalakaw sa samu’t saring damdamin na kumakatok sa aking pagkatao sa nalalapit na paglisan sa bayan ng Mayantoc – ang sambayanang nagpamalas ng hinagpis sa hindi niya pag-uwi, ang pinagmulan ng binhi ng isang taong api, ‘yong katangi-tanging taong sa puso ko’y habambuhay na mananatili. Mula sa aking inuupuan, tinanaw ko si Nanay Felicia, nagpapaalam ang kanyang mga mata, namumutla ang kanyang mga labi, at bakas ang pagod sa kulubot niyang mga paa. Naramdaman niya yata ang titig ko sa kanyang mukha, kaya’t nilingon niya ako’t nilapat sa aking balikat ang ngimi niyang mga palad bilang isang simbolo ng pagtitiwala. At sa pag-abante ng sasakyan, iniwan ko sa Mayantoc ang lahat ng pag-aalinlangan. Hindi na kailanman magiging tangan ang bagabag ng kahapon sa aking kalunsuran. Sa pagkawala ko sa pang-aalipin ng aking mga kasalanan, binago ni Kusyang ang aking kinabukasan. Marahan kong binuksan ang bintana at sinalubong ang ingay ng siyudad. Sa harding daraanan sa aking kaliwa na pinalilibutan ng mga dekorasyong pamasko gaya ng poinsettia, mayroong mga paru-parong winawangis ang kapayapaan, tila sinasabing hindi ito ang magiging huling taludtud na dadalawin ng pagluluksa, at hindi rin ito ang huling kabanata. Ito pa lamang ang simula.

O B R A : A P U K U S YA N G | 80


81 | O B R A : A P U K U S YA N G


Latigo

Neil Kester M. Tabanao

Pyramids… Structures… Jerusalem… All men stand short…

Graphics by Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

O B R A : A P U K U S YA N G | 82


Graphics by Ryan Miguel Nocelo Pen and Ink

Unrecognizable Relic Joseph Benedict A. Cinco

My body was once the chariot that carried me into foreign, inhabited lands. My mind and soul was once the warrior who was fearless of everything in front of him. And my tongue was once the sword that I wielded to pierce a lot of hearts. I was that gallant warrior, until I was imprisoned then killed inside the dungeon. Today, I am just a relic, a naked artifact stored inside a fragile confinement. Stripped of everything that I once had, I lost my relevance in this world.

83 | O B R A : A P U K U S YA N G


Dibuho ni Kenneth Leo V. Pamlas Mixed Media Art

Alay Sa Kilusan Isaih Kyle C. Umipig

Gaano man kalayo (abutin ng aking talampakan sa pagmartsa sa kalsada’y lagi’t lagi nang pasulông bubulabugin ang namamahinga’t naghihingalo hanggang ang mga asong ikinadena’y sabay-sabay na aalulong ngayo’y buong giting na itataas ang pulang bandera, ang karit, ang maso: itong pwersang masang pinagbuklod ay higit pa sa sanlibong dagundong) buong sikhay na tatawirin— bawian man ng lakas, babangon at makikibakang muli—sapagkat pasasaan pa’t ang laba’y ating pagtatagumpayan din. *Para sa mga bagong bayani ng mga militanteng organisasyon O B R A : A P U K U S YA N G | 84


Alila

Mary Klaudine L. Paz

siguro hanggang dito na lang talaga ang kapalarang inukit sa amin ng tadhana, dahil gaya ng buhay naming mga maralita, baligtarin mo man ang salitang alila, wala pa rin itong pinagkaiba.

Dibuho ni Ryan Miguel Nocelo Watercolor

85 | O B R A : A P U K U S YA N G


Love In The Time Of Martial Law Jejomar B. Contawe

on the 21st of September year 1972 a time was memorialized when tyranny started reigning the raging Philippine republic it was the most crucial of times when the democratic gets prompted to set his heart aflame with rage propagate an avalanche of civil unrest and point it like gunshots onto the ruler’s chest to assassinate his wicked intentions and butcher his meaty self-ambitions. we knew back then that what we’re doing was a noble act of love even though love during our time is a heinous crime—a deathly, impermissible revolution that gets zero tolerance and maximum retaliation from the devil-sent, punishing dictator whose hatred of uprisings and insurrections coincides with the people’s revolutionary love for a country in a turmoil and misdirection.

Graphics by Edilbert Alicante II Watercolor

but then to pursue love is a sin that the gods would want us to commit and so we act on this feeling amid the dictatorship of a kleptocratic regime. we made use of placards to spew our rage and raised our voices to send a message that times like this make us resilient and brave. and that no political monsters can overcome a people’s love for the freedom and liberation that we crave. from the bloodied footways of plaza Miranda, we were ready to die— far ready to beckon the celestial choirs to sing songs for us whilst we gesture the emblem of resistance, our placards raised up high and our bodies perspiring from the prospect of dying. for it was a hot pursuit to subjugate the triumphing deeds of a dictator’s misguided notion of public service. and at last, we reached our final destination— the bloodless pavements of EDSA, we conquered our fears and surrendered our lives to God praying that this patriotic and revolutionary love can triumphantly oust and exile the ruling tyrant. and so we populated the bloodless pavements of EDSA and impregnated it with our bloody indignation, our holy rage, our passion, with our spontaneous sacrificial heroism—for there is no denying it that at that fateful, prophesized time— on the 22nd to the 25th of February year 1986, we were ready to die. O B R A : A P U K U S YA N G | 86


Frame-up

Arsenio S. Santiago Jr.

may pulis, may pulis sa ilaim ng tulay matulin ang pag-alis isang lalaki ang patay may dumating, mabilis hinakot ang bangkay mag-ingat sa pulis nasa ilalim ng tulay

87 | O B R A : A P U K U S YA N G

Dibuho ni Nikkie Joy T. Pacifico Watercolor


Cries Of The Unheard Crystal Gayle O. Rosete

When nights are silent and only the moon howls, there, the unhampered demon creeps in, the door creaks open, awakening the pits of hell— I begged for mercy but Gods doesn’t hear me yell. It wasn’t stick and stones which broke my bones, it was the truth I hold, locked up and never told. Dragged off stage by the strings of my hair, fingers dipped inside me without any despair. The moonlight shines but darkness radiates still — a perfert dance floor of this sick rhythm. He dug deeper and planted kisses around my nape, inside, he exploded hate — ending videos left to tape. Why was I auctioned with this demon to bid? And where were the saints, the guardian angels? Was the Christian God asleep or deaf? Is heaven bankrupt of mercy with no tears left to spare? How could the Gods have looked the other way? Graphics by Edilbert O. Alicante II Pen and Ink

O B R A : A P U K U S YA N G | 88


Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio Pen and Ink

Pinned Wing Mary Klaudine L. Paz

they wrap their chains all over my swollen neck then ask for comfort. scared, they pin me down because they are frightened that my wings will burst forth. but still, like caged birds that remembers how to fly this is my resort.

89 | O B R A : A P U K U S YA N G


Batang ‘70s Paolo P. Manuel

sa natural na anyo ng lansangang naging tambayan ng mga bangkay at katuwaan ng mga mananakop sa bawat kababaihang maaaninag ng mga nanlilisik na mga mata at naglalaway na mga panga at saka pupugutan ng ulo kapag hindi nakuntento ang mga titing mas marami pang napaputok kaysa sa mga baril na palamuti ng mga supot sa malinis na nayon malayo sa kabihasnan ay masisilayan pila-pilang mga katawang pinira-piraso, ginutay-gutay at ang iba’y dinurog na nang tuluyan kasama sa bawat nagyayabungang palay at tubo ang dugong alay kuno—dugong nagsilbing abono sa sakahang hindi na halaman ang itinanim kundi katawan ng mga Pilipinong gustong makakain sa naglalakihang establisyemento, dormitoryo at simbahan ay magugunita mga mapagpanggap na maralita—mga paring bumubula ang bibig sa kasinungalingan at ginawang propesyon ang pagiging sakim sa sinumpaang tungkulin at gumamit pa ng mga imahe’t dibuho ng Maykapal para malinlang itong nakaputing buwayang garapal at kung sa tingin ninyo kawawa ang ating mga ninuno mali mas kawawa tayo dahil sila’y pinatay nang biglaan at may pinaglalaban tayo’y pinapatay nang dahan-dahan at hindi makalaban

Dibuho ni Kenneth Leo V. Pamlas Pen and Ink

O B R A : A P U K U S YA N G | 90


Dibuho ni Kenneth Leo V. Pamlas Watercolor

91 | O B R A : A P U K U S YA N G


Oda Para Kay Welga Jejomar B. Contawe

Welga, hindi ka nila naiintindihan. Hindi nila naiintindihan na ang tindig mo ay tindig ng isang maka-Pilipinong naghihimagsik laban sa bagsik ng pagdurusang ibinuhos sa hukbo ng mga ginutom ang sikmura’t karapatan. Na ang tapang mo’t hindi pananahimik sa mga isyung saklaw ang bawat isa ay para mapagtagumpayan ang katarungang pangkalahatan. bilang masugid mong tagasuporta, saksi ako sa kung paanong ang nilalaman ng puso mo ay lagi’t laging mabigyan ng saysay ang mga nagbubuwis ng buhay. Welga, lubos akong humahanga sa pagmamahal mo sa bayan at sa masang api, sa kabila ng pangungundena nila sa’yong mga pamumuna at ng katotohonang tingin sa’yo ng ilan ay bayolenteng terorista. Welga, hindi ka pa nila lubos na nauunawaan. Hindi pa sa ngayon. Welga, ipagpatuloy mo ang mga adbokasiyang magtataas ng watawat ng mga marhinalisadong sektor ng lipunan, ng mga biktima ng pagkitil ng buhay at pangarap laban sa mga uhaw sa salapi’t kapangyarihan. Ipagpatuloy mong maghasik ng panawagang makibaka sa mga kilos-protesta. kalabanin mo ang sistemang inaalipin ang mga tulad nila, silang mga pinatahimik ng mga babala ng kamatayan, silang mga yumao matapos sumigaw at ibulyaw ang mga karapatang pinawalang-bisa ng kasakiman. Welga, alam kong hindi bayani ang turing mo sa iyong sarili, at dyan kita mas lalong hinangaan. Ngunit gusto kong malaman mong, oo, isa ka. Isa kang bayani ng bansa. Isa kang magiting na mandirigma na boses at karatula ang armas. Welga, puksain mo sila. Silang mga pinapahirap ang mga dati ng dukha, isalba mo silang mga sumasaklolo’t gagap sa hustisya. Alam kong naririnig mo sila’t lagi’t laging pinakikinggan. Welga, alam kong may mga oras na pinanghihinaan ka ng loob, kinukuwestyon ang kakayahang mangumbinse ng kapwa para umanib at labanan ang mga wumalanghiya sa silbi ng katarungan. Welga, manalig ka. Ang lahat ng ito’y may hangganan, at maniwala kang ang hangganang ito’y papabor sa’yong mga ipinaglalaban. Welga, magpakatatag ka, huwag mo silang sukuan, ngayon ka nila pinaka-kailangan. huwag kang panghihinaan ng loob. Hindi ka lang nila lubos pang naiintindihan. Hindi pa. Welga, balang araw, maiintindihan ka rin nila. Hindi pa tapos ang laban.

O B R A : A P U K U S YA N G | 92


larawan mga

Kuha ni Isaih Kyle C. Umipig

93 | O B R A : A P U K U S YA N G


O B R A : A P U K U S YA N G | 94


95 | O B R A : A P U K U S YA N G


O B R A : A P U K U S YA N G | 96


97 | O B R A : A P U K U S YA N G


O B R A : A P U K U S YA N G | 98


99 | O B R A : A P U K U S YA N G


O B R A : A P U K U S YA N G | 100


101 | O B R A : A P U K U S YA N G


O B R A : A P U K U S YA N G | 102


103 | O B R A : A P U K U S YA N G


O B R A : A P U K U S YA N G | 104


Paboritong Silya Nawala na ang bakas sa simoy ng hangin, ang bango ng minasang tubig, asukal, at harina na kanyang isasawsaw sa mainit na kapeng bagong timpla kalakip ng kaluskos ng dyaryo tuwing umaga. Dahil sa kanyang paglisan, ang pinaghalong tubig at luksa na ang ngayo’y nasa kandungan ng dati niyang paboritong silya na hinele ang kanyang pagod na katawan sa bawat pagtumba, at pinatulog ang kanyang mga pangamba kahit na pansamantala.

Huling Piyesa Nangibabaw ang katahimikan nang masugid niyang disenyuhan ang kapirasong tela. Bawat tusok at hila ay sinasabayan niya ng paghinga. Sa ilalim ng gabi, ang tanging bagay na nanginig ay ang mga tala, hindi na ang kanyang mga daliri na pagod at minarkahan na ng pagtanda. Sa pagmamasid ko sa piyesang taimtim niyang tinahi sa tela, napagtanto kong tunay ngang may mga bagay na kailanma’y ‘di matatapos, kagaya na lamang nitong naiwan niyang retasong binuburda, at ang kanya-kanya nating digmaan na sa atin ay nakagapos.

105 | O B R A : A P U K U S YA N G


O B R A : A P U K U S YA N G | 106


epilogo Walang narinig na sigawan, ngunit nagkaroon ka ng sarili mong digmaan. Sa wakas, ika’y nakahimlay na sa iyong payak na tahanan. Sa bawat pahinang iyong minarkahan, hindi dito natatapos ang laban. Ang binungkal na lupain na pagtatamnan ng ‘yong nanlalamig na katawan ay lalagong muli mula sa pakikibaka ng iyong pananahan sa aming alaala, Kusyang.



the

work ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGKAMPUS NG TARLAC STATE UNIVERSITY

Ma’am Glads Kasangguni

Saksi ang bawat mamamayan sa katotohanang ilang dekada na ang lumipas at hawak pa rin ng may kapangyarihan ang midya, kaya’t lalong tumitindi ang aming pakikibaka bilang mamamahayag para imulat ang madla.

On-On

Jej

Halos dekada na rin ang nakalipas ngunit iniisip ko pa rin kung paano nasabi ni Nora Aunor na “walang himala” kung siya rin ang nagsabi na “ang himala ay nasa puso ng tao.”

Dalawang dekada muna ang lumipas bago ko napagtantong ang purpose ko pala sa buhay ay maging tatay sa ngayo’y isang taóng gulang kong anak, at maging aktibista sa pagsulat para sa bayan kong pinamumugaran ng mga politikong hinayupak.

Jerico

Caitlin

Hindi itim ang kulay ng kahirapan kundi kahel – mga presong ang tanging gusto ay mahanap ang susi para tuluyan nang makatakas sa mga problemang kumukulong sa kanila.

Dalawang taon na akong nakagapos mula sa pangungutya ng mga kaklase ko. Tila ba batid nila na kung gaano ka-flat ang mga unong nakukuha ko, ganoon din kaflat ang dibdib ko.

Punong Patnugot

Patnugot sa Pinansya

Pamela

Pangalawang Panugot

Kapatnugot sa Pinansya

Eugene

Patnugot sa Balita

Patnugot sa Komunikasyong Pangkaunlaran

Mula noon, hanggang ngayon, mahal ko ang simoy ng mga lumang libro kaya siguro patuloy pa rin akong nakatali sa bawat kwento; kahit masakit, inuulit-ulit. Sapagkat kwento na lang ang mababalikan ko, hindi na ‘yong tao.

Mas madilim pa sa isang masamang panaginip ang isiping bilanggo ako ng aking sarili katulad ng isang musmos na pinipilit sumibol sa hamon ng ating lipunan— humihingi ng saklolo, naglalayag, sumusubok.


Gayle

Klaudine

Matagal akong nakatali’t nakakulong sa mga salitang pilit na humihila sa akin pababa—naging bilanggo ako ng bukas palang hawla at ako ang tanging may hawak ng kadena.

Pinagsisisihan kong hindi ako nakinig sa tiyuhin ko nung tinuturuan niya akong lumangoy noong ako’y bata pa. Ilang dapithapon na ang gumiya, ngayon ko lang nakita, ‘di pala birong lunurin ang sarili tuwing gabi sa mga akdang hihiwa sa puso ng mga mambabasa.

Patnugot sa Lathalain

Jehiel

Patnugot sa Isports Labinlimang taong gulang nang malaman kong hindi naman talaga totoo ang “at namuhay sila nang masaya” sa kwento nina Cinderella, Aurora, Snow White, at Bella. Kailan nga ba naging masaya ang mapagsabay-sabay ni Prince Charming?

Bert

Patnugot sa Dibuho Sabi nila noong bata ako, paglaki ko raw ay marami akong paiiyaking babae. Ngayong malaki na ako, napagtanto ko na mas masarap pala ang adobo kaysa sa sinigang.

Nikkie

Patnugot sa Panitikan

Gabbi

Punong Kartunista

Dalawang dekada na ang lumipas, ano ba ‘yan? Walang ulam. Uwi muna ako sa ‘yo?

Helen

Patnugot sa Disenyo ng Pahina Sobrang saya! Pinayagan ako ni papa! Papunta ako ngayon sa Sagada. Pero teka, bakit parang hindi ako umuusad; parang hindi ako makahinga. Oo nga pala, meron nga pala akong tanikala, ilang taon na.

Dave

Kartunista

Punong Maniniyot

Hindi pa rin ako makaalpas sa kung anong tunay na nangyari sa’yo. Siguro dahil habambuhay na rin akong igagapos ng nakaraan sa mga katanungan. Bakit nakita kitang nakatayo nang tuwid at nakatali? Haligi ng aming tahanan?

Ginigipit ako ng prinsipyong hindi ko pinapanigan. Lumipas ang panahon, sinubukan kong kumalas mula sa mga rehas, naulanan ako ng galit at pagmamaliit hanggang sa pagkatao ko’y tuluyang napunit.


Sheena

Manunulat Araw-araw, litro-litrong tubig ang nilalaklak ko para lang magkaroon ng clear skin. Kay tagal na panahon na ang lumipas, naihi lang ako.

Ira

Manunulat

Noon, pinangarap ko ang magkaroon ng clear skin. Pero ngayon, gusto ko na lang ng clear mind, lalo na sa Math.

Aya

Manunulat Isang oras na rin ang nakakalipas ngunit nakaukit pa rin sa aking isipan kung saan banda ko kaya matatagpuan ‘yong sinasabi mong “kahit saan�, gutom na kasi ako. Pwede namang Mcdo na lang.

Ivan

Manunulat Hawakan mo ang aking kamay at iahon mo ako mula sa takot na lumulunod sa akin upang magtiwala sa iba sapagkat ang aking tiwala ay nabasag na.

Kester

Kervin

Nakapanlulumo ang teknolohiya ngayon, isang saglit lang ay hindi ka makawala sa panaginip na hatid nito - parang ako lang.

Ilang taon na ang lumipas at inggit na inggit pa rin ako sa mga aso. Buti pa sila may choker. Gusto ko ring mabulunan. Arf!

Manunulat

Paolo

Manunulat

Joseph

Manunulat

Manunulat

Sariwa pa sa isip ko ang bawat hiwang dinulot ng nakaraan—kung paanong ang isang sirena ay nalunod sa kumunoy na ginawa ng lipunan at pinagkamalang pinakamaduming nilalang.

Dati akong sundalo at ang dila ko ang aking espada, hanggang sa kinulong ako ng kasalukuyang henerasyon at napabayaan na lang sa selda.


Andeng

Kristine

Manunulat

Tagapag-anyo ng Pahina

Hindi ko alam kung ano pa nga ba ang kinatatakutan ko sa buhay. Pero ang alam ko lang takot akong maiwan, madurog at masaktan. Kaya siguro nagdesisyon akong maging ganito.

Madalas, hindi ko alam kung mahusay ba talaga ako sa larangan na napili ko, pero ang nag-iisang bagay na nagbibigay sa akin ng kapayapaan ay ang pagmamahal ko sa mga ito at ang pagtanggap ko na ito ay naging parte na ng paglago ng aking pagkatao.

Ralph

Shiekka

Tagapag-anyo ng Pahina

Maniniyot

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sigurado sa gusto ko, pero naisip ko na kung pinaglaban ko ‘yong pangarap ko na maging chef noon, hanggang doon na lang ‘yong potensyal ko.

Ginugunita pa rin ako ng kahapon, ang tugon niya, bakit hindi ko kinuha ‘yong singkwenta sa daan.

Miggy

Pau

Kartunista

Tagapayo

Halos ilang taon ding lumagi sa isang sulok; paulit-ulit mang nagapi ng takot at pagpapanggap ay paulit-ulit ko ring binitbit ang layuning maipinta ang pangarap para sa sarili. Malaya na’ko.

Labinlimang taon na akong nakikipaglaban sa sarili ko; patuloy na may gustong maabot at mapatunayan. Ngayon pinaglalaban ko ang aking lisensya na may halong takot at pangamba. Ngunit kahit na hindi ako isang batang laki sa Bonakid, mananatili akong palaban!

Kyle

write. move. initiate.

Tagapayo Nang sinubukan kong kalkalin ang mga inaalikabok na alaala sa kwarto, napadaan ako sa salamin. Wala nang ako.


THE WORK

Editorial Board and Staff 2019-2020

ARSENIO S. SANTIAGO JR. Editor in Chief JEJOMAR B. CONTAWE Associate Editor in Chief

JERICO B. MANALO Managing Editor CAITLIN JOYCE C. GALANZA Associate Managing Editors PAMELA ROSE G. REYES News Editor CRYSTAL GAYLE O. ROSETE Features Editor EUGENE QUIAZON Development Communication Editor MARY KLAUDINE L. PAZ Literary Editor JEHIEL R. ASIO Sports Editor HELEN GRACE C. DE GUZMAN Layout Editor

PAOLO B. MANUEL MARAJIAH A. DIZON IVAN R. DATU MARIA LEA SHEENA B. SARCEDA IRA V. MALLARI KESTER L. TABAMO JOSEPH BENEDICT A. CINCO Correspondents NIKKIE JOY T. PACIFICO RYAN MIGUEL O. NOCELO Cartoonists RALPH M. PAJARILLO KRISTINE G. RAMOS Layout Artist SHIEKKA MARIE S. CRUZ Photojournalist

EDILBERT O. ALICANTE II Graphics Editor GABRIEL JANN S. INOCENCIO Senior Cartoonist JOHN DAVE BENEDICT S. ISIDRO Senior Photojournalist

DR. GLADIE NATHERINE G. CABANIZAS Adviser


pasasalamat Isang mapagpalayang pasasalamat! Ito ay para sa Kanya na may lalang sa lahat ng may buhay. Ito ay para sa aming mga magulang na saksi sa bawat luha at hininga, at nagsilbing gasera at pahinga nang pinakawalan sa kanya-kanyang hawlang nabuo sa pagkabata. Ito ay para sa kapwa estudyanteng mamamahayag na patuloy na ginagampanan ang responsableng pag-uulat habang ang kamalayan ng mga kabataan ay pinalalago dahil sa tungkuling usapin rin ng dugo. Ito ay para sa bumubuo ng The Work na inalay ang bawat letra, oras, at tinta upang lumikha nitong mahika sa kabila ng kalamidad na nanghamak manalanta sa bawat isa. Ito ay para sa CEGP at sa hindi matatawarang pagsasabuhay ng kanilang adbokasiya. Sumulong! Sumulat! Manindigan at magmulat! Ito ay para sa bumubuo ng TSU Administration para sa dumadanak na suporta at kay Inay Gladie na siyang nagsisilbing aming sandigan sa lahat ng aming hirap at tagumpay. Ito ay para sa bawat manggagawa na may kanya kanyang karanasan ng pang aalila, aawit din ang ulan upang patakan ang bawat sulok ng lipunang taglay ay kasakiman. Ito ay para sa iyo, mambabasa, nawa’y matutunan mong kumawala sa ‘yong tanikala at saka sisisirin kung saan ka malaya, dahil ikaw ang unang batas ng digma.


Sino si Apu Kusyang?

A

ng pampanitikang aklat na ito ay hango sa talambuhay ni Eudocia Tomas Pulido o Kusyang kung siya’y tawagin ng kanyang mga kamag-anak sa bayan ng Mayantoc.

Mula sa kontrobersyal na artikulong “My Family’s Slave” ng magasin na The Atlantic, ang talambuhay ni Kusyang ay inilarawan mula sa mata ng isa sa mga miyembro ng pamilyang kanyang pinagsilbihan at sa kanya’y umalipin sa loob ng 56 na taon – ito ay si Alex Tizon, isang tanyag na manunulat na minsang pinarangalan ng Pulitzer Prize sa Amerika. Sa edad na 12, tinanggap na ni Kusyang ang hamon ng buhay ngunit hindi niya inaakala na ito na ang simula ng kanyang masamang panaginip. Labing walong taong gulang lamang siya nang siya ay ibinigay sa musmos na ina ni Tizon bilang regalo ng kanyang ama, na ngayo’y lolo ni Tizon. Sa pagsang-ayon ni Kusyang sa lolo nito, hindi niya inaakalang ang kasunduan pala ay panghabambuhay, dahil dito na nagsimulang buwagin ng tadhana ang dapat na mapayapang buhay ni Kusyang. Sa paglipat ng pamilya ni Tizon sa Estados Unidos, 21 taon na ang lumipas, ay kanila pa ring isinama si Kusyang na ang bitbit ay mabibigat na bagahe ng pangungulila. Ayon kay Tizon, hindi buong loob ang pagpayag ni Kusyang nang siya’y sumamang manirahan sa Amerika. Ngunit para sa pangakong mas magandang buhay at perang maaring ipadala para sa kanyang pamilya sa Pilipinas ay pumayag din siya. Kaakibat ng pakikipagsapalaran ng pamilya ni Tizon sa Amerika, ay doble ang hirap na dinanas ni Kusyang na pang-aalila. Sa kabila ng pinangakong ginhawa ay hindi kailanman nabigyan ng pera si Kusyang, at ulit-ulit ring ipinagkait sa kanya ang pagkakataong umuwi. Higit pa roon ay wala rin siyang sariling silid, ang tanging umaakay at kumakalinga sa kanya tuwing gabi ay mga tambak na labahin

at pagod na mga daliri mula sa pagtitiklop ng kanilang mga damit. Ang panangga niya naman sa lamig ay ang kanyang mga hikbi na siya ring naging katuwang sa sarili. Ngunit, sa kabila ng hindi magandang pagtrato sa kanya, patuloy pa ring pinagsilbihan at minahal ni Kusyang ang kanilang pamilya. Sa katunayan, sa maraming paraan, mas naging isang magulang si Kusyang sa apat na magkakapatid na Tizon. Gayunman, naging lihim pa rin ng pamilya nila sa Amerika kung sino ba talaga si Kusyang sa buhay nila. Sa bawat araw na walang reklamo siyang nagluluto, naglilinis, at nag-aalaga, hindi nito naranasan makatanggap ng sweldo o kaya naman ay pahinga. Higit pa roon, parati siyang nasisigawan at pinagbubuntunan ng galit nila, kaya’t tunay nga namang walang ibang salita kundi alipin kung mailalarawan ang naging kalagayan niya. Taong 2011 ay pumanaw si Kusyang sa Amerika dahil sa sakit sa puso. Labis na hinagpis ang naramdaman ng bagong pamilyang binuo ni Tizon sa pangyayaring ito. Ngunit taong 2016 lamang napagpasyahan na iuwi ang abo ni Kusyang at ibigay sa kanyang mga kamag-anak sa Mayantoc. Sa pagsasalaysay ni Tizon ng kanyang pag-uwi, kanya raw nasaksihan ang kakaibang uri ng dalamhati–sa paghatid niya sa huling hantungan ni Kusyang, wala raw sa kanilang pamilya ang nag-alinlangang punuin ang paligid ng hikbi. Dahil sa kabila ng mapait na karanasan, walang pinakita si Kusyang na makasariling ambisyon na kumakadena sa halos lahat sa atin, at ang kanyang kahandaan na ibigay ang lahat para sa mga tao sa paligid niya ay tunay ngang nakakuha ng kanilang puso’t damdamin. Naging isa siyang huwarang tao sa isang malawak na pamilya, kahit pa siya ay inalila ng tadhana. Ngunit hindi pa rin sa kanya natatapos ang napapanahong isyu ng pang-aalipin. Sa pampanitikang aklat na ito, isa sa hangarin namin ay maging umpisa ng rebolusyong mapagpalaya para sa mga kagaya niya.


Larawan mula sa The Atlantic


“Hindi pa rin nagsasalita ang matanda, ngunit malinaw ang gusto niyang limusin—ang pagtakas mula sa tila panghabambuhay na pang-aalipin.�


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.