OBRA Ang pampanitikang aklat ng The Work, ang opisyal na pahayagan ng mga estudyante ng Tarlac State University Tarlac City Reserbado ang lahat ng karapatan Š 2018 Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring gamitin o sipiin sa anumang anyo at pamamaraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa mga may akda maliban sa ilang siping gagamitin sa pagrerebyu. Inimprenta ng Majicus Junctra Corporation 1722 President Quirino Avenue, Pandacan, Manila
THE WORK
PABALAT hiyaw, sigaw dalamhati, ngiti ingay, pag-asa pagsikat, paglubog pagkakataon, pagbangon may mga taong hindi kailanman makararamdam alinman
Pabalat ni PAULINE GRACE MANZANO Mga kwento ng kabanata nina JANELLE PAMELA DAVID ANDREA NICOLE SAPNU JEJOMAR CONTAWE
I
sang beses lang sa isang taon nagkakaroon ng pahinga ang mga pagod na katawan at isip ng bawat manggawa sa buong mundo. Isang araw lang nila mararamdaman ang salitang pahinga na kanilang kinakailangan sa kabila ng bawat tagagtak ng pawis na isinusuko nila upang umani ng kanilang buwanang binhi.
Bata pa lamang tayo ay lagi na sa atin sinasabi ng ating mga magulang na kailangan natin mag-aral nang mabuti upang makapagtapos at makahanap ng maayos at disenteng trabaho. Iniisip ko noon na siguro sa oras na magkaroon na ako ng trabaho ay magiging madali at magaan na ang aking pamumuhay. Ngunit ngayon, bilang isang mag-aaral na malapit nang matapos sa kolehiyo at parte ng isang publikasyon na tumatanggap ng mga sidelines sa larangan ng pamamahayag para kumita ng ekstrang pera, masasabi ko na hindi pala ganoon kadali ito. Mauubusan ka ng oras sa bawat bagay na iyong ginagawa at binabalak gawin pa lamang. Siguro, hindi nga totoo ang sinabi ni nanay, na baka lahat pala ng ating naririnig o naiisip ay maaaring hindi ganoon kadaling makuha.
Hindi lahat ng mga manggawa ay nabibigyan ng pantay na karapatan. Karamihan sa kanila ay hindi napapansin sa kanilang bawat hinaing. Marahil, nahahati sa iba’t ibang dibisyon; mga dibisyon na kung saan makikita natin ang pagkakaiba ng kanilang lebel sa kanilang larangan at pati na rin sa kanilang natatanggap na sahod. Inihahandog ngayon ng The Work ang isang OBRA na magpapakita sa kasalukuyang kalagayan ng bawat manggagawa sa kanilang iba’t-ibang trabaho— kung paano sila nabubuhay sa kabila ng pagod, sa kabila ng kanilang iba’t-ibang estado, posisyon at mga hinaing sa ating lipunan. Nawa’y sa pagtatapos ng bawat kabanata ng OBRA na ito ay makita natin ang bawat karapatan na hindi naibibigay at ipinagkakait hindi lang sa ating mga manggagawa kundi pati na rin sa ating paparating na kinabukasan, sa paparating na kabanata ng ating ekonomiya’t bansa.
PAULINE GRACE MANZANO EDITOR IN CHIEF
S
a panghabambuhay na pamamalagi ng isang tao sa mundo, tatlo hanggang limang taon ang gugugulin niya sa pagkabata bago siya isabak sa mababang paaralan. Pagkatapos no’n, anim na taon ang gugugulin niya sa elementarya, anim na taon ulit sa sekondarya (na dati’y apat lang, salamat sa inimplementang K-12), at kung papalarin siyang makatuntong ng kolehiyo ay gugugol ulit siya ng apat na taon upang ituloy ang kanyang pangarap na kurso. (At kung nangangarap siyang maging doktor o abogado ay maglalaan siyang muli ng apat na taon upang makapagtapos.)
Pagkatapos niyang mag-aral ay masasabi nang maari na siyang makahanap ng ‘disenteng’ trabaho. Magsisimula pa lamang ang lakbayin pagkatapos niyang makuha ang inaasam-asam na diploma. Kung papalarin, makapaghahanap siya kaagad ng trabahong naaayon sa kanyang kurso. Isa sa sampung Pilipino na anim hanggang dalawampu’t apat na gulang ay hindi nag-aaral o hindi nakapag-aral. Ayon sa 2017 national survey, 23% lamang ang nakakapagtapos ng kolehiyo. Kung para lamang sa mga nakakuha ng diploma ang opurtunidad upang makahanap ng trabahong bubuhay sa isang pamilya, paano naman ang natitirang 77% na hindi nakapagkolehiyo? Lalo na ang mga hindi nakapag-aral kailanman? Saan sila pwedeng humanay? Saan sila ‘pupulutin’, ika nga nila? Halos isa sa tatlong bahagdan ng buhay ng isang tao ang gugugulin niya sa paghahanap-buhay. Kung minsan ay aabot pa sila nang lampas sa taon ng pagreretiro dahil sa mga pang-araw-araw na hinihingi ng uniberso upang mabuhay,m at may mga piling trabaho lamang ang may abilidad na tustusan ang mga kinakailangan na gastusin. Ngayon taon, ipapakita ng OBRA: MAYO UNO ang iba’t-ibang uri ng manggagawa—propesyunal, manwal, pinangingibabawan ng kababaihan, mga nasa ibayong dagat, at ang pagsiwalat sa iba’t-ibang isyu patungkol sa kanila. Sapagkat hindi lahat ng bayani ay nakipagdigmaan at namatay—bagkus sila ay araw-araw na nakikipagbakbakan at patuloy na sinasagot ang isang tanong: Nabuhay lang ba tayo upang maghanapbuhay?
JANELLE PAMELA DAVID LITERARY EDITOR
K
apag may tiyaga, may nilaga. Isang kasabihang paulit-ulit nang sinasabi ng marami. Ngunit sa kasalakuyang kalagayan ng mga manggagawa sa bansa, tila ba nagiging baluktot ang tunay na esensya nito.
Ang mga Pilipino ang ininuturing na isa sa mga matiyagang tao saan mang panig ng daigdig. Gayunpaman, hindi natin maikukubli na kahit gaano pa man kaganda ang kanilang pagsasakatuparan ng mga gawaing nakaatang sa kanila, karaniwan pa rin ang eksploytasyon at pananamantala. Marami pa ring magsasaka ang pinauulanan ng bala sa mga bungkalan; marami pa ring manggagawa ang kontraktuwal at hindi nakatatanggap ng sapat na kompensasyon.
Ngayon taon, ang The Work ay kaisa sa pagtulak sa lahat na alamin ang karapatan at kalagayan ng mga uring manggagawa. Inihahandog namin ang OBRA: Mayo Uno, koleksyon ng barayti ng mga tula at istorya, mga larawan, at mga dibuho, na siyang magtatala sa kanya-kanya nating kalendaryo na bawat araw na tayo ay nagsisilbi at pinagsisilbihan, marapat na tayo ay laging nakatindig para ugatin ang lahat ng nakaambang suliranin. Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng peryodismo, isusulong natin ang pagkakabuklod-buklod ng bawat isa sa kabila ng pagkakaiba sa antas ng pamumuhay. Mabuhay ang lahat ng bumubuo sa lakas-paggawa ng bansa!
KENNETH LEO PAMLAS GRAPHICS EDITOR
A
raw-araw, ang ating mga buto’t kalamnan ay napapagod sa buong araw na trabaho. Paminsan-minsa’y dadalawin tayo ng antok sa haba ng biyahe pauwi o hindi kaya nama’y dahil sa mala-siklo at paulitulit na gawain. Pagkagat ng dilim, hahagilapin ng ating katawan ang lambot ng kama na ang salat ay nanghahalina sa asam na pahinga. Darating muli ang araw at muli na namang sasabak sa araw-araw na pakikidigma.
Bawat isa ay may nakatakdang gawain sa lipunang ito—may mga nasa opisina, ang iba’y nasa kanayunan o ‘di kaya ay nasa bukirin, ang ilan ay nasa mga karagatan, at ang iba pa’y nasa kabilang lupalop ng daigdig. Ngunit bawat isa ay humaharap sa sari-sariling krisis. Iba’t-ibang gawain, pare-pareho lamang na suliranin.
Ito ay mahalagang panahon na ang pambansang pamahalaan ay dapat magplano at magbigay ng mga trabaho na sasagutin ang tawag ng bansa na isinasaalangalang ang mga pangangailangan ng mga Pilipino sa aspetong ekonomiya, sosyal, at maging moral. Sa pamamagitan nito, ang layunin na maging katulad ng mga kalapit na bansa ay maisasakatuparan. Ang pagpaplano at pagbibigay para sa pagpapabuti ng mga buhay ay hindi dapat na isantabi ngunit dapat bigyanghalaga. Sa pagdiriwang ng The Work ng ika-70 nitong anibersaryo, isang hamon na paingayin ang pakikibaka at paglaban ng mga manggagawa para sa kanilang karapatan. Inihahandog ang OBRA: Mayo Uno para sa lahat ng sektor ng lipunan na karapat-dapat na marinig at maunawaan. Uring manggagawa, hukbong mapagpalaya!
DR. GLADIE NATHERINE CABANIZAS ADVISER
OBRA 2018:
MAYO UNO IKALAWANG KABANATA UNANG KABANATA
1
34
IKATLONG KABANATA
81
TALAAN NG MGA NILALAMAN
IKAAPAT NA KABANATA
115
IKALIMANG KABANATA
141
UNANG KABANATA
B
ago tuluyang maganap ang isang pangyayari, mayroon munang mga senyales bago ito tuluyang magsimula. Katulad ng pagdating ng malakas na ulan, unti-unti munang didilim ang kalangitan, lalamig ang simoy ng hangin at mararamdaman ang pagbabadya ng padating na delubyo. Mag-uumpisa ang ulan sa ambon.
Madaling araw pa lamang ay naamoy na namin ang nanunuot na alimuom. Naghihintay na kaming lahat sa pagbuhos ng malakas na ulan ngunit ilang oras nang binabalot ang paligid ng mala-damo at lupang amoy kasama ang hamog na nagpapahirap sa pagkilatis sa paligid. Sabi ni nanay, mas mataas raw ang tiyansa na makapagdulot ng lagnat kapag naambunan kaysa naulanan. Hindi naman ako naniniwala sa kanya kasi bakit ka naman lalagnatin sa ganoong klaseng pagpatak na ang tanging nababasa lamang ay ang mga damuhan? Hindi ko lang mapatunayan ang kanyang punto dahil hindi kami makalabas nang dahil sa nakakasakit ng tiyan na amoy ng alimuom. Nang dahil sa paghihintay sa buhos ng ulan ay hindi na rin nakapasok sa trabaho si tatay. Isa siyang magtutubo sa isang asyenda malapit sa may gitnang parte ng bayan. Si nanay naman ay minsan ding nagtatrabaho doon sa may pabrika na nagpoproseso sa mga tubo na maging asukal, suka, lambanog at kung anu-ano pa. Simula’t sapul ay ganito na ang pinagkakaabalahan nilang dalawa at ito na ang bumubuhay sa aming tatlo. Payak lang ang aming pamumuhay dahil sa manwal na trabaho ng aking mga magulang at hindi na namin kailangan ang karangyaan sa buhay. Ang mahalaga, sabi ni tatay, ay buo at masaya kaming nakakaraos sa pang-araw-araw. Dapat nga raw ay kainggitan kami ng mga mayayaman, aniya. Sila raw, bagkus mayayaman, ay may kalakip na sakripisyo ang kanilang pamumuhay. Ang iba raw na mukmok sa trabaho ay hindi na nakakapiling ang mga anak o nauubos na ang oras sa opisina nang dahil sa kanilang kabi-kabilang bayarin; samantalang kami, tubig sa poso at ilaw ng lampara lang ay sapat na. Kailangan din daw nilang bilhin ang kanilang pagkain sa araw-araw samantalang kami ay pipitas lamang sa bakuran. Sa palagay ko, ayaw ko na lang maging mayaman. Ang komplikado. Bakit kaya iyon pinapangarap ng lahat? Nasa loob lang kaming tatlo ng bahay kubo. Ganito lang ang pang-araw-araw na senaryo at sapat na sa akin ang makasama silang dalawa hanggang sa pagtanda. Walang tigil ang pag-ambon noong araw na iyon. > ITULOY SA PAHINA 34
1 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas O B R A : M AY O U N O | 2
Migrants Eugene Quiazon
I traveled to the ends of Universe with one-way ticket; to seek, wish and try, that nowhere somewhere, there is life. As I move atop, I saw a blanket of stars covering my race, trying to inspire their dying passion, but no light shined in their eyes. Would there be love, joy, and purity on the part of this blankness? Can there be more to lose? “Flight CAROLINA 234 now landing.” It’s priceless to see the nothingness, yet it breaks me to remember how the world send people, like me, and animals, to look for another earth, just because theirs is dying now. “This is Joe, reporting to NASA. Positive, there is soil, low oxygen level; but no water seen.” I pressed the stop button, to start the end of my life.
3 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Pauline Grace B. Manzano
O B R A : M AY O U N O | 4
Graphics by Gabriel Jann Inocencio 5 | O B R A : M AY O U N O
A doctor’s plea Jejomar B. Contawe
my dear patients, I am also ill I may send you a smile or a frown if you didn’t drink your medicines but I also am suffering. my dear patients, I am also ill my wife and I are divorced she went away with a man who can give time for her. my dear patients, I am also ill my daughter yelled at me last night for making my clinic my home and our home my clinic I rarely visit. my dear patients, I am also ill please, let me recuperate—overdose me with tablets of your patience and capsules of your understanding
O B R A : M AY O U N O | 6
Reporter’s Notebook Albritch Adam A. Labiano
Where do we go now? After all, I’m not used to being idle in a place I used to live. I run into places, day after day, I take myself into an in-depth cause--beyond what others can see. I call the places I immersed with-my home. That everything I see should also be seen by people---the heard and the unheard, As the weight lies on every report, the responsibility lies on the fair reports. Weighed with researches and testaments of those involved. I leak words, information over the vast lands to shake the thrones, to wake those asleep, even if they don’t want to be on the side of the truth. We defend the truth, and those missed callings. It is always the people behind the stories that we behold. Even if our lives lies on a piece of report, we will go--it is always a bias that we deliver you uncovered scene over our petty lives.
7 | O B R A : M AY O U N O
MULAT Larawan ni Isaih Kyle Umipig
O B R A : M AY O U N O | 8
My First Time with the Dentist Mary Klaudine L. Paz
when i was little, i told my mom that my teeth hurt. she dressed me up with a white floral top, and a pink colored skirt. she checked her purse and blew a sigh and asked me to behave. she wiped a tear from her eye and told me i’ll be okay. when i was little, my momma brought me to the man in a white long coat. he shut her out closed the door, and glide his gloved fingers against my throat. when i was little it wasn’t a needle that touched my arm when he raised my sleeves. it wasn’t a mirror that probed my mouth when i was wishing for the pain to leave. when i was little, i told my mom that my teeth no longer hurt. yet the pain moved along to my blood-stained skirt.
9 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann Inocencio O B R A : M AY O U N O | 10
Graphics by Gabriel Jann Inocencio
11 | O B R A : M AY O U N O
Tide
Janelle Pamela R. David
Unang araw ko sa opisina. Syempre, plantsado ang aking uniporme at plakadong-plakado ang aking kilay. Dapat lang, aba eh, iba’t-ibang uri ng propesyonal ang aking makakasalamuha ngayon. Walanghiya, dapat pala hindi muna ako pumasok dahil nangitim ang suot kong puting uniporme. Bigla tuloy pumasok sa utak ko ‘yung boses ng isang lalaki sa telebisyon. Gulat ka ‘no? Magpapalit na talaga ako ng sabong panlaba mamaya.
O B R A : M AY O U N O | 12
Maestra Isaih Kyle C. Umipig
alas cuatro bubukas na ang mga durungawan magkapanabay sa pag-ugoy ng alikabok mula sa klasrum na kahapo’y nilisan alas cinco lalakbayin ang kahabaan ng kalsadang minsang dinuraan. habang sinasalat ang pitakang ‘di pera ang laman, dadalawin ang isip ng estudyanteng muli na namang sa klase ay lumiban. alas sais. alas siyete. alas otso hanggang alas dose. ulit-ulit na babanggitin, ulit-ulit na sasabihing “paghusayan niyo ang pag-aaral sapagkat edukasyon ang susi sa pag-ahon sa kahirapan.” pagkatapos ng pananghalia’y muli na namang babaybay, bibigkas, bibilang, at alas cuatro’y tila bibigay. alas sais tatahakin ang madilim na daan ang tanging ilaw ay mula sa liwanag ng buwan. pagdating ng tahanan, pamilya’y hahagkan. pagkatapos ng hapunan, babalik sa kanyang talakdaan. *Para sa lahat ng guro sa bansa, hindi kayo bayani para lamang sa hindi hamak na kompensasyon.
13 | O B R A : M AY O U N O
KUWENTONG SILID Larawan ni Nica Joy Calma
Recitation Jerico T. Manalo
Prente akong nakaupo sa may likuran ng classroom namin habang nakangiting nakikinig ng kanta ni Moira dela Torre na Tagpuan. Maya-maya... At tumigil ang mundo, no’ng ako’y ituro mo.
O B R A : M AY O U N O | 14
An Accountant’s Confession Jobert P. Collado
The secrets I would tell if I could, the versions of me Hidden behind the void door in my mind That I keep sealed shut. You know how that is, The things you cannot bear to know about yourself? How being with your friends can be so delightful And lonely at the same time, I feel The sharp knob of guilt leaving them behind, saying I got to go, and spend the night alone. If I could read you a thousand songs, I’d sing them merrily Like sun I could not lower my gaze from. I admit I liked the warmth of them—tongues in the dark of my ears Masking my desire, read me a song, too, for my father had died along with his dreams. Again the summer fires swallow forests of homes I’ve forged I could no longer picture myself more than a space, waiting to be filled By anyone who come by. Paint me with your ecstasy, I’ll give you more. For I know this heaven will pass away and the one above it will pass away. Touted as one of the best, I cannot be at rest. Feeding them lies as I would to myself, I cried. I’ve broken myself to conform to your norm. Locked the boy who loved another, I begged my mother: Let me be weak for a while. If I behave as though this is a completely normal situation, then maybe it will be. My dexterity of playing with life is trivial. To be human is to be imperfect, So the soul is always trying to escape. The face of fear was a human face, A deep organic surprise. No one could take me now. I resemble the dead: ever Present and beyond anyone’s grasp. As Faustus said, I’d rather be a raindrop returned to the sea than a soul in hell. * 1st Place, Poetry , LATHALA VII
15 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
O B R A : M AY O U N O | 16
Pagbabalik-Tanaw Andrea S. Espinosa
Itinapak ko ang mga paa sa landas na patungo sa ipinangakong bukas— suot ang plantsadong Amerikana, ang makintab kong de-balat. calling card na may titulo ng dangal. Ako raw ay maswerte sa buhay: kumakain nang tatlong beses sa isang araw, may bubong ang tahanan, sumasahod nang sapat sa paupo-upo lamang, at may diploma pang nakakuwadrado sa pader. Ngunit sa pinagmulan bago pa man magsimula ang bukas ay ‘di nila alam na busbos ang aking kasuotan, ang paa’y nanggigitata sa kawalan ng saplot, ang pangarap ay ‘di maabot-abot. At dito ko natukoy na ang pangarap ay isa lamang tarangkahan ng kinabukasan.
Graphics by Edilbert O. Alicante II 17 | O B R A : M AY O U N O
Your Honor Isaih Kyle C. Umipig
i will only say yes to cases i know i more likely to win
O B R A : M AY O U N O | 18
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
19 | O B R A : M AY O U N O
The Unsent Letter to the God of War Andrea Nicole B. Sapnu This is for the homes we blundered for your sake they will never heal. This is for the hopes Of the children we impaired – and the dreams we killed. This is for the wars fought in glory of your name – we finally yield.
O B R A : M AY O U N O | 20
Travel Buddies Jejomar B. Contawe
The guy decked in a gray sweatshirt hailed the bus and immediately hopped aboard. He took the nearest seat and reclined, with his luggage impregnated with stuff that as if he was uprooting to somewhere and live there for good. The guy was fumbling for his wallet in his maroon pants pocket, and he started panicking when he didn’t locate it there. He looked for his army-green duffel bag–it was not there either. He eyed his humongous luggage for several seconds, but hesitated to zip it open, as though certain with the thought that he was holding his wallet earlier. But where was it? “I’m sorry, sir. But I think I forgot my wallet. I’d just go. I’m sorry,” the guy said in a baritone, frustrated to himself, but maintaining his cool. “But you’re ticketed already, sir,” Leo, the white-collared fare collector, retorted. The guy made no response; he didn’t know what to do, or what to say. He was going to Baguio, and yet he was stupid enough to have left his wallet at home. “What about, Ride Now, Pay Later? Is that fine, sir? That’s fine for me, as you seem to be so much in a hurry,” Leo offered. “I’m not. But would that be fine? I mean, before arriving at Baguio, I’d be sure to have someone texted and be there to pay for me. A friend from there. I’d pay, I promise,” The guy said, his voice almost desperate. “If you didn’t, just for the record, my bro’s a cop. Don’t say you’re not warned,” Leo said, with his Sensodyne smile implying he was just kidding. The bus failed to amass passengers since the guy arrived. There were only five inside, and this bored Leo big time. He then sat beside the guy who finally introduced himself Theo, talked and even laughed with him. “I used to love going at the carnival. I love riding the Horror Train. Seeing scared people never failed to make me laugh,” Leo confided. “Shame. A horror train that makes someone happy is ridiculously ironic.” “It is,” Leo agreed. “I hated the carousel though. I was seven then, but I hated the goddamned horses. The ride was boring, that’s all.” “I don’t second that! Not at all,” Theo blurted, but Leo’s laughing now. Passengers inside the bus dwindled to three, and Theo was still there. The conversations of the two hardly ever stopped, nor did they run out of topics to talk about. From carnivals to cannibals, Justice League to Wrong Turn, Vladimir Putin to Ricardo Dalisay. How could two persons click just like that? Before the bus crashed into a delivery truck, someone in charge of the steering wheel witnessed a friendship that had transpired in less than three hours. Unfortunately, it was also a friendship that ended all too soon.
21 | O B R A : M AY O U N O
UNUSUAL SILENCE Photo by Isaih Kyle Umipig
O B R A : M AY O U N O | 22
The Writer Lorenz Christian M. Veloria
God would write a chapter every day as intricate as the previous and sometimes more riveting than the last; a routine He perfected from the myriad of drafts He never finished but kept with such fondness in His old bureau. He surely wrote fast that the day seemed too long. After a sitting, He would, as always, leisurely reread from the beginning–a habit He never dropped and only God knows why. God had this eccentricity in Him. He was renowned for His writings for He was blessed with a genius for language and literature. He even finished novels in his drafts, but never did He take pride in His works. A child once sneaked in His room to steal something of value but grabbed a draft instead. The child ran his fingers across the papers as he found an immediate love for the written words and he decided to take it, however, God caught him and admonished him as any dear parent. The child begged God to let him have what was returned but He read him the first chapter instead. The child was overjoyed and was hoping for the next chapter. God reckoned the next was too rough for a child to comprehend so He skipped the next chapter, and another, and made it to the fourth. Yet, he continued to flip the pages until he deemed the newly written chapter fine. The child did not understand, but he was elated and at the same time, unsatisfied. God patted his head and told him that He does not fancy telling His stories for such imaginations do not deserve anyone’s time–His time only, God thought to Himself. God was a very meticulous writer. He made the characters more than a fiction. A Dickens in one of His drafts suffered worse plights than His protagonist. Dickens experienced the debt prison while His protagonist was a king in a tale of two cities. One time, an intimate friend visited him to see what He was writing on. One could see the awe in her eyes after knowing such thing. Even ants have a government. He created a universal language for fowls. He revised the four hundred chapters of his first draft in a sitting. God successfully wrote a chapter wherein He was a character, often a protagonist, but He was guilty of penchant for being an antagonist. These being said, God
23 | O B R A : M AY O U N O
must be intimidating to His kin. However, as anyone of such fame, there were misconceptions on Him. God was never all bleakness and intricacies like His stories. God had a privy corner in His mind that was for mundane matters and moments. God had essays, rich in philosophical contents. He wrote poetry when He couldn’t sleep. He skipped a page last year for He forgot what to write. God couldn’t leave His room because He pondered on His works too much. God was in wanting of a walk. Yet God was tired of the same stretch day after day. There were arguments why God never published a story. He would finish a length of two chapters for an introduction was one. When he showed his first draft to a publisher nearby, He was told that all His characters were too sublime. God contemplated the remark every night since then. He wondered if stories should end if He could think of continuations for the other characters. God just loved writing a novel for a writer in His drafts. God was waiting for an inspiration. His fellow writers were struggling writing a second book. Perhaps, God just had this eccentricity in Him. And today, He sat to write again. But when He was not even halfway–for a writer can feel the length of his work before it completely manifests–God paused. He dropped His quill. And reverently, He let sentiments consume His chest. He took His unfinished drafts from the drawers and waited for a moment. And an hour. Until He was certain what he was looking for. God saw His first draft. He surmised that He revised it for eighty-seven times from its dog-eared pages. He recalled Holmes was written in there. God was certain, either Holmes or Doyle would praise Him, and Watson would be in awe again. He laughed to Himself and tried to remember the first word of the draft, but he could not. There the laughter dissolved. And He wondered almost forever. Perhaps a Desmond Doss, a creation of God, would relate to God for trying until satisfaction. Now, He remembered the war He created in His first draft. He must have misplaced it somewhere. He must be searching for a soldier that He wanted to live. However, God caught Himself asking again. He did not know what he was searching for, so he hummed, whistled, and sang. It’s a shame God did not have a guitar. God sounded like a folk singer whom He gave two posthumous Grammys, which He invented for the recording industry. No one heard Him do a falsetto before, but no one would dare ask Him to do so. After all, He was considered a great writer only by most. God heaved a sigh. He was wasting time, He thought. He grabbed the first draft, flipped to the last page and examined the last word where he left off. God had a puzzled expression in His face. The word was smudged. He could not guess the word, but there was a tittle in it. He scratched His head in frustration. Now, he regretted that He dismissed the urge to write it in braille when He was writing about Louis. And it was strange how this chapter was about a blind woman triumphing over her disadvantages. Again, God dismissed the thoughts and drank water. Water always helps when one is confused. Maybe that’s why God created a deluge in Noah’s chapter. Even He could be confused sometimes. There was a knock on the door. Three knocks with varied strength and urgency. God did not reply. The person knocked again. Three times with the same purpose. And again, He did not reply. The person knocked again–calmer than the last. God answered and let the person in. A young man, not too young yet not too old to be a martyr to any sort of passion relating to love. The young man asked God to read him a story, but He refused. The young man begged God to read him a story, but He refused. The young man told God a story, and He listened. When the young man began, God saw glints in his eyes. He never had those light in His eyes, He realized. The young man recited the tale of a child who was said to be the first of the world. God knew the ending of the story, but He let the him proceed and finish. The young man cried after his recital and he thanked God. God did not reply, but He patted his head. However, for a moment, the young man could swear, God bade him goodnight.
O B R A : M AY O U N O | 24
The young man left and again He was alone in His room in front of his old bureau with a different feeling in His possession, but there’s more calmness than earlier. These drafts He admitted never made Him glad, but His penchant for them resembled a mother’s love for her child. He could not fathom these simple matters, they were too eccentric for Him. God never felt this emptiness before, so he sat in front of the bureau, did nothing and suddenly remembered that one of His characters wrote about, or He wrote about rather, the joy of being sad. This must be a valid reason why His eyes were now brimming with tears. His tears drenched the unfinished drafts on His bureau, but He did not care. God was exhausted. He never cried before, therefore, no one could only imagine what kind of feeling God experienced. The next day, He woke up in his seat. God recognized the stiffness on his skin. His face and hands were smeared with dried ink. He was annoyed and let it go as he washed them off. After cleaning Himself, God examined the top of His bureau and beheld the pages of His drafts in disarray. The writings became illegible, but He was not upset. God had the stories in His mind. He could rewrite them. But the first draft was an exception. He started to look for it then, carefully. He feared the worst and that would be the destruction of the first draft. Of all the drafts, it was God’s favorite. He used several languages in it, wrote a long history for several countries, added a planet in the solar system of the fiction, and He would always grin at the thought that He could never taste the viands and beverages which were in the chapters of the draft. It was the only draft which He sent to a friend. A day later, His friend resigned from his job. He felt so guilty. He did not know that he was inspired by His draft and focused completely on writing his own novel until he decided to settle for short stories because long stories were too much for him. The first draft was not perfect. It was dark in every sense. What He wrote there was His frustrations in His younger years. God’s philosophy was different back then. The first draft was written by His other self, He would always tell Himself, and a part of Him, even though dark, was so dear to Him. God was joyful when He found the first draft unharmed underneath the pages of other drafts. He held it firmly however gentle, and placed it inside a drawer as He cleaned the mess that happened to His room. He had in His hand a chapter of a plague, He guessed, for there were surviving words such as fear, death, and fever. Another was a tale of two brothers who wrote tales, He was sure of it; the top of the page read: Grimm. This one had the smudged sketches of the universe–God drew them for several nights, he was not good at drawing, but he fancied origami for a long time now. He also wrote a chapter in which He was a character and in there, God built His home, suffered during His life and settled for a beggar’s life, and He was a she–that part was the pages on His feet. One could almost hear a Jesus Christ! from the look on his face when He saw the pages that He was stepping on. It was only prevented by a knock on the door. Three times. God replied at the second time. The person came in. The young man asked God to tell him a story. God looked at the glints in his eyes. It was not there this time. God began. He started with the words Imagine a space, bleak and wide. The young closed his eyes, and so did God. He continued with Colors do, except darkness, hide. The young man sobbed as he listened to God because there was a subtle sadness in His words that was evident in His eyes. God knew what would happen in the end of the story. He wrote it after all. And when He opened His eyes as He
25 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
finished the story, His face was tear-stained. The pages were still in disarray. The drawer was open. The young man was gone and so was the first draft that God loved. And from that moment, he came to realize what was missing in His story, in the first draft. But He told this to no one. And if one would know, he would be the young man, and if not, one thing is certain, only He knows. What was told and what was known that time was how God burned the pages one by one that resulted a fire. They said He burned them in His room, that He was engulfed by the fire with all things He had the fondness for including His imaginations, which He clung to as he cried with joy of being sad until the ashes were the only detritus of Himself and the pages of his unfinished drafts. People say the first draft was published somewhere. If it is true, the young man must be rich and famous now. * 1st Place, Short Story, LATHALA VII O B R A : M AY O U N O | 26
Sa may Recto Janelle Pamela R. David
“Pre, kumusta? Balita ko, doktor na ‘yung panganay mong anak mo ah?” “Aba pre, oo naman, hehe. ‘Yung pangalawa ko abogado na. ‘Yung bunso ko, ayun, may diploma na galing ibang bansa.” “Aba pre, bigatin ka ah! Saan ka ba nagtatrabaho? At napagtapos mo silang lahat?”
27 | O B R A : M AY O U N O
FINDING WAYS Photo by Isaih Kyle Umipig O B R A : M AY O U N O | 28
Graphics by Edibert O. Alicante II
29 | O B R A : M AY O U N O
Xerox
Jerico T. Manalo
They gave their time Exerted a lot of effort Extracted their minds Fought against sleepless nights And unavoidable writer’s block Just to produce a book With overload information That will truly help you And your future Yet in one simple action You trespassed and stole Their intellectual property.
O B R A : M AY O U N O | 30
UP AND UP Photo by John Dave Benedict C. Isidro
31 | O B R A : M AY O U N O
O B R A : M AY O U N O | 32
IKALAWANG KABANATA
S
abi nga nila ay hindi nagkakamali ang mga Nanay. Tama nga sila. Sabay kaming nilagnat noong araw na iyon. Hindi raw normal sa aming bayan ang ganoong uri ng panahon. Masama raw itong pangitain kaya doble-kayod rin sina tatay sa asyenda. Hindi ligtas ang pabrika at tubuhan sa sari-saring paniniwala. Bagaman ito’y isang probinsyang bayan ay talamak ang mga ritwal at paniniwala.
Hinding-hindi kami mapaghiwalay ni nanay. Kahit saan siya magpunta ay parati akong naroon. Ang kanyang kinakain ay kinakain ko rin, ang kanyang iniinom, ang kanyang paghinga ay paghinga ko rin. Sabay rin kami kung matulog at magising. Sanggangdikit, sabi ni tatay. Kung anong ginagawa niya ay inuusisa ko rin kaya’t sumasama ako parati sa istasyon nila sa pabrika. Nakatoka siya sa parte ng pag-aayos ng mga nabalot nang mga asukal at inaayos ang mga ito at ikinakahon. Patuloy pa rin ang hindi maaliwas na lagay ng panahon. At tila paparating na ang nagbabadyang ulan. Hindi yata sanay si nanay sa ganitong klaseng panahon. Paano ba naman, parati siyang nahihilo o naduduwal tuwing umaga. Minsan ay nagiging mainitin ang kanyang ulo kay tatay. Binabawian naman ito ni tatay ng pasalubong na sampalok na madalas gusto naming kainin ni nanay. Habang nag-aayos siya ng mga asukal ay bigla siyang nakaramdam ng hilo at dali-dali kaming tumakbo sa pinakamalapit na palikuran at hindi pigilan ang kanyang pagduwal. Pagkatapos ng ilang sandali ay nahimasmasan siya at napaisip kung mayroon ba siyang sakit ngunit napapadalas na ang mabigat na pakiramdam. Naabutan kami sa palikuran ng kaibigan niya sa trabaho. Pagkatapos naming magpahinga nang saglit kasama ang mga katrabaho ni nanay na nagpahintulot sa kanya na bumalik pa sa kanyang istasyon ay hinaplos niya ako at niyaya nang umuwi. Inalalayan nila kami hanggang malapit sa may sakayan. Naunang umuwi si tatay sa amin sapagkat maaga nilang naabot ang kota ngayong araw. Apektado rin ang pag-aani sapagkat ilang araw na ngang mahiyain ang araw at nagtatago sa likod ng mga ulap. Nagluto siya ng talbos na paborito namin ni nanay na aming pagsasaluhan sa kinagabihan. Inabutan namin siyang nag-aayos ng hapagkainan. Sinalubong niya kami ng matamis na ngiti nang makita na niya kami. Lumapit kami kaagad ni nanay sa kanya. “Ayos ka lang ba, Amelia?” may pag-aalalang tanong ni tatay sa kanya. “Halika, umupo ka rito sa tabi ko,” mahinahon na sagot ni nanay. Walang prente siyang sinunod ni tatay. Pati ako ay natakot. Iniisip ko, wala namang masamang nangyari sa amin sa maghapon maliban sa kanyang pagsusuka. Hindi naman mahina ang boses ni nanay kapag nagsasalita, ngunit tila pabulong ang kanyang pakikipag-usap kay tatay na parang kahit sa akin ay ayaw niyang ipaalam. “Buntis ako, Celso.” At biglang bumuhos ang mahinang ulan.
33 | O B R A : M AY O U N O
> ITULOY SA PAHINA 81
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas O B R A : M AY O U N O | 34
Blow job Jejomar B. Contawe
isusubo sa bunganga ang instrumentong magkakakatas ng ilan-daang piso mula sa maghapong pagbabanat ng butó. maliit man ang tingin ng mga tao sa pagkatao mong araw-araw subo’t subo ang instrumentong ayaw lubayan ng bunganga mo. para sa akin, isa ka pa ring bayaning maituturing dahil sa instrumentong lagi’t lagi mong subo, matiwasay at maayos ang daloy ng trapiko.
35 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas O B R A : M AY O U N O | 36
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
37 | O B R A : M AY O U N O
Extra Service Eugene Quiazon
Seven more minutes before midnight. Inner self darting back and forth, I served you our best seller: extra service My breaths were ragged as my shirt—over-used by a 380 paid service With a cold tray on hand, my trembling toes traced your place Thoughts euphoric and wild, I gambled for uncertainty I know, like the sky above, confused of night or day I’m torn between lust and love, you and her Can I take your order now, temptress? Thirsty, dying of love and affection You said you need someone, So empty me with you. two more minutes Someone new came, taking me off scene, Choose me, he said, begging as I am, But You, as weak as I am, obeyed Now drop your words: Waiter, or bouncer?
O B R A : M AY O U N O | 38
39 | O B R A : M AY O U N O
ABOT-KAMAY Larawan ni Isaih Kyle Umipig
O B R A : M AY O U N O | 40
Graphics by Pauline Grace B. Manzano
41 | O B R A : M AY O U N O
Cassette Player Pauline Grace B. Manzano
Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di man lang makaupo Di man lang makatayo Pinapatugtog na naman ni Nanay ang kanyang paboritong kanta sa kanyang cassette player. Habang si Tatay, ay babad na naman sa ilalim ng tirik na araw para matapos lamang ang kanyang ginagawa sa bukid. Pinagmamasdan ko ang bawat tao sa bukid habang nagpapahinga ako sa aming silong. Sa dalawang dekada ko nang nabubuhay sa mundong ito, minsan nang sumagi sa aking isipan na makaalis sa lugar na ito; makapunta sa lugar na kung tawagin nila’y ‘Maynila’ upang makipagsapalaran at makatulong sa pamilya. Ngunit lahat ng iyon ay tanging pangarap lang. Hindi kasi ako pinapayagan ni Tatay na lumuwas dahil hindi naman daw ako sanay sa buhay doon. Mas mainam pa raw na manatili ako sa bukid at tumulong sa kanila. Hindi na ako nagpumilit pa dahil alam ko naman kung gaano kamahal nila Nanay at Tatay ang lupaing ito. Dito nila ako binuhay at ito na rin ang kanilang naging buhay. Sa kabila ng konting kita na kanilang nakukuha sa pag-aani dahil ang iba’y nakalaan na sa kanilang mga pinagkakautangan, nananatili pa rin silang kuntento at masaya. Katulad din namin ang iba pang magsasaka na kasa-kasama nina Tatay sa pagtatrabaho. Minahal na nila hindi lang ang kanilang trabaho at pati na rin ang lupaing ito. Nguni tang tanging tinik na lamang sa aming buhay ang karakter ni Don Luis, ang nagmamay-ari ng aming lupang sakahan. Isa si Don Luis sa pinagkakautangan nila Nanay at ng kanyang iba pang kasamahan. Naging madalas ang pagpunta ni Don Luis sa amin at sa aming mga kapitbahay dahil sa kanyang paniningil. Binantaan niya kami na sa oras na hindi kami makapagbayad, ay tuluyan na naming lilisanin ang aming mga tirahan. Kita ko sa mga mata ni Nanay at Tatay ang pagiging problemado sa puntong iyon. Ngunit wala kaming magawa dahil hindi naman sa lahat ng oras ay sagana ang aming ani. Kaya mas minabuti ng kanilang bumuo ng kooperatiba upang makapagplano at maisa-ayos ang nagiging problema sa lupain. Braso ko’y namamanhid Baywang ko’y nangangawit. Binti ko’y namimitig Sa pagkababad sa tubig.
O B R A : M AY O U N O | 42
Nagpursigi kami nila Tatay na paghusayin pa ang aming pagtatanim. Kung kailangang magtipid at hindi gumamit ng makina sa pagaararo ng lupa, hindi kami gagamit. Tumanggap na rin si Nanay ng mga labada sa bayan pandagdag sa aming kinikita. Sa kagustuhan naming huwag mawala ang lupain sa amin, halos makalimutan na rin naming magpahinga. Sa mga oras na iyon, hindi ko na iniisip ang pangarap kong makapagtapos, tanging kagustuhan ko na lamang ay matapos at mabayaran naming ang malaking pagkakautang naming kay Don Luis. Isang araw na naman ang lumipas. Pagod na pagod kami ni Tatay sa pagtatanim sa bukid. Sa sobrang sakit nang aking mga braso, baywang at binti, dali-dali na akong bumalik sa aming bahay upang magpahinga na. Ako’y naalimpungatan nang bigla akong makarinig ng mga boses na pawang nagtatalo sa labas ng aming bakuran. Ngunit dahil sa aking iniindang sakit ng katawan, mas pinili ko na lang humiga at magpahinga na lamang. Muli akong naalimpungatan nang matanaw ko si Nanay at Tatay na nag-uusap sa kusina mula sa aming kwarto. Tila bang may pinagdidiskusyunan sila ngunit mas pinili ko na lang pumikit muli at ituloy ang aking pagtulog. Siguro ay ganoon na lang ako talaga napagod sa maghapon. Tila ba napakahaba ng naging araw ko ngayon. Kinabukasan, gumising ako na tahimik ang paligid. Wala yata akong kasama sa aming bahay. Inisip ko baka nauna na si Nanay at Tatay sa bukid kaya sa kabila ng sakit na aking dinaramdam, pinili ko nang bumangon. Hindi ko mahanap sina Nanay. Naglakad-lakad ako sa kabukiran hanggang mapadpad ako sa dulo nito. Hindi ko pa rin sila mahanap. Nasaan na kaya sila? Bakit nawawala pati na rin ang mga kasamahan namin? Patuloy pa rin akong naghanap ngunit wala pa rin akong makitang bakas nina Nanay at Tatay. Naisip ko nang bumalik muli sa aming bahay nang bigla kong naapakan ang isang bagay – ang cassette player ni Nanay sa putikan. Sa umaga, paggising Ang lahat, iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain. May bangkay na aanihin.
43 | O B R A : M AY O U N O
O B R A : M AY O U N O | 44
Extra Curricular Andrea Nicole B. Sapnu
“Bro, ikit mune ing grade mo?” “Wa bro, pasadu ku, ika?” “Bagsak naku na naman bro, mipapasa naku man kareng exam tamu, ot ika halos eka man lulub mipasa ka?” “Ika naman! Eme kakanyanan ing grade ku bro! Emu balu pagpagalan ke yan! Magklasi kami kayang ma’am karela! Kayari mi pin pane nang sasabyan kaku kagaling kung mayap! Uyta, dininan nakung 1.25.”
45 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Nikkie Joy T. Pacifico
O B R A : M AY O U N O | 46
BAY-WORK Photo by Isaih Kyle Umipig
47 | O B R A : M AY O U N O
Kayod Marino Albritch Adam A. Labiano
Lunod na ang lupa ng pawis sa arawang pakikipagbuno sa init na dala ng araw na tumutuyo sa lalamunang pinapawi na lamang ng tubig posong puspos sa burak ng siyudad, nagtitiis na lamang ang katawan sa binibigay na enerhiya ng kaning ipinares sa isang lata ng sardinas na itatabi hanggang sa hapunan. Tuyo at bitak na ang mga kamay sa araw-araw na pagkayod, pagbabanat ng kasukasuang nagpipigil sa pagbigay, pagbagsak dahil nakadantay sa likuran ang mga inakay na unti-unti pa lamang natututong pumapagaspas ang mga pangarap; tinatahak
ang mga riles sa likod bahay na bumubulabog sa pag-idlip wari’y nagpaparinig na walang oras sa umaga na kailangang upusin sa hilata’t hayahay. Nanlilimahid ang katawan sa pawis na humahalo sa alikabok sa kinalalagyan, ni hindi natatapos ang gawain at sa paghuni na lamang inililihis ang pagkayamot sa trabahong daig pa ang kayod-kalabaw, marahil iginuhit na sa mga bitak na mga palad ang tadhana’t handa na ring yakapin; nangangapa sa pag-asa’t nananalangin na isang araw makakaalpas rin ang mga inakay at aakayin palayo, palusong sa kaunlarang dumadaluyong.
O B R A : M AY O U N O | 48
Sinful Mouth Isaih Kyle C. Umipig
“Boss, what are the benefits that we can get from your company?” the new employee asked. “You do not have to worry. We got it all for you.” While the new employee is on her way outside, the boss smiled slyly and began to whisper to himself. “…except regularization.”
49 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
O B R A : M AY O U N O | 50
Make-up Artist Creisha Mae S. Dimabayao
Marahan kong inabot Iyong pitakang puno ng abubot Sabay kinuha, Koloreteng iba-iba. Ipinaubaya niya na sa akin Ang pagpili ng kung alin, Sa mga kulay ang ilalagay Sa kanyang mga matang mapupungay. Tunay ngang siya’y napakaganda Maamo niyang mukha’y nakahahalina. Matapos ang trenta minutos, Paglagay ng kolorete’y natapos. At unti-unti na siyang hinimlay Sa higaan ng mga walang buhay.
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio 51 | O B R A : M AY O U N O
O B R A : M AY O U N O | 52
Facing Death Mary Klaudine L. Paz
In the dead, I have found A way to live. In the grave, I have seen A sense of truth. In the soil I have found My future self. In the casket, Was me In dirt covered clothes Stuck in roots.
53 | O B R A : M AY O U N O
Construction worker Creisha Mae S. Dimabayao
Mag-aalas siyete na noon at kaunting hakbang na lamang ay mararating ko na ang kanto ng aming barangay ng bigla akong makarinig ng isang batang nagsisisigaw na tila humihingi ng tulong. Sinundan ko ang ingay hanggang sa makita ko ang isang batang lalaki na walang-awang pinagsasaksak sa may construction site na balita ko’y pagtatayuan ng isang komersyal na gusali na pagmamay-ari ng isang mayamang Instik. Hindi naman nila pinagnakawan ang bata, kaya’t hindi ko alam kung bakit nila ito ginawa sa kanya. Ilang sandali lamang, sinumulan noong lalaking naka-asul na haluin ang semento at buhangin, gayundin ang pagbuhos nito ng isang timbang tubig. Nanlaki ang aking mga mata nang ihalo rin nito ang dugo ng bata. Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni lola na ang patak ng dugo ng tao ay nakakapagpatibay ng isang gusali o tulay. Kumaripas ako ng takbo. Natakot akong baka ako ang susunod. Nang marating ko ang aming bahay, tagaktak ang aking pawis at labis-labis ang aking paghingal. Tinanong ako ni nanay kung bakit mukhang takot na takot ako. Umiling lamang ako dahil hindi ko alam ang aking isasagot. Ngunit, hindi ko inasahan ang mga susunod na sinabi ng aking ina – “Anak, halika na kumain na tayo. Overtime daw ang tatay mo sa bago niyang trabaho. Nagmamadali daw kasi yung mayamang Instik na matapos yung gusaling pinapatayo niya.”
O B R A : M AY O U N O | 54
Pintor Isaih Kyle C. Umipig
pula ang paborito kong kulay lakas, giting, at buhay pag-asang ‘di mamatay-matay. sa muling pagtilamsik ng pangulay na siyang gugunita sa hustisyang pilit ibinaon sa hukay, sa mga palisiyang unti-unting kumitil sa maralitang buhay, sa mga katawang nadaplisan ng mga balang masikhay, sa kasaysayang pinipilit baliin, baguhin ng pasistang lantay masa’y muling pagbubuklurin pagtatagumpayan ang iisang hangarin *Para sa mga artista ng bayan na isinusulong ang bagong pulitika at para sa mga kumokondena sa mga revolutionary arts sa lansangan: Hindi ito bandalismo lang.
55 | O B R A : M AY O U N O
SIGAW NG MGA LETRA Larawan ni Isaih Kyle Umipig
O B R A : M AY O U N O | 56
Family tree Mary Klaudine L. Paz
he built a house for mom and me yet his face lingers in my memory as i see it pasted on my classmate’s family tree Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
57 | O B R A : M AY O U N O
Customer Service Albritch Adam A. Labiano
You tune in to the virtual realm of labor, where there is nothing to manufacture but the apathetic voice of service. The airwaves speak to you in fluctuating volumes, and you ride this static of strange conversations of automated replies, of memorized scripture of lines, eight hours a day, five times a week, couple of thousand pesos a month; and you tune out to go back to the real world deprived of sleep, denied of purpose. And then at some point, you start to tune out of yourself too.
O B R A : M AY O U N O | 58
Mga bagay sa klasrum at kalsada Mga Haiku Isaih Kyle C. Umipig
YESO gabi’y bumigay panulat sa pisara’y libot sa bangkay
ILAW aalingawngaw habang balot sa dilim pula at bughaw
HEALTH KIT dugo’y dadanak ang pinadalang bulak hindi na sapat
LIBRO lagim, galimgim pangyayari’y tatatak lamang sa aklat
59 | O B R A : M AY O U N O
SA LANSANGAN Larawan ni Isaih Kyle Umipig
O B R A : M AY O U N O | 60
61 | O B R A : M AY O U N O
A Prayer to Aman Sinaya Andrea Nicole B. Sapnu
O, pristine goddess of the orient seas Heed my prayers to thine most high; For a while, set thy wrath aside For a while, may thou silence the tides – This is for my poor mother Who waits sleeplessly at the foot of the bay: Unsure if there returns a father and his vessel at the first light of day. We do not ask for nautical riches Like those in the lores They told – We do not ask for Maguayan’s shell Nor a sunken chest of gold. For They have ships and explosives as huge as their gluttonous wish Whereas fishermen folk only want Nets brimming with fish. And if thy cannot fill his buckets, Then at least pacify our minds That father shall come home With waters sound and kind – For there is no greater gift, Fore there is nothing more divine Than a safe and a steadfast home Amid the swelling and surging tides.
O B R A : M AY O U N O | 62
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
63 | O B R A : M AY O U N O
Puntod Pauline Grace B. Manzano
Ako si Julio, isang sepulturero. Halos sampung taon ko na itong trabaho. Siguro nga, hanapbuhay ko ang mga namamatay. Ngunit hindi naman kasing bilis ng paglobo ng populasyon ang bilang ng mga taong namamatay sa aking nayon. Sa lahat ng trabaho, sa tingin ko, itong sa akin ang pinakapermanente. Hindi mo naman pwedeng hindi ilibing ang isang patay na, hindi ba? Isang linggo pa lamang simula nang lumipat ako dito sa bayan ng San Martin. Pansin ko lang, parang napakatahimik ng bayan na ito at walang gaanong lumalabas na mga tao. Hanggang sa isang araw, nagsimula ang pagta-trabaho ko kay Don Lucas. Si Don Lucas ang nagmamay-ari ng Hacienda La Martin. Una akong nagtrabaho sa kanya nang pinahukay niya muli ang labi ng kanyang asawa upang ipalipat ang labi nito sa mas mataas na lugar. Hindi ko alam kung bakit para bang napakabilis ng mga pangyayari noon. Ang isang beses na pagtatrabaho ko kay Don Lucas ay nasundan ng madami pa – dahil dumarami ang mga kanyang pinapatay. Hindi pang karaniwan ang pamilya ni Don Lucas kahit na sila na lang dalawa ng kanyang anak ang nakatira sa kanilang mansion kasama ang kanilang dalagang kasambahay. Tahimik din ang kanyang anak katulad ng kanyang kasambahay na hindi magbibitaw kahit isang salita kung hindi mo siya kakausapin. Sa kabila ng pagiging kakaiba ng kanilang pamilya, unti-unti ko sila nakasalamuha lalo na si Don Lucas. Maraming negosyo si Don Lucas kaya naman hindi na ako magtataka kung lahat ng gusto niya ay nakukuha niya at wala siyang kinakatakutan pati na rin ang Diyos. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nagdalawang-isip sa pagtanggap ng kanyang mga patrabaho? Iniisip ko lang noon ay hindi ko naman kasalanan ang mga
O B R A : M AY O U N O | 64
nangyayari. Hindi ako ang pumatay at ang trabaho ko lamang ay ilibing sila. Sa likod ng Mansion ni Don Lucas ay ang lupa na kung saan niya ibinabaon ang mga humahadlang sa kanyang plano. “Julio, may papatrabaho ako ulit sayo.” Dali-dali akong pinapunta ni Don Lucas sa kanyang mansion. Pagkadating ko doon ay natagpuan ko ang duguang katawan ng kanilang kasambahay at ang kanyang anak. Nakakalat din sa sahig ang ilang pakete ng shabu. “Ano pong nangyari?!” “Pumayag-payag sila na tikman tapos hindi man lang ako bigyan ng pakonswelo.” “P-pero po-o?!” “Alam mo na ang gagawin mo, sa likod, sa may tapat ng malaking puno.” Hindi ko alam kung bakit sa puntong iyon ay nagsimula akong magkaroon ng konsensya? Aligaga akong nagbubungkal sa likod ng kanyang mansion. Ano nga ba ‘tong pinasok ko? Tunay nga siguro na kapag ganito ang iyong trabaho, parang buong katawan mo na rin ang nasa hukay. “T-tapos na po, Don Luca-as” “O ito ang bayad. Umayos ka nga, parang ngayon mo lang ginawa ito.” “Pero Don, anak niyo po iyon!?” “Lintik, kailan ka pa nagkaroon ng konsensya ha, Julio?! Umalis ka na sa harapan ko!” Balisa akong umalis sa mansion ni Don Lucas. Iniisip ko, tama pa bang ginawa ko iyon? Sa dinami-dami ng mga bangkay na inilibing ko, isa pa lamang ito sa mga nagbigay ng konsensya sa akin. Mula noon ilang linggo na rin hindi nagpaparamdam si Don Lucas sa akin. Pasado alas-diyes ng gabi nang nagising ako sa tawag ni Don Lucas. “Julio, may papatrabaho ako ulit sayo.” Sa kabila ng nararamdamang antok at pagpikit ng aking mga mata, dali-dali akong pumunta sa lugar na sinabi ni Don Lucas. Kasalukuyan akong nasa likod ng kanilang mansion at akmang huhukayin ang labi ng kanyang kasambahay at anak para ilipat ng pwesto. Sa tapat ng isang malaking puno, sinimulan ko ang paghuhukay. Laking gulat ko na lamang nang makita ko, ang aking bangkay.
65 | O B R A : M AY O U N O
O B R A : M AY O U N O | 66
67 | O B R A : M AY O U N O
FRAME UP Photo by Nica Joy A. Calma
O B R A : M AY O U N O | 68
Working Student Isaih Kyle C. Umipig
gustong magpumiglas tila nais mag-aklas ngunit leon man ang laman ng buto’t kalamnan, darating ang delubyo’y titiklop din at hahanap ng pagtataguan gustong magpumiglas tila nais bumigkas ng mga panawagang pakanta para sa bayang sinisinta gustong magpumiglas tila ayaw pasupil kukunin ang aklat, hihilain ang silya palabas hindi lahat ng kaalamang nais kong matutunan ay nakapaloob sa apat na sulok ng silid-aralan dahil ang tunay na edukasyon sa esensya ay ang naroon sa lansangan at sa piling ng masang api at pinagsasamantalahan.
69 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Edilbert O. Alicante II
O B R A : M AY O U N O | 70
Ang Regalo ng Ama sa Anak Yena Barbette Cabalu
“Anak, pagmasdan mo ang paligid.” At pinanood ko si Daniel nang umikot ang kanyang paningin mula sa sulok ng lupain, hanggang sa kabilang dulo nito. “Ama, napakalawak, napakaganda!” Ang pagguhit ng ngiti, at pagbuka ng kanyang bibig upang magsalita ng may halong tuwa ang siyang naging dahilan upang maging mas matayog ang desisyong aking gagawin. Panahon na siguro, nararapat ko na itong ipagkaloob sa kaisa-isa kong anak. “Anak, makinig kang mabuti.” Lumunok ako ng laway upang mapakalma ang sarili. Ang pagsayaw ng mga ulap kasabay ng pag-ikot ng mundo na siyang nagpapabilis ng oras ang nagdudulot ng kaba at alinlangan sa akin. Hindi ako sigurado, dahil sa mura niyang edad na siyam na taong gulang, hindi ko alam kung kakayanin na niya ito. Ngunit ng pagmasdan ko ang napakalawak na espasyo ng lupain, at ang anino ng mga gumagalaw na ulap sa ibabaw nito, tila ba’y mauubos ang mga ulap at kalauna’y hihinto ang oras hanggang sa mahuli na ang lahat. “Napakaraming ibon! Ama, kita ko ang buong siyudad!” Nangilid ang aking luha. Naalala ko noong marinig kong mamangha ang kanyang mga kaibigan nang sabay-sabay silang umuwi sapagkat lumiko si Daniel sa loob ng malaking bakuran ng mansyon. Paulit-ulit itong tinanong ng kanyang mga kaibigan kung doon siya nakatira, at paulit ulit din nitong sinagot ang mga ito ng “oo”, at paulit ulit ding naglaro sa aking isipan kung nararapat ko na bang gawin ang desisyong ito sa kabila ng mura niyang edad, at pag-iisip. Ngunit kung hindi ngayon, kailan? Kung hindi oras ang kulang, ano? Aking buhay? Kanyang buhay?
71 | O B R A : M AY O U N O
“Tama. Sige anak, pagmasdan mong maigi. Ngayong kaarawan mo ay ibibigay ko ang napakalaking regalo.” “Talaga, ama? Maaari po ba akong umakyat sa mas mataas na burol?” At itinuro niya ang burol sa bandang kanan. Ngumiti ako sa kanya at pinangunahan ang daan. Sa aking pagbuntong hininga ay naramdaman ko ang malamig na kamay na humawak sa aking palad. Nilingon ko ito at tumambad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Daniel. Ang katangian ng kanyang mukha mula sa pinakamaliit na nunal ay wala halos pinagkaiba sa mga katangian ng yumao kong asawa. Araw ng Sabado nang makaramdam ang aking asawa ng panganganak kay Daniel. Madilim ang paligid bunsod ng parating na ulan. Ngunit ng magsimulang umiri ang aking asawa sa kabila ng dingding na aking sinasandalan, tila ba yumakap ang mga tala sa mga ulap upang mapagaan ang pabagsak na ulan. Tila ba naging alipin ng langit ang hangin na biglang tumigil sa malakas na pagihip. Unti-unting sumilip ang araw na animo’y nais silipin ang paparating na anghel. Ngunit sa araw na iyon, ang asawa ko naman ang di na ni minsan nagmulat ng mata upang makita ang mas magandang umaga. “Ayan, mas mataas, mas kita ang buong siyudad,” ang sabi ko kay Daniel. “Oo nga po.” Nakita kong magalak muli ang kanyang mukha kaya’t ito na ang ginawa kong hudyat upang sabihin sa kanya ang nais kong sabihin at ipagkaloob ang aking regalo ngayong kaarawan niya. “Anak, makinig ka at tingnan mo ang buong paligid.” Bumuntong hininga ako. “Ito ang tatandaan mo, mula sa kinatatayuan ng mansyon sa iyong likod, hanggang doon, sa kung saan man makarating ang mga mata mo, magmula sa araw na ito.” Sabik na tumingin si Daniel sa ama at lalong humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. “Ama…” “Anak, diyan ka na magtatrabaho. Bukas o sa makalawa ay maaari na akong mawala. Ipinagkatiwala na kita kay Don Pedro, siya ang magiging amo mo.” At iniabot ng ama ang regalo sa anak na salakot at itak. * 3rd Place, Maikling Kwento, LATHALA VII
O B R A : M AY O U N O | 72
73 | O B R A : M AY O U N O
NANANATILING BUO Larawan ni John Dave Benedict C. Isidro O B R A : M AY O U N O | 74
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
75 | O B R A : M AY O U N O
IWS Janelle Pamela R. David
i envy your job for it was with you for twenty-one years. three years greater than the eighteen birthdays you have witnessed. i envy your job because you were there for longer hours than you were with her. even though she fills me with all stories about how gentle you were and caring, I still envy the people who knew you. i envy the wires of the automobiles and motorcycles that you harnessed for you have grasped them longer than you have held her i envy the people who saw you before you went. i detest my one year late timing. i could have introduced myself and got your blessing and you could have saw how lucky I am to meet your Angel. you could have apprised me with her breakdowns. and how she can be mean with her words but that does not make her a bad person. you could have always reminded me that she does not always mean them. i envy the people who met you before you needed to lie six feet below. but we know that you are resting well when we both look up. tita, i have always got your back— let me make up and be with the next ninety birthdays she’ll have. *for Tita Pia, may you always guide your Angel.
O B R A : M AY O U N O | 76
Matthew 14:19 Jehiel R. Asio
From the shore I called Dad He didn’t even bother to look I took a step closer foot far from sea Still, never take a glimpse on me
Dad will always be him Taught me clearly to stay still From the beginning up to now Dad teaches the lessons of “how”
Maybe I should wait a little longer Right. He always wanted me to wait Shouting is never an option I’d rather wait here till dawn
Proven, he is like a sound wave Never in his life he ever doubt Called by his name Peter Same as the man, the men’s fisher They’re coming From afar I see dad waiting his hands With his callous hands is a net Surely, a shoal filling the bucket “Jonah” as he called my name Hurriedly I stood up and take step Joining him as he walks home Gladly, their waiting is over In our house is a group of people Waiting for my Dad’s return It’s time for Dad to be like Simon Peter Fulfilling his duty more than just a fisher
77 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann inocencio
O B R A : M AY O U N O | 78
Build, Build, Build Andrea S. Espinosa
Ang kaunlaran daw ay nasa pagtanaw sa bukas, dala ng mga gusaling umaabot sa alapaap. Dito raw sa lupang itinuring naming sa amin, magsisimula ang bukas. At nagsimula ang bukas sa isang kapirasong papel, hudyat na kami raw ay dapat nang lumisan sapagkat kami pala’y sagabal sa kanilang kaunlaran. Ngunit ‘di naman daw ito natatapos dito. Kung gusto raw namin ay maaari kaming maging parte ng kaunlaran, tagabuhat ng saku-sakong semento, tagapukpok ng pako. Ano nga ba itong aming binubuo? Ipinupunla namin ang pundasyon ng kaunlaran sa lupang kanilang inagaw, kapalit ang aming dangal. Sa ilalim ng araw, sa naglilipanang alikabok ng aming ginahasang kabukiran, ang dating palay na aming binhi ay napalitan na ng konkreto. At ito ang kwento ng aming pagiging alipin sa ilalim ng kaunlaran.
79 | O B R A : M AY O U N O
CONNECTING JOINTS Photo by Pauline Grace Manzano
O B R A : M AY O U N O | 80
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
IKATLONG KABANATA * * * CELSO * * *
B
untis si Amelia. “Magpahinga ka na lang muna dito sa bahay. Hindi pwede sa’yo ang magtrabaho,” sabi ko sa kanya habang inaalalayan na umupo sa upuang kahoy na kinumpuni ko kahapon bago pumunta sa asyenda.
Medyo lumalaki na ang kanyang tiyan kaya todo pilit ako sa kanya na dumito muna sa bahay hanggang siya ay manganak. Hindi na rin magandang magtrabaho pa siya sa pabrika dahil baka hindi makabuti sa kanila ng bata. Umaalis ako nang mas maaga at umuuwi nang mas dis-oras na malayo sa karaniwan kong ginagawa noong wala kaming darating na supling. Ihahatid ko na sana siya sa kwarto upang magpahinga na nang may biglang kumatok sa pinto. “Pare, pwede ba kitang makausap?” May pag-aalala sa boses ng lalaki. Si Patsung. Kasamahan ni Amelia sa pabrika.
81 | O B R A : M AY O U N O
Nagbigay ako ng senyales sa kanya na hinaan ang kanyang boses upang hindi na muna marinig ni Amelia. May kutob kasi ako na masama ito base sa kanyang ibinibigay na ekspresyon sa mukha. Dalidali ko siyang hinatid sa kwarto at sinabihan na hinahanap lang ako ng kasamahan sa tubuhan. Mabuti na lang hindi ko muna ipinarinig sa kanya ang masamang balitang dala ni Patsung. “May limang pinaslang sa asyenda. Nasakay sila sa pogpog pauwi, may sumunod sa kanilang dalawang nakamotorsiklo at saka sila pinagbabaril. Isa doon ang kapatid ni Amelia, Celso. Si Ate Edna.” Hindi ako nakapagsalita agad. Naghalo-halo ang aking nararamdaman nang may biglang kumalampag sa loob. Nagmadali akong pumasok at nakita sa may lapag si Amelia. Akala ko ay naprotektahan ko siya sa isang masamang balita. * * * AMELIA * * * Hindi kinaya ng aking mga tuhod ang masamang balitang hatid ni Patsung dis-oras ng gabi. Si Ate Edna, ang aking natatanging kapatid. Naiisip ko ang bata sa loob ng aking tiyan. Wala siyang kikilalaning tiyahin. Hindi niya maririnig ang mga halakhak ni Ate Edna, hindi niya mahahagkan ang kanyang bisig, walang magbibigay ng regalo, walang hihingan ng aguinaldo tuwing Pasko. “Nakikiramay kami, Amelia. Bukas ay nakahanda ang lahat para iprotesta ang walang habas na pagpatay sa mga kasamahan natin dito sa asyenda. Hindi tamang lagi na lang nagiging biktima ang mga mahihirap habang ang mga may labis na pagkakasala sa gobyerno at lipunan ay hindi napaparusahan,” sabi sa amin ni Patsung habang tinutulungan si Celso na alalayan ako. Hindi ko na napigilan ang aking pag-iyak. Kumalma ako nang bahagya. Hindi ko kayang manahimik. Ipapabatid ko na ang aking suporta para sa protestang inihanda ng aming mga kasamahan bukas sa harap ng kapitolyo nang inunahan ako ni Celso. “Alam ko ang iniisip mo at alam kong alam mong makakasama sa’yo at sa anak natin. Siguradong magiging magulo doon. Dumito ka na lang sa bahay at magpahinga. Utang na loob ko ito sa kapatid mo, maipaglaban ko man lang ang pagkamatay niya sa ganitong paraan. Uuwi rin ako kinahapunan dito,” paliwanag niya. “Hindi, Celso, ayokong maiwan dito habang ikaw ay binubuwis mo ang buhay mo roon. Hindi ko ipagpapaliban ang paghingi ko ng hustisya para kay Ate Edna. Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ako,” marahan kong sambit. *** Lalo pang naiyak si nanay nang makita niya ang dami ng tao na tumungo rito sa kapitolyo. Halos lahat ay may hawak na mga karatulang nagsasaad ng kani-kanilang mga hinanakit at hinaing. Makikita rin sa mga mukha nila ang sinseridad at galit dahilan sa nangyaring pagpatay sa siyam na magsasaka sa asyenda. PATAYIN ANG KAHIRAPAN, HINDI ANG MAHIHIRAP! IPAGLABAN ANG KARAPATAN NG MGA MAGSASAKA! ITIGIL ANG MGA PAGPATAY! HUSTISYA PARA SA MGA MANGGAGAWA! PATAYIN ANG KAHIRAPAN, HINDI ANG MAHIHIRAP! Sa ilalim ng mga madilim na ulap, ang mga taong nagpoprotesta ay patuloy sa pagsigaw ng kanilang mga hinaing—umaasang ang mga kasamahan nila sa asyenda at iba pang mga manggagawang biktima ng pagpatay sa bansa ay mabigyan ng karampatang hustisya. Nakisama ang langit sa kanilang mga hinaing dahil sa araw na iyon, bumuhos ang isang napakalakas na ulan. > ITULOY SA PAHINA 115
O B R A : M AY O U N O | 82
The Sixth Day Andrea Nicole B. SAPNU
No, you were not created on the sixth day to be mankind’s salvation., for that fate’s already been prophesized for another. You were created on the sixth day, because the first man on earth does not know how to launder his work-stained clothes, and sweep his cobwebbed ceilings; you were conceived out of necessity and of loneliness and of the promise that you will bear multitudes of his kin of rock-hurling, ill-speaking, slut-shaming men.
And on the seventh day, when He is undisturbed from the depths of His slumber, you will stay right where you are; in the kitchen of a stranger in the bedroom of a superior in Middle East or in Japan or in the bunk of a cell which you call home – For you will be separating the whites from the colored and the leaves from the stalks and the truth from your head and the crosses from their shoulders – and the world will merely remember you as no more than the woman who ate the forbidden fruit.
And no, you were not manufactured from His image; for yours is the face of travesty and of shame and of self-hatred; yours is that of a sex slave and of an abused domestic worker and of an exploited native girl and of every single woman who did nothing but to tidy other people’s clutter and to die for other people’s sins. He barely recognizes you.
83 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
O B R A : M AY O U N O | 84
Si Kyle at Ang Babae sa Kabaret ng Angeles Geordan Jay R. Patio
Ika-21 kaarawan ni Kyle sa araw na ito pero mamayang gabi pa lamang siya mabibinyagan kung sakali. maaga siyang gumabak sa kinontratang pinapagawang bahay ni chairman para makabali, may kamahalan kasi ang pagpapabinyag. Matapos ang paghahalo ng simento, dumeretso ng uwi si Kyle at naligo, isinuot ang bagong brief, bagong shorts, nagpabango at nagsumbrero. kabadong sinagupa niya ang kapal ng ilaw sa madilim at malamig na silid. Kumain ngunit nangangatog, malamig pero nagpapawis. Umiikot ang tiyan ni Kyle habang umiikot sa mukha niya ang mga malilikot na ilaw sa pinasukan niyang bahay. Maya-maya pa ay pumasok na siya sa silid at pinapili sa mga babaeng nasa photo album, “gusto ko si Ysabelle” anang nanginginig na boses ni Kyle at saka lalong nagdiliryo na ang tiyan nito. Hanggang sa pumasok na sa kuwarto si Ysabelle, pero bago pa man sila nagtagpo ni Kyle ay hiniling nitong magpiring siya ng mata. Nagpiring naman kaagad ang sabik ngunit kinakabahang si Kyle. “Ang unang tikim ay ang pinakamasarap at pinakamahirap kalimutan hindi ba?” tanong ni niya sa babae, ngunit tahimik ito at pawang mga ungol lamang ang naisasagot. ungol sa ungol, yapos, sabunot at kalmot ang tangi nilang naging pansamantalang lenggwahe. hanggang sa huling sandali ng pakikipagtunggali ng mga bagong salita, hindi nagtanggal ng piring si Kyle, ngunit nagsalita nang maramdamang paalis na si Ysabelle, “Ysabelle sandali! Ano ang tunay mong pangalan?” hindi sumagot ang babae at tuluyan ng lumabas ng kwarto pagkatapos kunin ang perang nakapatong sa mesa bilang bayad. Kinabukasan ay maagang ginising ng kaniyang Nanay si Kyle para sa libreng binyagan sa plaza. “Nay kala ko bang wala kang perang panghanda? atsaka wala akong maisususot ma” tanggi ni Kyle sa Ina niyang nakangiti at pasayaw-sayaw pa habang pinaplantsa ang bagong biling polo para sa kaniya. Pagkatapos ng Binyag ay nakangiting inabot ng Nanay ni Kyle sa kaniya ang isang sobre atsaka na ito umalis dahil may trabaho pang naghihintay sa kaniya, binuksan ni Kyle ang sobre, may laman itong sulat. Corazon ang tunay kong pangalan. anak. Ysabelle. * 5th Place, Dagli, LATHALA VII
85 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
O B R A : M AY O U N O | 86
CARRY ON Photo by Pauline Grace B. Manzano
87 | O B R A : M AY O U N O
O B R A : M AY O U N O | 88
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
89 | O B R A : M AY O U N O
Hilot Arsenio S. Santiago Jr.
Halos maghahating gabi na iyon. Pinahiga niya ako ng marahan. Sabi niya, alisin ko daw ang aking sapin pang ibaba kasama ng aking salawal. Hindi ako sanay, hindi mapakali. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Masakit. Dahan dahan niyang binuka ang aking mga binti at nilapit ang kanyang mukha sa pagitan. Isigaw ko lang daw kapag masakit na, at sumigaw ng mas malakas kapag lalabas na. Kinalikot niya ako at sinugat ng bahagya “kaya pa ba?� tanong niya sa akin. Napasigaw ako ng unang beses at ramdam ko ang pagdaloy ng likidong hudyat ng simula ng aking paghihirap. Dama ng aking kalamnan hanggang sa dulo ng aking mga daliri ang sakit. Ilang oras pa ay isang matinis na iyak ang aking narinig. “Isang malusog na batang lalaki ang anak mo, Brenda.� Pagbati sakin ng kumadrona.
O B R A : M AY O U N O | 90
Panawagan ng Isang Puta Andrea S. Espinosa
Hindi ako isang laruan lamang na maaaring gamitin at isantabi sa gilid pagkatapos mong libangin ang sarili. Hindi ako isang silid na maaari mong pasukan at saka labasan pagkaraan mong higaan. Hindi ako isang halaman na iyong didiligan kapag ako ay nanunuyo’t na. Hindi ako isang alipin na maari mong gipitin kapag ikaw ay hindi susundin. At totoo, ako ay isang puta na maaari mong bilhin kada oras. Ngunit ang tatlong oras ko lamang ang nagkakahalaga ng tatlong-daan; at hindi mo pa rin mabibili ang aking dangal.
91 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Nikkie Joy T. Pacifico
O B R A : M AY O U N O | 92
Under the disco lights Crystal Gayle O. Rosete
When I was 4, Mom told me I should be a doctor— holding a syringe with stethoscope hanging on my nape. I should be curing diseases with brilliance and calmness, she said. When I was 8, Dad told me I should be an engineer— holding a blueprint with a white safety cap placed upon my head. I should be building eye-catching skyscrapers with great visions as I turn it to reality, he said. But when I was 16, People told me I should be— in school. Holding a bunch of books, Backpack on my shoulders, in white pleaded uniform. I should be reading notes, making homeworks with burning passion and perseverance, they said.
93 | O B R A : M AY O U N O
Now I am 18, I told myself I should be working all night long— holding a silver pole, with a little piece of clothing that almost left me naked. I should be catching gazes of those hungry men’s eyes with blazing lust and raging flesh, I exclaimed. For what more can I do? I was wasted at 16, gave birth at 17. That is how all dreams collapsed. But this is how I fill those empty plates perhaps. That is how all hopes ceased, But this is how I survived the labyrinth there is. Now I am 18, but no matter how hard I try— to even risk my dignity and pride, For them, I was just a sinner seeking heaven in every night’s ride.
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas Graphite
Graphics by Pauline Grace B. Manzano
O B R A : M AY O U N O | 94
Graphics by Nikkie Joy T. Pacifico
95 | O B R A : M AY O U N O
Demotion Jerico T. Manalo Dati siyang beauty queen ng bansa At tunay na pinag-usapan ng madla Ngayon ay endorser na lamang siya Ng nakaririnding commercial ng Goya.
O B R A : M AY O U N O | 96
Dictation Janelle Pamela R. David
father deprived me early of getting pink stuff. he said that this color is for girls and it’s not possible for me to like it. father said that most boys like blue. i almost told him that i am not like most boys. father said that boys do not play with dolls and plastic kitchenware. he despised me when he saw me dressing up with mom’s clothes. he told me that most boys play with cars and robots and manlier. i almost told him that i am not like most boys. father dismissed the idea that I wanted to work with children. He said that most boys grow to be cops or engineers or even pilots i almost told him that i am not like most boys.
father hit me when he saw me kissing another boy. he said that he loathes me because most boys do not kiss another boy. then he opened the front door for me. i was ready to go but i haven’t told him yet that i am not like most boys. because i cannot be confined with the boundaries of colors and toys and dresses and who to kiss or hold hands with. i now work with people who are comfortable with who i am and i haven’t told him yet that i am not like most boys but it doesn’t matter anyway.
97 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
O B R A : M AY O U N O | 98
Night shift Creisha Mae S. Dimabayao
Tumuro ang maliit na kamay ng aking orasan sa ikasampung numero samantalang tumuro naman ang mas mahaba sa ikalabindalawang numero. Alas diyes na ng gabi at oras na upang umpisahan ko na ang aking trabaho. Marahan ako gumiling sa ilalim ng ilaw na mayroong iba’t-ibang kulay. Unti-unting lumapit ang mga kalalakihan at kalauna’y sinama ng walang kadaing-daing. Pumasok kami sa isang silid, at doo’y kaming dalawa lamang. Madilim at malamig. Sinimulan nyang alisin ang piraso ng tela sa aking katawan at kalauna’y hubo’t hubad na ako sa kanyang harapan. Inabot niya sa akin ang dalawang libo pagkatapos ng lahat. Ganito ako. Ganito ang gawain ko. Ganito ang bawat gabi ng aking buhay. Tumuro ang maliit na kamay ng aking orasan sa ikasampung numero samantalang tumuro naman ang mas mahaba sa ikalabindalawang numero. Alas diyes na ng gabi at simula na naman ng bangungot ng aking buhay.
99 | O B R A : M AY O U N O
Labor Day Jejomar B. Contawe
It’s the first of May when out of the blue, you woke; then your waters broke.
O B R A : M AY O U N O | 100
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
101 | O B R A : M AY O U N O
Oda sa Puki Isaih Kyle C. Umipig
gabi-gabi kang papansinin hanggang matunaw ka sa kanyang paningin. gabi-gabi kang gagamitin hanggang mag-iba na ang kanyang pagtingin. gabi-gabi kang aabusuhin hanggang maglaho ang lahat ng iyong hilingin. araw-araw kang guguluhin ng utak mong nagpupumiglas. darating ang panahong ikaw ay unti-unting tumatakas sa tanikala ng macho-pasistang mapagmataas. araw-araw kang titindig marilag na tila pulang rosas araw-araw kang makikidigma dahil ikaw ay babae, hindi babae lang.
O B R A : M AY O U N O | 102
Call ended Jejomar B. CONTAWE “Hello. How may I help you?” This is just the first of the myriad of calls that Jenny expects before she could go back to her dorm and drown herself into an uninterrupted sleep. She had just had her baptism of a nocturnal lifestyle; her first week in the BPO industry where she was essentially rendered to alter her body clock and indefinitely endure the wrath of graveyard shift that the company had just put her through. She then rubbed her eyes in a heedless manner, cracked her knuckles, did a quick head-and-neck exercise, and sipped her Starbucks coffee from under her table. Ironically the caffeine in her system wasn’t enough to rouse her up, for she was still quite drowsy, and she had to answer calls until four thirty. “Hello. How may I help you?” The call ended with Jenny’s sense of humanity smeared with the profanities shamelessly spit to her by an irate caller. You stupid Filipino. I want to talk to your manager, you imbecile. You call that a quality customer service?! Go to hell. I will burn your place down and all of you will die. The next thing she knew, the cacophonous sound of the building’s fire alarm reverberated in the entirety of the fourth floor with Jenny still thunderstruck with the call. It finally dawned
103 | O B R A : M AY O U N O
on her that a huge expanse of suffocative smoke started gathering onto her direction, and eventually to everyone else’s. The place, once pleasantly reeking of air-freshener that soothes and energizes every employees, morphed into a terrifyingly smoky mountain of intense fear and anxiety. Jenny’s supervisor already fell down, sprawled lifeless to the funereal floor, her life claimed through smoke-provoked asphyxiation. Not a single one made it through the fire exit. Not a single one was able to even narrowly escape. Everyone was trying in vain not to succumb from life towards the beckoning fire and impending suffocation. Someone then had the tenacity to douse the fire with an extinguisher, but no sooner had she hovered towards the fire than she realized it was nothing short of a Herculean task. They badly needed the help of firemen at the soonest time possible, or else they’re all going to die consumed by fire and an ample amount of smoke. The place was burning down, with the permeating smoke devouring them, but everyone’s heart tried to equate the flames with desperate passion as they all lachrymosely whispered their prayers to every saint they know, indiscreetly fearing to meet their maker yet. But at that time, there was no saint who responded to their prayers. Pauline, Jenny’s closest colleague, fell off the floor, conspicuously dead, which made Jenny ironically freeze with tremendous dread. She then fished out her phone with her trembling hand, coughed for who knows how many times, and dialed whoever her finger would randomly select. “Hello…” Jenny was gradually losing her breath. Until not long after that, she lost consciousness and died. “Hello. How may I help you?” the voice from the other line said, but soon the call had ended. *for the call center agents who were victims of a fire incident in a Davao City mall
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
O B R A : M AY O U N O | 104
105 | O B R A : M AY O U N O
SIGAW NG MGA LETRA Larawan ni Isaih Kyle Umipig PANATA Photo by Pauline Grace B. Manzano
O B R A : M AY O U N O | 106
Sibak
Jejomar B. Contawe
Lumabas ng opisina si Jane nang lumuluha. Ngunit bago pa man siya makaalis nang tuluyan ay sinalubong ko siya at saka tinanong kung ano ba ang nagyari, pagkatapos ay pinaupo ko muna siya’t pinakalma. “Tinanggal na ako sa trabaho, Mike,” tugon niya, sabay punas sa matang hindi pa rin tumitigil sa paghikbi. Pangatlong empleyado na pala ng korporasyon ang natanggalan ng trabaho dahil sa boss naming si Lito. Walang tumatagal na sekretarya sa kanya, lahat nagreresign makalipas ang isang buwan, minsan pa nga’y linggo ang kanilang tinatagal. Kinabukasan ay naisipan kong tumungo sa opisina ng boss namin para boluntaryong umalis sa korporasyon, sa kadahilanang nakahanap ako ng trabahong mas malapit sa bahay. Mas maliit nang kaunti ang sahod, pero mas mabuti na ito dahil makakauwi na ako sa amin araw-araw, hindi tulad ngayon na lingguhan lang ang uwi ko dahil sa layo nito mula sa bahay. Bago ako pumasok, huminga muna ako nang malalim. Ewan ko ba kung bakit may kaba sa dibdib ko. Pero kahit pa halos nangangatog ang tuhod ko, pumasok pa rin ako. Pagkapasok ko, mas lalo akong nawindang sa nakita ko: nagkalat ang mga papeles sa sahig, at ang bagong saltang sekretarya namin ay pinapatungan ng hubo’t hubad kong boss. May sinisibak na naman sa pwesto si Lito.
107 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
O B R A : M AY O U N O | 108
109 | O B R A : M AY O U N O
Entablado Andrea S. ESPINOSA
Mangarap ka habang gising at huwag mong subukang ipikit ang mata. Pagkat marahil ay pagmulat mo’y hindi mo na alam kung nasaan ka. Ang pangarap ay libre lamang, ngunit tandaan: gumamit ka ng hagdan, nang ‘di mahulog at tuluyang di makatayo sa lugar na iyong pagbabagsakan. Palayain ang sarili sa palasyong inaakala mong ikaw ang reyna. Hindi trono ang ibinigay ng mundo sa’yo, kundi entablado, at dito ay ikaw ay patuloy na lilinlangin ng dasal mo sa hangin.
Graphics by Edilbert O. Alicante II
O B R A : M AY O U N O | 110
Boss Janelle Pamela R. David
nanay, tatay nanay, tatay gusto kong tinapay ate kuya gusto kong kape lahat ng gusto ko ay susundin niyo ang nagkamali ay pipitikin ko ang nagkamaAli ku ne ayari ing kakantan ku niyang ngidngud na kung Ma ku. “balangidngiran ka! ot kapanutus mo! ika kaya magobra! bala ninu ka ya!� Menahik kung mayap. Tsaka ku metudtud ulit.
111 | O B R A : M AY O U N O
O B R A : M AY O U N O | 112
113 | O B R A : M AY O U N O
SIBOL Larawan ni Isaih Kyle Umipig
O B R A : M AY O U N O | 114
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
IKAAPAT NA KABANATA
N
ang matunghayan ko kung paano manlumo si nanay noong unang araw ng Mayo, napagtanto kong wala nang ibang mas sasakit na tanawin sa marahang pagpatak ng luha sa pisngi ng aking pinakamamahal. “Tahan na, ‘Nay. Tama na. Magiging maayos din ang lahat,� paulit-ulit kong sambit sa kanya, sa aking isip, sa pamamag-asang mapagtibay ng aking pagpapaalala ang kanyang kalooban.
Gusto kong maniwala na kaya kong pagaanin ang pasan niyang kalungkutan. Gusto ko ring maniwala na nais niya ring matulungan ko siya subalit tila hindi naririnig ni Inay ang aking bawat pakiusap, ang aking bawat pagmamakaawa na patilain na niya ang sigwa sa kaniyang mga mata. Hindi nakatulong ang malakas na pagbuhos ng ulan, mas lalo lang nitong pinaigting ang desisyon ni nanay na tumungo sa kapitolyo upang mawala ang kanyang pagkabalisa sa pag-alis ng tatay.
115 | O B R A : M AY O U N O
Walang sinabi ang lahat ng ambon na naranasan namin noon at hindi na nakaligtas ang bumbunan ni nanay sa lakas ng patak ng ulan. Hindi narining ni nanay ang bawat pagmamakaawa kong sinambit nang dinala siya ng kanyang mga paa palabas sa aming bahay. Wari’y hindi niya naririning ang pakiusap ko sakanya na manatili na lang sa bahay, na walang maidudulot sa aming dalawa ang pagtungo niya sa pag-aalsa kundi peligro. Natunghayan ko kung paano nabanggit ng kaibigan ng tatay kung paano na lamang kinitil ang limang manggagawa dito sa asyenda. Sa ngayon, walang kasiguraduhan na ligtas kaming makakauwi matapos ang welga sapagkat misteryo pa rin sa amin kung sino ang tunay na salarin sa kagimbal-gimbal na pagpatay. Sa ngayon, wala kaming ibang mapagkakatiwalaan at masasandalan kundi ang isa’t-isa. Hindi ko gugustuhin na mauwi ang kapalaran ng sinuman sa aking mga magulang tulad sa nangyari sa kaawa-awang mga manggagawa na, tulad nila nanay at tatay, hangad lamang ay makapagkaloob ng matiwasay na buhay sa kanilang mga pamilya – maski hindi na ito ang uri ng buhay na marangya’t may sapat na panggastos sa mga bagay na higit pa sa mga pangunahing pangangailangan. Patuloy ang pag pagsuong ni nanay sa bagyo. Walang habas ang pagsasalit-salit ng kulog at kidlat sa mala-abong kulay ng kalangitan, kasabay ng marahas na pagdanak ng tubig-ulan. Subalit hindi ito pinansin ni nanay. Sa pagtahak niya sa bawat putik at tubig baha, hindi niya namalayan na hindi ko siya iniwan, bagkus ay nanatili ako sa kanyang tabi kahit sumakit na ang aking lalamunan sa bawat ubo na dinulot sa akin ng alimuom. Nang marating namin ang kapitolyo, hindi namin lubos na inasahang ganito karami ang mga manggagawa na nag-aaklas – bagaman iba-iba ang uri ng kanilang trabaho, kolektibo at iisa lamang ang mensaheng kanilang isinisigaw at iyon ay ang pagsamo sa hustisya. Sa karagatan ng nagkukumpulang mga trabahador na kasama ni nanay sa pabrika at mga magsasakang kasama ni tatay sa tubuhan, nalunod kami sa ingay ng magkakapanabay na mga sigaw at hiyaw at sa maumidong amoy ng kanilang mga damit na binasa ng pawis at patak-ulan at halos hindi na ako makahinga. Sa kabila ng lahat ng ito, hindi namin matanaw si tatay. Hindi ko na lubos maalala kung malakas na kulog ang bumulabog sa aming mga pandinig, isang minuto ang makalipas. Sa mga sandaling iyon, biglang natahimik ang lahat. Dinaig ng sunud-sunod na pagputok ang pinagkaisang boses ng madla. Hindi nag-atubili ang lahat na tapusin ang kanilang sadya sapagkat sa hindi mabilang na pagkakataon ay nanaig na naman ang kapangyarihan ng dahas. Kumaripas ng takbo ang lahat maliban sa mga raliyistang nasa unahan ng piket na hindi man lang nakagalaw sa kanilang kinatatayuan at tuluyang nayari ng mga bala ng mga armado. Wala na kaming panahon ni nanay na makaramdam ng pagkagulat at pangamba sapagkat tuluyan na kaming nadala sa mabilis na pagkaripas ng mga raliyista na tila bang pinipilit naming abutin ang dalampasigan sa kabila ng malalakas at naghahampasan na mga alon. Dumating ang pagkakataon na hindi na magawang tumindig ni nanay. Hindi na kaya ng kaniyang katawan na tumanggap pa ng pwersa mula sa pagbangga ng naglipanang madla. “Amelia!” Sa tinig ng aking ama, biglang nagkaroon ng buhay ang nanlalamyang si nanay. Sa paghagkan ni tatay, napawi lahat ng sakit – ang bawat pagkirot ng mga sugat at pasa ay hindi na niya maramdaman at tanging ang init lamang ng balat ni tatay ang bumabalot sa kanya. Nais kong tuldukan na lamang sa sandaling ito ang istorya. Dalawang magkasunod na putok ang umalingawngaw at sa unang pagkakataon, sa matagal na panahon, tumigil ang pagbuhos ng ulan. > ITULOY SA PAHINA 141
O B R A : M AY O U N O | 116
Express Delivery Pauline Grace B. Manzano Dali-dali kong binuksan ang padala ni Nanay na naglalaman ng kanyang pira-pirasong k t a
a a
w
n.
117 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Pauline Grace B. Manzano
O B R A : M AY O U N O | 118
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
May mga Bagaheng Mahirap Bitbitin Albritch Adam A. Labiano Ipinaparamdam sa akin ng panahon ang lamig, nangingilabot ang aking mga balat na para bang may humahaplos sa akin, pasaring na nagbibiro ang amihan; kailangan ko raw ng init ng mga bisig mo, ramdam ko ang pangungulila sa ngayon, ninamnam ko ang pag-atake ng hangin sa mga emosyon. Dala ko pa rin ang mga bagaheng hindi mo naiwan, kay bigat pala at ni walang pakundangan kung kumatok sa pintuan. Pinipilit kong tugunan ang sariling pangangailangan ngunit hindi kayang sumapat ng mga panandaliang ginhawa, kailangan ko ng permanente ‘yung walang katapusang init na dala ng mga lutuin mo; mga paglalambing mo kahit na madalas kaming naiirita; mga paalalang walang katapusan kahit limitado lang ang naaalala; mga simpleng dahilan kung bakit ko pinagpipilitang manatili ka sa piling ko.
119 | O B R A : M AY O U N O
Ngunit nang lumisan naging malamlam na ang mga gabi, madalas ng huli sa pagkain at umiiyak. Ramdam ko ang paglisan mo, ang pagdala ng iyong mga bagahe at pagtalikod, ay pagharap sa pagpapatuloy sa pagdala ng aming mga bagahe tungo sa kinabukasan. Kakarampot man ang pag-unawa ng isipan, malamig man ngayong gabi at sa mga susunod na mga araw ay dadalhin kita gaya ng mga bagaheng dinala mo papaalis.
O B R A : M AY O U N O | 120
Graphics by Nikkie Joy Pacifico
121 | O B R A : M AY O U N O
Walang takas Eugene Quiazon Patuloy parin sa pagbuhos ang mga luha ko nang tumunog sa ika-limang pagkakataon ang telepono sa lamesitang katabi ng kinahihigaan ko. Ayaw ko sana itong sagutin, ngunit sadyang mahirap tanggihan ang isang ka-pamilya. “Sabihin mo sa amo mo, uuwi ka. Uuwi ka, Geneva,” bungad ng kapatid ko, pilit pinagiisa ang bansang Pilipinas at Saudi Arabia gamit ang telepono, para lang madamayan ako sa hinagpis at pagdurusa. Hikbi ang paulit-ulit kong sagot. “Uuwi ka… umuwi ka! Maki-usap ka, parang-awa mo na.” “Wala sa kontrata ko ang ganitong set up.” “Sapat na ang pagpapa-alipin mo sa pamilyang yan para unahin mo naman ang sarili mo.” Anong gagawin ko? “Kasambahay ako. Wala sa kontrata ang pwede akong magpa-awa,” giit ko. Lingid sa kanilang alam, araw-araw kung magmakaawa ako sa aking amo na huwag maging malupit, at marahas. Mahinang mura ang sunod kong narinig. “Isipin mo, paano si Carlo at inay? Sabihin mo, matitiis mo ba sila?” Duon ako muling humagulgol. May mas sasakit pa ba pagkawala ng anak at asawa? Mas may hihirap pa ba sa kapalaran ng isang Overseas Filipino Worker, bukod sa pangmamaliit, pangaabuso, ang pwedeng maranasan ng wala man lang laban sa kapirasong papel na pinirmahan ko bago makasakay sa eroplano? “Magtiyaga ka lang, Geneva, kakayanin mong kitain sa Pilipinas ang disi-otso mil na natatanggap mo riyan kapalit ng pang-aalila nila sayo. Mag-isip kang mabuti.” Iyon lang at naputol na ang linya. Habang sumisiksik sa aking isipan ang detalye ng pagkamatay ng Nanay ko, asawa at panganay namin sa isang aksidente matapos silang dumalo sa kaarawan ng kamag-anak namin, ay lakas loob akong nagtungo sa sala, sa amo ko. “Sir, me… ah, come back to Philippines. Please sir, please, send me home now,” nauutal kong sabi, ngunit siya, pirmis na matigas, ay naghubad lamang sa aking harapan. “I will grant your request, if you will give me what I want,” wika niya, diretso sa aking kalamnan. Napalunok ako. Literal na bumagsak ang aking mga balikat. Hinawakan niya ako sa braso, mahigpit, nananakot. “Remember the contract. You need to pay for it if you will not follow it. But I can send you home if you want… bend now!” Diyos ko, tulungan mo ako. Iligtas mo ako sa impiyerno ng buhay ko.
O B R A : M AY O U N O | 122
PASALUBONG Larawan ni Pauline Grace B. Manzano
123 | O B R A : M AY O U N O
Elehiya Para Kay Mister Jerico T. Manalo Sabi mu kanita kanaku na mako ka para atin kaming kanan king aldo-aldo, niya pinayag ku. Sabi mu, saglit kamu karin kasi a-miss mu kaming lakwan mu kening baryu, niya pinayag ku. Sabi mu, pangayari na ning apat a banwang pamanipun, mibalik na ka, niya pinayag ku. Pinayag ku, dyang eku talaga buring mipalaut ka kanaku ampo kareng anak mu. Sabi mu pa kanaku, para mu rin ini king masaleseng pamagaral da, niya pinayag ku. Sabi mu, para makapangan la ring tsokoleyt, manyaman a ulam at makasulod a masanting a baru, niya pinayag ku. Sabi mu, para enala gumaga pa potang paglokwan dala deng kaklasi da na kalulu tamumu, niya pinayag ku. Pero bat pakanini naman ing milyari king yatu? Wa, sabi mu nitang talwing ayus mu na panayan munemung sapak ing balikbayan box a pasalubung mu. At dyang masakit king lub ku, pinayag ku. Pero eku naman sinabing ing sarili mung katawan ing kailangan para sapak yamu! Dapat pala, nitang mumuna pa, enaku pinayag na mako ka para ekami gagaga ngeni king arap mu.
O B R A : M AY O U N O | 124
Graphics by Edilbert O. Alicante II
Your Absence Mary Klaudine L. Paz
she told me to be good, as she stroke my hair gently in my comfy red pajamas. she told me to listen carefully, as she placed the brown envelope on the old wooden table by the door. she told me to behave in class, as she zipped her suitcases close. she told me to never sleep past my bed time, as she carefully tucked me to bed. she told me she will to wait and she will give me everything i’ll ever wish for. she told me she’ll be back after a few nights, and when the morning comes it is as if she has never left.
but i have slept for so many nights, and i have been wishing for the same thing on the same star for years. and i have witnessed all kinds of mornings, i have sensed every breeze of the cool air and yet she did not tell me that i will feel the same thing i felt that night, when she left…
Tadhana Jerico T. Manalo
Binuksan ni Utoy ang telebisyon at inilipat ang channel sa syete. Eksakto naman at naguumpisa pa lang ang paborito niyang palabas tuwing sabado. Lumipad na ang eroplanong papel na siyang pinakmarka ng palabas kasabay ng paglipad ng kanyang isip sa isang lugar na alam niyang malayo pero pamilyar na pamilyar sa kanya. Inilibot niya ang tingin sa buong paligid. Namangha siya sa dami ng tao na namimili at namamasyal. Gabi na roon pero tila hindi pa rin nababawasan ang mga tao sa daan. Marahil, mura ang bilihin kapag ganitong oras, kanyang nasabi sa sarili. Sa kanyang paglalakad-lakad ay hindi niya namalayang napadako na siya sa harap ng isang malaking bahay. Hindi niya alam kung ano ang pangalan ng lugar na iyon sapagkat intsik ang nakasulat sa mga karatulang nadaan niya. Kaya iniwaksi na lang niya ito sa kanyang isipan at umupo na lamang sa pinakamalapit na upuan. Isa pa, nakaramdam na siya ng kaunting pagod. Tumingin siya sa kalangitan at napangiti siya sa kagandahang hatid nito sa kanyang mga mata. Maraming bituin nang gabing iyon at maliwanag na maliwanag ang bilog na buwan. Ngunit biglang bumaliktad ang kurba ng kanyang mga labi at nagkasalubong pa ang kanyang makakapal na kilay nang mapansin ang isang medyo may katandaan ng babae na hingal na hingal habang pasan-pasan ng kawawang balikat nito. Trabaho dapat ito ng lalaki, anang isang bahagi ng utak niya habang hindi maitatanggi ang pagkainis sa mukha niya. Lumapit siya rito at marahang tinulungan ang matanda. Nabigla naman sa kanya ang matanda pero makalipas ang ilang sandali ay napangiti na rin at nagwika ng salamat. “Bakit po ninyo ito ginagagawa?� hindi napigilang tanong ni Utoy. Inayos muna ng matanda ang nagusot na uniporme bago sumagot. “Kasi kailangan, ‘toy. Hindi kami mabubuhay ng pamilya ko kung hindi ko gagawin ito. Hindi makakapag-aral
127 | O B R A : M AY O U N O
ang mga iniwang kong anak sa Pilipinas. Walang mangyayari kung tutunganga lang ako at maghihintay na lamang ng tulong.� Naantig ang puso niya sa sinagot ng kausap. Hindi na niya nakuha pa muling magsalita at hinayaan na lang niyang tumulo ang luha sa kanyang mukha. Napaupo na lang siya ulit at may tangang-tangang mabigat na bagay sa puso niyang pinagmasdan na lang ang matanda na bumalik na sa tinutuluyan nitong bahay. Lalo siyang naiyak nang makita na pinaghahampas pa ang matanda ng mahabang patpat ng malamang ay amo nito dahil sa katagalan daw nito. Dagdag pa ng galit na amo ay umiiyak ang bata sa loob at marami pang dapat hugasan na muntik pa niyang hindi maintindihan dahil sa punto nito. Hindi naman niya ito matulungan, kahit na sanggahan na lang niya ang bawat paghampas nito, dahil sino siya para pumagitna. Isa pa, hindi siya makapasok sa bahay na iyon dahil kandado na at masyadong mataas ang tarangkahan. Pagkaraan ng ilang minuto ay bahagyang gumaan na ang kairamdam ni Utoy. Gutom naman ang bumalot sa buong sistema niya. Kahit na naaalala pa rin niya ang sinapit ng matanda kanina ay nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad at lumisan na sa lugar na iyon. Dinala naman siya na mga paa niya sa kung saan siya nakatayo kanina. Tila pilit siyang hinatak pabalik doon. Ngunit ng mga oras na iyon ay mas lalong dumami ang mga tao. Minsan ay nadadali pa siya ng mga ito sa tagiliran. Dahil doon ay naghanap siya ng mapagpwepwestuhan. Umupo siya sa isang bakanteng upuan sa tapat ng isang tindihan hindi na naman niya alam ang pangalan dahil sa pagkakasulat nito ng pangalan. Hindi sinasadyang naamoy niya ang masarap na tindang noodles na inihain ng isang babaeng may katandaan na rin. Abalangabalang tinutulungan nito ang may-ari ng kainan. Sa kanyang pag-oobserba ay napag-alaman ni Utoy na Pilipino rin ito kagaya ng pagkilala niya sa matandang babaeng kanina. Ang matanda namang nasa harapan niya ngayon ay pawisan at tila ba pagod pero patuloy pa rin sa pagsandok ng pagkain at pagbibigay sa mga nakapilang kostumer. Wala naman ibang ginagawa ang may-ari kundi tumayo lang doon malapit sa kahera at magdadada ng magdadada na minsan ay hinahalungan pa ng paghampas sa pagod nang mga balikat ng matanda. Naawa na naman siya. Kaya matapos mag-order at kumain ay nilapitan niya ang matanda na ngayo’y nakaupo sa isang sulok habang tagaktak ang pawis. Inalok niya ang kanyang pulang panyo at gaya ng inaasahan ay nagulat ang matanda sa kanya. Hindi rin nagtagal ay tinanggap din ito at nagpasalamat.
O B R A : M AY O U N O | 128
Umupo siya sa tabi nito at nagtanong, “Bakit po ninyo ito ginagawa?” “Kasi kailangan, ‘toy. Hindi kami mabubuhay ng pamilya ko kung hindi ko gagawin ito. Hindi makakapag-aral ang mga iniwang kong anak sa Pilipinas. Walang mangyayari kung tutunganga lang ako at maghihintay na lamang ng tulong,” tugon nito pagkatapos ay kumuha ito ng tubig at uminom. Nagulat siya sa sinagot nito sapagkat kaparehong-kapareho rin ito ng sagot noong unang matanda. Nagulat din siya nang malakas na tinawag ng may-ari ang pangalan ng katabing matanda at pinaghahampas na naman ito ng sandok pagkalapit.. Sa kanyang pagkakaintindi ay pinababalik na siya nito sa pagtratrabaho. Wala siyang magawa. Wala na naman siyang nagawa. Kagaya ng wala siyang magawa kanina kundi pagmasdan ang kalupitan ng mundo sa mga taong ang gusto lang ang magkapera at makatulong sa pamilya. Wala… wala siyang nagawa noon. Bumalik siya sa kasalukuyan na basa ang magkabilang pisngi. Kapag ganito talaga ang napapanuod niya ay hindi kayang pigilan ni Utoy ang sarili na hindi maiyak. Sapagkat ganyan din ang naging kwento ng Nanay niya. Ang Nanay niya na piniling mangibang-bansa para lang makapag-aral siya. Para lang may makain siya sapagkat wala na rin ang kanyang Tatay para tulungan siya. Para lang mabuhay silang dalawa. At iyon ang pinaniwalaan niya. Pero, iba ang nangyari. Siya na lang ang nabubuhay ngayon. Habang patuloy na inaalala ang paghihirap ng kanyang Nanay noon. Ang huling kwento nito sa kanya bago tuluyang malagutan ng hininga sa banyagang bansa. Nami-miss na naman niya ang pagtawag nito ng Utoy sa kanya dahil ngayon ay isa na siyang ganap na abogado. Attorney Regalado na ang tawag sa kanya ng mga tao ngayon at kinilala siya na isa sa mga nangungunang tumutulong sa kaso ng mga OFW. Napangiti siya. Maya-maya ay inilipat niya ang channel sa dos. At napaluha naman siya nang nakita ang pagsasadula sa panalong kasong hawak niya patungkol sa inaping kasambahay sa ibang bansa sa serye ng ipaglaban mo. Pero alam niyang sa oras na iyon, dahil iyon sa tuwa.
129 | O B R A : M AY O U N O
Excess Baggage Janelle Pamela R. David hindi lahat ng umaalis ay nagpapaalam. at hindi lahat ng nagpapaalam ay umaalis.
O B R A : M AY O U N O | 130
Balikbayan box Jejomar B. Contawe Magpapakalublob sa trabaho sa dayuhang dako ng mundo mag-iipon ng pantustos na salaping ipapadala sa pamilyang nasa probinsya. titiisin ang pagmamaltrato ng amo masilayan lang ang litrato ng pamilyang nagugutom sa Pinas ay ibsan na ang kalungkutang labis mong dama. Pagsusumikapang hindi matalo ng lumbay ang kagustuhan mong matustusan ang mga pangangailangan ng pamilyang umaasa sa’yong kasipagan. Saka uuwi sa Pinas bitbit ang Balikbayan box, na naglalaman ng mga damit, sabon, de lata, sapatos, pantalon, para lamang salubungin ng bunso mong kakapit sa kanyang ama at magtatanong, “Papa, sino siya?�
131 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
OFW blues Jejomar B. Contawe i have told my children how, once I was out overseas, i could give them a myriad of chocolates and candies i’d give them what they want in exchange of my being abroad in an indefinite period of time. i have told my husband how, once I got compensated enough, i can send the money abruptly so that he can pay his motorbike that was due in three months. i have told myself how, once I was out overseas, i can withstand the loneliness and melancholic longing there’s Facebook and Skype after all that could help me see my family albeit only digitally. i have told myself a couple of times how this gnawing homesickness could be dissolved once I go home but my employer told me she needs me my family needs me too, I insisted but she was more insistent. i have had enough of this melancholy i can’t wait to head back to my country for God knows how I miss my family.
O B R A : M AY O U N O | 132
Graphics by Isaih Kyle C. Umipig
133 | O B R A : M AY O U N O
No Hero Isaih Kyle C. Umipig If my name is Precy, do not call me a hero only because I’m out of our country. If my name is Mercy, I am not a hero just because I work for other families while keeping my children away from me. If my name is Lucy, I’m no hero for sending boxes of gifts for my relatives— that is my accountability. If my name became Hero because I died from a tragedy, what is the true sense of bravery when my name isn’t in history but only a tragic story in the minds of many? *OFWs who are exploited, harassed, and discriminated are not heroes to conceal the fact that they are repressed from their rights.
O B R A : M AY O U N O | 134
Chat Eugene Quiazon Galit sa akin si Bunso. Hindi na sana ako iiyak kagabi, tulad ng palagian kong ginagawa, kung ‘di lamang siya nag-chat “Diyan ka na lang sa inaalagaan mo.� Masakit magalit si Bunso. Dinudurog niya ang puso ko. Sila ang buhay ko; sisidlan ng aking pag-ibig, pag-asa Sa kanila ko inaalay lahat, pati pagkatao ko Matumbasan sana ng pasalubong ang pagkukulang ko bilang Ina Gaya ng sayang nadarama ko tuwing naibibigay ko ang kailangan niya, Kapalit ng pagpapa-alipin ko sa ibang pamilya.
135 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Joseph Carlo M. Pineda O B R A : M AY O U N O | 136
Graphics by Edilbert O. Alicante II
137 | O B R A : M AY O U N O
One-way ticket Andrea S. Espinosa Distansya at mahabang panahon na di lang nagkataon; Sinadya ng malaking hamon sa pag-alpas patungo sa lupang ipinangako. Mga mahal sa buhay na patuloy ang pagbibilang ng mga araw sa pagbalik ng kanilang magulang— Mga munting paslit na noo’y iniwan, at sa pagbabalik ay may sanggol nang tanan. Dapat bang isisi ang kakulangan sa pag-aaruga ng magulang? Sila rin naman ay alipin ng labis na pagkaulila. Kasalanan bang maghangad ng isang magandang bukas? At kasalanan bang lumisan nang may patutunguhan, ngunit di alam ang babalikan?
O B R A : M AY O U N O | 138
Talaarawan Janelle Pamela R. David Lunes Gusto ko nang umuwi. Martes Gusto ko nang umuwi. Miyerkules Gusto ko nang umuwi. Huwebes Gusto ko nang umuwi. Biyernes Gusto ko nang umuwi. Sabado Gusto ko nang umuwi. Linggo Gusto ko nang umuwi. Lunes Martes
139 | O B R A : M AY O U N O
AGOS Larawan ni Isaih Kyle C. Umipig
O B R A : M AY O U N O | 140
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
141 | O B R A : M AY O U N O
IKALIMANG KABANATA
P
arati kong naalala ang mga araw na nag-uusap palang si nanay at tatay kung kailan ako iluluwal. Kung anong magiging kasarian ko, kung anong ipapangalan sa akin, kung ihahango sa aking lola, kung magiging babae ako o kung magiging junior ako ng itay kung magiging lalaki, kung sinong magiging kamukha ko sa kanilang dalawa. Marami silang bagay na pinagtatalunan ngunit sa isang bagay sila nagkakasundo: anuman ang magiging hitsura, kasarian o kulay ko ay tanging pagmamahal lamang ang kanilang igagawad sa akin. Tulad ng paghihintay ng pagsapit ng Pasko, ang hatid ng bawat araw na lumalapit ang pagsapit ng unang araw ng Mayo, kung kailan ako itinakda upang pinanganak, ay ligaya ang dala sa kanilang dalawa. Malakas man ang pagbuhos ng ulan, napapadalas man ang pag-uwi nang pagod ni tatay ay hinding-hindi mawawala sa kanilang dalawa ang pag-aalala sa akin. Kaya naman sa pag-uumpisa ng ambon, ang mabahong amoy ng alimuom, ang mahinang pagbuhos ng ulan at sa pag-uumpisa ng pagwewelga ay mas lalong lumalala ang pag-aalala sa akin nilang dalawa. Marahil ang pagkakamali namin ay tanging ang kapanganakan ko lamang ang lubos naming inabangan – hindi ang mga pangyayaring naganap bago ito. Hindi ko kailanman malalaman kung ano ang pakiramdam ng makalanghap ng alimuom. Hindi ko makikilala ang sensasyon ng pagdami ng luha ng langit sa aking balat. Hindi ko mararanasan ang maging anak – hindi ko mararamdaman ang ligalig ng paghihintay na makauwi ang tatay o ang labis na kasiyahan kapag napapangiti ko ang nanay. Kung alam ko lamang na ganito ang mangyayari, napigilan ko sana ang tatay na dumagsa sa pag-aalsa at napakiusapan ko sana ang nanay na manatili na lamang sa bahay. Hindi siguro ito ang ibig maganap ng tadhana. Hindi ako magiging pamilyar sa hapdi at hinagpis ng pagkawala ng minamahal. Hindi ko matutukoy kung ano ang pakiramdam ng kaligayahan sapagkat hindi man lang ako napagkalooban ng pagkakataon upang makaramdam ng sakit – hindi man lang ako napagkalooban ng pagkakataong maranasan ang kasawian at kaligayahan ng buhay. Lahat ng bagay na nag-uumpisa ay may nagbabadyang katapusan. Katulad ng walang tigil na pagbagsak ng ulan, tumila ito pagkatapos ng dalawang magkasunod na putok ng baril. Hindi parating mayroong dalang ginhawa ang mga araw pagkatapos ng matinding unos dahil hindi natutuwa ang mga tao sa paligid. Hindi na kulay berde ang tubuhan. Naririnig ko pa rin ang paghihikahos ng mga tao ngunit wala na kaming magawa ni nanay at tatay. Kulay kahel ang aking nakikita sapagkat naghalo ang pula sa paligid sa at ang dilaw na dala ng sikat ng araw. Nakasisilaw ang aninag na dala ng langit. Sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang pagsikat ng araw.
O B R A : M AY O U N O | 142
SULONG Larawan ni Isaih Kyle C. Umipig
143 | O B R A : M AY O U N O
O B R A : M AY O U N O | 144
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
145 | O B R A : M AY O U N O
Artista sa daan Jerico T. Manalo Animo’y isang sikat na artista Si Kuya na nakasalamin pa Umupo sa gilid ng bangketa Habang katawa’y puno ng grasa. Nagsimula na ang unang eksena Kanya nang bibigkasin ang unang linya Kasabay ng emosyong dapat ay nakadadala Upang lahat ng atensiyo’y kanyang makuha “Palimos po, palimos po! Manong! Ale, palimos po! Kanina pa po ako gutom, maawa po kayo. Bigyan niyo naman po ako kahit na piso.” Sabay tulo ng luha ni Kuya.
O B R A : M AY O U N O | 146
Titser sa picket line Jejomar B. Contawe hindi na isusumbat pa ang paglilinang na aming tinamasa at patuloy na tinatamasa para sa karunungan ng mga bata. hindi na isusumbat pa sa kung paanong ang kahalagahan ng edukasyon at kaalaman sa kanila’y ipinamulat. hindi na rin isusumbat pa ang mga patnubay at gabay na aming taos-pusong ibinaybay mahubog lang ang pagkatao ng mga bata, bilang kanilang mga pangalawang ina’t ama. kung kaya’t mali bang kami’y magngalit at umalma, bilang aming masidhing protesta’t pag-ulat, sa kung paanong sa kabila ng aming paghihirap, ay hindi kami sinasahuran nang sapat?
147 | O B R A : M AY O U N O
Bitag Albritch Adam A. Labiano “Nandito na kayo sa pagta-trabauhan ninyo,” sigaw ng matandang babae, ang aming recruiter, habang minamadali kami sa pagpasok sa isang makipot na kwarto: mapanghi, marumi, at kalunos-lunos. “Akala ko po bang sa isang hotel kami magta-trabaho?” tanong ng kasamahan ko, tantiya kong disi-nuebe anyos, habang nagbabadyang umalis, ngunit nakasarado na ang pintong pinasukan namin kanina. “Sa palagay mo ba papasa ka roon?! Magbihis kana mabuti pa, nang makasayaw kana mamaya. Maaga ang mga Amerikano ngayon!”
O B R A : M AY O U N O | 148
Tita Melbi Jerico T. Manalo Madalas ako sa bahay nina Tita Melbi, pinsang buo ni Papa. Lagi kasing wala silang dalawa ni Mama dahil parehong nagtratrabaho kaya sa kanya nila ako inihahabilin. Malapit lang din naman kasi ang bahay nila sa amin. Isa pa, home-based lang daw ang trabaho nito. Ewan ko kung ano iyon. Sa buong maghapon, kalahati noon ay mag-isa lang akong naglalaro sa kanilang sala kasama ng tatlong manika ko. Kapag nagsawa na ako ay nanunuod na lang ako ng cartoons sa telebisyon nilang malaki. Hindi raw kasi ako pwedeng pumasok sa kwarto niya at abalahin siya dahil mayroon itong importanteng ginagawa. Ang kalahati naman na natitira ay kasama ko na siya. Kumakain ng kahit na anong madampot sa ref nila o kaya naman tatawag siya at maya-maya ay may delivery na. Sinasamahan din niya akong maglaro minsan at manuod o hindi naman kaya ay kinukwetuhan na lang niya ako tungkol kina Mama at Papa. Isang araw, sa kalagitnaan ng aking paglalaro ay biglang lumabas si Tita at nilapitan ako. Dahil sa kanyang hindi maipintang mukha ay napag-alaman kong nababalisa siya. Nauutal-utal din siya dahilan para hindi masabi sa akin ng maayos ang gusto niyang sabihin. At pagkatapos ng isang malalim na pagbuntong-hininga ay ngumiti siya at nagtanong, “Gusto mo ng bagong damit?” Ipinakita niya sa akin ang isang kulay rosas na bistida na kahawig ng mga suot ng mga manika ko. Tila nangislap ang aking mga mata sa nakita at mabilis na lumapad ang ngiti sa aking mukha kasabay nang pagtugon ko ng “oo” habang nagtatatalon sa pwesto. Niyaya niya ako patungong kwarto niya pagkatapos ay pinatayo sa kama niya. Inalalayan niya akong alisin ang damit kong pang-itaas kasunod ng short ko. Saglit siyang napahinto at makaraan ang ilang minuto ay binuksan niya ang kompyuter na nakapwesto malapit sa paanan ng kama. Bumungad naman sa amin ang isang matandang lalaki na maputi ang balat at naninilaw ang buhok. “Sino po siya?” tanong ko kay Tita. Lumapit lang siya ulit sa akin at walang anu-ano ay ibinababa na niya ang underwear ko. “Tayo ka muna diyan saglit,” utos ni Tita. “Gusto ka munang makilala ng nagbigay sa’yo ng damit.” “Ang tito mo… for the day.”
149 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Nikkie Joy Pacifico
O B R A : M AY O U N O | 150
Addict Jejomar B. Contawe
they say I’m an addict i smoke two packs of Marlboro a day my mouth unremittingly reeking of tar and nicotine they say I’m an addict i drink too many bottles of booze in a sitting my senses running the risk of becoming disoriented they say I’m an addict my figure’s too emaciated that could get me mistaken for a panhandler perennially shorn of food and shelter they say I’m an addict but the truth is am not, but they—those who mindlessly cast their prejudice off me— insisted that I am they say I’m an addict and now I was lying down the street shot in the head by the police, breathless and bloodied.
151 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann S. Inocencio
O B R A : M AY O U N O | 152
Unwanted Order Pauline Grace B. Manzano you tried to build in order to leave a legacy. you tried to change in order to mold individuals. you tried to kill in order to eliminate criminals. you tried to be hard in order for them to fear. you tried to be strong in order to manage the country. but you never tried to consider in order for us to
l i v e.
153 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
O B R A : M AY O U N O | 154
AFTERWARDS Photo by Pauline Grace B. Manzano
155 | O B R A : M AY O U N O
A Riddle Mary Klaudine L. Paz I have a job that pays a minimum wage Which is, of course, not enough to pay All my monthly bills and have me sustained In my essential needs for each and everyday What am I? A Filipino.
O B R A : M AY O U N O | 156
Ang mosquito press Jejomar B. Contawe naparito ako para idokumento ang mga kasamaang ipinanday ng mga kamay na hayok sa pagkamkam ng kapangyarihang ang layuni’y pansarili lamang. naparito ako para idokumento ang mga walang habas na pagpatay sa mga inosenteng sibilyan maikubli lang ang mga anomalyang sisira sa’yong imaheng huwaran. naparito ako hindi para matawag na isang bayani— dahil ayokong matawag na bayani kung ang kapalit nito’y ang hindi ko na muling paggising para sa bokasyong nakatakda ko pang gawin para sa bayan kong magiliw. naparito ako hindi upang mamatay para sa’yo— sa’yong pansariling interes lang ang habol; sa’yong inilagay sa kamay ang batas at ‘di makatarungang paghatol. dahil naparito ako, kami— kaming binansagan mong lamok sa lipunang salat sa impormasyong makatotohanan—upang mamatay sa ngalan ng isang pangakong aming pinanghahawakan—na ang natitira pang buhay ay alay sa kanila— sa kanilang mga nagbuwis ng dugo at yumao; maipaglaban lamang ang sambayanan, at ang kanilang karapatang pantao. *isang paggunita para sa mga mamamahayag sa kasagsagan ng Martial Law
157 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Gabriel Jann Inocencio
O B R A : M AY O U N O | 158
Sa kahabaan ng EDSA Jejomar B. Contawe higit tatlong dekada na mula nang tayo’y nagkabuklod-buklod, nagmartsa— mga Pag-asa ng Bayan, mga manggagawa, ang midya, ang Simbahang Katolika sama-samang nag-aklas sa rehimeng pilit iniaalis ang demokrasya sa masa. ngunit hindi nagpaapi o nagpagapi— mga Pag-asa ng Bayan, mga manggagawa, ang midya, ang Simbahang Katolika sama-samang iwinagayway ang bandila. at sa kahabaan ng EDSA, sambayanan na ang nagpasya: laban sa katiwalian at diktaturya, maghahari ang hustisya.
159 | O B R A : M AY O U N O
TAMIS NG PAGLABAN Larawan ni Isaih Kyle Umipig
O B R A : M AY O U N O | 160
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
Second death Lander Victor G. Tejada It always baffled him when he looked around just to find people with no questions at all. To him, they looked like planets revolving around their respective suns on a God-given orbit, while he was a pale blue comet traversing this space not knowing if he was directed towards the center or to the edge. One day, he asked me a strange question: how would you like me to be remembered? The question was strange. I wanted him to be remembered as the legend who asked the greatest question. I returned a question to him. “What made you ask that question?” “People work so hard to leave a mark that can stay once they’re gone, and in the process, they forget the real meaning of life.” “The real meaning of life is interesting to know,” I said. “Well, I take that back. Life has no real meaning. You have to make it up yourself. For instance, mine is to work and to love.” “Like a clean paper. You have to write something on it,” I suggested. “Something like that. But I insist people must disappear with it.” I didn’t get it. “A joke. Well, to be honest, I mean it. People must disappear with their mess. They can’t see past their stupidity, yet they’re obsessed about being remembered. The truth is you can’t. You cannot intentionally do something to be remembered. You’ll end up failing.” “Are you not worried of being forgotten?” I asked. He handed me a literature. As I skimmed through it, he pointed a face in one of the pages.
161 | O B R A : M AY O U N O
“That man. Of course, you know him.” I nodded. It was Aristotle. His wavy hair whizzed through the whirling wind as he took a glance at a distant tree. “I’m not afraid of being forgotten. I’m afraid of death. I’m afraid of it because I feel I have not done enough. I think that there is more to discover. To be trapped in this heavy head is a leisure for me. I’d never want to go.” With the tick of the clock on top of the golden pendulum, an apple fell from the distant tree. “If I must go, then that’s it. No matter how great the work I leave, my life ends when my work ends.” The gloomy shade of the horizon served as my response to him, the most brilliant person I know. “My dear friend, I do not wish for them to speak my name forever. Legacy fades and no amount of remembering can reanimate.” Looking back decades from that moment, I realized how honest and correct we were. He was right, remembering him cannot break the stagnation of knowledge. I was right, he was remembered for his laws of motion and as the man who asked if the moon also falls. However, only I know that Isaac died a virgin. I guess I’ll be forever remembered for spilling that.
O B R A : M AY O U N O | 162
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
163 | O B R A : M AY O U N O
Saksi Isaih Kyle C. Umipig saksi ako sa bawat pagpatak ng dugo, pag-alulong ng mga aso, pagtangis ng mga naulilang lubos inaapuhap ko ang dibdib na nakadikdik sa akin hindi na titibok at hindi na kailanman dahil ang dugo ay tuluyan nang ubos pinakikinggan ko ang humihiyaw na wangwang ng mobil, ang pagkurap ng mga ilaw ng kamera ng midya. buhay ay isang gintong alahas na naisangla’t hindi na matubos sa pagbubukas ng bagong araw ay muli na namang hihintayin ang panggabing palabas, madugo at marahas— isang tanghalang hindi matapos-tapos *isang tula ng mga daang naging saksi sa mga madugong krimen sa lansangan
O B R A : M AY O U N O | 164
Tokhang Isaih Kyle C. Umipig Halika rito. Itapak ang iyong makinis na sapatos at dumihan ang bagong suot na uniporme. Marahang kuskusin ang birhen mong sandata, sabay pisilin ito sa nangangatog mong kamay. Dito tayo sa kung saan walang nakakakita, kung saan ang dilim ay may pangako ng katahimikan. Pakiramdaman natin ang init ng paligid, ang kaluskos ng paparating, papalapit, lumiligid. At sa wakas, sige, iputok mo na. Kalabitin ang gatilyo hanggang sa mabutas ang kanyang kalmnan, hanggang sa dumanak ang pula. Teka, huwag ka munang umalis, pasensya na ngunit hindi pa naaabot ang kota; mahaba pa ang ating gabi.
165 | O B R A : M AY O U N O
Graphics by Isaih Kyle Umipig O B R A : M AY O U N O | 166
Parihaba
Lander Victor G. Tejada Dumating na ang balik bayan box mula kay Nanay. Nakapagtataka, dahil mas malaki ito sa mga nauna niyang padala at may puting mga bulaklak pang kasama.
Graphics by Kenneth Leo V. Pamlas
167 | O B R A : M AY O U N O
Karpintero Jejomar B. Contawe Pinagkatiwalaan ka ng sambayanan iniluklok ka sa pwestong matagal mo nang gustong makamtan. Kapalit nito’y ang mga maaasukal mong mga pangako sa madla ng isang pamayanang malayo’t malaya sa korapsyon at katiwalian. Hanggang sa nakaupo ka na nga’t nanatiling nakaupo na lamang. Kasama ng mga pangako mong napako, at ang sambayanang iyong niloko.
O B R A : M AY O U N O | 168
THE
WORK
E D I T O R I A L B O A R D A N D S TA F F 2018-2019 Pauline Grace B. Manzano Editor in Chief Isaih Kyle C. Umipig Associate Editor in Chief / DevCom Editor Jessa A. Sobrito Managing Editor
Nica Joy A. Calma Senior Photojournalist
Creisha Mae S. Dimabayao Andrea S. Espinosa Associate Managing Editors
Andrea Nicole B. Sapnu Gianne Merielle P. Gonzales Jan Gusfel C. Dungca Albritch Adam Labiano Pamela Rose G. Reyes Mary Klaudine L. Paz Jerico T. Manalo Eugene Quiazon Crystal Gayle O. Rosete Jehiel P. Asio Caitlin Joy C. Galanza Correspondents
Lorddan U. Faller Lander Victor G. Tejada News Editors Jejomar B. Contawe Features Editor Janelle Pamela R. David Literary Editor Arsenio S. Santiago Jr. Sports Editor
Nikkie Joy T. Pacifico Edilbert O. Alicante II Cartoonists
Joseph Carlo M. Pineda Layout Editor
Helen Grace C. De Guzman Layout Artist
Kenneth Leo V. Pamlas Graphics Editor
John Dave Benedict C. Isidro Photojournalist
Gabriel Jann S. Inocencio Senior Cartoonist
Dr. Gladie Natherine G. Cabanizas Adviser
PASASALAMAT
I
sang pinagpagurang pasasalamat! Ito ay para sa Kanya na may lalang sa lahat ng may buhay.
Ito ay para sa aming mga magulang na walang mintis sa paghahanapbuhay upang buhayin ang mga batang tulad namin na malikot ang isipan.
Ito ay para sa kapwa estudyante-mamamahayag na patuloy na pinalalago ang kamalayan ng mga kabataan sa kanilang responsableng paguulat. Ito ay para sa bumubuo ng The Work na matikas pa rin ang mga tindig sa kabila ng mga kalamidad na nanghamak manalanta sa bawat isa. Ito ay para sa CEGP at sa hindi matatawarang pagsasabuhay ng kanilang adbokasiya. Sumulong! Sumulat! Manindigan at magmulat! Ito ay para sa aming mga kamag-aral at mga kaibigan na nagbibigay ng suporta sa aming taunang paggawa ng OBRA. Ito ay para sa bumubuo ng TSU Administration para sa dumadanak na suporta at kay Inay Gladie na siyang nagsisilbing aming sandigan sa lahat ng aming hirap at tagumpay. Ito ay para sa bawat manggagawang pilit lumalaban sa buhay, sa bawat manggagawang naging mukha ng bawat Pilipinong nagpapagal at nagtitiyaga. Ito ay para sa iyo, mambabasa. Nawa’y matutunan mong hindi nasusukat ang iyong pagkatao sa uri at antas ng iyong trabaho. Hindi nasusukat ang iyong halaga sa kung magkano ang mayroon sa iyong bulsa.
Lahat ng bagay na nag-uumpisa ay may nagbabadyang katapusan. Katulad ng walang tigil na pagbasak ng ulan, tumila ito pagkatapos ng dalawang magkasunod na putok ng baril.