Simbuyo mga tula at kwento ng damdaming dumadaluyong
TINTA 2015 UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES-UP
Mga ginamit na font: Brand - Zing Easy Pamagat - Meddon Katawan - Garamond Ukol sa pabalat: Dibuho ni Aratiles.
Simbuyo
Š
Tinta is the official literary folio of the
UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES-UP
Batch 2014-2015.
All parts of this book is highly encouraged to be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying form as long as it is credited to the respective writers and to the Union.
Tula
2
PENDULUM
13
WAVES
14
HUSHED VOICES
20
KAKAIBA
24
ALAY NI DIMANGAN
25
SELENA
32
NAGMAHAL LANG AKO
33
PAPURI
37
SERYE NG LARO
42
TULANG NAKASULAT SA KAMAY
50
SECONDHAND
56
KAILAN KAYA?
62
PAPER CUTS
70
PERSEPHONE
74
BREATHE
The Joker
Magwayen Gina
Velutha Gina
Magwayen Magwayen
Velutha Gina
The Em
The Joker Daisy
Caitlyn
The Joker The Joker
6
FERRIS WHEEL
9
Velutha
Paraluman
ANG PAGKAKAKILALA
16
TO MORNINGS
22
BARYA LANG PO SA UMAGA
28
SAGOT SA KAHIRAPAN: ANOREXIA
34
UPHILL
44
VISITING HOURS
51
AYBOL
58
APLAYA
64
Magwayen
Magwayen Isabelo
Aratiles
Velutha Del
Aratiles
Velutha
Prosa
THE ARGUMENT
May nagbabadyang kumawala—
mga salitang hindi nabitawan, katagang naging buntong-hininga na lamang, tinangay ng hangin, nilipad ng takot at agam-agam
Ngayo'y hahayaang tumilamsik ang tinta, sumayaw, lumipad ang mga titik na tila ba'y may sariling b u h a y. Hahayaang tumakas ang mga hiyaw, dati'y impit na tinig mula sa mga bibig na tinikom, magiging sigaw ang mga hikbi, ang mga bulong. Babasagin ang nananaig na katahimikan, palalayain ang simbuyo ng nagbabagang damdamin. l
Pendulum by THE JOKER
She gathered what little bearings she had and departed from the small, silent fields of gold and green where the sun majestically rose to birdsong and the smell of coffee and pan de sal satisfied the growling beast before the daily grind, the harsh toil She locked her garments in a suitcase and left the keys to her bruised heart to two sweet buds who sang, grew and playfully kissed her cheeks with their soft, pink petals Her feet were lead as she walked chain around her neck and sealed in a carton labeled with “hardworking,” “cheap labor” one hundred percent guarantee! She was wrapped and bound to a big, white machinery that would take her to more gold and greener pastures
2
l Simbuyo
that were not as gold and as green as the small, silent fields of home (that were never theirs) Finally, their soiled yellow hands and her unfortunate circumstance carried her to the sky along with other packages dressed in different programmed dreams as those before them Twice a victim elsewhere͞ once, of an unsuccessful breach on the gates of Jericho in the sands of the Middle East and the other, a false accusation of spoons, syringes and white dust causing her to die a death similar to Rizal’s owning to the sins of others who have followed the path of Pontius Pilate and washed their hands after lining her tattered suitcase with filth Now the clock has begun to tick her breath has begun to dissolve (one, two, one, two)
Tinta 2015 l
3
and her blood has begun to trickle down as she asks herself
once it shatters the ribs and pierces the soft, red tissue ceasing its drumming ritual
if the bullet will hurt the heart and make a splintering sound
amidst the noise of a red, rallying crowd and the choked back sobs She gathered what little bearings she had left and departed in hopes of returning to the small, silent fields of gold and green Even in a coffin. l
4
l Simbuyo
Del
Tinta 2015 l
5
The Argument by VELUTHA
She looked at the ceiling and tried hard not to listen. She, instead, concentrated on the light bulb on the yellowing and cracking surface of the ceiling. Drawn by its incredible brightness, a small moth circled around the bulb, bouncing and hitting it with its head. She wondered what the moth was thinking—“What is this blinding light?” it probably said, “Why do my eyes hurt yet I feel myself moving back, drawing closer, nearer into the light?” Her stomach growled and she remembered she hasn’t taken a bite since breakfast. Her wristwatch, a gift from him, read 3 pm. They have gone through the argument for about four hours. She felt exhausted, and all she wanted to do was take a nap and eat and maybe by then she could reconsider it, reconsider everything. “Are you listening?” he asked her. “Maybe,” she said. She was remembering how many times they have argued—close to hundreds, no, thousands. He interrupted her thoughts, “So, as I was saying, the character is too flat. Look how the story ended. He walked by the street and waited for a bus and that’s it? Where is he going? What is he gonna do?” She sighed. “Yeah, yeah, it’s an open-ending, I get that. Still, there are far too many questions. And why is he wearing a jacket? Is it necessary for this character to wear a jacket? Why is the jacket red? What is the political importance of having a jacket the color 6
l Simbuyo
of red?” he fired questions at her without giving her much time to respond. “Why does it always have to do with politics? Can’t people just wear the first thing they see in their closet and just go about their freaking life?” she shot back at him. “Oh, there, I’ll catch you on that. Yes people can do that, and no, you may not. Because you’re a writer. That means you have the duty to think through every detail of your story, be it a deciding moment for your character, or the littlest piece of his or her clothing,” he explained. “I know, but it is just so weird, a jacket for what, four hours? My God,” she said, her voice sounding tired. “Well, a jacket, yes, but see, you should be able to answer whatever it is that I ask. We’re having this conversation because you won’t accept my observations,” he answered. “Because you always have something to say. In everything—” He blurted out, “It's because I care.” She looked at him and the sheets of paper he was holding. That was her seventh revision, only hours ago she was very excited to show him her story. She recalled if she has been afraid about how he would react again–no, she was expecting it. They have argued over everything and anything under the sun. The shoes they wear, the music they listen to, the way they speak, the way they make love. They have disagreed over the best kind of government this nation needs and the best color of nail polish to put on summer. She wondered how much she loved him, this horrible person. He was not particularly handsome, or maybe she just hated him at the time. He was smiling as though he has triumphed over her again. Well, maybe he did. He made her love him a little more. Tinta 2015 l
7
Now as she looked at the ceiling and tried hard not to listen to the one song he totally abhorred, and so she totally loved, she thought of when it started – his questions getting fewer, lesser everyday. She was happy, of course. Finally, he was listening to her. Finally, he was hearing out her every word. But she knew something was not right. Something was lost the day he stopped questioning. She reached for a bottle of water and drank down the last of it, she felt her empty stomach burn but something inside burned more wildly. So when she heard the knock on the door she immediately walked towards it and let him in. They sat across from each other in the wide living room, not saying anything. He was the one who broke the silence, “Can we turn off the light? The moth is bothering me.” “I’ll just open some of the windows, then,” she said. She turned off the light and went across to the glass windows, opening each one as wide as she could. The fresh air blew in; she took a deep breath then she slowly let it all go. “Is it okay now?” she asked. “Yeah, it’s okay,” he replied. l
8
l Simbuyo
Ferris Wheel
ni PARALUMAN
Takot na takot akong sumakay ng Ferris Wheel. Takot ako sa bawat tunog ng pag-andar ng makinang walang kasiguraduhan kung titigil ba o hindi sa kalagitnaan. Sa bawat paggalaw at pagpihit ng mga parte nitong anumang oras ay maaaring kumalas. Takot akong sumakay sa mga malalamig na upuang nakalambitin sa ere na tila ba anumang oras ay maaaring mapagod sa pagkapit dahil sa araw-araw na paulit-ulit, pabalik-balik, paikot-ikot na buhay nito. Takot akong sumakay sa isang bagay na kung saan ang tanging pumapagitna lang sa akin at sa kamatayan ay rehas; tanging kapirasong bakal lamang na sa bawat ihip ng hanging Amihan ay lumalamig; para bang yelo na kapag hinawakan ay masakit; ngunit matatag ang pangakong iingatan ka, hindi hahayaang maranasan mo ang nagbabadyang sakit at kamatayang dulot ng pagkahulog mula sa kalangitang kinalalagyan. Takot ako dahil itong bakal na rehas na ‘to, itong harang na ‘to na nangangakong ligtas ka hangga’t nariyan siya, iingatan ka, poprotektahan ka, ay hawak lamang ng iilang turnilyo’t bisagrang malamang ay iilang taon na ring naririyan—kinalawang na, lumuwag na, nanghina na sa pagkakakapit dahil sa paulit-ulit na bukas-sara, labaspasok ng mga taong ipinakita sa kanyang hindi pala sapat ang pagiging harang—ang pagkakaroon ng harang—upang mapawi ang kaba ng pasahero mula sa bawat titig nito sa lupang maaaring kabagsakan. At alam mo ‘yan. Alam mong takot akong sumakay sa Ferris Wheel. Binanggit ko ‘yun sa’yo—hindi ko lang matandaan kung kailan—kung habang kumakain ba tayo ng ice cream at sabay pa ang hakbang ng mga anino natin sa ilalim ng tirik na araw o habang tumatawa’t Tinta 2015 l
9
nagkukwentuhan at tumatakbo papunta sa waiting shed noong naabutan tayo ng ulan— hindi ko alam. Pero alam na alam mo ‘yan. At sinabi ko rin sa’yong hinding, hinding, hinding-hindi ako sasakay ng Ferris Wheel. Dahil takot ako sa matataas. Dahil takot akong malaglag sa kawalan. Ngunit hindi ko alam kung anong meron sa’yo. Kung anong naganap sa atin. Kung sinasadya mo ba. Kung paanong sa simple mong paanyayang, “Tara, Ferris Wheel tayo” ay um-oo ako. Naunahan ng isang segundo, ng isang hakbang, ng isang tibok ng puso ang takot ko. Um-oo ako. Um-oo ako sa’yo. Sa kabila ng malakas na pagpupumiglas ng kaba sa dibdib; sa kabila ng palagiang paalala sa sariling hinding, hinding-hindi ko gagawin ‘to (bakit ko nga ba gagawin ‘to?); sa kabila ng alinlangan sa kaligtasan at takot sa pagkahulog ay narito ako. Um-oo sa’yo. At hindi katulad ng mga nasa romantikong palabas ay hindi mo hinawakan ang mga kamay ko sabay hatak papalapit sa entrance ng Ferris Wheel. Hindi mo inabot ‘yung itim mong jacket kahit na ginaw na ginaw at sinisipon na ‘ko. Hindi tayo tumigil at nagkatitigan. Hindi mo hinaplos ang ramdam kong unti-unting namumula kong mga pisngi. Hindi mo hinawi at isinabit sa tenga ko ang buhok na humaharang sa mukha ko—hindi. Sa halip, sabay tayong naglakad sa loob ng karnabal na kung saan ang bubong natin ay ang kalangitang binuhusan ng itim na itim na tinta at sinabuyan ng sandamukal na bituing kumikislap, tila ba’y umiindak sabay sa ritmo ng mga paa nating tumatapak, marahan; humahakbang papalapit sa Ferris Wheel. 10
l Simbuyo
Papalapit nang papalapit. Pwede naman akong tumakbo patungo sa roller coaster. Pwede kitang ayain sa carousel. Pwede akong umatras palabas ng karnabal ngunit hindi— pinili kong manatili sa tabi mo. Pinili kong sumama sa bawat hakbang mo papalapit sa isang bagay na kinatatakutan ko. Papalapit nang papalapit. Inabot mo ang tiket natin sa lalaking nagbabantay. Sinuklian ka niya ng ngiting puno ng pagtitiwala na para bang ang tagal niyo nang magkakilala, na para bang ang tagal mo nang ipinahanda 'to sa kanya. Ayan na. Nakikita ko nang dahan-dahang bumababa, dumarating sa harap ko ang isang upuang nakalambitin na pulang-pula, napapalibutan ng ilaw na mistulang mga ninakaw na tala. Maliwanag. Kaaya-aya. Kasabay ng pagbukas mo ng bakal na harang ay ang pagkalas ng kandado sa rehas ng puso ko. Ako, na matagal nang binihag ng mga takot ko. Ako, na ngayon ay nabihag mo. Sabay tayong lumulan sa isang bagay na buong buhay ko ay sinabi kong hindinghindi ko sasakyan. Ikaw at ako. Ikaw, na unti-unting pinawi ang lahat ng takot ko. Ikaw, na ipinakita sa akin kung gaano pala kaganda ang buwan, ang mga bituin, ang buong kalangitan kapag mas malapitan.
Tinta 2015 l
11
Ikaw, na ipinaramdam sa akin na hangga’t nariyan ka sa tabi ko, ay ligtas ako, nasa ere man tayo na walang kasiguraduhan, o nasa kalupaan, kahit mapunta pa tayo sa kung saanman. Ikaw at ako. Ako, na umaasang totoo ‘to. Umaasang totoo ang kislap ng mga talang kitang-kita mula sa kinauupuan ko. Umaasang totoo ang ngiti ng buwan at ang bulong ng Amihan at ang sayaw ng mga puno. Ako, na umaasang habang umaangat tayo lulan ng Ferris Wheel na ‘to ay pangangalagaan mo ang puso ko. Ako, na umaasang kasabay ng pag-angat mo sa paniniwala kong totoo pala ang pag-ibig ay ang pananatili sa aking tabi
kuha ni The Joker
at hindi tulad ng iba na paniniwalain ako, iaangat ako, sabay biglang mangiiwan sa ere. l
12
l Simbuyo
Waves
by MAGWAYEN
Collapse into me like the deep blue waves fiercely, violently, as I dwell into your abyss. Lull me, guide me hold me firm against the beat of your chest for the possibilities are terrifying me. Inch after inch and layer after layer, you devour me and I succumb into you—willingly, happily. Fill me, shower me with chipped corals and sharpened shells, fragments what was once of beauty. Tell me, is that how you see me too?
I am more than willing to drown in the coldness of your stares and looming sea walls if you allow me, to conquer you, to grasp your edges and foams, to dance along your currents, to be with you amidst the scrapes and cuts for I am but human, and you are my ocean. l
Tinta 2015 l
13
Hushed Voices by GINA
Her pens are ballerinas tip-toeing scribbles on paper inspired by those fairytales she heard of faraway lands. She danced with them with delight and faith that happy endings do exist, so as loving kings and queens and charming princes in the end. But when the sun entices the moon to come over, her ballerinas are squinting red ink on paper. Their toes are capped with metal balls, they stop writing her fairytale songs. Her screams are useless as these touch the brink of her mother’s finger, so she kept her agony inside instead as the knocking on her door became a drumming. Knock knock‌ it will begin shortly. Click! her door is locked. Thud her back is laid on her bunk With a swoosh her innocence is lost again. 14
l Simbuyo
Delonix Regia
She had not even written her first word what’s left are her scribbles that will only utter those sorrows. And one day where the mind comes mature, she learns the horror side of fairytales. In reality not all kings love their girls as princesses and there is no one, not even the queen to save her. Even if this might turn into a memory of fading red ink, traces of it will be seen on her stories. For her ballerinas will stay forever in motion now to ruin others’ childhood and fairytale illusions. l Tinta 2015 l
15
Ang Pagkakakilala ni MAGWAYEN
Noong una kong narinig ang boses mo, tinanong mo ako kung anong oras na. Hindi kita tiningnan sa takot na baka ma-hypnotize, mabudol-budol, o masalisihan, mahirap na. Hindi kita tinignan sa takot na baka mawalan at manakawan, sa gitna ng mall na halos libo-libo ang mga taong naglalakad, na libo-libo ang mga pamilyang nagsasama-sama, na libo-libo ang mga taong wala lang mapuntahan. Natakot ako na baka sa isang segundo na ialis ko ang mga tingin mula sa relo patungo sa’yo, ay mawawalan ako. Natakot ako kaya sinabi ko na alas-dos na, sa boses na walang pakialam, sa isang taong ‘di ko man lang natignan. Nagpasalamat ka at dali-daling umalis, papatakbo, papatakbo, papatakbo, na parang may kakikitain ka pa. Kagaya ko. Na tatlong oras nang naghihintay sa saya, sa kaba, sa takot na baka hindi makita ang pula kong damit sa gitna ng mall. Tatlong oras na akong naghihintay noon sa isang tao na hindi ko naman kakilala. Tatlong oras akong naghihintay noon para sa taong tatlong linggo ko pa lang nakakausap, sa ilalim ng kakapiranggot na liwanag sa madilim kong kuwarto. Tatlong linggo kong iniisip sa bawat pagtipa ng keyboard, sa bawat pagtunog ng cellphone habang nagkukuwento ng mga litanya na tungkol sa araw ko. Tatlong linggo niyang pinakain at binuhay ang mga paru-paro na minsan lang nabubuhay sa tiyan ko. Ilang minuto pa akong naghintay at naisipang itaas na ang titig mula sa isang kahon na hindi na tumutunog. 16
l Simbuyo
Itinaas ko ang titig ko. At nakita ang taong papatakbo, papatakbo, papatakbo, papatakbo, Pabalik. Patungo sa akin. Noong una kitang nakita, napansin ko ang pawis na tumatagaktak, ang pawis na bumabakat sa puti mong damit, ang buhok mong tinatakpan ang halos kalahati ng iyong tsokolateng mga mata. Nakita kita at nagalit ako sa tatlong oras na wala kang sinasabi. Sa tatlong oras na tinatanong kita kung nasaan ka na. Sa tatlong oras na dapat ay nariyan ka na. Sa tatlong oras, tatlong oras, tatlong oras Sa tatlong oras na pinaghintay mo ako sa isang upuan, sa gitna ng mall, na nakapula. Sa tatlong oras na hinanap mo ako sa gitna ng libo-libong tao, sa mall na may tatlong palapag, at halos di mabilang na mga upuan, sa libo-libong tao na nakapula. Niyaya mo akong tumayo at niyakap. Pero hindi kita tinignan. Tinanong mo kung anong oras na at kung bakit hindi kita tinignan at tinitignan at bakit ako pinagpapawisan at bakit bakit bakit ako tensyonado at bakit ako kinakabahan sa harap ng isang taong sa loob ng tatlong linggo ay nakilala ko nang lubusan.
Tinta 2015 l
17
Pero hindi pa rin kita tinignan. At sinabi mo, sa ilalim ng iyong mga pilik-mata, na huwag akong kabahan dahil hindi ka naman masama at ‘di ka kasama sa sindikato at hindi mo naman ako ki-kidnapin at tatanggalan ng mga lamang loob na ibebenta sa mahal na halaga. Kahit pa, hindi pa rin kita tinignan. Kahit na alam kong noong panahong iyon ay wala rin naman akong pakialam at alam kong hindi ka miyembro ng budol-budol, hindi mo ako nanakawan, hindi mo ako sasalisihan, hindi ako mawawalan kung ibubukas ko ang sarili ko sa isang tao na tatlong oras kong hinintay, tatlong linggo kong kinilala at tatlong taon kong pinagdasal. Itinaas ko ang mga mata ko mula sa sahig patungo sa iyo, At sana’y kanina ko pa ginawa. ‘Di lang dahil sa gwapo ka at mapupungay ang mga mata, ‘di lang dahil sa matangos mong ilong at makinis na balat, ‘di lang dahil kamukha mo si Rico Yan o kaboses mo si Ed Sheeran; ‘di lang dahil doon. Sana’y kanina ko pa itinaas ang mga titig ko mula sa sahig patungo sa’yo,
18
l Simbuyo
Dahil sa bawat pagsalisi mo ng tingin sa akin, Dahil sa bawat pagnakaw mo ng amoy sa buhok kong tatlong beses kong shinampoo para sa’yo, Dahil sa bawat paghila mo sa gilid ng puso ko at pag-alis sa tela na tatlong taon kong itinali nang paulit-ulit, ulit, ulit, ulit, paulit-ulit para lang; 'di siya magbukas kahit kanino, Sana’y kanina ka pa tinignan. Dahil ngayon alam ko na ang dapat na sagot sa “anong oras na?” Oras na para maniwala ako na hindi lahat ng magnanakaw, mangunguha at mananalisi ay kukuha at kukuha lang ng pagibig na hindi rin naman ibabalik sa akin. Nakawin mo na ang buong ako, hahayaan kita, pero, pero, pakiusap lang, 'wag na 'wag mong kalimutang ibalik kung magsawa ka. l
Tinta 2015 l
19
Kakaiba
ni VELUTHA
Sariwa ang init ng kape Sinadya ko ang pait upang magising ang natutulog ko pang ulirat Naglalakbay na diwa sa mga alaala ng nakaraang araw Pinapaso ang mga nagyeyelong pasilyo ng aking isip, ng aking lalamunan. Kakaiba–ang pait, nanunuot sa bawat lagok una, ikalawa, ikatlo—hanggang unti-unting matanggap ng dila Masanay sa lasa masikmura ang pait ng iyong pagkawala. Kakaiba ang umagang ito. Kanina, ginising ako ng kakaibang ginaw na yumayapos sa akin, gumagapang mula sa dulo ng aking mga daliri, papaakyat sa kanang braso Habang ako’y nahihimbing, nakahigang patigilid Kung paanong nakatigilid ang mundo natin Mundo kong umikot patuloy na umiikot para lamang sa’yo. Nahihimbing ako ngunit ramdam ko ang kakaibang ginaw, tumutulay sa aking leeg, gumuguhit Umiikot, namumuo ang lamig, umiihip sa aking tenga At saka nahimlay sa aking pisnging mainit mong hininga ang bumabanghay At banayad at magagaang dampi ng iyong mga labi ang tumatalunton tuwing umaga. 20
l Simbuyo
a egi
xR
ni elo
D
Ilang kape pa ba? Ilang hithit ng sigarilyo para makalimutan ka? Upang bunuin harapin ang ilan pang mga umagang hindi na ikaw ang kasama. l Tinta 2015 l
21
To Mornings by MAGWAYEN
I want to bathe with you. I want to slowly rise from the tangles underneath our silky sheets, where your legs encompass mine and your hands find the soft of my waist. I want to feel the tip of your nose with mine and to softly giggle along with the breath from your lips. Allow me to lead our escape from our haven, tiptoeing our way past the dustcaked shelves and creaking floors, whispering modern ballads between heaves, until my back collides with the white plastic door and the cold stainless knob. Please do kiss my forehead as you unleash us into another world where the pressure is slow and steady, the mirrors and glasses misting even if there’s no heat yet. Kiss me slow, kiss me sweet as you undo the buttons of your polo on me, barely hinting on the heaven the cotton. I kiss you slow, I kiss you sweet as I remove the laces between my legs and you swoop me to the porcelain tub and leave me there. Do you want to bathe with me too? You raise your arms, you scruff your hair, you remove your shirt and all of these, all of your mindless habits, leave me yearning. A few inches away and there you are far away, teasing, far away, be mine. Allow me to open the vintage faucet with the tips of my toes, but please do not remove your gaze from mine. Look at me good, look at me steady as the vanilla-scented bubbles deprive you of me. I’ll look at you good, I’ll look at you steady as you climb our porcelain tub and stay here with me. l
22
l Simbuyo
Gina
Alay ni Dimangan* G Haplusin mo ako, aking sinta haplusin muna bago ako hubdan mula sa aking gintong kasuotan— ang bumalot sa akin higit pa sa isang buwan at iningatan ako bago mo malasap.
ni
INA
Ngunit magdahan-dahan sana kung magsisimula nang umindayog at baka ang kakinisan ko’y magasgasan, ang murang katawan ay malaspag ng iyong morenong kakisigan. (Tingin mo man sa aki’y isang anuman handog pa rin ako sa iyo ni Dimangan.) Bayuhin mo ako, aking sinta katirikan man ng araw, kahit nagsisimulang balutin ng pawis ang katawan 'wag mag-alala na ako’y matuluan. ('Pagkat nais din kitang tikman) ‘Wag kakabahan kung ang likha nating kalabog ay abot alapaap— malaya kang ibuhos ang pwersa mo sa akin. Mahuli man tayo ng matalak at manang mong asawa tiyak akong wala siyang pakialam sa atin. (Dahil ako ang sagot sa kumakalam niyang sikmura.) Bayuhin mo ako, aking sinta, bayuhin gamit ang mauugat mong mga kamay na pumutol sa pagkakabigkis ko sa aking uhay. Bayuhin, nang matanaw ang aking maselang kaputian, bayuhin, dahil masarap pagmasdan ang panggigigil sa iyong mukha bayuhin (wag kang titigil) at tiyak kong kapwa natin maabot ang ligaya. l 24
l Simbuyo
* Dimangan - Diyos ng masaganang ani ng mga Tagalog.
Selena by MAGWAYEN
the open windows that look gently into your eyes are now gleaming with nothing but a dead-ended path to an unknown and unwanted world and you are caressed only by the tears that I could have dried from the bellowing emptiness and the impending crack on your nowhere heart. you are as beautiful as the string of pearls that would have looked perfectly calm on your ragged breaths and purple-dyed veins.
you are as fragile as the brittle bones of your fingers that should have drawn words and written images or changed the world and opened my eyes to better days.
i pity the closed casket that locked your deep brown eyes from the rest of the enemies and the goodness of humanity. my dearest, where are you?
can you hold me close and make me feel the world is nothing but the tiny patches of coldness on your cruel. bruised skin? i pity the empty IV dripping can you hold me closer with nothing and make me hear but the the cries that I could the dreams, never have consoled? the nightmares, of the lost and can you the damned. come closer to daddy and read this with me, selena? l Tinta 2015 l
25
Sailing photo by Magwayen
Barya Lang Po Sa Umaga ni ISABELO
Umiiyak na bata. Tumatahol na mga asong kalye. Nagsisigawang magkakapitbahay. Tunog ng baryang ipinapangkatok sa bakal na railing ng tindahan. Tirik na tirik na araw. Pero umuulan. Umuulan? Umuulan ng dugo. Mapulang-mapula. Napakalansa. Mga lalaking nakakapote. Bitbit ang mga katawang wala nang buhay. Malakas na boses ng kanyang nanay. “Hoy, Muymoy! GISEEENG! Alas-siyete na! Maliligo ka pa! Naghihintay na si Jhay-R sa labas!” Naalimpungatang bumangon si Muymoy mula sa banig. Dahan-dahan siyang naglakad patingkayad papunta sa banyo, iniiwasang matapakan ang mga natutulog na kapatid. Tiniis niya ang lamig ng tubig na tila’y daan-daang perdibleng tumutusok sa kaniyang balat nang sabay-sabay. Pagkatapos maligo’t magbihis, binilang nito ang perang itinatago sa kahoy na tucador. “1, 2, 3, 350, 4, 450, 500. Tama ba?” tanong niya sa sarili. Matagal na nitong pinagdududahan ang kinakasama ng nanay niya na kumukupit sa ipon niya. Pero parang hindi naman nabawasan sa pagkakataong ‘to. “Tara na!” sigaw ni Jhay-R galing sa labas. “Eto na, eto na!” Dumiretso ang magkaibigan sa bakery at kinuha ang sandaang pirasong pandesal na inihanda ng may-ari ng bakery. Iniabot din nito ang pampuhunang sandaang piso. Naglakad ang dalawa sa mahamog na kalsada noong alas-singko ng umaga. “Pan de sal! PAN DE SAAAAL KAYO D’YAN!” 28
l Simbuyo
Tahol ng nakataling asong kalyeng kanina pa nakaabang sa kanila. Tawag ng matandang bantay ng malaking bahay sa kanto. “Bente nga!" sigaw ng matanda. Bago magbayad, magkukuwento pa ito ng mga nakaraang karanasan sa buhay. Araw-araw. Paulit-ulit. “Kung ‘di lang bumibili ng bente ‘yung araw-araw, lalayasan ko ‘yun kahit kuwento pa siya nang kuwento e.” Ilan pang ulit ‘tong magaganap sa bawat kalye ng subdivision. “…One ninety-six, one ninety-eight, two hundred. Sakto! Buti nakaubos tayo ngayon,” sabi ni Muymoy. Alas nuwebe y media ng umaga. Tirik na tirik ang araw. Parang iniihaw sa uling ang kaliwang talampakan ni Muymoy sa init ng karsada. Kada hakbang ay ramdam ang hapdi dahil sa pudpod at butas na tsinelas na ilang buwan na rin niyang pinagtitiyagaan. Ngayon, alam na niya kung bakit sinasabihan siya ng Nanay niya na hubarin ang tsinelas ‘pag nagba-basketbol. Hakbang. Laktaw. Hakbang. Laktaw. Hakbang. Laktaw. Hakbang. Laktaw. Hakbang. Laktaw. Haktaw. Haktaw. Matarik ang dinaraanan papunta sa subdivision na pinaglalakuan nila Muymoy. Maingat silang naglalakad at baka mahulog ang mga baryang kinita. Pagod na pagod man sa pag-akyat, sulit naman tuwing nakakaubos sila ng paninda. Nandito na rin kasi ang mga suki. “Tang-ina yung mga tambay sa may court! Magtatawag, ‘di naman pala bibili amputa. Kung ‘di lang yun mga tropa ng kuya ko, pagsisisipain ko ‘yun e,” maangas na sabi ni Jhay-R, bitbit ang walang lamang Styrofoam box. “Bayaan mo. Bakla ka naman e. Tapang-tapangan ‘pag malayo. ‘Pag nandyan na, tatakbo.” Tinta 2015 l
29
“Gago, baka ikaw. Takot ka nga sa aso e.” “Supot.” “Dalian na nga lang natin, baka lumarga na si Mang Ed,” aya ni Jhay-R. Paglabas ng subdivision, tatawid ang dalawa sa highway para makarating sa terminal ng dyip at makapagpapalit ng pera (na may patong) sa mga drayber na nangangailangan ng barya. Sa ganitong paraan ay kumikita pa sila ng dagdag na baryang ipinapambaon naman nila sa eskwela. Alikabok. Usok ng smoke-belching na Sarao. Sumisigaw na barker. "NIIIIA-NPC! Maluwag pa! Maluwag pa! Konting usog-usog lang po. Maluwag 'yan. Araw-araw 'yan ginagamit!" Hinihingal ang dalawang dumating sa terminal at dali-daling inabot kay Mang Ed ang barya. “O ayan na lang muna a. Tang-ina, ang bagal n’yo e. Kanina pa ko nagpapalit.” Pagkapalit ng pera’y tumalikod na kaagad ang dalawa. Wala na silang pakialam sa sasabihin pa ng matandang drayber. Basta’t kumita na’y ayos na. Pauwi na ang dalawa nang mapansin ni Muymoy na mas maitim kaysa karaniwan ang langit dahil sa usok galing sa pagawaan ng tsinelas na katabi ng bahay nila Muymoy. "Puta ano 'yun?" "Sakit sa mata!" Unti-unting binuklat ni Muymoy ang kanyang mga mata. “‘Wag. Please lang, tang-ina. Lahat na, ‘wag lang ‘yun,” kinakabahang sabi ni Muymoy. 30
l Simbuyo
“Teka p’re a. Daan na lang muna tayo sa’min. Tingnan ko lang kung okey. Malapit naman na tayo.” Pagkagaling sa Block 9, dumiretso na ang dalawa sa Agno Street. “Tang-ina, swerte malayo layo sa’min. ‘Di kami inabot. Tara du’n tayo sa inyo. Bilis!” sabi ni Jhay-R habang naglalakad na naman. Tumambad kay Muymoy ang kinatatakutan na nga niyang makita. Umuulan. Umuulan? Umuulan ng siklab. Mapulang-mapula. Masakit sa mata. Niyugyog ni Jhay-R ang balikat ng kaibigang tulala at humihikbi. “Ligtas na raw nanay mo tsaka mga kapatid mo! Ano pa iniiyak mo?” “Papel.. papel lahat ‘yun e,” sabay singhot ng sipong kanina pa pinipigilan ang pagtulo. l
Delonix Regia
Nagmahal Lang Ako ni MAGWAYEN
Nagmahal ako. Laspag at gamit na gamit; walang respeto sa sarili; ibinibenta ng iba at sarili sa kanila. Minahal ko– pokpok, puta. Nahalina ako. Hindi sa alindog; lambot ng giling ng baywang; mapupungay na mata; at mga binting minsa’y pumulupot sa’kin. Nahalina ako. Sa sarap ng paghagkan. Sa walang sawang pagsilbi sa iba. Ipinaglaban ko siya (kami) Sa mga dumura at yumuro; Tumawa at bumiro; Sa mga walang paniniwala. Ipinaglaban ko siya. (kami) Kahit na ilang beses siyang sumuko na. (Minata, minamata at Mamatahin. Siguro? Sigurado.) 32
l Simbuyo
Itinakwil. Sa bawat hampas ng pagsubok (dumiin ang paghagkan) Sa bawat kurot at dagok (siya’y aking hinalikan) Sa bawat ragasa ng tubig at suntok ng init, Sa bawat pasakit, Dadanak ang dugo. Pumula na ang ilog Lumuha pa ang langit Nasaan ka? Tinadyakan na, Tinawanan pa. Nasaan ka ba? Pinilit kong isalba ang bawat kumpas ng tibok ng aking puso. Pinilit kong gawin kang malaya. Pinilit kong iligtas ka (tayo) Nasaan ka na? Sabihin mo, mali nga ba na nagmahal ako (at ibinigay ang lahat) sa isang kagaya mo? l
Papuri
ni VELUTHA
Pinakikinis ang mga lubak sa kalsada Pinapapantay ang mga bako Pinatutungkab ang mga barung-barong sa gilid Pinatatakpan ng pinatatayong billboard ng babaeng labas ang singit Nakangising patunay Ng pampaputi ng kili-kili. Pinababango ang mga eskinita May iwiniwisik na banal na tubig Sa nangangamoy na imburnal Lagakan ng pinaagas na bata Ng mga tinortyur, isinakong Pangarap ng mga nilimot. Pinalilinis ang mga lansangang Kanyang tutungtungan Pinasusuyod ang mga mikrobyo Pinupuspos ng insenso Sa ngalan niyang iniluklok At magpapala Sa bayang lugami.
Ang himala, pinagmamasdan Ng batang butog ang tiyan Inuuhog Nilalangaw ang pilay Nanlilimahid ang saklay Nakalahad ang palad Humihiling ng kaunting grasya. Pinakukumpuni ang mga sira Ng bayang nabubulok Nanalig na mailigtas Ang labi’y maidampi Sa makintab niyang singsing Hindi na baleng Inuuod, inaagnas ng kanser. Ibubuntog sa tubig ang mga paa ng Papa Nang maihugas din ang mga kamay Maiitim, marurumi Siya Nawa. l
Tinta 2015 l
33
Sagot sa Kahirapan: Anorexia ni ARATILES
Tinext ka ng Ate mo na sa Sabado ay magla-lunch kayo sa labas. Kasama ang iyong mga magulang at kapatid, at mga magulang at kapatid ng iyong bayaw. Bilang “munting” salu-salo raw dahil kaarawan ng kanilang anak, ng iyong pamangkin. Masaya ka, syempre. Makakalabas ka rin, bilang lagi ka na lang nakakulong sa UP, sa Balara, sa KNL... ...sa Morayta, sa Recto, sa Mendiola... ...kung saan kabisado mo hindi lang ang mga pasikot-sikot sa mga eskinita, kundi ang mga abot-kayang makakainan para sa madalas mong kumakalam na sikmura. TIPS PARA MAKATIPID SA PAGKAIN: 1. Maaaring kumain sa Bentelogan sa Village B - P20.00 2. O sa Burger Matsing sa KNL o alinmang katulad na bilihan - P10.00-P15.00 Namalayan mo na lang na Sabado na, at nakasakay ka na sa taxi kasama ang iyong Ate, ang kanyang mister, at ang dalawa nilang anak. Magara ang kanilang mga damit Ikaw naman ay nakasuot lang ng t-shirt at pantalong tatlong araw mo nang ginagamit. Ngayon, nakita mo ang mga kainang pinagpipilian ng iyong Ate: Giligan’s. Gerry’s Grill. Max’s. Dad’s. World Buffet. Rack’s. “Dito ko naisipan kasi mura,” sabi ng ate mo. Aristocrat. Cabalen. Don Henrico’s. 678. Pizza Hut. Minsan, naisip mo, susubukan mong ipasyal ang Ate mo sa KNL. 3. Bumili ng kanin at ipasupot. Ang iyong kamay at supot ang magsisilbi mong pinggan. Lumabas at bumili ng ilang pirasong fishball. Pasabawan ang kanin sa sauce ng fishballs pampalasa, para kahit konting fishballs lang ay pwede na - P17.00 (max) 34
l Simbuyo
4. Maaari rin itong gawin sa kwek-kwek, kikiam, squidballs, chickenballs, calamares, o assorted - P17.00-P22.00 (kung sa loob ng UP bibili, P10.00-P15.00, pero wala pang kanin iyon) Crispy sisig. Grilled squid. Kare-kare. Bangus. May parang litsong-kawali. Onion rings na sibuyas talaga. Salad ‘ata ang isang ‘to. E ito, paano ito kainin? Putaheng hindi mo alam. Putaheng ngayon mo lang nakita. Marami. Mahabang mesa. Pinagpapasa-pasahan ninyong mag-anak ang mga pinggan at mangkok. Pero hindi ninyo mauubos ang mga pagkain. Dahil sa kabila ng mukhang magagara nyong damit, pare-pareho lang kayong sa squatter nakatira. Hindi niyo maaatim na magsayang ng pagkain. Kaya iuuwi niyo ang mga ito. 5. Pwede ring mag-Pancit Canton - P16.00. O mag-ulam ng Canton - P26.00 6. O magpaluto ng Mami. P12.00, P17.00 kung may itlog (sa Twentysixsilog sa KNL ito kaya mura.) Mabigat na ito sa tiyan kaya di na kailangang mag-kanin. Umiikot sa utak mo ang salitang surplus. ‘Di kayo nagsasayang ng pagkain pero nagsasayang kayo ng pera. Bakit nga ba dito pa kayo kumain? “Dito ko naisipan kasi mura.” “Dito na tayo kumain, mga kasama!” tawag ng isa ninyong kasamahan isang gabi pagkatapos ng rali. Isang masikip na karinderya ang inyong hinintuan. Magkasya nawa kayong siyam. “Mura ba rito?” “Hati-hati naman tayo sa ulam e. Ambagan na lang.” “O sige limang piso iaambag ko, okey lang?” “Ano ka, magha-half rice?” “Taena 'di pa nga 'ko nagla-lunch, half rice?” 7. Ulamin ang piso-pisong sitsirya—Vinegar Pusit, Xsakto, Bangus, Kiss, Cheez It, atbp.—at magpalagay na lang ng sukâ - P13.00 8. Kung higit sa piso-piso, pwedeng bumili ng kropek, o tigsa-sais na sitsirya—Roller Coaster, Crisscross, Onion Rings—bilang ulam - P16.00-P17.00 Tinta 2015 l
35
Napatitig ka sa pusit na nasa plato mo. Matamis-tamis. Pero ang hirap nguyain. Paano kaya ito kinakain ng mayayaman? Napatingin ka sa ibang mesa para pagmasdan ang ibang kumakain, kung paano nga ba dapat kainin ang mga pagkaing ito. Pero bahagya kang nagulat, nang mamalayan mong mangilan-ngilan lang ang kumakain na talagang mayaman. Karamihan ay mga tulad nyo, mga 'di naman talaga mayaman. Tumatakas sa tunay nilang katayuan, nagbihis-magara lang din. 9. Mabigat sa tiyan ang carbs. Maaaring bumili ng matatamis na sitsiryang tinapay— Fudgee Bar, Quake Overload, Cup Keyk, Whatta Topps, Choco Topps, Choochoo, Cream-O, Bingo, Presto—o kaya nama'y hopia, crinkles, at iba pa. Meriendahin ito sa hapon at di ka magugutom sa gabi - P13.00-P20.00 10. Bumili ng tokneneng na penoy at damihan na lamang ang pipino - P11.00 “Andaming walang makain. Ubusin mo ‘yan!” Sigaw ng tatay mo sa isa mong kapatid. Mapapayuko kang muli sa pusit. 11. Abalahin ang sarili upang 'di mapansin ang paglipas ng gutom - P0.00 12. Uminom nang maraming tubig. Libre ang tubig sa CASAA (kung muling ipaaayos) o Katag, sa mga drinking fountain, o kahit saang gripo - P0.00 Surplus. Surplus. Surplus. Surplus. Andami raw walang makain. E kung sa kanilang mga walang makain na lang kaya ang mga ito? Siguro sasabihin ng iba, bakit sa kanila ibibigay, naghirap ba sila para rito? 13. Magpalibre - P0.00 14. Mangutang - P0.00 Sa totoo lang? 15. Matulog - P0.00 16. Magsulat ng listahan ng tips - P0.00 Oo. l 36
l Simbuyo
Serye ng Laro ni GINA
Bilog, bilog, bilugan ang ulo’y pinagugulong mata’y bulag-bulagan. Nahuli si Inay, walang saplot katawan, abukaka, abukaka nagkapera! Langit, lupa, impyerno im-, im-, impyerno. Sinaksak si Itay ng sungay ng kalabaw ang lupang sinasaka niya mula nang siya'y bata pa saka sinamsam! B-I-N-G-O Kuya ko naman naka-bingo binenta ang atay sa may kanto nahuli ng pulis na mangongotong saka nabilanggo!
Kung kulang pambayad ako ba'y pipingutin nila? Wan Wan tri? Wan tri por? Wan tri por seben? Pen pen de sarapen wala bang maswerte sa amin? Bakit bigla akong tinawag na rebelde? Sipit, ako'y pinilipit kinuryente't ikinulong sa kubol malayo sa may kalsada! Magsabi man ng totoo, bubusalan pa rin ako. Kung magsisinungaling, baka lalong gipitin! l
Apir disapir wan-hap na taon taong wan-hap na si Ate’y nadesap. Nanay, Tatay gusto ni Bunso ng tinapay. Ate, Kuya pasukan na naman sa eskwela. Lahat ng barya sa estero'y nakuha ko na.
aga
gh Talin
Panakaw ang ating mga pitik
sa mabilis na patak ng nagmamadaling oras
tayo'y mga hubad na kariktan, mga naglalarong anino, sa mga ulap ng nag-aagaw na dilim at liwanag natuto tayong magmasid, makiramdam sa dagat ng mga pangamba, susuong ba o uurong?
sumalungat sa mga along nagbabadya, humahampas, lumalaki, sumusubok sa ating tapang
sa mga baybayin ng kawalang kasiguraduhan, sabay nating inapuhap
akda ni Velutha
at binuo natin, binuo tayo ng mga panakaw na alaala. l
mga kuha ni Anne O. Nimous
kuha ni Doraemon
Para kay G. Dennis Sabangan. Litratista, peryodista, guro, kaibigan. Hanggang sa ating muling pagsasama!
Tulang Nakasulat May mga kamay na sumusulat ng tula, mga daliri nila'y tinuturo ang daan, at mga brasong nila'y tumatayo ang buhok sa takot tuwing nababangga ang mga sigang nakaharang sa kanto. May mga kamay na humuhukay sa lupang tago, mga daliri nila'y maalikabok na ang mga kuko, dahil dito'y mga braso nila'y kumukulay at dumudugo sa batuta at baril na pilit silang sinusupil. Ngunit May mga kamay na nagtatakip sa tengang nais makinig, mga daliri nila'y pumipitik sa mga matang mapagmasid, mga brasong nila'y kinukulong ang mga salita sa hangin na gusto nang tumakas sa mga nakataling bibig. May mga kamay, daliri, at brasong bukas, tila hinihingi, tila nililimos ang mga kamay na hihila sa kanila mula sa lupa. Sa mga palad, kuko, at balat nila, nakasulat sa dugo: nasaan na?
42
l Simbuyo
sa Kamay ni THE EM
Ang kamay na binubutas ang papel sa pagguhit ng galit? Ang daliring nahihiwa sa talas ng dalang pang-ukit? Ang brasong nababahiran ng dugo't pintura dahil pilit nilang tinatakpan ang kapootang dala? Gagalaw na ba? Ang kamay na bitbit mga buntong hininga't dasal? Ang daliring tulog, pumipiglas sa pagkakaparalisa? Ang brasong nagpapawis at nanginginig dahil baka hindi na sila magising sa bangungot nila? Maaabot na ba ang pangarap na dala? Ang kamay na itataas sa labanan? Ang daliring walang takot na ituturo sa kalaban? Ang brasong ikakawing sa braso ng iba?
Del
Sa mga palad, kuko, at balat nila, nakasulat sa dugo: Nasaan na ang kamay na hahawak sa kamay ng iba? l
Tinta 2015 l
43
Uphill by VELUTHA
The rhythmic rattling of the engine radiated in her ears as they settled her luggage and sat on one of the long plastic benches of the station. A nearly full bus was pulling off while the next was slowly beginning to fill. She breathed the air into her lungs—a mixture of smoke, sweat and burnt gasoline. The buses lining up blocked her view but overlooking, she could still see the immense uphill mountains that seemed penetrable under the well-lit sky. “I’m not really afraid,” she began. “That’s what I believe,” the man said. She took out her camera and began taking some photos of the late afternoon sun. She took photographs of sweat-beaded men alternately entering the buses with bottles of cold drinks, peanut and crackers, persistently convincing weary passengers to buy. “Perhaps it’s what I would miss the most, being able to take photos whenever I like,” she whispered. She handed him the camera they bought not so long ago, and instead settled on gazing at the horizon and the people passing by before her. “If you’ve been doubting it, we can tell them now and explain. You still have time...to think it through,” he said, looking straight ahead. “I‘m not in doubt. Well, of course, there were some things I’ve been thinking. But none of them would match this feeling of how badly I needed this.” “I know that. But if you go, there’s no turning back. And I don’t like you to go on and then regret it after," he said, his voice weak. 44
l Simbuyo
“I will not regret it because this is the best I could do.” “You, you never change,” he said, gripping the camera strap. He fiddled with the camera until he found some photos they took together. He stared at one he took when they were both still in the university. Him, a professor and her, a student. He could barely recognize the girl in the picture, smiling naively, sitting firmly in her seat. And just then it was as if they were back in the room again. He would walk and talk in front of all the students, about the great men and women of the world—about Hegel and Twain and Marx and their great ideals—and she would watch him in awe but he wouldn’t even cast a quick look at her direction. Times were a lot easier back then. “Maybe you won’t regret it, you need to be alive first to be able to do that,” he said softly. Just then an old lady with a bilao propped against her waist approached them. Her smile was wide, revealing the creases on her cheeks and her crooked, smoke-stained teeth when she offered them some of her sweet dainties. “Freshly cooked puto, Ma'am, Sir. Try some while they're still warm,” the woman said, bringing the bilao near them. “How much each is that? We’ll buy some,” he responded, needing the small distraction. The man then reached for a 100-peso bill and handed it to the woman. “What is that called?” she asked, pointing to what seemed like plastics of white star biscuits the lady held in her other hand. “Ah, these are masa podrida. My husband and I used to make and sell them in our small store before it got shut down,” the woman said while fumbling for change in her shabby purse. The lady went on, “Now in every corner of this town you see a fastfood joint and...” her words trailed off. Tinta 2015 l
45
“I'll have two more plastics of masa podrida, Ma’am,” she said with a smile as big as the old woman’s. The lady thanked the two of them and wished them a safe trip before going on her way. The man and the woman were left alone again, heartily eating their dainties on the bench. “The masa podrida tastes really good,” the woman commented and then she fell silent, realizing it could be the last meal they would share together. She drank some water from the bottle. Its coldness,though, did not quench her thirst. “The nights can be really cold there,” he finally spoke, sounding so far as he sat there beside her. “Yeah, I remember your story of how you almost froze one night because you lost your blanket.” “It’s already a fortune if you eat twice a day. Sometimes you just have to get up without taking in anything because supplies often run out,” he pressed on. “I can manage.” “The training can be really tough.” “You did tell me it takes time to become used to the environment,” she said, determined. He put away the rest of the puto and the masa podrida. “You know, sometimes I wish I never met you,” he finally said, his voice strained. “Yeah?” “Well, I have many of that in my life. What if I told you nothing, nothing of those silly discussions after class. If I told you everything’s fine, really, and there’s nothing we should do,” he said, looking at her.
46
l Simbuyo
“Then I think I’ll still do it. I think I’ll still go.” He saw something in her eyes and he looked away. “You always think like that.” She felt hurt and her voice sounded ragged with emotion, “You, too, did think like that once. And I’m happy that I met you. I’m happy that it is you that taught me and it is you that I love.” “We can still be together,” he said, placing the camera inside its case. “You can do your share of things in here. Like what you did with these photos, touching and shaping people like what you always wanted to do.” “But I’m most needed there,” she quickly replied. “All I’m saying is, they’re both meaningful, whether you’re here or you’re there. There isn’t exactly a difference.” “Yes, there is a difference. You know that, you did go once,” she said with more force than she intended. He turned his head down and stared at his shoes. He looked at his hands that used to hold items with precision, now tired and wrinkly and trembling whenever he speaks. Around them, people were already lining up for the bus she was supposed to ride. “When you went there, I also asked myself why. Why would he do that? Why would he leave me? And then I saw, how the children suffer in hunger, how fathers get sick because of working so hard and getting so little. And then I understood why you did that. Of course I did not understand right away, but I know I have loved you more," she muttered. “People actually die. One in a month, a week, a day,” he said softly, eyes still staring at the floor. “That’s why they need us,” she said, putting her hand over the roughness of his callused palm. She looked at his face, and for the first time she noticed after so many Tinta 2015 l
47
years they have been together, she noticed how he was not the same man she met some time ago, and for a second she thought she was lost; who is this stranger she is with? She wanted to trace the lines that formed around his eyes, to brush the strands of gray in his hair. “The friends you had coffee with, the comrades you laughed with, they all...” he said, voice shaking. She instead held his hand tight, locked her fingers onto his, and felt his warmth that had comforted her for years. “They did not die in vain, and the fight is not yet over.” He whispered, “I am old and weak. And I am afraid. Unlike you...I am scared. For you.” Her voice was also soft but steady, “I must go.” “I love you.” His words felt like thin air brushing down her spine, blowing from the west side of the limitless sky. Over there the sun slowly descends unto earth, planting, devouring a last kiss of goodbye. “Will you write me a letter?” he asked. “I will write you everything,” she answered. l
48
l Simbuyo
Delonix Regia
Tinta 2015 l
49
Secondhand by THE EM
Every night my dad smoked in the frontyard And the scent of his cigarettes— Light-flavored, I once read off the box that shined within his firmly closed palms— the scent would crawl down the screened window of my room And mix with the hot air of the night. The oxygen would thicken— carbon-dense and heavy— it would press on my chest, and I would inhale the words I hated but wanted to say, “I have a dad who doesn't smoke, (the smoke is heavy) a dad clean of vices, (heavier) a dad who doesn't murmur sarcastic remarks when his daughter slips”— My forced breathing would exhale the stench of my father's presence But
50
l Simbuyo
Every night my dad smoked in the frontyard hidden from sight, The scent of his cigarettes stank Like the breaths of the managers that turned him down like the rust in the money that pulled him away from our frontyard into some desperate, faraway trap they called workplace like the salt in his tears after he shouted at his daughter whom he thought only compared his worth to his money when she only missed him. Every night my dad smoked in the frontyard hidden from sight. He once told me, Don't smoke. But every night I would inhale the stench of the cigarettes and breathe it down. “Don't smoke.” Don't smoke. Don't. l
Visiting Hours by DEL
The woman—no girl, still a girl—sitting across from him is taking too long. He is not amused. 4:40. Just 20 minutes more for visiting hours to be over and they could both sigh in relief at the end of this forced awkwardness. The girl would go home, type up her school reflection on Bonding at the Home for the Aged, and would as soon as forget about.. whatever the hell this was. Soon enough, a perky new one would show up. Rinse and repeat. Her bishop to B-5. His knight comes up to corner both it and her last rook. She fidgets with her necklace as she thinks of her next move. He massages his neck. Socialization is good for you, the nurses would say. Well 'socialization' be damned if it meant having no one to play even a decent round of chess with. That's all he's asking at this point. Nothing personal. 17 minutes left. A manicured hand hovers over the bishop, abandons it for the rook, the bishop left to a knight's mercy. Knight takes bishop. The girl glances at her watch, at him. Her mouth forms a smile, her eyes do not. You're really good at this, are you having fun? she reaches over to rest her hand on his. They're all the same. 15 minutes. He doesn't even bother to take his hand away from the presumptuous touch anymore. Tinta 2015 l
51
Her rook glides to the other side of the board. His knight has the king in check, he brings in a pawn as support. 14 minutes. He knows what she's doing. The girl has been on the defensive the entire game, letting him lead. The man, so old, resents her pity. The girl (it's always a girl) smiles again, thinking that maybe her presence is welcome after all as his hand hand remains unmoving beneath hers. Pawn forward to aid her doomed king. I am not so old that I forget what actual human contact is like, his eyes say. If you really care, really see me as more than just an assignment, then tell the nurses to just let me wait out the end without having to play the role of the 'lonely old man' (queen takes down the last pawn) so that you children can feel better about yourselves over a goddamn grade (king backs into the corner). Please. 10 minutes. No more, the old man says, I'm tired. The girl holds his hand tighter. It's alright, (another mouth-only smile) it's checkmate anyway. Do you need help getting back into bed? Her eyes, lonely brown ones, don't leave his. What do you have to be so sad about? He would have shouted if he had been sure his voice wouldn't crack. You're not the one who's going to die here smelling of floor wax and meds, surrounded by nurses who only see you as a Ward, a number on a door. Instead he shakes his head and points to the open door, to the nurses' station just outside his door. The girl understands and signals for a nurse, hand still (still) on his. The nurse bustles in and the girl stands up out of the way. Today was a really good 52
l Simbuyo
day, she chirps to the nurse, already forgetting him. Oh? Did you finally beat him? the nurse maneuvers him onto his bed. Not really, but I think we're getting there! she enthuses, eyes still so fucking sad (WHY) The man, so tired, doesn't bother to follow their conversation anymore. 8 more minutes. They close the door on their way out. The daughter fidgets with her necklace, the one her father gave on her wedding day. She had been much too young to marry, to love so much. Doesn't matter, her father had said, rubbing his neck, I mean that's the point of marrying someone isn't it? Because you love them and you're happy together, right? And if anything happens, call (a kiss to the forehead) anytime. And the daughter, all nervous smiles, had laughter in her tears. You don't have to come back everyday, you have to take care of yourself too dear, the nurse gives a gentle squeeze to the daughter's forearm, it's not like he'll even notice, you know. The daughter (un)smiles. But he might still remember, she glances back at her father's door, yesterday I swear he almost remembered my name and today he didn't pull back when I held his hand, she Tinta 2015 l
53
5 minutes. knows (hopes) Tomorrow, she'll be back, maybe with a textbook or two, everyday (the same) a new game of chess. 4 minutes. The daughter walks to her (father's) car, heels clack, clack, clacking away. 3 minutes. The nurse fills out her patient's (no) progress report. 2 minutes. The bride's father (20 years after), shakes away the deja vu. 1 minute. 5:00. Daddy goes to sleep. l
Delonix Regia
54
l Simbuyo
Tawid-buhay mga kuha ni Fernando
Kailan Kaya? ni DAISY
Pagkagising sa umaga, walang almusal sa mesa Didiretso agad sa maingay na kalsada. Doon pupunta sa madalas daanan ng dyip Kahit buhay ko pa ay malagay sa bingit. Mga kamay ay magdamag nakabukas Naghihintay ng baryang pasahero’y ilalabas. Madalas nama’y may hawak na tambol at sobre Kasama aking mga kapwa batang pulubi. Dama ko’y lungkot sa tuwing nakakakita Ng batang naka-uniporme, kasama kanyang ina. Bakit kaya ako’y ‘di pinalad? Magkaroon ng ganoon, aking hangad. Buhay ko’y tila walang patutunguhan. Sunud-sunuran sa kanila kahit nahihirapan. Ano ba naman ang magagawa kung walang magulang? Kaya’t kakarampot na bigay, aking pinagti-tiyagaan. Sa murang edad, dito ako namulat Araw-araw walang pinagbago, laging salat Walang ama’t inang maalala Buhay ko’y may pag-asa pa ba?
56
l Simbuyo
Aking mga paa’y nabibitak, nagsusugat sa init Dumi’t grasa, nasa butas na mga damit Mga gasgas na natatamo mula sa pagsabit-sabit Habang tinitiis ang tingin nilang mapanglait. Kailan kaya ako gigising na ang pagkai’y nakahanda na sa mesa? Kailan kaya gigising nang may malinis na tubig sa tasa? Kailan kaya makahahawak ng lapis habang nakaupo sa eskwela? Kailan kaya makalalakad nang may sapin sa mga paa? Kailan kaya kinabukasan ay liliwanag? Kailan kaya mga pangarap ay di basta-basta mabubuwag? Kailan kaya ako titingin sa mga tala Nang may pag-asang buhay ko’y maari pang guminhawa? Kailan kaya? Kailan kaya? l
egia
Delonix R
Tinta 2015 l
57
Aybol ni ARATILES
11:32 AM. Math Walk. Naglalabasan na ang ilang mga estudyante mula sa kanilang klase. Pumwesto ang mga kasama para haranahin sila—Hindi inilalako ang edukasyon, kaya tutulan ang kumersalisasyon! May isa na namimigay ng pulyeto. Junk STS! Junk OSF! Sumisigaw ang malalaking letra sa ulunan ng bawat pulyeto. May ilang Isko na dinidinig ang sigaw. May ilang nagbibingi-bingihan. Nakatulala ako sa booth. Gusto ko rin sumigaw. Sigawan ang mga kasama na wala rito at hindi nagpapakita o nagrereply man lang sa GM. Tumitindi ang panawagan, pero nananatiling manipis ang hanay. Pa’no ko ba matitipon ang linsyak na mga kasamang laging wala? Si Rod takot mag-RTR. Si Josh umiiwas mag-ArAk. Si Aly nawalan ng phone. ‘Di pa kami nakakapag-assessment ng lumipas na tatlong buwan. ‘Di pa kami nakakapagplano para sa susunod na buwan. ‘Di pa nakakapag-CSC at dispocheck. Paano ko ba poproblemahin ang buong org kung mismong execomm ay may topak. Nakakagutom mamroblema. 11:36 AM. Kiosk. Bumili ako ng calamares. Pagkakain, nagbayad. Pagkabayad, sinuklian. May kasamang maliit na papel yung sukling bente. Pabilog na upuan. 8 PM sharp. - Alen Napakunot noo ako. Binasang muli ang nakasulat. At binasang muli. At binasa pa uli. Hinanap ko ang tinderong nagsukli, lumabas ‘ata. Nakalimutan ko si Rod, Josh, Aly, ang booth, ang kantahan at tunog ng gitara, ang mga pulyetong unti-unting lumalabo ang sigaw, hanggang wala na kong marinig. Wala na kong makita. Kundi ang mukha na lang niya limang buwan na ang nakalilipas. 58
l Simbuyo
“Gusto kong ikaw lang ang makaalam ng isa ko pang koda.” Dalawa ang koda niya, pero ako lang ang nakakaalam ng Alen. “Pag may sinabi akong oras, laging minus one.” Araw-araw mong pinoproblema ang pagkokonsolida ng mga kasama, kung sino na ang mag-e-MK, kung sino nang mag-e-EsKuM, kung kailan sila pwede, kung paano makakapagrekluta, kung ano ang isyung bibitbitin sa RTR. Makakalimutan mong may karelasyon ka nga pala, nasa malayo, malamang namomroblema rin ng gawaing masa. “Hubert!” 11:50 AM. Tinawag ako ni Chi at muli kong narinig ang mga paguusap sa paligid, ang kantahan at ang gitara. “Tulong ka naman mamigay ng pulyeto!” Sasabihin ko ba sa mga kasama? ‘Di muna. 6:50 PM. Naglalakad ako sa Ylanan. Iniisip kung anong mangyayari. Ano na kayang itsura niya? Naalala ko ang biruan namin noon. Marami siyang kamukhang lalaking artista. Pero kung mag-chant siya ay babaeng-babae. Sabi niya pagkagaling niya raw ng integ[1] malamang lalaking-lalaki na ang itsura niya. Bakit kaya siya bumalik? May misyon kaya siya rito? May problema kaya? Tumatambol ang dibdib ko habang papalapit ako sa pabilog na upuan sa puno sa tapat ng kolehiyo. May mga naka-park na sasakyan. Pero pagsilip ko sa likod ng mga sasakyan, walang tao. 6:55 PM. Limang minuto pa. Kung makikita ko siya ngayon, makakapagpigil kaya ako? Yayakapin ko siya nang mahigpit na mahigpit saka pupupugin ng halik. O masyado naman yatang halatang na-miss ko siya? Subukan kong magpigil nang kaunti. Tititigan ko muna nang matagal ang mga mata niya, pagmamasdan kung may nagbago ba sa loob ng limang buwan. Saka pipisilin ang kamay niya’t ngingiti. O masyado namang conservative? [1] Integration. Pakikipamuhay kapiling ng batayang masa: magsasaka o manggagawa. Kadalasang inaabot ng limang buwan o higit pa. Tinta 2015 l
59
Repeat: tititigan ko muna nang matagal ang mga mata nya, saka hahalikan ang kanyang labi nang mariin. 7:05 PM. Wala pa siya. 7:15 PM. Wala pa rin. 7:20 PM. Medyo naiinis na ako kasi siya 'tong nagsabi na sharp. Hindi kaya siya itong nakalimot ng minus-one rule at 8PM talaga ang ibig niyang sabihin? 7:30 PM. Napapalitan na ng pag-aalala ang pagkasabik. Kilala ko siya at matinik siya sa oras. Pumasok sa isip ko ang mga napanood kong eksena sa pelikulang Dukot, ang pag-a-eyeball ng isang nakabalik mula sa kanayunan at ang kanyang karelasyon sa kalunsuran, na nauwi sa pagdukot sa kanila ng mga intel. Napalinga-linga ako sa paghahanap ng kahina-hinalang sasakyan. Ngunit ang nakita ko lang ay ang maiingay na estudyanteng lumalabas ng lobby ng kolehiyo. Matao at maliwanag ang lobby. May security issues ba? Saan bang direksyon siya manggagaling? Hindi kaya bago pa siya makarating dito ay.. ‘wag naman sana. Bwiset, pagdating niya ay babatukan ko muna siya at sesermonan. Saka ko siya yayakapi— 7:32 PM. May humablot ng kamay ko at hinatak ako papalayo sa kolehiyo. Nakasumbrerong itim. Lalaking maliit ang katawan. Sa taranta ko ay sinubukan kong bumitiw, pero bago ko pa man maintindihan ang nangyayari, nakasakay na kami ng Katipunan jeep. Matao sa loob ng jeep at medyo siksikan. Magkaharap kami. Nabigla pa rin ako sa mga nangyari. Hinubad niya ang kanyang sombrero at bumagsak ang mahaba niyang buhok. Sunod niyang hinubad ang itim na polo at lumitaw ang grey na shirt. Nilagay niya ang mga ito sa maliit na bag. Pinagmamasdan siya ng mga katabi namin sa jeep. Nakatingin lang din ako sa kanya. Nang makita niyang nakatitig lang ako sa kanya at walang imik, napatawa siya, “Maling jeep pa nasakyan natin,” panimula niya. “Limang buwan tayong ‘di nagkita at ‘yan ang una mong sasabihin?” ang sabi ko. Napakunot-noo ang katabi niya sa jeep. 60
l Simbuyo
Natawa lang ulit si Alen. Pinisil ang kamay ko at tinitigan ako nang makahulugan, na parang nagsasabi ng sorry, kanina pa ako nandoon, sa dilim, nag-aantay lang ng Toki pero walang dumadaan. Walang nagbago sa mukha niya, ‘di ko matukoy kung umitim ba, dahil sa dilaw na ilaw ng jeep. Ah, gusto ko siyang yakapin, pupugin ng halik, bulungan at tawagin sa tunay niyang pangalan. Pero ‘di ko alam na sasakay pala kami kaagad, na dapat ata’y walang patumpik-tumpik kaming makaalis kaagad doon sa pabilog na upuan. At ngayo’y andami naming katabi, mga pasaherong nawi-wirdohan sa amin, akala yata’y magtatanan kami. Mamaya na lang, mamaya. l
Delonix Regia
Paper Cuts by CAITLYN
With trembling hands, she grips her pen. She tries to think of all the things she’d left unsaid. She inks her thoughts in shaky lines and strokes. It’s a letter, never to be read. He will never see these words, and he will never see the way her teardrops made the ink bleed out. He will never hear the sobs that shook her walls as she folds the crisp letter to make a paper plane. She walks across the room and steps towards the open window. She runs her hand across the creases one last time.
62
l Simbuyo
For a moment, she hesitates, because she knows that letting go comes with the finality that he is (gone). She inhales, exhales, and releases her hold on the paper plane, along with everything else that she’d put into it. It flies, it glides, it soars Into the vast space of the unknown Where it shall also Fall. She looks away before it lands And her eyes drop to her hands When she looks down She sees crimson. It’s nothing but a paper cut; a reminder that even fragile things can make us bleed. l
Delonix Regia
Tinta 2015 l
63
Aplaya ni VELUTHA
“’Wag kang magmadali! Masusugat ‘yang mga paa mo!” Nagising ako sa kung anong matinis na boses, pumapaimbabaw sa tikatik ng ulang tila maliliit na mga butil ng batong nahuhulog sa aming yerong bubungan. Hindi kalayuan sa aking kama, naaninag ko si Sari—nakapusod ang mahaba niyang buhok, nakatayo sa gawing kanan ng study table, tulad ng dati’y hanggang tuhod ang dilaw niyang bestida. Naroon si Sari, nakatanaw sa may bintana, nakatulala sa kawalan na tila binibilang ang mga patak ng ulan. Nag-aabang ng kung ano, ng pagtila ng ulan, marahil, at paglantad sa wakas ng mahaba at puting baybayin ng aplaya. Kinusot ko ang mga mata ko at saka dahan-dahang iminulat. Nang ibaling kong muli ang tingin sa may study table, tanging makulimlim na langit na lamang ang aking natanaw, at tanging mga patak ng ulan na lamang ang tunog na umaalingawngaw sa kwarto. *** Hilig namin ni Sari ang maglakad-lakad sa aplaya. Noong mga bata pa kami, madalas kaming magbabad at mangolekta ng mga kabibe at makikinis na bato sa dalampasigan lalo tuwing umaga. Mga anak nga raw kami ng dagat; maaga kaming natutong lumangoy kaya’t napakaitim naming mga bata. Mga anak ng dagat, sapagkat wala rin kaming kinagisnang ama. Madalas kaming tuksuhin noon ngunit si Sari ang laging sumasagot—si Sari ang laging humaharap sa mga mangangaway na bata kahit na sa mas malalaki pa sa kanya. Minsan pa, nagpapalitan kami ng damit para lituhin sila. Magsusuot ako ng bestida na palaging suot ni Sari, at saka magpupusod ng buhok tulad ng ginagawa niya. Dahil takot sila kay Sari, ako ang madalas nilang lapitan at awayin. Ngunit magpapalitan kami at si Sari, suot ang paborito kong malaking t-shirt, ay aakalain nilang ako, kaya agad silang tatakbuhin at hahabulin ni Sari pagkalapit pa lamang nila. 64
l Simbuyo
Simula noo’y hindi na nila masabi kung sino ba ako at si Sari sa aming dalawa, kaya unti-unti, nilubayan din kami ng mga salbaheng bata. Si Mama lang ang tanging may alam kung sino ang sino sa amin, walang pagkakamali, walang mintis sa loob ng 20 taon. Liban ngayon, nang maabutan ko si Mama sa sala. Nakangiti niyang tinutupi ang ilang damit ni Sari na tila may kausap na hindi nakikita. Dahan-dahan akong lumapit kay Mama, at saka hinalikan ang kanan niyang pisngi, gaya ng ginagawa ni Sari. “Sari, anak, magbihis ka na, mukhang pawis na pawis ka, heto ‘yung pinapaplantsa mong damit.” Inabot ko ang kulay rosas na bestida ni Sari mula kay Mama, at sinapo ang maugat na mga kamay ng aking ina. “Opo, Mama,” ang sabi ko nang may ngiti, na parang si Sari. Tiningnan ko siya sa mga mata nang matagal. Sa huli’y siya ang unang bumitiw ng tingin. Alam ko ang dahilan, gaano man namin papaniwalain ang mga sarili, alam namin ni Mama na kailanma’y hindi ako magiging si Sari. Batid naming dalawa na hindi ako ang kapatid ko. Hindi ako si Sari na laging humahalik sa kaniyang pisngi, o kaya’y magmamasahe sa mga pagod na kamay ni Mama o sa likod niya kapag dumaraing siya ng sakit. Magkahubog man kami ni Sari, magkapareho man ng itsura mula ulo hanggang paa, hindi niyon mapapalitan ang katotohanang iba ako kay Sari. Si Sari at ako, minuto lamang ang agwat noong ipinanganak kami. Halos hindi kami mapaghiwalay ni Sari noon. Kaming dalawa ang magkasama sa mga kalokohan at kapilyuhan. Madalas, kung may kasalanan ang isa’t parurusahan ni Mama, ihaharang namin ang mga katawan namin huwag lang mapalo ang kung sinuman sa amin. Hanggang si Mama na ang sumuko sa mga iyak at harangan naming dalawa, at si Mama na mismo ang lumapit at yumakap sa amin, nakababa ang dalang pamalo na walis tambo. Tinta 2015 l
65
Siguro, ito rin ang dahilan kung bakit lubhang napakahirap bitiwan ‘yung paniniwalang magagawa kaming iwan ni Sari. Matibay ang pising nag-uugnay, nagbibigkis sa amin- magkakambal na dugo at laman, mga pasakit at kasiyahang pinagdaanan. “Sige na, magpalit ka na ng damit,” ang sabi ni Mama. Tinignan ko siya sa huling pagkakataon, saka ako pumasok sa kwarto namin ni Sari. *** Hindi, hindi ko malilimutan ang araw na ‘yun. Nasa integration ako sa isa pang fishing village na medyo malayo sa amin. Kailangang itago noon ang mga cellphone tuwing nakikipag-usap sa mga mangingisda—bukod sa abala, dapat bumagay rin sa payak nilang pamumuhay. Tuwing gabi lamang ako nagkakaroon ng pagkakataong tingnan ang cellphone at basahin ang mga mensaheng natanggap ko. Medyo masama ang pakiramdam ko nang araw na ‘yun, nahihilo at masakit ang tiyan na parang may hindi magandang nakain, pero pinilit ko pa rin ang katawan ko na bumangon. Labing-isang missed calls at 16 na mensahe ang nagsidatingan noong buksan ko ang cellphone ko—kaiba sa mga regular na mensahe ng kondukta ng mga prodwork at rally. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Ang nakapagtataka, parang wala nga akong maramdaman. Inisip kong isa lang ‘yun sa mga biro ni Sari. Imposible, imposible ang sinasabi nilang biglang mawawala nang ganoon ang kapatid ko. Hanggang ngayon, magta-tatlong taon na ang nakalilipas, hindi maarok ng diwa ko na tuluyan na siyang nawala. Alam ko sa sarili ko, gusto kong maniwalang buhay si Sari. Kahit hindi ko na siya makitang muli, kahit hindi na niya ako maalala, basta’t alam kong buhay si Sari at humihinga, sa tingin ko’y makakayanan ko nang mabuhay. ***
66
l Simbuyo
May sumusunod sa amin ni Sari. Hawak ko ang kanang kamay ni Sari habang naglalakad kami, tulad ng dati, sa may aplaya, nang mapansin ko ang isang lalaki na parang hindi mapakali, parang kanina pa sa amin tumitingin. Dalawa, dalawa sila—‘yung isa nasa gawing kanan, ‘yung isa nasa unahan. Tiningnan ko si Sari kung napansin ba niya pero mukhang hindi. Tuloy lang siya sa paglalakad at paghahanap ng mga bato. Hindi ko maintindihan kung bakit pero tuwang-tuwa si Sari. Gusto kong sabihin kay Sari ’yung tungkol sa lalaki, sa mga lalaki, pero napakasaya ng mukha ni Sari, ayaw ko siyang matakot. Kung kaya lang naming lumakad pa nang mas matulin sa batuhan, o kung kaya ko lang iligaw ‘yung mga lalaki nang hindi nalalaman ni Sari sapagkat may iba sa mukha niya, masaya, pero nakakatakot, may iba, ikaw ba si Sari? Sari? Umiiyak ka ba, Sari? 'Wag kang matakot. Hawak ko pa rin ang kamay ni Sari pero hindi ko maramdaman, alam kong hawak ko pero napakadilim, wala akong makita. “’Wag kang magmadali! Masusugat ‘yang mga paa mo!” *** Nagising ako sa kung anong matinis na boses, pumapaimbabaw sa tikatik ng ulang tila maliliit na mga butil ng batong nahuhulog sa aming yerong bubungan. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako sa kwarto namin ni Sari. Marahil sa sobrang pagod sa pagre-repack at pamamahagi ng mga donasyon sa mga binagyo. Pareho ang pagod noong araw na ‘yun, noong dumating ako mula sa pag-isa-isa sa mga kabahayan ng mga mangingisdang nakaranas ng pagmamanman sa komunidad na nais pagtayuan ng resort. Hindi na ako kumain matapos maghilamos at dumiretso na sa papag. Doon ko kinapa-kapa ang cellphone sa higaan, saka ko nabasa ang mga mensahe, saka ko nalaman kung ano ang nangyari sa kapatid ko. Tinta 2015 l
67
Dinukot si Sari ng mga militar, ito ang nakuha ko nang makausap (makinig sa hagulhol) ni Mama sa cellphone. Ang kapatid kong si Sari, hindi ko maisip kung paano kinaladkad ng mga sundalo ang kapatid ko, kung paanong tiyak na pinakiusapan niya ang mga walang halang ang bitukang mga berdugo, ang kakambal kong inakala ng mga hayop na militar na ako. Sana niyakap ko noon si Sari—mahigpit na mahigpit, sana nasabi ko sa kakambal ko kung gaano ako nagpapasalamat, kung gaano ko siya gustong makasama habangbuhay. Gusto kong humingi ng tawad sa napakaraming bagay—dahil hindi ko siya nasamahang manood ng inaabangan niyang pelikula noon sa sine, dahil wala ako sa maraming pagkakataon, dahil sinalo niya ang kamalasang dapat ay sa akin mangyayari. Gusto kong humingi ng tawad—patawad, Sari, kung wala ako sa tabi mo. Patawad kung wala akong kwentang kapatid sa’yo. Kinuha ko ang damit ni Sari na ibinigay sa akin ni Mama. Sinuot kong dahandahan ang pulang bestida. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin—totoo ngang mahirap ipagkaiba kaming dalawa ng kakambal ko. Sinumang ‘di lubusang nakakakilala sa ami’y tiyak na mahihirapang makita ang maliliit na detalyeng katangi-tangi sa amin. Tulad marahil ng bagsak ng buhok—ayaw na ayaw kong magpupusod, parang may kung anong pumipigil sa buhok ko, gusto ko’y malaya ang mahaba kong buhokk—nakalugay, nakababad sa ilalim ng araw o sa hampas ng hangin. Gayunpama’y ipinusod ko ang buhok ko bago lumakad papalabas ng pinto. Nakita ko si Mama na nakaupo sa sala, tila balisa. Agad siyang tumayo at lumapit nang makita niya ako. “Iris,” ang nanginginig niyang tawag. “Anak, ang kapatid mo..” l
68
l Simbuyo
Sa baybay-dagat
kuha ni Gina
Persephone by THE JOKER
You set your back against stone And lie next to her Waiting for her mouth to set you on fire And her hands to map the plains and rivers of your body In a realm of no angels She is your stardust You hold her close, afraid she will burn away But darling, you're making love to an ice-cold cadaver A marble goddess with no breath of life on her lips With your arms as her tomb And the soft chambers of your heart, her resting place. Yet she will not respond No matter how hard you thrust No matter how gentle you kiss No matter how many times you tell her you love her She will not wake Because she is gone Gone to Hades
70
l Simbuyo
To await her fate in the Hall of Judges While snow cocoons the Earth And the last of her roses have shed their blood red tears As she feasts on the seeds of pomegranate And wanders the belly of the beast Walking deeper into its bowels With her precious, little feet She will not come back for you, Her almost lover Even if you clawed on her skin In a desperate attempt to keep her She is forever lost, my love Yet you keep clinging to her body Your hubris, your folly It was you who killed her It was you who let her go Turning her into your taxidermic treasure Sewing her scars And stuffing her with empty verses and broken promises As you placed her on the altar Before your cruel gods Plunging a dagger between her breasts Murdering her pure heart And ransacking her body While her lips betrayed her abhorrence and whispered I will love you I will love you I love you I love... l
Del
Tinta 2015 l
71
74
l Simbuyo
Take off photo by Kisapmata
Tinta 2015 l
75
Breathe by THE JOKER
I pulled you out of the pack You were the final stick in that tiny paper box shoved among the clutter of my backpack I placed you between my lips lit your end and set you on fire Inhale. I watched you and held you between trembling fingers, lacquered fingernails ten breaths of temporary bliss one hundred and eighty-one seconds of sanity as red orange fingers tear you apart before they grasp my throat and slither to my lungs twelve puffs to put away strange fits two minutes to keep me awake Exhale. Inhale.
74
l Simbuyo
I watch the flames consume you glassy eyes ringed with smudged mascara fixated on the ashes floating as you burn And fear swiftly strikes me Exhale. Inhale. Soon, like your remnants I will be carried by the same wind And I will search for warmth I could not find because I have long wasted you away for a ten-minute break on the edge of a rooftop for a burning sensation with a shot of whiskey for one hundred and twenty seconds of unadulterated pleasure Exhale. And I will tell myself to stop remembering your name stop mapping your face with my eyelids shut stop searching for the missing heat I have long crushed under the heel of my boot
Inhale. I will repeat everything five million times only to find my feet walking to the same convenience store where we first met and where you first blessed my lips Exhale. I will repeat everything another five million times only to find my fingers slipping down my pocket fumbling for that lighter igniting that tiny spark Inhale. One day, you will build a graveyard out of me Exhale. But no, I cannot. Even in my death, I cannot quit you. l Tinta 2015 l
75
"'Di ba Physics major ka?” “Oo, bakit?” “Ang usok ng yosi, kapag untiunting naglalaho, hindi naman talaga nawawala, 'di ba? Andun pa rin siya, 'di lang nakikita.” “Oo. Kasi nag-disperse na sya kumbaga. Humalo na sa ibang gases.” “Para pala tayong usok ng yosi. 'Pag nagsasama-sama, nakikita mo—” “Kasi concentrated.” “Oo, concentrated. Pero 'pag nagdisperse na, 'di mo na matukoy, kasi humalo na sa mga masa. Hindi mo alam, baka yung nakakasalubong mo sa overpass, o yung konduktor ng bus, o yung katabi mo sa KFC, tulad din pala natin.” 'Di natin alam.
Aratiles
Aratiles
“Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa—” “Putang ina kang aktibista ka, bakit, 'di ka naman naniniwalang may Diyos 'di ba?”
Sa pagniniig ng mga titik.. Gina
For more transparency and accountability. Dating malaya ngunit ngayo'y bihag ng nakaraan.
Magwayen
The Joker
Clown Prince of Crime, your resident psychopath; madalas nanloloko, madalas ding naloloko ngunit sa huli, akin pa rin ang huling halakhak.
Minsan naghahatid ng kaluluwa, madalas nagre-reyna sa dagat.
Daisy
Flower that symbolizes innocence, love, purity, patience and simplicity; April's birth flower.
Aratiles
Del
Tumutubo sa mga iskwater. Bulaklak ay dalisay na puti saka magiging bungang matamis at pulang-pula.
A concise history of inside jokes.
Talinghaga
The Em
Kung sinong naghahanap ng kahulugan.
Kisapmata
Swingin' like a drunk between / Life / and the / Mundane / one note to the next
Ipinanganak kasabay ng mga tala; lubos siyang pinagpala sapagkat siya'y anak ni Bathala.
Paraluman
Hindi ako ang sasagip sa'yo.
Delonix Regia
Velutha
A conspicuous tree with large, red flowers.
Fernando
Leaves no footprints in sand, no ripples in water, no image on mirrors: the god of small things, the god of loss.
Walang ibang bisyo kundi umibig.
Isabelo
Caitlyn
Ipinanlulumo ko ang pagkadalisay at naghahagilap ng solasya sa ingay.
Sheriff of Pitlover
Anne O. Nimous
Doraemon
Too pretty to think of a description.
Mahilig sa hopia.
Simbuyo TINTA 2015
EDITORIAL BOARD
Editor-in-chief
Judielyn Agua
Section Editors
Kevyn Kirsten Tapnio (Prose) Danielle Mae Isaac (Poetry)
Layout Artist
John Reczon Calay Graphics Editor
Mikhaela Dimpas
Finance Head
Dale Calanog
UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES-UP Academic Year 2015-2016 Chairperson
Mikhaela Dimpas Vice Chairperson for Internal Affairs
Vice Chairperson for External Affairs
Vice Chairperson for Information and Research
Vice Chairperson for Finance
Danielle Mae Isaac
Judielyn Agua
Kevyn Kirsten Tapnio
Rosewell Kyla Palo
Vice Chairperson for Membership
Vice Chairperson for Education
Dale Calanog
Katherine May Tayamora
Vice Chairperson for Publicity
Pauline Dominique Caparas
Members
Andrea Jobelle Adan Erwin Agapay Josa Faye Almazan Renz Almenanza Krysten Mariann Boado Inna Christine Cabel John Reczon Calay Dwight Angelo De Leon Reynald Denver Del Rosario Shernielyn Dela Cruz Gabrielle Anne Endona Sean Xavier Fuentes Charlotte Furigay Maegan Gaspar Scarlette Lynne Gayo Patricia Isabel Gloria
Hazel Joy Lobres Karen Ann Macalalad Katrina Mina Luigi Renzo Naval Anton Onato Christianne Joy Petiluna Raphael Rayco Mark Kevin Reginio Patricia Anne Monique Samson Azlie Ann Villahermosa Kristian Karlo Vitug Eunice Lei Wu David Tristan Yumol Clarist Mae Zablan Beatriz Zamora
Special thanks to
UNIVERSTY OF THE PHILIPPINES DILIMAN OFFICE FOR THE INITIATIVES ON CULTURE AND THE ARTS