1 minute read
Ano, Bakit, Paano?
By: Liberius
Bago namulat ang aking mga mata Hindi ko nakita kung gaano ako ka saya Makakain lang ng Spaghetti, ako’y labis na lumiligaya Ano kaya ang dahilan ng biglaang pag-iba? Bago ako natutong manahimik at makinig, Noon ay napupuno ko pa ang silid ng maingay kong tinig Nakikisabay din sa hiyaw ng mga lumiligalig Bakit kaya ‘di na ngayon makapagsalita’t makatindig? Bago ako natutong magpahinga dahil sa tindi ng pagod Noon lahat ng gawain sa loob at labas ng akademiko ay aking kinakayod Halos araw-araw, buong araw nagsasanay, parang wala na iba pang araw na susunod Paano kaya kung ako’y mapagod at ‘di na maging kalugod-lugod? Ano, Bakit, Paano? Anong nangyari bakit hindi na sila sakin namimintuho? Bakit kaya sa bawat kabutihan, paninira na ang kanilang ibinabato Paanong nangyari na ang ligaya ko noon, halos nilamon na ngayon ng siphayo?
Advertisement
Ah. Na-alala ko nga pala. Hindi na ako bata.