QUATERVOIS: Door of Youth (SHS-STARLIGHT Literary Folio Volume XXXIII, Issue 2)

Page 41

Ano, Bakit, Paano? By: Liberius

Bago namulat ang aking mga mata Hindi ko nakita kung gaano ako ka saya Makakain lang ng Spaghetti, ako’y labis na lumiligaya Ano kaya ang dahilan ng biglaang pag-iba? Bago ako natutong manahimik at makinig, Noon ay napupuno ko pa ang silid ng maingay kong tinig Nakikisabay din sa hiyaw ng mga lumiligalig Bakit kaya ‘di na ngayon makapagsalita’t makatindig? Bago ako natutong magpahinga dahil sa tindi ng pagod Noon lahat ng gawain sa loob at labas ng akademiko ay aking kinakayod Halos araw-araw, buong araw nagsasanay, parang wala na iba pang araw na susunod Paano kaya kung ako’y mapagod at ‘di na maging kalugod-lugod? Ano, Bakit, Paano? Anong nangyari bakit hindi na sila sakin namimintuho? Bakit kaya sa bawat kabutihan, paninira na ang kanilang ibinabato Paanong nangyari na ang ligaya ko noon, halos nilamon na ngayon ng siphayo? Ah. Na-alala ko nga pala. Hindi na ako bata. lit

39


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.