18 LATHALAIN Bakas sa mga pader ng lansangan ang hinanaing ng mga mamamayan. Hindi ang mga poster na nagsasabing, ‘Vote for’ kundi ang mga bandalismo na turing ng karamihan ay dumi subalit sining ng mga naglakas-loob upang ipabatid ang kani-kanilang mga panaghoy. Elementarya pa lamang, tinuturuan na tayong gumuhit – hindi lamang ng mga letra kundi pati mga larawan. Naalala ko pa noong puro bura ang aking papel dahil sa mga lagpas na linya at sobrang panggigigil sa krayola. Noon pa ma’y manghangmangha na ako sa mga taong kayang maniobrahin ang mga kulay. Sa paglabas ko sa aming tahanan, napansin kong maraming ilustrasyon ang nakaukit sa mga poste at gilid ng mga pader. Tila may ipinaparating. Napatanong ako sa aking sarili, sining nga ba ang mga bagay na ito? Sa bagay, napakalawak ng sining. Wala itong sinusunod na pamantayan. Iba-iba ang pinagsisilbihan nito. May mga nalilikha para sa estetika lamang ngunit mayroon ding mga taong lumilikha ng sining dahil sa politikal na esensiya nito na matatagpuan kung saan-saan. Sa Lansangan Sa Ma y n i l a , laganap a n g m g a
Tomo 47 Isyu 1 September 2021 itinuturing na ‘vandal.’ Marahil ay walang matinong materyales upang lapatan ang kanilang obra kung kaya’t sa mga pader na lamang nila ipinipinta. Ngunit kung iisipin, maaaring gumagawa sila rito ng obra upang mabigyang pansin ang kanilang mga daing. Noong madaling araw ng Hulyo 26, dalawang aktibista sa Bicol ang pinaslang ng kapulisan. Hindi dahil natiyempuhan silang nagpipinta sa lansangan kundi dahil sa kanilang panawagan na itigil ang karahasan ng kasalukuyang pasistang namumuno na si Duterte. Matatandaan ding nadakip ang apat na miyembro ng Panday Sining noong 2019 matapos lumikha ng ‘protest art’ sa mga poste ng Light Rail Transit (LRT) sa Maynila na nananawagang tapusin ang panunupil sa mga aktibista. Ilan ito sa mga krimeng naganap sa ilalim ni Duterte. Kinilala ng mga pulisya ang ‘protest art’ na nalikha bilang bandalismo na siyang sanhi sa patuloy na pagdanak ng dugo sa lansangan. Sa lansangan maaaring matagpuan ang sining – kaakibat ng mga panawagan ng masang api. Itinataguyod nito ang boses ng sambayanang tinalikuran nang karamihan. Burahin man ng pasistang namumuno ang obra ng masang api, mayroon at mayroon pa ring sining na mananawagan para mawasak ang mapaniil na sistema. Sapagkat mas matimbang ang sining sa lansangan kumpara sa mga itinuturing na magagarbong sining sa mga museyo ngunit
pawang nagsisilbi lamang sa iilan. Sa Pakikibaka Tanyag ang paggamit ng iba’t ibang uri ng sining sa tuwing protesta. Madalas gamitin ang mga placards tuwing protesta ng mga aktibista, bitbit ang kani-kanilang mga panawagan. Ilan sa mga alagad ng sining ay sina Ka Parts Bagani at Kerima Lorena Tariman. Kapwa sila artista ng bayan, ngunit kapwa ring pinaslang ng pwersa ng estado. Walang kalaban-labang pinatay ng mga militar si Bagani, isang kilalang rebolusyonaryong pintor at ilustrador, noong ika-16 ng Agosto habang si Tariman nama’y naging biktima ng engkuwentro sa Negros Occidental noong ika-20 ng Agosto. Pinapatunayan nito na ang mga galamay ni Duterte ay walang pakundangang ginagamit ang kanilang mga armas sa mga sibilyan, pati na sa mga artista ng bayan. Pilit na nililimitahan ng sistemang ito ang mga artistang lumilikha ng makabuluhang sining na tumutuligsa sa kanilang paghahari-harian. Sapagkat kapag ang mga piraso ng mga obra ay pinagtagpi-tagpi, maaari itong maging instrumento ng pagbabago. Makakabuo ang kanilang sining ng mensaheng makapagbubuklod sa masa at makapagpapatumba sa kasalukuyang bulok na sistema. Sa Internet Matatandaan din noong nakaraang Hulyo na nagtrending ang #Tumindig post ni Tarantadong Kalbo sa iba’t ibang social media platforms. Larawan ito ng mga taong hugis kamao na nakaluhod n g u n i t mayroong
isang pumiling tumindig. Sinundan ng mga netizen ang post na ito ng samu’t saring komento at reaksiyon na ‘domino’ ang naging epekto. Ayon sa isang panayam kay Kevin Raymundo, artista sa likod ng Tarantadong Kalbo, hindi lamang siya gumagawa ng sining para lamang sa estetika – gustuhin man natin o hindi, ito ay laging politikal. Hindi maitatangging politikal ang sining sapagkat kaakibat nito ang sitwasyong naoobserbahan ng mga manlilikha sa lipunan.Likas itong pampulitika sapagkat nilikha ito ng mga taong may sariling pagkiling na naninirahan sa politikal na mundo. Dulot ng mala-pyudal at malakolonyal na sistemang umiiral sa ating bansa, naluluwalhati ang mga nararanasang paghihirap sa lipunan na karamihang naitatampok sa mga sining. Ika nga ni Alice Guillermo, ang sining ay hindi pumapagitna dahil nanggagaling ito sa mga tunggalian na nararanasan sa lipunan. Sining sa Bawat Sulok Ngayon, batid ko na ang sining ay hindi maikakahon sa ideyang pangestetik lamang – higit itong lumalalim sa tuwing nagagampanan nito ang kaniyang pinakalayunin. Iba-iba man ang kahulugan ng sining sa mundo, mas nagkakaroon ng silbi ang sining kung nailalaan ang esensiya nito sa pagpapalaya at hindi sa pagsisilbi sa iilan lamang. Sa kaliwa’t kanang pagputol sa mga kamay ng mga pintor, sa pwersahang pag-aresto sa mga artistang nais ipabatid ang kanilang mga obra, at sa walang habas na pagpatay sa mga artista ng bayan, nakatitiyak tayo na ang sining ay para sa kanilang ipinaglalaban. Ito ay para sa taumbayan – hindi para sa pansariling interes ninuman kundi para sa makamasang sining na nakasandig sa pambansa at makamakamasang pagpapalaya. Ang sining ay para sa masa at sa mga susunod pang nais gumuhit nang malaya laban sa mga baril ng pasista gamit ang bumabahang pintura. ▼
Nang tapatan ng bumabahang
PAGE DESIGN JETHRO BRYAN ANDRADA
GRAPHICS ARMEL JAKE FLORES
PINTURA ang baril ng mga PASISTA WORDS JETRO PAJO