PANANAW XIII
Karapatang - ari, 2020 Ang Pananaw ay ang opisyal na folio ng UPLB Perspective. Disenyo ng aklat || Ian Carlo Eugenio Diesnyo ng pabalat || Jandelle Cruz at Jermaine Valerio Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring masipi o muling mailimbag sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot mula sa tagapaglathala maliban na lamang sa pagkakataong ang sababing pagsisipi o paglilimbag ay para sa akademikong rebyu o panunuring pampanitikan. Ang lathalaing ito ay hindi maaaring ipagbenta sa kahit anong komersyal na transaksyon. Maaaring maabot ang editoryal sa Opisina ng UPLB Perspective Silid 11, Ikalawang palapag, Gusaling Student Union Unibersidad ng Pilipinas Los BaĂąos College, Laguna Email: uplbperspective@gmail.com Reserbado and lahat ng karapatan
PA NA N AW X I I I
Mga nilalaman 1
Lost Baños • Jed Tamboon
2
Elbi Ipis Sightings • Sean Paul Manalo
6
San ka na? • Diego Felizardo & Eldred Marcelo
9
Umiilag rin ang Naghahabol • Miguel Carlos Lazarte
10 Kalinisan • Sirang Monitor 11 Gaano ka kagrabe Aling Nelia • Felipa Cheng 15 Rise • Maria Victoria Almazan 16 Open for Vacancy • Margarette Mediano 18 Where You Belong • Alya Inciso 20 Bedspacer para sa Double Deck • Amrie Cruz 22 Cling • Michael Angelo Arturo 24 Same Space • Reuben Pio Martinez 28 Stills of Cries • Martin Louise Tungol 32 Money, Money, Yes Papa • Janelle Bucud 40 bit.ly/34dE7Dt • Mac Andre Arboleda 42 Trip to Jerusalem • Ian Carlo Eugenio 43 Patay Sindi • Karen Manamtam 44 Countryside Scourge • Jevi Quitain 48 Insureksyon • Mark Ernest Famatigan 50 Sobre • Allaissa Calserada
Editor’s Note Noong pinag-usapan ng patnugutan ang ‘occupy’ bilang susunod na tema, sinubukan namin itong isalin sa Filipino sa pag-asang malinawan sa saysay nito. Matapos manliit ang mga mata kaka-isip, at pagkonsulta sa mga diskyunaryong wala ring naiambag, sinubukan na lang naming sagutin - anong unang pumasok sa isip nang marinig ang salita? Ang isa ay sumagot na naalala daw niya ang occupied signs sa pinto ng mga banyo, ang isa naman ay sumagot sa anggulong pang-agham na ‘anything that occupies space is matter.’ Ang iba ay nakaisip ng mga panlipunang konsepto gaya ng ‘pananatili o paninirahan sa isang lugar,’ o kaya ang ‘paglahok sa kilusan,’ kontra naman sa isa na nagsabing ‘imperyalismo o pagnakaw sa lupa ng iba.’ Hindi bago ang ideya ng ‘occupy’ sa loob ng pamantasan. Ang Occupy SU ay taunang pinangungunahan ng University Student Council upang igiit ang karapatan at pangangailangan ng mga estudyante para sa libre at ligtas na espasyong bukas 24/7. Minsanang pinatayan ng ilaw ang mga estudyanteng nagsasagawa ng mga requirements sa loob ng SU, at katwiran ng UPF, lagpas na raw kasi sa oras ng curfew. Kamakailan lang din ay nagkaroon ng Walk Out ang mga estudyante dahil sa ipinatupad na ‘no late registration policy’ ng administrasyon, na mas lalong pinakomplika ang pag-enlist at pag-readmit ng mga estudyante, kasabay ng pahirapang sistema ng SAIS. Ilang ulit na rin nanghingi ng oras para sa dialogue, ngunit patuloy itong iniwasan ng admin. Kaya naman sa araw ng Walk Out, hinintay ng mga estudyante ang Chancellor sa labas ng UPLB Main Library, na sa paglipas ng buong maghapon ay hindi naman sumipot. Hinaing ng mga estudyante: bakit nga ba patuloy na nakaupo sa posisyon ang mga indibidwal na isinasawalang-bahala ang mga estudyanteng tungkulin nilang pangalagaan? Kahawig nito ang pahayag ng mga mamamayan, estudyante man o trabahante, sa kasalukuyang nagaganap na krisis na dulot ng COVID-19. Ang mga kwestyunableng anunsyo ng gobyerno upang tugunan ang prisensya ng nakamamatay na sakit, gaya na lamang nang pagpapataw ng ‘enhanced community quarantine’ sa buong Luzon, ay tuluyang kinikwestyon ng sambayanan. Samantala, ang makupad na pagtugon dito ng UPLB admin ay nagdulot sa 1,505 na estudyanteng
na-stranded sa kanilang mga dormitoryo at apartment, malayo sa kani-kanilang pamilya. Upang tugunan ang pangangailangan ng mga estudyante, nanghingi ng permiso ang volunteer group na Serve the People Brigade (STPB) na gamitin ang SU bilang command center at lutuan ng pagkain para sa mga estudyante, ngunit matigas itong pinagbawalan ng admin. Gumawa ng sariliing relief operations ang admin sa Baker Hall, habang itinuloy ng STPB ang kanilang operasyon sa labas ng unibersidad. Paano pa ang nakababahalang presensya ng militar sa mga checkpoint at mga barangay, kung saan walang pakundangang hinuhuli ang mga nasa labas at pinaparusahan sa iba’t ibang diskarte ng mga naka-tokang militar; ang iba ay binababad ng ilang oras sa ilalim ng tirik na araw, iba’y pinapag-squat, pinagsasampal o pinapalo, sabay banta ng “Lahat ng lalabas ng wala sa oras ay babarilin na!” Isa sa mga nahuli ay tricycle driver na pumasada dahil sa kawalan ng kita at ipapakain sa kaniyang pamilya, habang ang senador na si Kiko Pimentel (na nag-positibo sa sakit) ay hinatulan lamang ng ‘compassion’ matapos magligalig sa mga grocery, party at hospital sa panahong dapat siya ay naka-quarantine. Nariyan din ang selebrasyon ng kaarawan ni Major General Debold Sinas, na kahit ano pang tawagin nila, party o mañanita, ay nilabag pa rin ang mga estriktong quarantine protocol. Kung tutuusin, ang buong lohika ng lockdown, ang pagpupumilit sa mga tao na manatili sa bahay, ay isang laban sa espasyo at posisyon - paano nating ipapalagay ang mga naninirahan sa kalye, o ang mga siksikang komunidad sa lungsod? Saan kukuha ng pangkain ang mga arawan na sumusweldo sa ilang buwang lockdown? Paano tinitiyak ng administrasyon at lokal na pamahalaan na nakakaabot ang sapat na suplay at pagkain sa lahat ng nangangailangan? Para sa ika-13 na paglalathala ng Pananaw, pinili namin ang tema ng ‘occupy’ sa kadahilanang walang hanggan ang maaaring paghahalungkat ng saysay sa salitang ito. Siniyasat ng mga akda ang iba’t ibang anggulo ng pag-okupa, gaya na lang ng pagsuri kung sino ba ang maaaring gumanap bilang okupante (ang sarili, ang mga kasama, ang naiiba, ang pangkalahatan; ako, sila, tayo), at ano ang kanilang mga layunin sa pagsasagawa nito.
Nakatutuwa’t ang mga lumitaw na interpretasyon mula sa mga artista’t manunulat ay magkakasalungat, ngunit may pantay na halaga. Ang Lost Baños ni Jed Tamboon ay isang oda sa pakikipagsapalaran sa lugar na matalik niyang kinilala, upang ipakita na ang paglisan ay hindi katapusan ng koneksyon sa isang espasyo. Samantalang ang ‘Countryside Scourge’ naman ni Jevi Quitain ay iginigiit na ang pananatili ay katumbas sa pag-protekta sa lupang kinikilala. Ang new media na piyesa naman ni Mac Arboleda, ‘bit.ly/34dE7Dt’ ay inilantad ang cybersquatting, ang illegal na pagkuha sa mga internet domain, na malawakang isinasagawa ng Tsina; binibigyang-diin nito ang naka-aalarmang koneksyon ng paggamit ng media sa imperyalismo ng Tsina sa ating bansa at sa buong mundo. Ang ‘Money, Money, Yes Papa’ naman ni Janelle Bucud ay sinusuri ang prisensya ng mga malalaking kumpanya sa YouTube na gumagamit ng clickbait upang linlangin ang mga batang manonood, para makarami ng views at kita; nagreresulta naman ito sa bawas na oportunidad para sa mga indibidwal na manlilikha sa sikat na plataporma. Kung pagnanakaw ang naging paksa nina Mac at Janelle, pagbawi naman ang kay Mark Famatigan sa ‘Insureksyon.’ Kanyang inilalarawan ang pag-asang magtatagumpay ang agraryong rebolusyon laban sa kapitalismong nagdudulot ng pinsala sa pangdemokratikong karapatan ng mga Filipino. Bagamat magkabilaan ang maaaring interpretasyon ng ‘occupy,’ isang konsepto ang nagtatahi sa mga ito, at ito ay ang pagkilos. Ang esensya ng ‘occupy’ ay isang matindig na paninidigan sa mga sariling katotohanan. Hindi ito oras ng pakiusap kundi pagkiling sa mga karampatang hinaing.
Felipa E. Cheng Mayo 2020
PANANAW XIII
Lost Baños Jed Tamboon
Para sa Diwata ng bundok Makiling Nagkakamali ka, hindi ako naliligaw. Pinili kong manatili dito’t punan ang uhaw sa batis ng Molawin. Nagtampisaw sa ulan mong dala. Mula sa mata mong nangungusap, pakiusap sambit ay “Manatili ka, manatili ka.” Nagkakamali ka, hindi ako naliligaw. Pinili ko ang manatili at magbabad sa hatid mong init dulot ng iyong yakap at pagkuyom sa akin sa iyong palad. Nagkakamali ka, kailangan ko nang umalis. Salamat sa yakap at pagkuyom sa iyong palad, sa paglunod sa akin sa iyong pagibig, ngunit basa na ang aking damit at kailangan ko na itong baliktarin.
1
2
3
4
5
San ka na? Diego Felizardo & Eldred Marcelo
Bilugan ang tamang sagot. EXT. PILAHAN NG UV EXPRESS - GABI 5:30 PM Mistulang nakapulupot na ahas na ang pila ng mga pauwing Montalban. Sa pangatlong kurbada ng ahas nakapwesto si Chona, nakasakbit ang dilaw na shoulder bag sa kanan niyang balikat at puting tote bag naman sa kaliwa. Lahat ay nakatingin lamang sa kanilang mga telepono habang naghihintay ng susunod na masasakyan. Sa harap ni Chona ay nakatayo si Toti, suot ang puting knapsack sa kanyang likuran habang bitbit ang isang kahon ng Goldilocks sa kanang kamay.
Nasaan na si Chona at Toti?
INT. LOOB NG UV EXPRESS - TANGHALI 11:00 AM Hindi kilala ni Kat ang katabing nakatulog sa kanyang balikat. Hindi magtatagal at matutuluan na ng laway ang kanyang puting uniporme. Siksikan sa loob ng fx at umabot na sa puntong hindi na makasandal sa kanilang inuupuan ang ibang mga pasahero. Nakapatong sa hita ni Kat ay ang kanyang pink na Jansport habang nakapasak naman sa kanyang mga tenga ang puting earphones na kasalukuyang tumutugtog ng Lover ni Taylor Swift.
Nasaan na si Kat?
7
EXT. KAHABAAN NG EDSA - GABI 7:00 PM Hindi na mabilang ni JM kung ilang beses na niyang narinig ang pagdaan ng tren. Nakabukas ang bintana ng kanyang lumang asul na Toyota Corolla habang nakapatong dito ang kanyang kaliwang siko. Hindi na niya napigilan ang pagsisindi ng yosi habang ginagapang ng mga sasakyan ang kahabaan ng EDSA. Tanaw niya sa bandang harapan ang isang police checkpoint kung saan kinakausap ng mga pulis ang drayber ng isang pulang pick-up truck.
Nasaan na si JM?
PANANAW XIII
Umiilag rin ang Naghahabol Miguel Carlos Lazarte
Maliit ang pagitan sa nguso at kaniyang puwitan. Kaunting pagkainip pa ay malaswa ang kahihinatnan. Mata sa mata, nakakandado ang titig; naghihintay ng hudyat bago tuluyang makalayo muli. Mga torong handing tumuhog: palibhasang aatras palikod; habang alburotong susugod sa berding ilaw ng lansangan. Dikit sa tela ang amoy ng sitrus ng pansabit na puno at abong bumubuga mula sa galit na tambutso. Sa bangketa, bayolente ang paglalakad ng mga takong namin sa aspalto; marahang pumapaypay ang palad sa mga matutuling aparisyong bumubuga ng alikabok. Sinasakop ng hukbo ang mga kalsada; silang walang yumuyugyog na barya sa bulsa sapagkat laging buo o kaya naihulog na sa sampung taong utang sa pinagbilhan ng makina. Sa tagal ng pamamakay, harana ang tinig sa radyo, may lamig ang huni ng aircon, mapayapa ang kadiliman. Reklamo nila’y ang trapik ay dahil sa’min sapagkat hindi nila alam ang buhay ng sabay na maghabol ng masasakyan at umilag sa kanilang galit pang pagpupugak. Habang kaming mga nakatayo, daig pa ang mananayaw sa higpit ng kapit sa nagsisipawisang mga metal na poste. Kaya’t pagkatapos ng aming shift ay tiyak busog na kami sa hinapunan naming usok ng lungsod.
9
Gaano ka-grabe si
Aling Nelia? Felipa Cheng
Itong nakaraang Disyembre 2019, kumalat ang video ng isang Aling Nelia - nakapamaywang, nakasimangot at may dalawang nangangayayat na pulis sa kanyang likuran. Ang konteksto: pinatitigil ni Nelia ang nagaganap na volleyball game sa isang bakanteng lote ng Brgy. Sta Ana sa Maynila. Rinig na rinig sa video ang sigaw sa likod ng camera, “grabe naman po kayo, Aling Nelia!” sabay iikot ang camera para ipakita ang grupo ng mga dalaga’t binatang balibolista na natigil ang paglalaro dahil sa presensya ng ale. Imbis na magsigawan at makipagaway, biglaang kumanta at sumayaw ng sabayan ang mga manglalaro ng Tala ni Sarah Geronimo - naka-triangle formation at praktisadong choreograhpy pa. Hindi nagtagal ay nakitalon na rin ang mga nanonood at mga kapitbahay, at walang nagawa si Aling Nelia. Ang video, na unang in-upload sa Facebook ng Brgy. Sta. Ana SK Chairman Christopher Racquel, at ni-repost ni @aivancalonia sa Twitter ay naka-ipon na ng mahigit 2 milyong views at 36,000 na like. Mabilisang nag-trending ang “Aling Nelia” sa Twitter, at binansagan ng mga Twitter users ang pangyayari bilang isang bloodless neighborhood revolution against Aling Nelia’s reign of tyranny (#brygonzales_ph) Ilan pa sa mga naging panig ng Twitter users ang pagpapahayag ng kanilang suporta sa mga LGBTQ+ na manlalaro kontra sa panunupil ng ale. “GRABE NAMAN PO KAYO ALING NELIA (and the state forces behind you ahekhek) (@jonmarkcasi)” “Aling Nelia apaka kj mo hahahaha (@Bravoltz)”
“parang viral lagi yung Tala because of its ability to overcome oppressive institutions like Aling Nelia… (@thebombastarr)”
11
PANANAW XIII
Ginamit pa ng orihinal na uploader sa kanyang post ang hashtag na #KabataanLabanKayNelia na mangilan-ngilan rin ang gumamit pa. Ganito ang umikot na diskurso mula sa video: ang mga manlalaro ay nagrepresenta ng komyunidad ng LGBTQ+ na nag-eensayo ng kanilang karapatan gumamit ng pampublikong espasyo, at si Nelia naman ang mapang-api na matanda na hindi makisakay sa kanilang trip. Ang naging resolusyon: natuloy ang laro ng mga balibolista at naging matagumpay ang kanilang pagtutol sa malupit na Aling Nelia gamit ang kanta at choreography ng Tala. Simula noon, naging unofficial na simbolo sa internet ang Tala bilang isang porma ng rebolusyonaryong kanta para sa sangkabaklaan. Ngunit, nais kong kilitasin ang mga diskusyong naganap sa isyu na ito, dahil tingin ko’y masyadong na-demonize ang presensya ni Aling Nelia, imbis na harapin ang punot-dulo ng kanilang pinoproblema - ang siksikan at umaapaw na populasyon ng mga barangay sa mga lungsod, gaya ng Brgy. Sta. Ana, na walang nakatalagang espasyo para sa palaro at paglilibang ng mga residente nito. Ayon sa blog ng The JP Sports, hindi raw ito ang unang pangyayari na sinubukan ni Aling Nelia itigil ang mga paligsahan sa lote, kanyang iginigiit na kinikailangan daw ang bakanteng lote para gamiting parking space ng mga residenteng may sasakyan. Ang volleyball net na makikita sa video ay isang makeshift net na inuunat lang kapag may naka-iskedyul na laro. Dagdag pa ng The JP Sports, bago pa ang volleyball net, mayroon nang nakarektang mga basketball hoop na ipinatanggal din ng mga nagpetisyong residente para buksan ang loteng paparadahan ng kanilang mga kotse. Kung ganito ang pangangatwiran nina Aling Nelia, makabuluhan nga naman ang galit ng mga balibolista at ang mga sumusuporta, bagamat parang mas pinahahalagahan pa ang mga sasakyan kaysa sa mga kapwa residente. Pero saan nga ba isisiksik ang mga behikulong pampasok sa trabaho, ni wala namang espasyo sa mga dikit dikit na bahay para magkaroon ng kanya-kanyang garahe? Sapat rin ba na puwesto ang bakanteng lote na simento at walang bubong para sa mga manlalaro at paglilibang ng komyunidad, na siguradong sugat sugat ang mga tuhod ng mga nadadapa? Hindi ba’t ito ay mga sintomas ng hindi pulidong urban planning at over population sa mga lungsod? Bakit napakabilis para sa atin na kilitasin ang indibidwal na si Aling Nelia, na kung tutuusin ay ini-ensayo lang din ang kanyang karapatan sa pampublikong espasyo, pero hirap tayong kwestyunin ang kalagayan ng mga siksikang komyunidad sa lungsod? Maari nating ipahayag na kung walang garahe, huwag mag-kotse, ngunit ito rin ay isang deduktibong argumento na pinagsasawalang-bahala ang mistulang kakailanganan ng sasakyan ng mga trabahante dahil sa hirap at nakakasulasok na pag-komyut sa bansa (na isa ring epekto ng hindi pinag-isipang urban planning!).
12
Ang paulit-ulit na pagbansag kay Aling Nelia bilang mukha ng opresyon laban sa kabataang LGBTQ+, “grabe naman kayo Aling Nelia,” ay naging isang sikat at katawa-tawang ekspresyon upang magpahayag ng hindi pagsasang-ayon o pagkabigla sa isang sitwasyon, lalo na’t kung ito ay may kinalaman sa sangkabaklaan. Sabihin natin malaki ang naiambag na video na ito sa aspetong nakiisa tayo sa paggiit ng karapatan sa mga pangkomunidad na espasyo, at ang Tala bilang kantang ginamit upang umahon mula sa kalupitan ng ale, ngunit gusto ko ring i-punto na mas malaki naman ang pakinabang dito ng mga kumpanya at pangalang kunektado sa kanta.
Isa sa mga balibolista na naroon din sa video, ay nagtweet ng
At isa pang Twitter user ang nagsabi ng
“stream Tala and be a part of the resistance against aling nelia (@shitrat0wizawa).”
I just wanna give thanks to all the people who defended us even though u didn’t even need to do that :)) spread positivity everyone and stream Tala by sarah g love 3x (@DawsBas).”
Pareho ang pahiwatig ng dalawang tweet: ang pagsuporta at pagstream sa Tala ni Sarah Geronimo ay katumbas sa pagpapakita ng suporta sa sangkabaklaan. Si Sarah Geronimo, na ang nag-iisang pahayag sa LGBTQ+ ay ang pasasalamat sa kanilang suporta, ay naka-ipon ng 4 milyong dagdag na views sa kanyang Tala music video sa loob ng ilang linggo matapos mag-viral ang video. Siya rin ang pinangaralan ng Spotify PH bilang top female artist ng 2019, at ang Tala bilang top track of the year. May umikot rin na phone-recorded na video mula sa Twitter (@taylorshiph), kung saan pinasayaw si Sarah G. ng Tala sa 12.12 Sale Launch ng Shoppee. Ayon kay Jameson (1985), ang postmodernism ay isang “hopelessly commercial culture,” isinasaad niya na ang kasalukuyang produksyon ng kultura ay isang palusot lamang para sa praktika ng ekonomiya, at isang paraan ito upang lalong itaguyod ang consumer capitalism. Ang pop singer at artista na si Sarah Geronimo ay tinatayang may net worth na humigit kumulang P4 bilyon ayon sa website na Stars Net Worth (2019). Ang singer ay nasa ilalim ng Viva Records, anak na kumpanya ng Viva Entertainment na isa sa mga pinaka-malaking kumpanya ng media and entertainment sa bansa. Hawak din ng Viva ang ilan sa mga pinaka-sikat at pinakamayamang pangalan sa industriya ng kanta at pag-aartista, kung saan marami ay
13
PANANAW XIII
kinikilalang gay icons sa bansa, gaya nina Nadine Lustre, Regine Velasquez at Vice Ganda (Viva, 2019). Ngunit, bigyang-pansin rin natin na ang rapper na si Young Vito na naglabas ng kantang may lyrics na “napakalupit awit may lawit” patungkol sa isang transgender na babaeng nakilala sa bar, ay nasa ilalim rin ng Viva Records. Ito ay isang patunay na walang pinaniniwalaan ang mga malalaking kumpanya gaya ng Viva kundi ang pinansya, ginagamit lamang ang mga produkto ng kultura para sa patuloy na pagpapayaman, habang ang mga residente ng Brgy. Sta. Ana ay nagbibilad-noo’t nagaagawan para sa maliit na espasyo. Gaano nga ba ka-grabe si Aling Nelia? Siguradong hindi kasin-grabe ng mga oportunistang kapitalista. Sa katotohanan, alanganin ang posisyon ng mga nagsisikap para labanan ang kumbensyon ng malalaking kumpanya, dahil ang mga ginagamit nating aparatong panglaban ay mismong mga produkto nila. Kung tutuusin, lalo lamang nating pinatitinig ang kanilang ehemplo sa larangan ng musika at entertainment, pati na rin ang patuloy na kita para sa mga ehekutibo at mga celebrity na hawak nila. Ngunit, kahit sa simula pa lang ay mukhang talunan na, nais kong igiit na nagkaroon pa rin ng pagkakaisa sa komyunidad ng Brgy. Sta. Ana at sa mga sumuporta sakanila online, kinilala ng sangkabaklaan ang isa’t isa at kanilang mga ka-alyado, at, kung tatanawin pabalik ang kasaysayan ng kultura’t lipunan, ang Tala ay hindi na lamang kanta ni Sarah Geronimo kundi isang tanda sa kakakayahan ng sangkabaklaan magkaisa’t lumaban sa mga nanghahamak.
Mga Reference
The JP Sports Blog. (2019, December 9). Viral: volleyball players dancing ‘tala’ has profound meaning in protest. Retrieved from The JP Sports Blog: https://thejpsports.wordpress.com/2019/12/09/viral-volleyball-play ers-dancing-tala-has-aprofond-meaning-protest-magbola-huwag-mag-droga/ Twitter. (n.d.). Various Tweets, searched “Aling Nelia”. Stars Net Worths. (n.d.) Sarah Geronimo Net Worth. Retrieved from Stars Net Worths: https://starnetworths.com/sarah-geronimo-net-worth/ Viva Entertainment, Inc. (n.d.) Viva Artists. Retrieved from: https://viva.com.ph/public/artists
14
Open for Vacancy Margarette Mediano
My mind is a hotel open for vacancy. It is an open layout, fully furnished, one cerebrum, one cerebellum, one brain stem, and two pairs of lobes. It is spacious with an overlooking view of how I see the world through my circular windows. It is grand, filled with dream-like stars and dazzling hopes. It is eccentric, for its duality ranges from astounding facts to tidbits of sarcastic clap backs and jokes. There are days when my mind is occupied by guests I do not understand. Most commonly, by folks I do not wish to stay. There are monsters that check in, and I’m afraid they never check out. They rest in silence of false assurance that I am fine, that I am sane, that I am good, that my doors are locked and my windows are sealed. When I was younger, I was taught that the things I was afraid of cannot “harm me at day and that they only prey at night.” But it seems to me that as I grow, the monsters also grow with me. They are not kept away by my quaint night light, nor by the magnanimous rays of the burning sun. They follow me wherever I go and they don’t seem to lose track. My mind was a hotel open for vacancy. Now it is occupied by beings that alienate me from my own home. They tarnish the walls of this hotel by ripping its wallpaper like skin. There are floors that creak and doors that drag because of the heaviness they force on me. My lights no longer work, and they are now no more than dimming bulbs. I can hear the pitter-patter of broken faucets and the groaning of the pipes when they’re awake. These unwelcomed guests in my hotel pester me, consume me, violate me, twist me, break me.
16
PANANAW XIII
Soon, the open layout of my brain will cease to exist for it will only be clouded by putrid thoughts, resembling that of a pool of tar. I will be set ablaze, devoured by angry fire. I will cause my own demise—destruction and desolation are in my bare hands. My mind was a hotel open for vacancy, but I’m sorry, you can no longer check in. No more lobes for you to appeal to, no more brain stem for you to reside in, no more cerebellum and cerebrum to book. My mind is already occupied by creatures I wish to exterminate. They are no more than free-loading pests who do not pay me for their accommodation, but rather tax me for it. I do not wish to prolong your wait, but there are certain bargains we cannot win. You cannot just tell me to kick them out, I’ve tried. I opened doors on my skin so they can pass through, but only crimson tears came out. I freed the dams in my ducts but only saltwater flooded the gates. I unhinged my arms and released my strength, kept punching my heart in its cage, maybe the pain will force them out, but they neither flinched nor moved. If you wish to occupy this mind, I am warning you there are dangers that await you. If you wish to continue in this convoluted hotel, take heed for there are scars. If you wish to occupy a space in my life, I am telling you it isn’t easy. Because I have tried to run it, to control it, to repair it, to love it again, and again, and again, and again, but only to fail countlessly. I have been reliving this nightmare even when I am awake. I have been retelling this story, hoping to have a different ending but getting the same one over and over. I appreciate your help and your hopes in restoring my hotel to its former glory, but I’m sorry, we are no longer open for vacancy.
17
Where you belong Alya Inciso
Time stands still the moment you arrive at another country’s airport. Trying to take in the diversity of skin color and facial features, failing to understand words that pass from strangers’ lips, and noticing how the air not only smells, but feels different. It only resumes once you take your first step onto the gravel of the foreign land— no carpeted or tiled-floor separating you from undiscovered ground—letting out a breath you didn’t even notice you were holding in. Beholding a new place for the first time—magic. Pure, ecstatical wonder that makes even the most mundane matters fascinating. Suddenly, browsing the channels on the television, walking the streets at night, or looking up at the sky all feel like moments to be tucked in the deepest corners of your heart, in a place where other memories that bring you warmth are kept safe and hidden. In a new place, rebirth feels within reach of a miniscule movement of the hand; alive and willing to be held. I believe this is the reason why most Filipinos go abroad in the first place: a second chance to begin anew; to venture into a new world where all the insufficiency of the past will be met. And naturally, this beginning consumes, the same way humanity’s fantasies always almost do, but not quite. Sadly, we just aren’t lucky enough to constantly live in the moments of our firsts and beginnings. After the first step there is a second, a third, and a fourth, and so on until you finally cease counting in your head. The days pass by and the illusion of the new and exciting once again becomes mundane. The magic is lost and you suddenly find yourself up at night, listening to people down the street shouting in a language you still can’t comprehend, left wondering if it’s street brawl or just a group of friends having too much fun. Slowly, you feel it creeping in your chest: a weight that doesn’t come from joy but from loneliness, the unsettling absence of home.
18
PANANAW XIII
“What’s it like abroad?” My friends asked me in sixth grade after I came back from a year of studying abroad. Given the privilege of being able to fly back and forth between the Philippines and another country since elementary, my parents decided that it was time for me to stay put and study in the foreign land my father had been assigned for work. I told my friends that it was fun. That I was able to enjoy shopping at lower prices, eating chips that were twice as big, and being in air conditioned rooms wherever I go. I told them all of that because it was true. And when you’re young, you tend to remember the good parts and it’s only growing up which makes you realize that not everything was as perfect as you remembered. After the hundreth step, the third visit to the tourist spots, and the eighth drive along the neighborhood, everything only becomes repetitive yet still remains so foreign. In Economics, they have what is called the Law of Diminishing Marginal Utility: the more you consume a product, the less satisfaction or happiness is derived. As one grows up, it becomes apparent that this doesn’t only involve the products we consume but also the places we visit or reside in. The ecstasy one feels when arriving in another country proved itself to be superficial. A joy only felt on the surface, the excitement of discovering a new city burning bright but after a while, also wanes. I breathed in the once strange city, only to realize there will never be a drunk neighbor singing off-key to Rico Blanco, no taho vendor’s voice to wake me up early on the weekend, and ingredients to my favorite caldereta aren’t available in most stores. I lived in the once strange city only to realize knowing something intimately does not guarantee belongingness.
19
Bedspacer
20
para sa Double Deck
Amrie Cruz
21
Cling
Michael Angelo Arturo Like a white, blank canvas, I am but an empty parchment waiting to be smeared on. The labels I used to cling to, qualities I have held for a long time, do not mean anything anymore today. Just as how the atom, the outer space, and the unknown were discovered, it is the taking of the challenge, the unfamiliar, that has changed man, led him outside the caves. To allow myself, then, to be forced open is to give myself not merely the chance to transform but also the chance to blossom. But will I never have a say which things can and cannot be replaced? Must it always be submit and surrender? For, though I am but an empty paper, there are lines I do not want changed; fragments I do not want reshaped. For these lines I have held close, give me comfort Give me purpose when I am lost. For these lines, regardless of their superficiality, grant me an idea of my identity.
22
Same Space Reuben Pio Martinez
Silence. Thunders roar. Winds tore through a town Down there, tides splashed ... the horrors known before More, as rain clouds soar, pray to never drown Brown skies, labor men savored. Now ... silence! Master of the land, hand of the city Gritty was his house, his pity was grand And laying still, the lights dimmed bitty Pity within, a Ghost haunts the Master “Recall on this eve, grieve for what was then Men of your kind, who thieve and reave then leave, Weaved what many have believed way back when” Then, “nothing” for the Master to recall
It was on this eve when we took back our peace The waters of the city have been dried The thirst of the people, we cannot cease All we could have, we have already tried It was on this eve when we regained hope The city was dead, but the seas ahead With a dam for power, we would soon cope But we learned that it was better to tread
24
PANANAW XIII
It was on this eve when we sacrificed A death in paradise was all it was One forgettable village had sufficed Here, this was a new home for a new class I might have rained death upon all of you But our causes were just, and of course true
He was there, where the street was just his home Dome of evil’s breath, brome of concrete fare Glare at where a few only dare to roam Tome was what he sought, foam was brought to He Virtues and violence spawned the Master Faster ... he took arms to save his village Pillage and pilgrimage spawned a pastor Plaster the life that was bred by virtues She was there, when a day of light turned dark Hark, there came war machines to the right Sight of blood stains are brighter in the dark Spark from an unwanted death, it was ... did she?
It was on this eve when our pleas were hushed The very people you swore to protect Our only homes, you and your comrades brushed Each one of us you indulged to dissect You burned our schools and farmlands; our home turned Darker and redder, as bodies were dumped For your progress, you left no stone unturned
25
The death of dreams, in streams, our muscles lumped You saved your village, but doomed what remained Our ancestral grounds, your burial grounds The end of all life, the evil ingrained Feasts for your hounds, for the price of some pounds The road to damnation you yourself pave After your life, you look upon their grave
Far atop, cold raindrops, colder household Behold, where the Master’s wooden rooftop Slop and crop fed to the man who dropped cold Told of the one who hold graces from far, Sought from his bed, the one who will lead him Grim was his life ... once lead soldiers to bleed Decreed, his creed to feed the seeds of whim Trim the limb. Sing the hymn of that he sought Salvation had arrived, the Ghost as host Most of the pain came with it ... this was bad Sad, but it was something to almost boast Ghost of past bear good news. It was salvation!
26
PANANAW XIII
You and I, we occupy the same space Not so different, not really so distant Near or far, we only live in one place Your pain at last had made you adamant Sinned, you might, but now, you are included No innovation in repetition Embraced that your deeds are not secluded You have been reborn. Embrace salvation! Even if I can, I must not accept For now I see that my sins have been grave My service, promises I kept unkept Save all those who do deserve to be saved Thank you for letting me know of the truth But no salvation can hinder the sooth
Departed, the Ghost did, but not in joy Ploy of evil, was what will bring his death Breath, was all that remained, ’til one red boy Cloyed, boiled him, he did ... the Master departed
27
Photos taken during the UP day of Walkout in UPLB August 29, 2019 Martin Louise Tungol
Money, Money, Yes Papa: The battle between indie Youtube and manipulative children’s channels Janelle Bucud
“Hello guys and welcome back to my channel!” yells the loud vlogger who probably makes hundreds of thousands of ad revenue. At present, a YouTube content creator with steady viewership in the Philippines earns an average of P90,000 up to P1,475,000 per month (Nelz, 2019), with uploads ranging from daily vlogs to ‘challenges’. This gained YouTube its reputation of not only being a reliable source of income, but also a place for users to exercise their creative freedom. But “Hello guys and welcome back to my channel” would be such a lengthy slogan to represent YouTube’s content creator-friendly atmosphere. As a matter of fact, there’s already a slogan that has been forgotten in the dust: “Broadcast yourself”. But how far are we willing to define YouTube as creator-friendly? Since its inception in 2005, YouTube has become one of the most successful platforms for online video sharing and streaming. Over the years, a handful of changes were made in the site, especially within its user interface–from changing the star-ratings to likes and the rearrangement of the viewing screen’s colors and buttons. However, there is now more to YouTube than the new website layout, and that is the system that cranks its gears. Back then, the market for content was still limited since household WiFi and mobile data weren’t a thing; hence, access to the site was scarce and only those blessed with a personal computer and home internet were able to enjoy it. The list of trending videos on the homepage was dominated by independently-run channels such as the then-duo Smosh, a couple of trending skits from independent creator Ryan Higa, and videos of cute animals dancing to 2007’s pop hits. YouTube’s recommendation system would usually show videos similar to the user’s like history or subscriptions. Today, this system, popularly referred to as the ‘YouTube algorithm’ considers more factors. This “funnel” narrows down its recommendations through the recognition of the user’s history and context and other features of the video corpus (Covington et al, 2016). Despite these confinements in content creation, several channels found their way around it so that they can squeeze more money out of mere viewership.
32
PANANAW XIII
The ‘adpocalypse’, defined by YouTube’s Wikia page as the “site-wide term coined in early 2017 to describe the advertiser boycott and withdraw on [the site],” was a turning point mainly caused by the influx of deceiving content for children– and it is only one of the many tides that swept YouTube’s independent creators away. Although YouTube’s largest demographic revolves around the ages 18-49 (Smith, 2019), it is apparent that the population with the most number of hours spent on the website are children. Adults may have the buying power to purchase mobile devices, computers, and internet data plans, but the young’uns have more term breaks, and lesser responsibilities to attend to which in turn pans watch time on the website. Given that parents and caretakers are busy with work and other endeavors, children and teenagers are frequently left to their own devices (pun intended) as to how they manage their screen time. On top of this, they are also very impressionable audiences that can easily be swayed by clickbait material without adult supervision. Look no further than the recent ‘3:00 am challenge’ and the infamous ‘Momo challenge’ trends that were dedicated to poking at kids’ curiosities because they were the ones most convinced by those red arrows and large emojis on the thumbnails. Before those trends even surfaced, however, there were several kinds of content for children that got in the way of prosperity of viewership for kids, and monetization for the adult creators. Tell the guards to open up… the Elsagate “Pretty sure seeing Elsa and Spider-man taking a bath together without clothes on is normal, right?” said no parent, ever. Even before the adpocalypse, a strange breed of videos began appearing in 2014; thumbnails showcasing these household names either in live action or flash animation and stop motion. It was not only the strange pairing of the two characters that was unsettling but the incorporation of Freudian themes such as pregnancy, urination, and kissing, as well as the exaggerated portrayal of getting injections.
Screenshots from now deleted Elsagate videos, YouTube
33
The phenomenon was dubbed Elsagate, and it has also spread outside of YouTube. The most alarming thing about it is that it also made its way through YouTube Kids due to its child-friendly keywords. With children usually watching on autoplay and selecting videos by word association, Elsagate began to take over the YouTube space. One of the more popular Elsagate channels, Toy Freaks, amassed over 8 billion views as 2017, while runner-up Webs and Tiaras garnered 3.7 billion (Gutelle, 2017). This meant a huge loss for the independent creators who produce content without resorting to spam and could have been on the “Trending” tab (now changed to “Explore” tab). It took three years after Elsagate’s emergence for the adults to notice and complain; Maheshwari (2017) states that parents were able to see the videos with their own eyes: characters from the Nickelodeon hit series PAW Patrol dying in a car crash in gorey detail or Spider-man and Elsa doing grotesque activities in a strip club. Seeing as how far internet memes can go, these can be pulled off as ‘normal’ stuff, but it ain’t normal if these are being enjoyed by toddlers.
Cartoon characters featured in Elsagate videos about death, photos from The New York Times
Per the YouTube Wikia site, Elsagate channel Spiderman Frozen Marvel Superhero Real Life was fined by Vietnamese authorities after Vietnamese parents complained about it Today Elsagate no longer dominates the YouTube homepage, but that was not the end of it; rather, it was the springing of its replacement–a new kind of peculiar viewership still targeted at children. DIY: deceive-it-yourself YouTube has always been the original online classroom; it is a go-to place to learn cooking, makeup, and crafting. DIY or do-it-yourself videos for crafts and pranks are already a popular subgenre on the site since the beginning, but it was only until now that it re-emerged as the new children’s favorite. Shorter videos garner more views, but they have little room for advertisement breaks. This is the primary reason why a handful of media companies took their own Facebook or Instagram how-to clips and compiled them into lists to make 34
PANANAW XIII
10-minute long videos. This DIY craze on social media is spearheaded by YouTube’s third most subscribed channel 5-Minute Crafts. 5-Minute Crafts is a project started by a Russian company called TheSoul Publishing that also runs other well-known content farms such as BRIGHT SIDE and 7-Second Riddles. It’s basically a channel that teaches you how to make a sofa chair out of pants. While not as violent and eerie as Elsagate videos, 5-Minute Crafts’ clips also use surreal photoshopped thumbnails and vibrant colors to attract young viewers. The channel description reads “Fun diy-projects, crafts, experience the joy of doing it yourself!” which encourages audiences to engage in projects that will boost their creativity and save their money. Still, two questionable aspects circle this genre: 1) the helpfulness of the hacks and 2) the status of the companies that produce the videos. The channel also has numerous offshoots for targeted demographics, such as 5-Minute Crafts Men, 5-Minute Crafts Girly, and 5-Minute Crafts Family. Several YouTubers like Cody Ko, PewDiePie, and Danny Gonzalez have satirized TheSoul Publishing’s channels as well as its contemporaries. Jarvis Johnson (2018), an American independent content creator, shared his concern for the content these channels make and the audience that consumes it. “There is a bit of a moral imperative to be responsible with content that children would see,” Johnson says as he points out the outlandish DIY projects and violent riddles posted by TheSoul’s content farms.
Screens from 5 Minute Crafts’ Life Hacks, YouTube
Majority of the projects featured on these channels are not sourced and lack any explanation; for example, they never provided information as to why sofas made out of pants are useful, or why putting peanut butter on your hair is beneficial. They pose themselves as innovative solutions in the eyes of curious kids, and the faux credibility they have created within their audiences is what secures 5-Minute Crafts in its position as one of YouTube’s top channels. As of 2020, the channel is still YouTube’s third most subscribed, with Indian music channel T-Series at first place and Swedish YouTuber PewDiePie at second. This ranking is akin to a pincer attack: two large media companies off to take out independent creatives. 35
Animating lies? Yes, papa There are a number of companies that upload previews of their already existing television shows (e.g. SpongeBob SquarePants, Mr. Bean), which are mostly promotions for the televised editions of these cartoons. Apart from Johny, Johny, Yes Papa and its numerous variations, animated stories have made it to YouTube’s trending tab, becoming the decade’s new format of clickbait In the context of YouTube, the term ‘animated stories’ refers to true-to-life narratives delivered with simple digital animation to enhance the visuality of the story. This genre was popularized by Storybooth, a channel that caters to retelling stories submitted by children. Several independent animation channels such as TheOdd1sOut and Jaiden Animations also upload similar content, albeit the stories come from the animators themselves. The popularity of this video category is exploited yet again by the likes of TheSoul Publishing and other rising content farms as they pretend to deliver real-life tales. Actually Happened, TheSoul’s animation project, gained more than 3 million subscribers in less than two years; similar to Elsagate’s content, it sensationalizes its titles and thumbnails to spark interest with its viewers. Sensitive topics like teenage pregnancy, cheating, and death are heavily featured with anonymous narrators.
Thumbnails of ‘Actually Happened’ videos about mothers, YouTube
Although Actually Happened claims to be delivering real stories by children, it’s doing quite the opposite. According to Johnson (2019), several videos from the channel were proven to be copies of stories from Reddit, one of which includes “I Broke up with my GF because of Potatoes.” Exaggerated celebrity stories were also found to be false and not verified by the featured celebrities themselves, such as “My Parents Left Me To Die, But I Survived And Became A Star”, which tells a revised biopic of Jackie Chan. Since the rise of Actually Happened, numerous other channels with PowerPoint presentation-style animation have also appeared on the site, overshadowing yet again independent creators on the Explore page. 36
PANANAW XIII
Left: Thumbnail of Jackie Chan’s altered life story, YouTube Right: Thumbnail of clickbait video, YouTube
Due to the adult themes paused by a lot of these videos, Youtube had most of them age-restricted and demonetized. Nevertheless, a lot of them are still out there, making more cash and baiting more innocent viewers. Perhaps this issue also needs to be raised by angry parents, similar to what they did with the first wave of flash animation fiasco. With the continuous growth of subscriber counts of 5 Minute Crafts and the recent nomination of Actually Happened for the 2020 Shorty Awards (Shorty Awards, 2020), one can conclude that these so-called children’s channels are not going anywhere. In fact, they are gaining strength through numbers as other creators see the money-making potential of these sorts of content. Commentary YouTubers have already started raising the dialogue about these content creators, and several online forums on Reddit and Twitter have already reached out to YouTube. At the end of the day, nevertheless, YouTube still holds power on what should be done with these channels. Maybe they could examine TheSoul Publishing’s spreading of false information or other similar companies using sensationalized tactics to exploit children’s curiosities. Instead of doing that, however, YouTube opted to change its terms and conditions in compliance to U.S. Children’s Online Privacy Protection Act (COPPA), a “law [that] prohibits internet companies from collecting data from kids under 13 (Spangler, 2019). With the new T&Cs being poorly executed, a lot of videos on the site are mistaken for being children’s content and are stripped of advertisements. Indie channels take another blow as the big boys from 5 Minute Crafts and the like keep on enjoying monetization. Sadly, for now, YouTube is also an animated baby of its own, singing ‘money, money, yes papa,’ preferring to continue counting advertiser dollars as they piggyback on corporations taking over what was meant to be a paradise for budding creatives and innocent audiences.
37
Works cited:
Covington, Paul, Adams, Jay, & Sargin, Emre. Deep Neural Networks for YouTube Recommendations, 2016. Retrieved from https://storage.googleapis.com/pub-tools public-publication-data/pdf/45530.pdf Gutelle, Sam. “YouTube’s Purge Of Inappropriate Content Aimed At Kids Spans Tens Of Billions Of Views”. 2017. Retrieved from https://www.tubefilter.com/2017/11/20/youtube-purge-kids-videos-billions-views/ Johnson, Jarvis. “The Dark Side of BRIGHT SIDE”. YouTube, 2018. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=dslCEMHU9sU 1 Johnson, Jarvis. “Why is YouTube Trending This Fake Channel? (Actually Happened)”. YouTube, 2019. Retrieved from https://youtu.be/CCDG6ck6mCg 2 Johnson, Jarvis. “These Fake Animated Stories Have Gone Too Far (My Story Animated)”. Youtube, 2019. Retrieved from https://youtu.be/VzsSLpAgNcQ Maheshwari, Sapna. “On YouTube Kids, Startling Videos Slip Past Filters”. The New York Times, 2019. Retrieved from https://www.nytimes.com/2017/11/04/business/media/youtube-kids-paw-patrol.html Nelz, Jay. “Estimated Earnings of Top Vloggers In The Philippines Finally Exposed”. 2019. Retrieved from https://philnews.ph/2019/07/22/estimated-earnings-top-vloggers philippines-exposed/ Shorty Awards. “Actually Happened - Breakout YouTuber of the Year”. 2020. Retrieved from https://shortyawards.com/11th/actually-happened Smith, Kevin. “52 Fascinating and Incredible YouTube Statistics”. 2019. Retrieved from https://www.brandwatch.com/blog/youtube-stats/ Spangler, Todd. “YouTube Creators Worried and Confused Over New Kid-Video COPPA Rules, Potential Fines”. Variety, 2019. Retrieved from https://variety.com/2019/digital/news/youtube-coppa-rules-children-videos-fines 1203413642/ Wikitubia – The Youtube Wiki. Retrieved from https://youtube.fandom.com/wiki/Elsagate
38
PANANAW XIII
Patay Sindi Karen Manamtam
Kumikinang na silya, nakatapat sa kamera haligi ay gawa sa tanso, sandalan ay puno ng ginto ginastusan ng libo-libo, masabi lang na makapangyarihan ang nakaupo. Sa tapat ng media, ang upuan ay malakas, matibay at marangya Sa pagpatay sindi ng lense at bumbilya, ang upuan ay napupuno ng peste ang pawang bibigay na. Patay, sindi, patay, sindi Nagbabago man ang upuan sa mga nakakakita, ang taong nakaupo ay makikitang nakangiti na parang Walang problema Patay, sindi, patay, sindi, nawala ang silya, Patay, nawala ang media, Sindi, Nakatayo ang nakaupo Nakangiti na parang walang problema Pinatay Iyan daw ang hustisyang nararapat sa mga nakaupong magnanakaw
43
Countryside Scrouge Jevi Quitain
El NiĂąo scours the earths. For this land thirsts for sweat as the soil is scorched by the heat of the sun, the arid air, stagnating, scorched by the flames of huts and schools and chapels andtorpedoes after torpedoes ravage the hungering soils. Hungry souls. The land thirsts for nutrition as the town is plagued by pests that feed not only on the corn, nor the rice; insects flock in tanks and camouflage. They fertilize the pasture with the rotting carcasses of the native townsfolk where the land drinks the blood. The blood stains the rice. We feed on bloodstained rice that grew on shattered organs, heads, and dismembered limbs.
44
PANANAW XIII
We till the soil with hoe, they do so with bombs. We sweat and sweat, they hunt our blood. The sweat and the soil and the blood mix together into a crimson concrete [smooth as the sugars thick as herbal oils] that cements us six feet below. They say salvation awaits those who suffer, but if this is the price to pay for the mercy of the lords of the land, I shan’t desire to be saved. I shan’t wait to be saved. With the blood painted on the seeds, the blood from my veins, the blood of my people, and the blood of every fascist, I shall sow the kingdom of heaven on this very ground I till. I sow. I will die on.
45
Sobre Allaisa Calserada
Alas onse ng tanghali at sa kabila ng kumakalam na sikmura at nagbubutil-butil na pawis sa kaniyang noo, patuloy na nanatili si Kiko sa pila. Mag dadalawang oras na rin mula nang pumila siya sa terminal ng bus na biyaheng Batangas. Mula sa gitna ng pila, tanaw niya ang dami ng tao na matiyagang nagaantay ng pagkakataong makasakay sa air conditioned bus, sa pag-asang maibsan ang ngalay sa mahabang oras ng pagtayo. Ang halo-halong usok na nagmumula sa mga sasakyan sa terminal, kasabay ng ibinubugang usok ng mga naninigarilyong driver sa tabi ng tindahan ay lalong naka-ambag sa hilong nararamdaman. Ilang sandali pa, umusad na ang pila at ang ngalay na kanina niya pang iniinda ay pansamantalang naibsan nang marating niya ang upuan sa waiting area ng terminal. Palibhasa’y puyat mula sa isang linggo ng exams, napagpasyahan niya munang umidlip sandali habang naghihintay. ‘Di pa man lumalalim ang kaniyang tulog ay nagising na ang kaniyang diwa sa palahaw ng isang batang walang tigil sa pag-iyak. Sabagay, hindi niya naman ito masisisi, napaka-init sa terminal, sabayan pa ng ng sari-saring polusyon ay magdudulot ng init ng ulo sa sinuman. “‘Toy! Sasakay ka ba o hindi?” Nagulat siya sa sigaw ng konduktor na inip na inip sa kaniyang pagot at matamlay na pagkilos Dali-dali niyang dinampot ang kaniyang bag. Bagamat may kabigatan, di na niya alintana ito sapagkat sa wakas, makakauwi na rin siya. Sa dami ng dagsa ng tao na nais umuwi, masuwerte nang maituturing ni Kiko ang kaniyang sarili dahil nakakuha pa siya ng upuan sa tabi ng bintana. Habang nasa biyahe, hindi maalis ni Kiko sa kaniyang isip ang nakaraang semestre sa kolehiyo. Ito na nga marahil ang pinakamahirap at nakakapagod na sem niya sa loob ng tatlong taong pag-aaral. Ang mga nauna niyang taon ay walang wala sa mga pinagdaanan niya nito lamang nakaraang linggo. Nariyan ang maya’t-mayang paghabol niya sa kaniyang adviser para sa kaniyang thesis proposal. Hindi niya na rin mabilang kung ilang hapunan na ba ang kaniyang tiniis upang mapagkasya ang natitirang pera sa kaniyang wallet. Sa lalim ng pag-iisip, di na niya namalayan ang paglapit ng konduktor ng bus.
50
PANANAW XIII
“Toy, san ka?” makailang ulit na tanong ng konduktor habang hawak ang ticket at puncher. “A, kuya, magkano po hanggang Batangas pier?” “Tupipty.” “Magkano po pag estudyante?” magalang na tanong ni Kiko. “Dalawang daan pag estudyante. Pakilabas na lang ng ID mo.” Agad na binuksan ni Kiko ang bag upang kapain ang ID na nasa pinakailalim pa na parte nito. Bumilis ang tibok ng puso niya nang hindi agad makita ang hinahanap. Maya-maya pa, matapos ilabas ang mga natirang labahan na nakapaibabaw sa kaniyang mga libro ay nakita na rin niya ang ID. Buti na lang nandito. Akala ko nawala na. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Kiko bago iabot ang ID sa inip na konduktor. Makailang ulit na nagpabalikbalik ang tingin ng konduktor kay Kiko at sa larawan niya sa ID. Matapos mabasa ang iniisip nito, agad siyang nagpaliwanag. “Manong ako po iyan. Sadyang matagal na lang po noong naisyu ‘yan.” Bahagya pang ginaya ni Kiko ang ngiti niya sa ID upang makumbinsi ang nagdadalawang isip na konduktor. Klik.Klik.Klik. “Ay siya sige na,” nang mapagtanto ng konduktor na masyadong marami na ang nasasayang na oras sa isang pasahero, ay agad na niyang ibinalik ang ID ni Kiko kalakip ng ticket na mabilis niyang binutasan. Matagal na pinagmasdan ni Kiko ang larawan niya sa ID. Ibang-iba na nga ang itsura niya mula noong unang pagtapak niya sa kolehiyo. Ang dati niyang malusog na pangangatawan ay malayo na sa humpak na pisngi na tinititigan niya mula sa bintana ng bus. Napansin niya rin ang pagbabago ng kaniyang dating makinis na balat. Ang malungkot na himig ni Claire dela Fuente sa bus, kasabay ng malamig na hangin na ibinubuga ng aircon ay lalo lamang siyang nilunod sa lalim ng iniisip. Kailan ba ang huling beses na nakatulog ako nang mahimbing? Kailan nga ba ang huling pagkakataon na nakapagpagupit ako ng buhok? May bakas ng awa sa kung paano tingnan ng binata ang repleksyon ng sarili sa bintana. 51
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang iwaglit sa isipan ang mga dalahin. Ganito na ang nakasanayan niya. Hindi na rin mabilang ang mga pagkakataon kung saan hinayaan niya na lang na tangayin ng hangin ang mga nilalaman ng kaniyang isipan, sa pag-asang sumapat ang katahimikan upang maiparating ang mga saloobin at mabigkas ng bibig ang mga bagay na gumugulo sa kaniyang isip. Matapos iabot ang bayad sa muling pagbalik ng konduktor, napagpasiyahan niya munang umidlip habang binabagtas ang humigit kumulang dalawang oras na biyahe. Mag-aalas singko na nang marating ni Kiko ang pier. Wala itong pinagkaiba sa sitwasyon niya sa terminal ng bus, mahaba pa rin ang pila sa bilihan ng ticket. STARLITE FERRIES – BATANGAS TO SAN RAFAEL NEXT TRIP: 9:00 PM Anak ng‘Di na napigilan pa ni Kiko ang sarili. Nang mapagtanto ang haba ng oras na gugugulin niya sa pier ay nanlambot ang kaniyang mga tuhod sa panlulumo. Ang pagod at gutom na kanina niya pang isinasantabi ay bigla na lang niyang naramdaman sa buo niyang katawan. Bagamat mainit pa rin ang ulo sa pangyayari, walang nagawa si Kiko kundi umupo sa waiting area kasabay ng iba pang pasahero na bakas rin sa mukha ang pagod at pagkainip. Pansamantala, binakante niya na lang ang sarili sa kaniyang selpon, maya’t- mayang nag- aabang ng kaniyang grades na ipinangakong ilalabas ng kaniyang mga propesor ngayong araw. Inaantok na si Kiko nang dumaong ang barko sa pantalan. Sa wakas ay makakasakay na rin siya sa roro. Sa kaniyang tantsa ay isang buong magdamag pa ang kaniyang gugugulin dito. Upang maibsan ang gutom na kanina niya pang iniinda, pinagkasya ni Kiko ang sarili sa kakayahan ng kanyang bulsa - isang pakete ng biskwit at isang tasang kape. Ang mainit na singaw ng dagat ay kinakalaban ang malamig na simoy ng hangin mula sa itaas ng roro. Maya-maya pa, tuluyan na itong umandar. Kasabay ng pagliit ng mga nagtataasang gusali sa pier ay nagmistulang mga alitaptap ang mga ilaw rito. Ang ingay ng makina ng roro ay hindi naging dahilan upang manatiling gising si Kiko buong gabi. Ang banayad na hampas ng mga alon ay sapat na upang ihele si Kiko sa payapang pagkakahimbing.
52
PANANAW XIII
Nagsisimula nang lumiwanag nang magising si Kiko. Mula sa pinakamataas na palapag ng roro ay tanaw niya ang paglinaw ng kalangitan mula sa minsang lila na kulay nito. Ang malamig na hangin dala ng umaga ay mistulang pamilyar na yakap na nagpaalala sa kaniya ng bayang kinagisnan. Pagdaong ng barko, ang pamilyar na rehistro sa pananalita ng mga tao sa kaniyang bayan ay tila himig ng kaniyang paboritong kanta. Saulo ang bawat salita at malapit sa kaniyang puso. Sa wakas nakauwi na ako. Di pa man nagtatagal ang pananariwa ni Kiko sa kaniyang mga alaala ng San Rafael, maraming pagbabago na ang napansin niya sa lugar. Ang pier na noon ay nalalamanan lamang ng mga maliliit na tindahan ng mga pasalubong na pagkain at souvenirs ay nagbagong anyo na. Bakas ang paglipas ng tatlong taong hindi siya nakabalik, nagsulputan ang kaliwa’t kanang mall at ang mga billboard na nakikita niya lamang noon sa Maynila ay mamamalas na rin sa bayan ng San Rafael. Maliban sa mga bagong promosyon at patalastas sa mga billboard, isang pamilyar na mukha ang nakakuha sa kaniyang atensyon. Suot ang gintong kwintas at malaking singsing sa kanang kamay, abot tenga ang ngiti ng malaking lalaki sa dilaw na polo shirt. Sa nakasanayang ayos ng kamay sa mga litrato, hindi maaaring magkamali si Kiko. Bagamat tumanda ang kaniyang itsura, hindi maikakailang ito ang mayor na naka-anim ng taon sa pwesto. Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon, San Rafael! Isang pagbati mula kay Mayor Edgar ‘Bobot’ Umali. Sa halos dalawang minutong pagtitig ni Kiko sa larawan ng mayor, ay naalala niyang muli ang kalagayan ng kaniyang pag-aaral. Sa tatlong taon niyang pag-aaral ay naging malaking tulong na rin ang limang libong natatanggap niya sa kanyang scholarship kada buwan. Matapos makapasa sa assessment na ibinigay ng munisipyo, tanging matataas na grado lamang ang naging kondisyon para sa pagpapatuloy ng programa. Sa lagay ng nakaraang semestre, nananatiling kabado si Kiko sa kahihitnan ng kaniyang mga marka. Maya-maya pa, isang pamilyar na boses ang tumawag sa kaniya mula sa di kalayuan. “Kiko! Dito!” Isang lalaki sa puting sando ang sumisigaw ng kaniyang pangalan. 53
Hindi pa rin siya nagbabago. Dala ang kaniyang paboritong sombrero at itak na nakasakbit sa beywang, mabilis siyang tumawid sa kabilang kalsada at nilapitan si Kiko. “Kow utoy, ikaw na ga yan? Ay pagkagwapo e. Kumusta naman sa Maynila?” “Ayos naman ho, tiyo. Napakainit nga laang at matraffic.” Agad siyang tinulungan ng kaniyang tiyo Ding sa pagbuhat ng kaniyang bag. Maya-maya pa ay sumakay na sila sa tricycle ng kaniyang tiyo. Bago tuluyang magbiyahe ay pakunwang humaplos muna ang kaniyang tiyo Ding sa rosaryo na nakakabit sa silinyador. Nakailang tadyak din ang kaniyang tiyo bago tuluyang magstart ng motor ng kaniyang tricycle. Mababakas ang kalumaan ng sasakyan sa tila bibigay nang tunog ng makina nito. Kung sabagay, bata pa lang siya ay pagmamay –ari na ito ng kaniyang tito. Bagamat kumakalog na ang mga parte nito, at ang trapal na bumabalot dito ay tuklap na, nakakapaghatid pa rin ito ng mga pasahero. Ilang sandali pa matapos ang mahabang byahe sa malubak at maputik na daan, natanaw niya na ang kanilang bahay. Makikita sa malawak na bakuran nito ang mga puno ng rambutan, lanzones, calamansi, at iba pa. Sa tabi ng puno ng mangga ay isang salo-salo ang inihanda ng kaniyang pamilya. Pagbaba ng tricycle ay isang mahabang papag ng pagkain ang sumalubong sa kanya. Sa araw na iyon ay kumpleto ang pamilya ni Kiko upang salubungin siya. Nariyan ang kaniyang mga lolo’t lola, mga tiyuhin at tiyahin, at mga pamangkin na lahat ay sabik sa kaniyang pagdating. Sinigurado ng pamilya niya ang paghahanda sa pagdating ni Kiko. Paano ba naman, sa kanilang lahat ay tanging si Kiko lamang ang nakatungtong sa kolehiyo. Magmula pa sa kaniyang lolo, ay pagsasaka na ang nakasanayang pamumuhay ng mga tao sa kanilang bayan. Batid nila kung gaano kahirap ang walang pinag aralan. Sa ilang henerasyon ng mga magsasaka sa kanilang pamilya, ay wala ni isang umasenso at ang iba nga’y pumanaw sa mismong lupang sinasaka. Kaya naman ang pagpasa ni Kiko sa isang pampublikong kolehiyo ay isang malaking oportunidad na hindi na pinakawalan pa ng pamilya. Higit sa anupamang bagay, alam nila na ang pag aaral ni Kiko sa Maynila ang magbibigay sa kaniya ng magandang buhay, malayo sa buhay na kinagisnan ng pamilya. Matapos magmano sa mga nakakatandang miyembro ng pamilya ay agad niyang hinanap ang kaniyang ina.
54
PANANAW XIII
Maya-maya pa ay lumabas ito mula sa kusina, bitbit ang isang kalderong kanin. Dali-daling tinulungan ni Kiko ang ina at binigyan ito ng isang mahigpit na yakap. Matapos ang isang mahabang kamustahan ay di na napigilan pa ni Kiko ang sarili at tuluyan niya nang pinagbigyan ang kanina pang kumakalam na sikmura. Bagamat payak ang salo-salong inihanda ng kaniyang pamilya ay maganang kumain si Kiko. Sa kaniyang isip ay di hamak namang mas masarap ang pagkain na luto ng kaniyang ina kumpara sa mga de lata na kaniyang pinagtitiyagaan sa kaniyang dorm. Batid ni Kiko na nasa bukid pa ang kaniyang ama sa umagang iyon. Ito na ang nakasanayan ng kanyang tatay. Ika niya, mas magandang matapos ang trabaho sa bukid nang maaga. Katwiran nito, bukod sa mahirap magtanim ng palay sa katirikan ng araw, malambot na daw ang buto ng mga taong nasisinagan na ng araw sa banig. Hanga si Kiko sa determinasyong ito ng tatay niya. Siguro nga ay wala nang tatalo dito pagdating sa sipag at lakas ng loob. Sa mga pagkakataong napanghihinaan siya ng loob, madaling maalala ni Kiko ang mga sakripisyo ng kaniyang ama kung kaya’t pinagsisikapan niya ang pag-aaral. “Tsk tsk. Ha!” Isang matalim na lagitik ang sumunod dito. Mula sa likod ni Kiko ay narinig niya ang pamilyar na boses. Ito na nga ang tatay niya at ang nakasanayan nitong mustra sa kaniyang kalabaw. Di pa man nauubos ang pagkain sa plato ay agad na niya itong inilapag upang tumulong sa pagbababa ng mga sako mula sa kariton. “Tay, mano po.” Bahagyang yumuko si Kiko habang inaabot ang kamay ng kaniyang ama. Bakas sa mukha ng kaniyang ama ang pagod sa maagang trabaho sa palayan ngunit napawi ito at nasuklian ng ngiti sa pagdating ni Kiko. “O, ano oras ka nakarating? Maalon ba sa dagat?” “Kararating lang ho. Di naman po gaanong maalon.” “Ay buti naman. Kumain ka na ba?” “Kumakain na ho, tay.” Matapos maubos ang karga ng kariton ay pinauna na ni Kiko ang kanyang ama. 55
Tinanggal niya ang kalabaw mula sa kariton at ipinag-igib ng tubig mula sa balon. Matapos makainom ay tinali niya ito sa isang puno ng niyog upang makapanginain. Nang makabalik sa hapag ay naabutan ni Kiko ang kaniyang mga tiyo na pinag uusapan siya. “Ang sa akin lang Basyong ay sigurado na ang pagyaman niyong mag-asawa diyan kay Kiko. Aba ay matalinong bata, pagkatapos ay masipag pa. Ano pang hahanapin mo?” Bahagyang nahiya si Kiko sa winika ng kaniyang tiyo. “O , andyan na pala si utoy e. Kumusta ga ang pag-aaral?” “Ayos naman ho. Medyo mahirap pero kaya naman,” sagot ni Kiko na noon ay nakayuko pa rin habang kumakain. “Anak ‘wag pababayaan ang sarili ha. Basta’t wag isasakripisyo ang kalusugan sa mga ginagawa,” may bakas ng pag-aalala sa kung paano siya payuhan ng ina. Gusto sanang sumumpong ni Kiko sa kaniyang ina sa hirap na pinagdadaanan niya sa pag- aaral ngunit di niya kayang bigyan pa ito ng alalahanin. Itinabi na lang muna niya ang isiping ito at sinuklian ang ina ng ngiti upang ipalagay ang kaniyang kalooban. Maya-maya pa, sumabat ang kaniyang Tiya Nene sa usapan. “Kiko, ilang taon ka na lang ga sa college?” Isang walang kasiguraduhang sagot ang ibinalik niya dito. “Ah, isa na lang ho, kaka.” “Aba ayos! Isang taon na lang pala ay magkaka engineer na rin tayo sa pamilya!” “May licensure exam pa ho pagkatapos non,” pagpapaliwanag ng binata. “Ay sasaan pa at mabilis na yon!” pasubaling muli ng kaniyang tiyahin. “O, Basyong magkaka Engineer De Guzman na tayo,” dugsong niya pa. Ngiti lamang ang sinukli nito kay Nene. Hindi masalitang tao ang ama ni Kiko, ngunit bakas sa kaniyang mga labi ang galak para sa anak.
56
PANANAW XIII
Para sa kaniyang nag-iisang anak ay handang gawin ni Basyong ang lahat. Maging ang nakakapasong init ng araw tuwing anihan ay hindi niya alintana upang mabigyan lamang ito ng magandang buhay. Salat man sa mga materyal na bagay, sinigurado nito na kailanman ay hindi kakalam ang sikmura ng mahal na anak. Higit sa lahat, ang pagnanais niyang masigurado ang magandang kinabukasan ni Kiko ang dahilan ng patuloy na pagpupursigi niya sa kabila ng tumatanda at nanghihina nang katawan. Alam niya na mawala man siya sa mundo ay hindi kailanman dadanasin ni Kiko ang mga paghihirap nila sa buhay. “Ay siya nga pala Kiko, naihanda mo na ba ang mga kailangan mong dalhin sa munisipyo bukas? Magbibigay na raw ng scholarship si Mayor,” paalala ng kaniyang ina. “Hindi pa ho nalalabas ang grades namin, nay. Pero ipapaliwanag ko na lang po bukas.” “O sige. Agahan mo ha.” Tumango lamang si Kiko bilang tugon sa ina. Di nagtagal ay nabaling naman ang atensyon nang magtanong si Kiko. “Kumusta naman ho ang ani? Maayos po ba?” Ang kaninang malalakas na tawanan sa hapag ay agad na napalitan ng nakakabinging katahimikan sa winika ni Kiko. Agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng kaniyang mga tiyuhin, at bagamat ikinukubli ng pagsasawalang bahala ang lihim, sapat na ang katahimikan upang marinig ang mga suliraning hindi mabigkas ng bibig. Ilang sandali pa, tanging ingay lamang ng kalabaw, manok, at paghapay ng nagtatataasang puno ng niyog ang maririnig sa paligid. Nang mapansin ang pagkailang at tensyon ay napagdesisyunan nang basagin ng kaniyang tiyo Ding ang nakakabinging katahimikan. “Di naging maganda ang ani noong nakaraan. Halos walang natira sa mga palay. Lahat ay nasira noong nagkabagyo.” Tahimik pa rin ang lahat sa lamesa. Hindi rin alam ni Kiko ang mga salitang dapat banggitin sa mga oras na iyon. “Aabutin rin siguro ng kwarenta mil ang nalugi sa mga tanim. Hindi pa kasama ang mga utang sa pataba at upa sa lupa,” patuloy nito.
57
“Ganon po ba? Hindi po ba maaaring makahingi ng ayuda kay mayor?” mungkahi ni Kiko. “Sinubukan na namin lumapit noong nakaraang buwan pero marami rin ang humihingi ng tulong. Di na kami naasikaso,” paliwanag ng kaniyang tiyo. “Aba e binigyan nga kami ng sulat, e Ingles naman. Edi hindi namin maintindihan,” sabat ng kaniyang tiya Nene. “Pagkatapos kaming papirmahin sa isang papel ay pinaalis na kami at sasabihan na lang daw kung kailan maaaring bumalik,” rinig ang inis at dismaya sa boses ng kanyang tiyo. Bakas ang pag-aalala sa mata ni Kiko matapos malaman ang problemang kinakaharap ng kaniyang pamilya. Nanatiling tahimik si Kiko nang mapagtantong wala siyang kakayahan upang matulungan ang pamilya sa suliranin. Agad na napansin ng kaniyang ama ang pag-alala ng binata. “Toy, pinaluwagan naman tayo ng coop para makabili ulit ng ipupunla at abono,” paliwanag niya sa takot na makaapekto ito sa pag-aaral ng anak. “Kuya, simula nang makuha ni mayor ang pinakamalaking parte ng coop, alam naman nating nagbago na ang patakaran,” pasubali ni Ding. “Dapat ay hindi na lang tayo umutang dahil alam naman natin mas mababaon lamang tayo sa utang dahil sa laki ng interes!” Wala nang naisagot pa si Basyong sa sinabing iyon ni Ding. Tama naman ito. Ang pangungutang na may bente porsyentong interes ay dagdag na problema lamang at kailanman ay hindi naging solusyon. Hindi naman sana ito gagawin ni Basyong, ngunit wala na silang nakikitang iba pang paraan. Sa panahong iyon, nanalig na lamang siya na baka sakali ay marinig ng Diyos ang kaniyang mga panalangin at mangyari ang isang himala. Ilang sandali pa ng katahimikan ang naghari sa hapag hanggang sa muling nagpaalala ang ina ni Kiko. “O siya, wag mong kalilimutan bukas ang lakad sa munisipyo ha. Kapos pa rin tayo ngayon. Naibenta na ng tatay mo ang dalawa sa mga kalabaw natin noong nakaraaang buwan. Wala kaming maipapabaon sa pagluwas mo sa susunod na buwan,” paalala nito. “Sige po nay.” Ito na lamang ang naitugon ng binata na gulong-gulo pa rin ang isip 58
PANANAW XIII
sa mga nalaman niya. Batid ni Basyong ang epekto ng masamang balita sa anak. Bahagya niyang pinagmasdan ito at kita niya sa mga mata ni Kiko ang labis na pag-aalala, patuloy man nitong ikubli. Di pa man nakakapahinga mula sa mahabang biyahe, pinili na ni Kiko na tumulong sa kanyang ama sa pagbibilad ng mga palay. Muli, sinakay nila sa kariton ang mga sako at nagtungo na sa gilid ng sementadong kalsada upang ibilad ang mga ito. Kinagabihan, di pa rin maalis sa isip niya ang sinabi ng kaniyang mga tito, sa isip niya, lubha palang mahirap ang kalagayan ng kaniyang mga magulang. Di niya batid ang mga katotohanang ito dahil sa kabila ng madalas niyang pagtawag sa kaniyang ina, hindi nito nabanggit ang matumal na ani. Marahil dala na rin ito ng pag alala na maaari itong makaapekto sa kanyang pag aaral. Sa mga oras na iyon ay nabatid ni Kiko ang lalim ng pagmamahal ng kaniyang mga magulang. Di sasapat ang lawak ng palayan na pinapagyaman ng kanyang magulang upang ihalintulad sa pag-ibig na mayroon sila para sa anak. Nagising si Kiko sa maingay na tunog ng mga kaldero at matinis na tunog ng takure. Di pa man tumitilaok ang manok ay naghahanda na ang kaniyang tatay at mga tiyo sa isa na namang araw sa bukid. Hindi na nagsayang pa ng oras si Kiko. Sa araw na ito, kailangan niyang masiguro na maaayos niya ang kaniyang scholarship. Matapos ayusin ang mga registration form mula sa nakaraang semestre, inihanda niya ang kanyang ID. Di kumpleto ang kaniyang mga requirements ngunit umaasa siya na magagawan ng paraan na ihabol na lamang ang kanyang mga grades sa susunod na pasahan. Matapos mag almusal ay nagpaalam na si Kiko sa kanyang mga magulang. Lunes noon kaya batid na Kiko ang traffic na kaniyang kakaharapin sa daan. Upang mas mapabilis ang biyahe ay napili niyang sumakay ng jeep. Di hamak namang mas mura ito at mabilis kumpara sa pag upa ng tricycle papuntang bayan. Tahimik na pinagmamasdan ni Kiko ang mga pagbabago sa San Rafael habang nasa biyahe. Batid niyang malaki ang epekto ng pagusbong ng malalaking negosyo sa kanilang bayan. Ang dating malawak na mga palayan at mahahabang pilapil na nilalakad nila papuntang paaralan ay napalitan na ng mga grocery store o di kaya’y tindahan ng appliances, malayo sa San Rafael na kinilala niya ilang taon lamang ang lumipas. Unti-unti, napagtanto niya ang danas ng mga magsasaka sa kanilang bayan. Ang problema na kinakaharap ng kaniyang pamilya ay hindi iba sa pinagdadaanan ng bayan ng San Rafael, kung saan pagsasaka ang pangunahing pinagkukuhanan ng pamumuhay. 59
Skkkkkrrrrrt. Isang matalim na preno ang gumulat kay Kiko. Sa lakas ng pagsigaw ng mga taong nakakita sa aksidente ay hindi niya napigilan ang sariling makiusyoso. Mula sa bintana ng jeep ay pilit siyang dumungaw upang makita ang nangyari. Isang itim na aso ang nasagasaan ng magarang kotse sa kalsada. Nang masiguro ng mga nakakita na hindi ito tao ay agad na nawala ang kanilang interes, at nagpatuloy na ang mga ito sa paglalakad. Maya-maya pa, lumabas ang iritadong drayber mula sa kotse. “Langhiya. Pag minamalas ka nga naman o.” May bakas ng pagkainis at pandidiri sa kung paano niya tingnan ang kawawang hayop. Ang impit na tunog na ginagawa ng nakalandusay na aso ay tila paghingi ng awa. Agad na tinawag ng lalaki ang mga batang nagtitinda ng sampaguita sa gilid ng simbahan. Binayaran niya ang mga ito upang alisin sa kanyang daanan ang naghihingalong aso. Mabilis na humarurot ang lalaki matapos ang pangyayari. Hinila ng dalawang bata ang aso sa magkabilang paa nito at ipinwesto sa madamong bahagi ng kabilang kalsada. Humihinga pa ang aso nang dalhin nila dito. Di nagtagal ay nangisay ito at tuluyan nang nawalan ng buhay. Ang aksidenteng ito ay bahagyang umantala sa biyahe ni Kiko at pasadong alas nuwebe na rin nang marating niya ang munisipyo. Gaya ng karaniwan, mahaba ang pila ng mga scholar na magpapasa ng kanilang requirements. Tiyagaan lang talaga sa mga ganitong pagkakataon. Nasa kalahating oras rin ang inabot ni Kiko sa paghihintay sa pila. Nang marating niya na ang lamesa sa unahan ay bahagyang napawi ang iniinda niyang pagod. “Francisco De Guzman, makikilagay na lang ng requirements dyan sa tabi, at tatawagin ka nalang mamaya.” “Ma’am, hindi pa po kasi nagrerelease ang college namin ng grades. Kung pwede ho sana ay ipasa ko na lang sa susunod,”pakiusap ni Kiko. Sinenyasan niyang maghintay si Kiko sa lamesa. Pumunta ito sa punong tagapamahala ng programa upang itanong ang pakiusap ng binata. Kinakabahan si Kiko sa maaaring resulta nito ngunit ipinalagay niya na lamang ang sarili sa ideya na hindi lamang naman siya ang nag iisang kaso nito. Pagbalik ng babae sa lamesa ay may iniabot itong papel kay Kiko. 60
PANANAW XIII
“Ito ang pagpapatunay na kailangan mong maipasa ang grades mo matapos ang isang buwan. Siguraduhing maipapasa sa katapusan.” “Sige po, ma’am. Salamat po.” Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Kiko nang malaman na matatanggap niya ang grant sa araw ring iyon. Bumalik si Kiko sa kaniyang upuan at kampanteng naghintay. Matapos ang dalawang oras ay nag anunsyo na ang mga organizer na naayos na ang requirements ng mga scholar at hinihintay na lang ang mayor upang maipamigay na ang scholarship grants. Mag-aalas dos na ng hapon at makalipas ang ilang mga paalala ay dumating na sakay ng isang magarang kotse si mayor. Sa paglakad nito sa gitna ng covered court ay mistulang artista ito sa palakpakan; ito ay ayon na rin sa hudyat ng mga organizer. Sa kabila ng pagod at gutom sa matagal na paghihintay, di magkamayaw sa pagpalakpak ang mga estudyante sa pagdating ng mayor. “Please welcome, ang butihing ama ng San Rafael, Mayor Edgar Umali!” Matapos kamayan ang ilang tao sa stage ay nagpatuloy ang mayor sa isang talumpati. Makikita ang paghanga ni Kiko sa porma at tindig ng mayor. Walang pinagkaiba ang gara ng kanyang ayos sa mga nakikita niya sa poster. “Magandang hapon mga iskolar ng San Rafael. Malugod kong binabati ang bawat isa sapagkat kayo ang mga kabataan na patuloy na magsusulong ng kaunlaran ng bayang ito.” Nagpatuloy ang mahabang talumpati ng mayor at inabot ito ng higit sa kalahating oras. Sa inip at pagkabagot ay nakatulog na ang ilan sa kanilang mga upuan. Ang talumpati na naging sermon at pagmamalaki ng mga ambag ni Mayor Bobot sa bayan ay isa lang palang promosyon para sa eleksyon sa susunod na taon. “Batid kong ang karamihan sa inyo ay bumoboto na. Kita nyo naman ang pagbabagong nagagawa natin dito sa bayan ng San Rafael. Inaasahan ko ang inyong suporta upang maipagpatuloy pa ang mga magagandang programa na ating nasimulan. Mabuhay kayong lahat at magandang hapon!” Matapos ang talumpati ay nanatili ang mayor para sa ilang picture kasama ang mga iskolar. Agad niyang pinagpaalam ang sarili matapos nito, sa dahilang may dadalohan pa raw itong groundbreaking ceremony sa karatig na barangay.
61
Ilang sandali pa ay natanggap na ni Kiko ang sobre na naglalaman ng kaniyang scholarship grant. Binuksan niya agad ito sa sandaling makalampas sya sa pila. Limang libo pa rin ang alam nito. Matapos ang pamimigay ng allowance ay naisipang pumunta ni Kiko sa Agricultural Office ng munisipyo. Di pa man siya nakakaakyat sa ikalawang palapag, sinalubong na siya ng mahabang pila at pagod na mukha na hangad rin ang pakay niya—ang umapela ng ayuda mula sa pamahalaan. Mag aalas kwatro na rin ng hapon. Sa isip isip niya, aabutin na siya ng pagsasara ng munisipyo kung maghihintay pa siya. Sa paglabas niya ng opisina, kapit pa rin ang sobre, inisip niya na iabot na lamang sa ina ang nakuhang pera. Marahil ay makakakita naman siya ng part time job pagbalik sa Maynila. Karamihan naman sa mga kaklase niya ay nagtatrabaho sa fastfood o di kaya’y sa call center. Tama. Magpapatulong na lang ako sa paghahanap ng trabaho. Di pa man nakakaahon mula sa pagkakalunod sa mga isipin, nagulat si Kiko sa pagkukumpulan ng mga tao sa harap ng munisipyo. Palakas nang palakas ang bulungan ng tao habang siya ay papalapit. Sa di malamang dahilan, bumilis ang tibok ng kaniyang puso kasabay ng lakad niyang pabigat nang pabigat sa bawat hakbang. Maya maya pa, nasulyapan niya ang itim na pang-itaas na suot ng nakahandusay na katawan. *** Tirik na ang araw nang matapos si Basyong sa mga gawain sa bukid. Bagamat kita sa mga kalyo sa kamay ang bigat ng trabaho ng umagang iyon, hindi niya ito ramdam. Sa kaniyang isip ay tumatakbo pa rin ang alalahanin ng ipapadala sa anak sa susunod na buwan sa muli niyang pagluwas sa Maynila. Ang natitirang kalabaw nila ay nakasangla na at hindi niya pa ito nasasabi sa asawa at mga kapatid. Nangingilid na ang luha sa kaniyang mata habang nag aararo sa bukid noong araw na iyon. Naghalo ang pawis at luha sa kaniyang mukha, na pilit niyang pinipigilan sa minsang pagpunas sa manggas ng kaniyang itim na damit. Gulong-gulo ang isip at hindi alam kung saan hihingi ng tulong, napagpasyahan muli ni Basyong na lumapit sa mayor. Alam niyang hindi siya papakinggan ng mga opisyal sa opisina kung kaya’t sinamantala niya na ang pagkakataon na lapitan ang 62
PANANAW XIII
puno ng bayan nang maabutan ito bago pa man umalis sa munisipyo. Hawak ang liham na pinagtiyagaan niyang isulat ay sinubukan niyang katukin ang pinto ng magarang kotse ni mayor na noon ay kasasara lamang. Makailang pagmamakaawa man sa bintana ng sasakyan ay tila bulag at bingi ang mayor sa mga pakiusap ni Basyong. Maya-maya pa, sa desperasyon ay mabilis na tumakbo si Basyong sa unahan ng kotse upang harangin ang noon ay paalis na kotse. Isang matinis na preno ang naghari sa parking lot ng munisipyo. “Puta! Hindi ka ba marunong magmaneho? Anong katangahan iyan?” may bahid ng gulat at galit sa winika ng mayor. “Boss, sorry po. May natamaan yata tayo.” “Ano? Anak ng—Babain niyo at baka may makakita pa bilis!” kabadong utos nito. Ang malakas na pagkakabangga kay Basyong ay naging dahilan para tumama ang ulo nito sa sementadong sahig ng parking lot. Nagulat ang driver at security guard ng mayor nang matagpuan ang katawan nitong nangingisay at duguan na halos ilang dipa rin ang layo sa kotse. Nang makalapit sa katawan ay pinulsuhan nila ito ngunit tuluyan nang nilisan ng buhay ang katawan ni Basyong. Sa utos ng mayor ay kinaladkad ang katawan nito sa madamong bahagi ng munisipyo at sinilidan ng sampung libo sa bulsa nito. “Napakabagal ninyo! Bilisan niyo at baka may makaabot pa sa atin dito!” Mabilis na umalis ang mayor sa lugar. Sa pagtakas sa lugar ay tuluyan na ring iniwan ng mayor ang kaniyang konsensiya kasama ng bangkay ng lalaki. *** Di makapaniwala si Kiko sa naabutan niya. Tila naputol ang kaniyang dila at namanhid ang kaniyang buong katawan. Ilang segundo ding natulala si Kiko at tila nakapako sa lupa ang kanyan mga paa. Hindi niya namalayan ang dahan-dahang pagtulo ng luha mula sa kaniyang mga mata.Nanghina ang kaniyang mga tuhod at napaluhod siya sa larawan ng duguan at wala nang buhay na ama. Sa pag-asang hindi pa huli ang lahat ay lumapit siya sa katawan nito. Maingay man at di magkamaayaw ang mga tao na nakapalibot sa kanila ay tila walang anumang 63
tunog na naririnig si Kiko. Ang nanlalamig at namumutlang kamay ng kaniyang tatay ay mahigpit pa ring nakakapit sa isang piraso ng papel. Balisa at naghahanap ng kalinawan sa pangyayari, kinuha ni Kiko ang papel. Sa mga bali-balikong linya at barok na pagbaybay ng mga salita ay nalaman ni Kiko kung sino ang nasa likod ng sinapit ng ama. Meyor, Magandang araw po. Kame po ay humihinge ng tolong. Umaasa po kame na baka sakali ay mapagbigyan ninyo kame. Malake po ang aming pangangaylangan sa ngayon at wala na kame ibang matakbuhan. Sana po ay mapaluwagan ninyo kame ng kahit magkanong halaga, para sa pagaaral ng aking anak. Hindi maipaliwanag ni Kiko ang poot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Isang malakas na sigaw lamang ang napakawalan niya habang tangan ang ama sa kaniyang mga bisig. Umalingawngaw ang palahaw ni Kiko sa buong munisipyo. Sa pag-asang marinig ng Diyos ang daing ng kaniyang puso ay tumingala ito sa kalangitan. Sa halip na awa ay isang mapanghamak na ngiti ang natanaw niya sa itaas. Ang malaking lalaki sa dilaw na polo shirt ay abot tenga parin ang ngiti sa larawan nito. Sa mga oras ding iyon ay napagtanto ni Kiko na hindi peste o bagyo ang kalaban ng mga magsasaka. Ito ay ang mga ganid na tao na walang habas kung mangamkam ng yaman, habang iniiwan ang iba na nagdurusa sa mga mumo na nalaglag sa kanilang masaganang plato. Hawak pa rin ang sobre na naglalaman ng limang libong piso, matalim na tinitigan ni Kiko ang poster ng mayor. Kasabay ng pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata ay ang paghigpit ng kuyom ng kaniyang mga palad. Bumaon man ang kuko sa kaniyang balat ay hindi niya na nararamdaman ang sakit. Sa huling pagkakataon ay binuksan niya ang duguang palad na noon ay tangan pa rin ang sobre. Mula sa paningin na lumabo sa luha, tinitigan niya ito nang may katiyakan. Sa mga oras na ito, isa lamang ang alam ni Kiko. Kalakip ang damdamin na naghahangad ng katarungan, hindi niya hahayaang patuloy na isilid ang inhustisya sapagkat alam niya na ang dugo na nagselyo sa buhay ng kaniyang mga ama ay hindi nanggaling sa kaniyang mga kamay.
64
Mga May-akda Jed Tamboon BA Sociology, College of Arts and Sciences jstamboon@up.edu.ph | Facebook: @jediw0w Mahilig mag kape si Jed. Mahilig din siyang mag-isip na magaling siyang tumula.
Sean Paul Manalo BS Forestry, College of Forestry and Natural Resources Twitter: @seamppy | Twitter: @mgaipisngelbi Sean is a Forestry major who likes all plants and animals - except caterpillars.
Diego Felizardo BS Industrial Engineering, College of Engineering and Agro-Industrial Technology, Alumni mail.diegofelizardo@gmail.com | Twitter: @Felizardizzle Eldred Marcelo BA Communication Arts, College of Arts and Sciences, Alumni Twitter: @sadwukong Diego and Eldred are friends from UPLB who aspire to create more individual and collaborative works in their free time.
Miguel Carlos C. Lazarte BS Development Communication, College of Development Communication, Alumni Nagtapos ng DevCom noong 2018 si Miguel Carlos Lazarte habang siya rin ay aktibo sa social media @migzaurous.
Felipa E. Cheng BA Communication Arts, College of Arts and Sciences fecheng@up.edu.ph This essay has been submitted as a final paper requirement for HUM 101, revised for submission to Pananaw XIII ** Si Felipa ay ang kasalukuyang punong patnugot ng Pananaw.
Maria Victoria Almazan MS Development Communication, College of Development Communication Part-time ermitanyo Sirang Monitor Sirang Monitor sirangmonitor@gmail.com Ang ‘Kalinisan’ ay isang tugon sa pagnanais ni Manila Mayor Isko Moreno na panatilihing malinis ang kaniyang pinamumunuan. Isa rin itong tugon sa kaniyang pagbabanta sa mga naglagay ng mapanuring sining sa Lagusnilad Underpass. At higit sa lahat, isa itong paglalarawan sa mga dumadakila sa Alkalde. *** May natagpuang Sirang monitor sa Baguio noong 2017. Nag-iiwan ito ng mga tanda sa Facebook, Twitter, at Instagram, bilang @sirangmonitor.
Margarette Anne C. Mediano BA Communication Arts, College of Arts and Sciences mcmediano@up.edu.ph Aside from writing and reading, most of my life is taken over by memes, sarcastic comments (that I don’t often say aloud), indie playlists, and a closet full of clothes that I don’t at all need.
Alya Inciso BA Communication Arts, College of Arts and Sciences Alya Inciso is a sophomore student studying BA Communication Arts in UPLB. Most days she’d rather stare outside her dormitory window and appreciate the world. Amrie O. Cruz BA Communication Arts, College of Arts and Sciences amriecruz@gmail.com Kasing short ni Amrie Cruz ang short bio na ito. Siya ay full time pagod. Nagbabalak siyang maging freelance writer on the side para di masayang ang pagtatapos niya sa kanyang kurso. Nagpapasalamat siya sa [P], WiCi, Umal, at ComArtSoc.
PANANAW XIII
Michael Angelo D. Arturo BS Chemistry, College of Arts and Sciences mdarturo@up.edu.ph | Twitter: @iammaikool Michael is a frustrated writer.
Reuben Pio G. Martinez BS Development Communication, College of Development Communication rgmartinez2@up.edu.ph | Facebook: @reubenpio.martinez | Twitter: @ARegularFanboy | Ig: @p.martinez51 | Movie review blog: http://www.datelinemovies.com/ Comics, movies, hiphop. These are three of Ben Martinez’s favorite things. A student journalist with experience in news and editorial writing, in addition to photography, Ben is a storyteller who makes use of various media to create something unique. Poems and short stories are just to name a few.
Martin Louise Tungol BS Development Communication, College of Development Communication tungolmartinlouise@gmail.com | mstungol@up.edu.ph Here lie visual representations of the repressed. Embedded through images, the voice of the students, the issues of communities, the cries of the abused. Within these stills are movements towards achieving academic freedom, nationalism, and justice. For these photos manifest the power of masses united by public morality. Inside these images are not mobs, but patriots fighting for the nation’s name. Date Captured: August 20, 2019
Janelle Bucud BA Communication Arts, College of Arts and Sciences jbbucud1@up.edu.ph Janelle Bucud is a BA Communication Arts student who dedicates her spare time to over-analyzing things ranging from internet culture, hyped anime, and Winniethe-Pooh movies.
Ian Carlo Eugenio BA Communication Arts, College of Arts and Sciences ireugenio1@up.edu.ph | Instagram: @ianiannio Si Ian ay mahilig magdrawing. Sa ngayon, binubuhos nya ang kanyang kasanayan sa larangang ito sa kanyang social media, powerpoint slides, at mga projects. Maaari ka niyang iguhit sa murang halaga. Please.
Mac Andre Arboldea BS Development Communication Class of 2019, College of Development Communication http://asshulz.net | Twitter, Facebook: @asshulz | Ig: @warmestmachines bit.ly/34dE7Dt, 2019, is a two-piece new media work that asserts a Chinese registrar’s role in domain squatting as inseparable from the ongoing developments in China’s geopolitical and techno-imperialist encroachment in the Philippines and all over the globe. .COM is a screenshot of my previously owned website, asshulz.com, after my expired domain name was immediately taken by Beijing-based registrar XinNet Technology Corporation, superimposed with colors of the National Flag of the People’s Republic of China. At the time (around mid-2017), going to the URL would appear to redirect to Weibo.com, one of China’s biggest social media platforms. NO PARKING SPACE (noparkingspace.neocities.com) is a website that lists publicly available information on domain names owned by XinNet Technology Corporation. I’ve added links to news articles and forum complaints on XinNet, and made use of a YouTube lyric video of Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin by Filipino singer and actress Angeline Quinto embedded in the landing page. XinNet is notorious for cybersquatting (also known as “domain parking”), defined by the Republic Act No. 10175 of the Philippines as “the acquisition of a domain name over the internet in bad faith to profit, mislead, destroy reputation, and deprive others from registerting the same…”, a crime that could result in imprisonment or a heavy fine. In 2009, XinNet was named “worst registrar” by anti-spam and internet security project Knujon, after it was linked to thousands of websites involved in illicit activity such as spam, cloning sites for ad revenue, pornography, and the selling of fake or unregulated prescription drugs and counterfeit items. Today, XinNet currently owns nearly 5,000,000 domains while China ranks as the world’s worst abuser of internet freedom for the fourth consecutive year. *** Mac Andre R. Arboleda (aka Asshulz) is a researcher and writer based in Los Baños, Laguna. He is a member of Magpies Press, creative director of The Basement, and founder/organizer of Zine Orgy and Munzinelupa. He hates art and the Internet and wants to go back to school.
PANANAW XIII
Karen Manamtam BS Mathematics and Science Teaching, College of Arts and Sciences kgmanamtam@up.edu.ph Future teacher.
Jevi Quitain BA Philosophy, College of Arts and Sciences, Alumni Facebook: thisisjerick Jevi is the former president of the UPLB Writers’ Club and KULAYAN Coordinator.
Mark Ernest B. Famatigan BS Human Ecology, College of Human Ecology mbfamatigan@up.edu.ph Ang Insureksyon ay isang mapanlikhang collage na nais ipakita ang itsura ng hindi maiwasang tagumpay ng pakikibaka. *** Si Mark ay ang kasulukuyang kapatnugot ng UPLB Perspective, ang opisyal ng pahayagan ng Unibersidad ng Pilipinas Los Banos. Naghahanap siya ng raket. Bigyan niyo naman siya ng raket. Allaissa Calserada BA Communication Arts, College of Arts and Sciences Allaissa Calserada is a second year BA Communication Arts student of UP Los Banos.
PATNUGOT NG PANANAW
Punong Patnugot: Felipa Cheng Kapatnugot: Maria Victoria Almazan Patnugot sa Panitikan: Toni Ysabel Dimaano Patnugot sa Paglalapat: Ian Carlo Eugenio Tagapamahala ng Pinansiya: Mark Ernest Famatigan Mga Kawani: Juan Sebastian Evangelista Aynrand Angelo Galicia Fiona Cardino Jermaine Valerio Philip Xavier Li Queenie Marie Dickson Paula Bautista Sophia Pugay Jandelle Cruz Mac Andre Arboleda Isis Liwanag
PAGKILALA Sa mga guro ng UPLB Department of Humanities para sa pagsuporta sa paglilimbag ng proyektong ito, sa UPLB Writers Club sa kanilang tulong magpalaganap ng panawagan para sa submisyon, kay Racquel Malaborbor na nagsisilbi bilang kawaning administratibo ng pahayagan para maisakatuparan ang proyektong ito.
TUNGKOL SA UPLB PERSPECTIVE Tungkulin ng UPLB Perspective na magsilbi bilang plataporma ng pagsasanay ng mga estudyante sa alternatibong pamamahayag, at pamumuno sa politika ng ideya, opinion, at pagkilos. Kabilang ang publikasyon sa pangunguna ng pagbabandila ng malayang pamamahayag sa pamantasan pati na rin sa pagsilbi sa mga tuntunin nito sa pagtaas ng kamalayan at mobilisasyon ng komunidad ng UPLB. Patuloy na kumikilos ang [P] sa makaestudyante at makamasang oryentasyon.
PANANAW XIII
Ang patnugot ng publikasyon sa terminong 2019-2020 ay binubuo ng mga sumusunod: bilang Juan Sebastian Evangelista bilang Punong Patnugot, Mark Ernest Famatigan bilang Kapatnugot, Kristine Paula Bautista at Mac Andre Arboleda bilang Tagapamahalang Patnugot, Alvin James Magno bilang Patnugot ng Balita, Michael James Masangya bilang Patnugot ng Lathalain, Philip Xavier Li bilang Patnugot ng Kultura, Sonya Castillo bilang Patnugot ng Produksyon, Jandelle Cruz bilang Kapatnugot ng Produksyon sa Grapiks, Kristine Paula Bautista bilang Kapatnugot ng Produksyon sa Litrato, Ian Raphael Lopez bilang Patnugot ng Paglalapat, Dean Carlo Valmeo bilang Patnugot sa Online, Reuben Pio Martinez bilang Tagapamahal ng Sirkulasyon. Ang mga sumusunod ay nagsisilbing kawani ng publikasyon: Felipa Cheng, Lindsay Penaranda, Aynrand Galicia, Cyril Chan, Dianne Sanchez, Andrei Gines, Angelin Ulayao, Aubrey Beatrice Carnaje, Datu Zahir Meditar, Queenie Marie Dickson, Sophia Pugay, Caren Malaluan, Ma. Victoria Almazan, Paul Carson.
Ang opisina ng [P] ay matatagpuan sa Silid 11 ng ikalawang palapag ng gusali ng Student Union. Bukas ang pagsali sa [P] sa pagsali ng kahit sinong estudyante ng UPLB. Kung interesadong sumali, maaaring maabot ang publikasyon sa uplbperspective@gmail.com
Miyembro ng UP Alliance of Student Publications and Writer’s Organizations (UP Solidaridad) At College Editor’s Guild of the Philippines (CEGP) Mga pahina sa onlayn issuu.com/uplbperspective facebook.com/uplbperspective twitter.com/uplbperspective uplbperspective.wordpress.com